You are on page 1of 14

ANTAS NG WIKA

Dalawang Uri
ng Antas ng
Wika
1. Mga Salitang Impormal
O Di-Pormal
•- ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit
sa pakikipag-usap sa
mga kakilala o kaibigan.
Tatlong Uri Ng Salitang
Di-Pormal
A. Balbal (Slang)-ang tawag sa
mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga kalye kaya’t
madalas na tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.
Paraan Upang Makabuo Ng Salitang
Balbal
•a. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagkuha sa huling dalawang pantig ng
salita.
Halimbawa: Amerikano-Kano

•b. Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita


Halimbawa: tigas-astig
• c. Pagkuha ng salitang Ingles at
pagbibigay rito ng ibang kahulugan
Halimbawa: Toxic-ang ibig sabihin ay
busy o maraming trabaho

• d. Pagbibigay kahulugan mula sa


katunog na pangalan
Halimbawa: Carmi Martin na ang
kahulugan ay karma
•Iba pang halimbawa:
1. Yosi-sigarilyo
2. Ermat-nanay, ina
3. Erpat-tatay, ama
4. Utol-kapatid
B. Kolokyal
•ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap.Ito ay madalas na
ginagamitan ng papaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita
upang mapaikli ang salita o kaya’y
mapagsama ang dalawang salita.
HALIMBAWA:

•Pa’no - paano
•Kelan - kailan
•P’re - pare
•Meron - mayroon
•Te’na - tara na
•Nasan - nasaan
Paraan o bahagi pa rin ng barayting ito ang
dalawang wika tulad ng tagalog at Ingles o
Taglish o Tagalog-Espanyol

Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Taglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan.
(Tag-Espanyol)
C. Lalawiganin
•ito ay mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o kaya’y particular
na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika.
HALIMBAWA:
• ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig
sabihin ay “ewan”
• kaon mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin
ay “kain”
• biag mula sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin
ay “buhay”
• ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng
katagang “nga”
2. MGA SALITANG PORMAL
•mga salitang istandard dahil
ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-
aral sa wika.
HALIMBAWA:
a.Maybahay sa halip na waswit
b.Ama at ina sa halip na erpat at
ermat
c.Salapi o yaman sa halip na
datung

You might also like