You are on page 1of 2

FILIPINO 7

(Ang Mga Paghahambing)


Pangalan: ____________________________________Petsa: ___________

Isang ugaling higit na pagkaganda-ganda ang paghalik ng kamay o pagmamano


ng mga nakatatanda at magulang. Ito’y parehong napakalaking pagkilala ng
kabutihang–asal at respeto ng mga anak o kabataan . Mula noon hanggang ngayon ay
iginagalang ng mga kabataan ang karapatan ng kanilang mga magulang. Mas masarap
pakinggan ang pagbubunyi ng ibang mga lahi sa kaugalian at kultura nating mga
Pilipino . Ang pagiging magalang ay di-matutumbasang dangal kahit ano pang yaman
sa mundo. Higit na matamis ang pag-ibig at gamundong pagkakandili ng anak sa
magulang at mga kabataan sa nakatatanda. Ang mga ugaling ito ay kapwa ipagmalaki
nating mga Pilipino.

B. Panuto: Suriin kung anong antas ng pang-uri ang sinalungguhitang salita. Iguhit
ang , kung ito ay pahambing na patulad at kung ito naman ay pahambing na
palamang.
1. Mas banayad ang haplos ng isang ina sa anak na nagdurusa sa sakit na
nakamamatay kaysa sa gamot.
2. Magkasinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
3. Parehong nakalulumo ang pangyayari sa Covid-19 at Spanish Flu na pandemic.
4. Higit na nahihirapan ang mga magulang sa pagdidisiplina ng anak dahil sa mga
social media.
5. Sintamis ng tsokolate ang pagmamahal ng ama at ina sa kanilang mga anak.
C. Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay at punan ang patlang ng angkop na
pang-uri upang mabuo ang mga ito. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ang Isang Ina


Siya ay (1) ____________ sa lahat ng kanyang mga supling. (2)_______ ang
kapakanan ng pamilya kaysa sa kanyang sariling buhay. Ang ina na ilaw ng tahanan, tagapag-
aruga at taga-bantay.Handang magbuwis ng buhay dahil sa (3) ___________ nagbibigay
unawa ng pag-uugali at katangiang taglay ng mga anak. Walang pag-aalinlangang
sumusubaybay (4)_________ ng bakal ang dibdib lalo na kung magkakasakit ang pamilyang
kanyang inaalay. Mahal na mahal niya ang anak na siyang bunga ng kanyang pagbubunyi sa
hirap at ginhawa. Kaya siya ay (5) ________________ sa lahat ng oras at panahon. Ang ina ay
biyaya sa isang pamilya na simbango ng halimuyak sa halamang namumulaklak.

D. Panuto: Kilalanin kung ang paghahambing na sinalungguhitan sa bawat


pangungusap ay pasahol o patulad.
_________1. Ang pagiging mabait ay di-hamak na ipinagmamalaki kaysa sa isang
masungit.
_________2. Ang guro at magulang ay parehong tagasubaybay para sa mabuting
buhay ng mga mag-aaral.
_________3. Mas mainam mag-aral sa isang tahimik na lugar kaysa sa maingay.
_________4. Kasinliwanag ng buwan ang buhay ng anak na laging nakikinig sa payo ng
magulang kaysa sa isang batang nagbibingihan.
_________5. Higit na sariwa ang simoy ng hangin sa probinsiya kaysa sa siyudad.

You might also like