You are on page 1of 44

Filipino 5

Aralin 7:
Paggamit ng mga Bagong
Natutuhang Salita
Komposisyon
-ay simpleng paraan ng pagsulat na
maaaring batay sa karanasan o
pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa
mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal.
Matapos makapagsulat,
mahalaga na maiwasto ang mga
baybay na salita, wastong palugit,
bantas at wastong gamit ng
malaking titik.
Mahalaga na maunawaan ang mga
kahulugan ng mga salita at
magkakaugnay ang mga ito upang
magamit sa pagbuo ng sariling
komposisyon.
huwaran - modelo
ikintal - ilagay
mapitagan - magalang
krisis - kakulangan
responsable - mapanagutan
- umiba ng daan
lumihis
hangarin - nais
mapanganib - delikado
paglaganap - pagkalat

lugmok - nakabaon
tinatamasa - nararanasan
nagmumula - galing
dinarayo - pinupuntahan

huwaran - modelo
ayuda - tulong
naantala - natigil
kapos - kulang

isusulong - itutuloy
pag-aalala - pangamba
tahanan - tirahan
naniniwala- nananalig

makakamit - maaabot
sakripisyo - buwis
Mabuting Hatid ng Pandemya
Matinding kahirapan at pangamba ang dulot ng
COVID-19 sa mga Pilipino. Marami ang nawalan ng
hanapbuhay sapagkat nagsara ang mga opisina
o pabrikang kanilang pinagtatrabahuhan. Ang mga
tindahan naman ay napilitan ding a sapagkat kakaunti ang
namimili. Ganyan ang sitwasyong nararanasan ng mga
mamamayan sa ngayon. Sila ay kapos sa mga pangunahing
pangangailangan. Ito ang nagbibigay sa kanila ng
pangamba.
Lalong malaking problema sa pamilya kung may
magkakasakit ng COVID-19, Saan kukuha ng pampagamot
at mga masustansyang pagkain? Halos
hindi na kaya ng ating pamahalaan ang mga gastusin. Ang
mga ayudang ibinibigay ay hindi sapat para sa mga
mahihirap na pamilya. Talagang kailangan nating umisip
ng paraan upang makatulong sa mabigat na suliranin ng
ating bansa.
Batid nating lahat na ang edukasyon ang mabisa at
mahalagang paraan upang makamit ang kaunlaran at masaganang
pamumuhay.Salamat at hindi naantala sa pag-aaral ang mga mag-
aaral.Nagsikap ang Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ng
Kalihim nito na si Kalihim Leonor Briones na isulong ang pag-
aaral sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan ng paghahatid nito,
tulad ng paggamit ng modyul, online na pag-aaral,pagtuturo gamit
ang telebisyon at radyo at ang “Blended Learning “o pinaghalong
paraan ng paghahatid ng
kaalaman sa mga mag-aaral.
Ang ahensyang may kinalaman
tungkol sa pagsasaka at iba pang
livelihood program ay nagbahagi ng
kanilang tulong upang mapaunlad ang
ating kabuhayan.
Bagama’t malaking dagok sa atin ang hatid ng
pandemya mayroon din namang positibo o mabuting
inihatid ito sa mga mamamayan. Ang puso ng bawat
isa ay natutong maging mapagbigay at tumulong sa abot ng
kanilang kakayahan sa mga kapos ang kabuhayan. Ang
mga tao ay higit na naging maka-Diyos at mababang loob.
Naantig ang kanilang puso’t isipan na lalong mahalin ang
kanilang pamilya at kapwa tao.
Dahil sa COVID-19 tayo ay nabuklod ng
pagmamahal para sa kaligtasan ng lahat. Patuloy
tayong gumawa at kumilos para sa kabutihan ng
ating kapwa nang makamit natin ang higit na
pagpapala ng Diyos.
Mga tanong:
1. Anong uri ng pandemya ang nararanasan ng mga Pilipino sa kasalukuyan?
2. Magbigay ng mga epekto sa mamamayang Pilipino ng paglaganap ng
COVID-19 virus?
3. Ano ang tawag sa ibinibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na
naapektuhan ng pandemya?
4. Sinikap ng Kagawaran ng Edukasyon na hindi maantala ang pag-aaral sa
kabila ng pandemya. Ano-anong paraan ng paghahatid ng kaalaman ang
isinulong ng Kagawaran?
5. Sa kabila ng matinding idinulot ng pandemya sa mga Pilipino, paano nila
ito hinarap?
6. Sa iyong pananaw, bilang isang bata sa ikalimang baitang, paano ka
makatutulong sa mga naapektuhan ng pandemya?
pangamba
ayuda
naantala
isulong
ahensya
positibo
pandemya
kapos
naantig
nabuklod
Subukan Natin!
Idyoma
Idyoma
-pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-
tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng
isang lugar.
1. butas ang bulsa
- walang pera

Palagi nalang butas ang bulsa mo


dahil palagi ka nagsusugal.
2. ilaw ng tahanan
- ina; nanay.

Magaling ang aming ilaw ng


tahanan pagdating sa pagluluto.
3. bahag ang buntot
- duwag.

Bakit hindi mo ipinagtanggol ang


iyong sarili? Bakit bahag ang
buntot ka?
4. bukas ang palad
- matulungin.

Napakabukas ang palad mo lalo na


sa mga mahihirap.
5. kapilas ng buhay
- asawa.

Ang aking ina ang kapilas ng buhay


ng aking ama.
6. nagbibilang ng poste
- walang trabaho.

Kaya sila hirap sa buhay dahil ang


asawa nyan ay nagbibilang lang ng
poste.
7. ahas
- traydor; taksil.

Sa kabila ng mga kabutihan niya sa


kanyang pamangkin, si Popoy ay isa
pa lang ahas.
8. balitang-kutsero
- balitang hindi totoo.

Huwag kayong magalala, hindi


basta naniniwala ang Boss namin
sa mga balitang-kutsero.
9. bantay-salakay
- taong bait-baitan.

Sa alinmang uri ng samahan, may


mga taong bantay-salakay.
10. basa ang papel
- bistado.

Huwag ka nang magsinungaling pa!


Basa na ang papel mo sa guro
natin.
11. di madapuang langaw
- maganda ang bihis.

Wow! Parang di madapuang langaw


si Tirso sa suot nitong barong.
12. di makabasag-pinggan
- mahinhin.

Sa tingin palang, tila di makabasag-


pinggan ang kapatid ni Nestor na si
Nena.
13. isang kahig, isang tuka
- hindi sapat ang kinikita.

Karamihan sa ating kababayan ay


isang kahig, isang tuka ang
kalagayan ng buhay.
14. itaga sa bato
- tandaan.

Itaga mo sa bato ang ginawa mo sa akin


na pamamahiya!
15. itim na tupa
- masamang anak.

Sa inyong magkakapatid, ikaw talaga


ang itim na tupa. Maawa ka naman sa
nanay mo.
16. pag-iisang dibdib
- kasal.

Ang pag-iisang dibdib nina Nathan at


Mikay ay gaganapin sa Oktubre 18 sa
darating na taon.
17. balat sibuyas
- mabilis umiyak.

Si Jerry ay balat sibuyas kaya huwag


mong asarin.
18. magdilang-anghel
- Magkatotoo sana.

Hinahangad mong sana'y magwagi ako


ng unang gantimpala, magdilang-
anghel ka sana.
19. mabigat ang dugo
- nakakainisan.

Ewan ko kung bakit mabigat ang dugo


ng Boss namin sa baguhang si Norma
na isang probinsiyana.
20. malikot ang kamay
- nangunguha/ nagnanakaw.

Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na


kilalang malikot ang kamay. Huwag sya
ang paghawakin niyo ng pera.

You might also like