You are on page 1of 6

ARALIN 11: URI NG KOMPOSISYON

1. NARATIBO

 Ang pagsasalaysay tulad ng ibang uri ng pagpapahayag ay hindi nakatatayong


mag-isa nang hindi nahahaluan ng paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran.
Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento. Ito ay pagpapahayag ng naglalayong
maghayag ng sunud-sunod na pangyayari palasak at madalas na kailanganin ito
ng tao
 Maaaring pasalita o pasulat ang pagsasalaysay. Ang dalawang paraang ito ay
maaaring hanguin sa mga sumusunod:
1. Sariling karanasan
2. Pangyayaring nakita o nasaksihan
3. Pangyayaring narinig o napakinggan
4. Pangyayaring nabasa o natunghayan
5. Bungang-isip o likhang isip

2. EKSPOSITORI

 May layuning gumawa ng isng malinaw,sapat at walang pagliling na


pagpapaliwanag sa anumang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao

“PROBLEMA SA MATH, SOLUSYON AY FILIPINO”

Iisipin natin ang sitwasyon sa klasrum, mahirap para sa guro at estudyante na gumamit ng
banyagang wika sa paglalahad ng karanasan at mga konkretong halimbawa kaugnay ng mga
paksang tinatalakay sa Siyensa at mas lalo na sa Matematika. Kung kaya’t madalas magreklamo
ang estudyante na hindi niya maintindihan ang tinuturo kaya bagsak ang nakukuha niyang
grado. Kailangan ng isang midyum na komportable ang lahat para maging maayos ang
komunikasyon at hindi nagkakaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral dulot ng wikang hindi
maintindihan.
Mahirap ipaliwanag sa isang banyagang wika ang kahalagahan ng pagtuturong
Matematika na hindi nahihirapan ang mga estudyante pati narin ang guro. Hindi na kailangang
maging teoretikal o isipin ng malalim dahil simple lang ang argumento para sa promosyon ng
Filipino para sa midyum ng pagtuturo.
Bagamat marami ang nanliligaw, halimbawa, na nagpapasikat sa paramihan ng Ingles,
aminin nating Filipino pa rin ang ginagamit natin para malalim na ipahayag ang ating
damdamin. Sariling wika pa rin ang midyum sa mga away at lambing ang nangyayari, pati narin
sa panahong kailangan nang tapusin ang relasyon sa kung anumang dahilan.
Kung kaya’t ganoon din pagdating sa Matematika. Mahirap para sa isang estudyante ang
maintindihan ang itinuturo kung ang gamit na midyum ng guro ay Ingles. Kaya bilang nag-aaral
sa larangang ito, mas madali na maintindihan kung Wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo
para masolusyunan ang suliranin sa pagbaba ng grado ng mga estudyante sa Matematika.
1. ARGUMENTATIBO
 Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga
argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatwiran.
 Mabisang panghihikayat at di mapasubaliang pagsisiwalat ng mga prinsipyo o
paninindigan o sarling pagtitimbang hinggil sa isang paksa
 ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw
patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.

Pabor sa K-12

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging
bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng
pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang
magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa
pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko
ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.

Hindi Pabor sa K-12

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad
dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging
mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung
kaya kulang sa pagsasanay ang mga guro  para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral,
na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-
aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng
Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga
pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ang mga guro
at kawani.

DESKRIPTIBO

 Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mambabasa


 Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao,
sitwasyon, pook, karanasan, o pangyayari na magbibigay sa mga mambabasa
ng ideya at larawan sa kanilang isipan

Ang kanyang matangos na ilong, malaporselanang kutis, mapupulang mga labi, at makintab na
buhok ang bumibighani kay Marko.
1. Bago siya pumasok sa silid, napansin niya ang pagbabago sa paligid mula ng siya ay
umalis sa bahay. Nakita niyang may dalawang sapatos sa gilid,  dalawang baso sa mesa,
at amoy pabango na sala na ibang iba sa pabangong gamit niya.

SANAYSAY

 Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman g personal na kuru-


kuro ng may akda
 Ito ay gumagamit ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa para
nito’y makapahayg ng katotohanan o mga eksperyensya ng tao. Pwede
itong maikli o mahaba.

Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng
bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para
magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting
hinaharap.

Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa
ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay,
kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan
ang mga ito.

At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may


pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para
makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”.

Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating
tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat
ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong
ginagawa.
LATHALAIN

 Isinulat upang magpabatid ng impormasyon sa pamamagitan ng kawili-


wiling pamamaraan at nakadaragdag ng kulay at buhy ng pahayagan.
 HALIMBAWA : RATED K AT KMJS

MGA LAYUNIN NG LATHALAIN

 MAGPABATID
 MAGTURO
 MAGPAYO
 MANLIBANG
EDITORYAL o pangulong tudling

 Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagniwala
o makalibang sa mga mambabasa
 Sariling opinion ng patnugot ng pahayagan

Maraming ipinagbawal mula nang ipatupad ang enhanced community


quarantine (ECQ) noong Marso 16. Kabilang dito ang pagtitipun-tipon ng mga
tao. Bawal ang magkumpul-kumpol. Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may
physical distancing. Mahigpit na ipinasusunod ang pagsusuot ng face mask.
Kasama rin sa pinagbabawal ang pagdaraos ng mga party o anumang
kasayahan na maaaring magsama-sama ang mga tao. Pati nga ang mga
religious gatherings at activities ay bawal din. Mahigpit ding ipinagbabawal ang
pagtitinda ng mga nakakalasing na inumin.

Ang mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal para huwag magkahawahan. Ang


physical distancing ay mabisang paraan para mapigilan ang pagkalat ng virus
na naisasalin sa pamamagitan ng droplets kapag umubo o humatsing ang
taong infec-ted. Kung walang mask, malalanghap ang virus at walang tigil sa
pagkalat. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11,000 ang infected ng
COVID-19 sa bansa. Halos araw-araw ay may naitatalang kaso.

Kaya naman maski si President Duterte ay seryoso sa pagpapaalaala sa lahat


na sumunod sa ipinag-uutos para mapigilan ang virus. Ang Philippine National
Police (PNP) ang inatasang magpatupad ng mga batas. Mula nang ipatupad
ang ECQ, naging mahigpit ang mga pulis. Ang mga nagtitipon sa kalye ay
hinuhuli, ang mga walang face mask, nag-iinuman at nagsusugal ay inaaresto.
Dapat sumunod sa batas ang lahat.

Noong nakaraang linggo, nagdaos ng kaa-rawan si National Capital Region


Police Office (NCRPO) chief General Debold Sinas. Marami siyang naging
bisita. Nagkaroon ng kainan at inuman. Nagkuhanan ng picture at nakita na
hindi naipatupad ang social distancing sa pagtitipon. Maraming walang suot na
face mask. At nalabag ang liquor ban.
MAIKLING KWENTO

 Isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang -isip na hango


sa tunay na pangyayari sa buhay (E. Alllan Poe)
 Ito ay kapupulutan ng aral

Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko


Mahirap ang pamilya ng batang si Kiko. Isang barker sa sakayan ng dyip ang ama niyang si
Pablo habang labandera naman ang ina niya si Thelma. Panganay na anak ng mag-asawa si
Kiko, ang bunso ay si Rico.

Dahil sa hirap ng buhay, kadalasan ay pumupunta ng paaralan ang magkapatid na walang


laman ang tiyan at bulsa. Subalit, sa kabila ng hirap ng kanilang pamumuhay, parehong
pursigido sa pag-aaral sina Kiko at Rico.

“Paglaki ko, magiging doktor ako. Ako na ang gagamot kina Tatay at Nanay,”  laging sinasabi ni
Kiko sa klase.

sang araw, may isang grupo ng mga negosyante ang pumunta sa paaralan nina Kiko at Rico.
Nais nilang ipatupad ang adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo. Namili sila ng sampung bata na
dadalhin nila sa mall at ipagbibili ng mga gusto nito.

Isa si Kiko sa mga napili ng mga negosyante. Dinala sila sa pinakamagarang shopping mall sa
bayan. Pagdating doon, lahat ng mga kasama ni Kiko ay pumunta kung saan nandoon ang mga
laruan.

Bawat isa sa kanila ay masayang namili ng laruan maliban kay Kiko. Napansin ni Mr. Cruz na
mukhang malungkot si Kiko. Tinanong niya ang bata na agad namang sumagot kahit kitang-kita
na nahihiya ito.

“Gusto ko po sana ibili si Tatay ng bagong tsinelas at ibili ng damit si Nanay,”  sagot ni Kiko sa
isa sa mga negosyante.

You might also like