You are on page 1of 17

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
Natutukoy ang kahulugan ng pangunahing
paksa at pantulong na mga ideya
Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at
pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng
media
Balik-aral
• Saang bansa nagbakasyon si Rebecca? Ilang buwan ang
pamamalagi niya sa bansang ito?
• Ano ang nalaman niya tungkol sa kultura at tradisyon ng mga
taga-Espanya?
• Ilahad ang klima at panahon ng bansang Espanya.
Panuto: Mag-isip ng mga salitang konektado o may kinalaman sa
salitang TALATA. Ilagay ang sagot sa loob ng mga kahon

TALATA
Pangunahing Paksa
at Pantulong na
mga Ideya
Ang isang gawaing pangkariwang
bahagi ng buhay ng isang mag-aaral ay
ang pagsulat ng talata. Madalas,
pagkatapos sumulat ay ilalahad naman
nang pasalita ang isinulat. Kapag ang isang
tao ay sumusulat ng isang talata ay lagi
siyang may pangunahing paksa o ideyang
nais iparating sa kanyang mambabasa.
Ang pangunahing paksa o ideyang ito ay nakapalood sa
isang pangungusap na tinatawag na PAKSANG
PANGUNGUSAP. Maaaring makikita o matagpuan sa iba’t
ibang bahagi ng talata ang pangunahing paksa subalit
karaniwang ito ay nasa unang pangungusap.

Ang pangunahing paksa o ideya ay ang bahaging


sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan ang talata?” o “Ano
ang paksa o mensaheng gusting ipaabot ng talata?”
Ang isang talata ay binubuo hindi lamang ng pangunahing
paksa kundi ng mga pantulong na ideya rin. Taglay ng
pangunahing paksa ang mensaheng nais iparating ng talata
samantala, ang mga PANTULONG NA IDEYA naman ay
nagbibigay-linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye
upang higit itong maunawaan ng mga mambabasa.
Madalas, ang mga pantulong na ideya ay pinangungunahan
ng mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng
mga salitang una, kasunod, pagkatapos, at sa wakas o
panghuli. Maayos o lohikal dapat ang pagkakasunod-sunod ng
mga pantulong na ideya upang mas madaling maunawaan ang
mensaheng inilahad ng mga ito.
HALIMBAWA
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng
mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng
sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-
araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piloting maabot. Matibay ang
isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal
na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol
naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap


ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan
ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat
lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng aalaman sa mga
bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan.
Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at
pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at
magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang


kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na
edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na
programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging
armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat
lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na
kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad.
Pamprosesong Tanong
Ano ang pangunahing paksa? Ano naman ang mga pantulong na
ideya? Paano nagkakaiba ang dalawang ito?
Saan karaniwang makikita ang pangunahing paksa? Ano ang
nararapat itanong ng isang mambabasa sa kanyang sarili upang
madali niya itong makita?
Mahalagang KAisipan
Malaki ang tulong ng pangunahing paksa dahit ito ang magiging
batayan sa isusulat na sanaysay o tula. Ito ang magsisilbing ilaw na
magbibigay-liwanag para magkaroon ng tamang direksyon ang
impormasyong ihahatid o isusulat. Ang mga pantulong na ideya ay
mas lalong nagbibigay-katibayan patungkol sa paksa. Ito ang siyang
magbibigay-kaliwanagan upang mas lalong maintindihan at
maunawaan ang isusulat na piyesa.
Tanong 101:
 Bakit mahalaga na kailan nating malaman o matukoy ang
pangunahing paksa at ang pantulong na ideya ng isang
akda? Gaano ka importante ang papel ng dalawang ito?

You might also like