Mga Paalala: 1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap ang klase. 2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito kapag tinatanong ng guro. 3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi bago pa magsimula ang klase. 4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan. 5. Iwasan ang MULTI TASKING. MGA LAYUNIN Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association Naipahahayag ang sailing kaalaman at opinion tungkol sa isang paksa sa isang talumpati Balik-aral Bakit mahalagang igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao? SANAYSAY Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at pananaw, mayroong tiyak na paksa at laging nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat upang magbigay ng impormasyon, manghikayat, o para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng manunulat. TALASALITAAN:
Pagtatakip-silim - pagtanda o mag-gagabi
Madilim - mahirap o walang pag-asa Bangungot - pagsubok o suliranin Sumigla ang kalakalan - umunlad ang negosyo Nag-alsa balutan - nag-alisan Sanaysay: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall Ang Berlin Wall ay itinuturing na simbolo ng “Cold War” sa pagitan ng demokrasya at komunista. Itinayo ito noong Agosto 13, 1961 bilang pansamantalang bakod na gawa sa alambreng may tinik o barbed wire para mapaghiwalay ang Silangang Berlin na kontrolado ng mga Komunista at ang Kanlurang Berlin na nagtatamasa ng demokrasya. Sa pagdaraan ng panahon, ito ay pinatibay, pinataas, at ginawang kongkreto. May taas itong labing-isa hanggang labintatlong talampakan at nakapaikot sa kabuoan ng Silangang Berlin sa habang 160 kilometro. Katunayan, humigit-kumulang 100,00 Berliber ang nagtangkang tumakas papuntang kanluran subalit nasa lima hanggang sampung libo lang ang matagumpay na nakatakas. Umabot sa 200 tao ang naitalang namatay habang tumatakas. Ang iba’y binaril at pinatay ng mga guwardiya. Pagkalipas ng 28 taon ay nabuwag ang bakod noong Nobyembre 9, 1989 at ang Berlin ay nagging isang ganap at buong lungsod muli noong Oktubre 3, 1990. Gayunpaman, ang Berlin Wall ay mananatiling bahagi ng madilim na kasaysayang sumisimbolo sa panunupil sa kalaayaan at karapatan ng tao. KOMUNISTA - Isang patakaran ng ideolohiya na ang sentro ng pagpapahalaga ay ang pag-iral ng kanilang sistema kaysa karapatang pantao ng kanilang pamahalaan. (Silangang Berlin)
DEMOKRASYA - Isang uri ng sistemang panlipunan na
kung saan ang desisyon ng pamahalaan ay nakadepende lamang sa desisyon ng nakararami. (Kanlurang Berlin) N N G O A O Y N O N Sanaysay: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall May isang babaeng nagngangalang Amelie Bohler na isinilang noong 1939 sa lungsod ng Silangang bahagi ng Berlin. Ang kaniyang trabaho, mga kaibigan, at si Ludwik na kaniyang kasintahan ay nasa Kanlurang bahagi naman ng Berlin. Pagkalipas ng anim na buwang pag-iibigan, napagpasya na nilang magpakasal at si Amelie naman ay lilipat sa Kanlurang Berlin kung saan doon naninirahan si Ludwik. Sa mga oras na iyon ay makikita ang bakas ng saya sa kanilang mga mata hanggang sa pag lubog ng araw noong Agosto 12, 1961. Kinabukasan ng nasabing gabi, Agosto 13, 1961, ay nangyare ang hindi inaasahang biglaang pagsara ng biyahe ng tren patungong Kanlurang Berlin, ang sanhi nito ay ang Cold War o panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar, sa pagitan ng hindi pagkakaunawaan ng Estados Unidos ng Amerika, Britanya, at Pransya na Demokratiko ang namahala sa Kanlurang Berlin at Soviet Union na komunista naman ang namahala sa Silangang Berlin. Tuluyang nahati ang Silangan at Kanluran sa pagbuo ng Pader ng Berlin o Berlin Wall sa ingles. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, ang bansang Alemanya o Germany ay nasakop ng Allied Powers. Pinaghatian ng mga ito ang bansa gayundin ang kabisera nitong Berlin. Noong una’y nagkakasundo ang apat sa paraan ng pamumuno sa bansa subalit hindi rin nagtagal sa pagkakaiba ng paniniwala at pamamahala. Ang Estados Unidos ng Amerika, Gran Britanya, at Pransya ay pawang nagpatupad ng demokrasya, samantalang ang sa Soviet Union ay komunista. Ang Kanlurang Germany ay tinawag na German Democratic Republic habang ang Silangang Germany ay Federal Republic of Germany. Tinulungan ng mga sumakop na ayusin ang ekonomiya ng Kanlurang Berlin sa pamamagitan nang pag-angkin ng Soviet Union sa lahat ng mga puwede mapakinabangan sa Silangang Berlin na naging dahilan naman ng pagiging usad-pagong na pag-unlad ng bahaging ito. Hindi na kinaya ng mga taga Silangang bahagi ang pagkalugmok at nagsimulang tumakas ang mga tao patungong Kanlurang Berlin. Bunga nito ay isinara ng mga guwardya ang mga butas sa Berlin Wall at lalong naging strikto na humantong sa kailangan nang agad agarang barilin ang magbabakasakaling tumakas ulit. Mas lalong napalayo si Amelie kay Ludwik at tuluyang nagkahiwalay sa loob ng dalawampu’t walong taon at isang beses lamang nakapagpadala ng sulat si Ludwik kay Amelie sa tulong ng isang kinatawan ng pamahalaan sa Kanlurang Berlin sa patagong pagbigay nito na naglalaman ng katagang “Hihintayin kita.” at sa wakas, sa tuluyang pagwasak sa Berlin Wall ng mga tao, si Amelie ay limampung taong gulang na ngunit sariwang-sariwa pa rin sa kanyang kaisipan na si Ludwik ang minamahal niya. Agad niyang inabangan si Ludwik, dala-dala ang pag-asa, takot at kaba, nagbabakasakaling matutupad ni Ludwik ang pangako niya at sa paglingon niya sa kulumpon ng mga nagsisigawan na tao ay nakita niya ang kanyang kasintahan. Nagkitang muli sina Amelie at Ludwik at masayang itinuloy ang naudlot nilang planong pagpapakasal makalipas ang isang buwan. Ngayo’y ipinagdiriwang na nila ang ika- 25 na anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib. “Ang kalayaan ng tao’y isang biyaya, kaya naman sa lahat ng nagtatamasa nito, pakaingatan at huwag hayaang ito’y mawala.” ACTIVI TY 1. Gamitin ang estratrhiyang Read and React upang maibahagi ang sariling pananaw o opinion kaugnay ng binasang sanaysay. (Pahina 288-289 sa batayang aklat) Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Aleman, lalong-
lalo na sa mga naiwan sa bahaging silangan ang pagtayo ng Berlin Wall? Mahalagang KAisipan Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ngpagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.