You are on page 1of 18

Pag-ibig na Nawala

at Natagpuan sa
Berlin Wall
Pangkat 6
01 Bansang
Pinagmulan 03 Tungkol sa
May-Akda

02 Talasalitaan 04 kuwento
Paglalahad ng
• Nagmahal ka na ba?
• Pinayagan ka ba mahalin yung
tao?
Bansang
Pinagmulan
Berlin, Germany
( Alemanya)
● Berlin ang kabisera ng Germany.

● Ang Germany ay mayroong higit 82


milyong mamamayan.

● Opisyal na wika ng Germany ay German.

● Miyembro ng European Union Ang


Germany.

● Kristiyanismo Ang pangunahing relihiyon sa


Germany.
Talasalitaan

01 KOMUNISTA
Isang patakaran ng ideolohiya na ang pinaka sentro ng
Kahulugan: pagpapahalaga ay ang pag iral ng kanilang sistema kaysa
karapatang pantao ng kanilang pamahalaan.

02 KULUMPON
Tumutukoy sa tumpok ng tao;
Kahulugan: umpukan

03 NAGBABAKASAKALI
nagsusubok sa isang bagay upang
Kahulugan: mahanap ang sagot
Talasalitaan

04 BORDER
Hangganan o harang sa pagitan ng mga panig
Kahulugan:

05 DAGLIAN
Tumutukoy sa mabilisang kilos
Kahulugan: at pananalita
Amelie Bohler
• Isinilang sa Berlin noong 1939.

• Nakatira sa silangang bahagi ng berlin

• kawani sa malaking pagawaan ng gulong ng


sasakyan sa kanlurang berlin.

• 22 years old na si Amelie noong itinayo ang Berlin


wall.

• 50 years old na si Amelie noong binuksan ang


Berlin wall.

• Si Ludwik ang kasintahan ni Amelie.


Banghay ng Kuwento
Simula

May isang babaeng nagngangalang Amelie Bohler na isinilang noong


1939 sa lungsod ng Silangang bahagi ng Berlin, ang kaniyang trabaho,
mga kaibigan, at si Ludwik na kaniyang kasintahan ay nasa Kanlurang
bahagi ng Berlin naman.

Pagkalipas ng anim na buwang pagiibigan, napagpasya na nilang


magpakasal at si Amelie naman ay lilipat sa Kanlurang Berlin kung saan
ay naninirahan si Ludwik. Sa mga oras na iyon ay makikita ang bakas ng
saya sa kanilang mga mata hanggang sa pag lubog ng araw noong Agosto
12, 1961.
Banghay ng Kuwento
Suliranin

Kinabukasan ng nasabing gabi, Agosto 13, 1961, ay nangyare ang hindi


inaasahang biglaang pagsara ng byahe ng tren patungong Kanlurang
Berlin, ang sanhi nito ay ang Cold War o panahon ng tensiyong politikal
at tensiyong militar, sa pagitan ng hindi pagkakaunawaan ng Estados
Unidos ng Amerika, Britanya, at Pransya na Demokratiko ang namahala
sa Kanlurang Berlin at Soviet Union na komunista naman ang namahala
sa Silangang Berlin.
Banghay ng Kuwento
Papataas na
aksyon

Tuluyang nahati ang Silangan at Kanluran sa pagbuo ng Pader ng


Berlin o Berlin Wall sa ingles. Tinulungan ng mga sumakop na
ayusin ang ekonomiya ng Kanlurang Berlin sa pamamagitan nang
pagangkin ng Soviet Union sa lahat ng mga pwede
mapakinabangan sa Silangang Berlin na naging dahilan naman ng
pagiging usad-pagong na pagunlad ng bahaging ito.
Banghay ng Kuwento
Kasukdulan

Hindi na kinaya ng mga taga Silangang bahagi ang pagkalugmok at


nagsimulang tumakas ang mga tao patungong Kanlurang Berlin. Bunga
nito ay isinara ng mga guwardya ang mga butas sa Berlin Wall at lalong
naging strikto na humantong sa kailangan nang agad agarang barilin ang
magbabakasakaling tumakas ulit.

Mas lalong napalayo si Amelie kay Ludwik at tuluyang nagkahiwalay sa


loob ng 28 taon at isang beses lamang nakapagpadala ng sulat si Ludwik
kay Amelie sa tulong ng isang kinatawan ng pamahalaan sa Kanlurang
Berlin sa patagong pagbigay nito na naglalaman ng katagang “Hihintayin
kita.”
Pababang Aksyon

at sa wakas, sa tuluyang pagwasak sa Berlin Wall ng mga tao, si Amelie ay


limampung taong gulang na ngunit sariwang sariwa parin sa kaniyang kaisipan na si
Ludwik ang minamahal niya. Agad niyang inabangan si Ludwik, dala dala ang
pagasa, takot at kaba, nagbabakasakaling matutupad ni Ludwik ang pangako niya at
sa paglingon niya sa kulumpon ng mga nagsisigawan na tao ay nakita nya ang
kaniyang kasintahan.

Wakas

Nagkita muli sina Amelie at Ludwik at masayang itinuloy ang


naudlot nilang planong pagpapakasal makalipas ang isang buwan.
Tauhan
Guwardya/Sundal
Amelie Bohler Ludwik
o
Bida Kasintahan ni Amelie Mga nagbabantay

Tagpuan
Silangan At
Kanlurang bahagi ng
Berlin
Buod ng Kwento
Si Amelie Bohler ay isang babaeng nakatira sa lungsod ng Silangang bahagi ng Berlin, ang
kasintahan niya na si Ludwik nasa Kanlurang bahagi ng Berlin. Pagkalipas ng anim na buwang
pagiibigan, naisipan nang magpakasal si Amelie at Ludwik, ngunit biglang nagsara ng byahe ng tren
patungong Kanlurang Berlin dahil sa nangyayaring cold war.

Nahati ang silangan at kanlurang Berlin at hindi nakapunta si Amelie kay Ludwik. Estados Unidos
ng Amerika, Britanya, at Pransya na Demokratiko ang namahala sa Kanlurang Berlin at Soviet
Union na komunista naman ang namahala sa Silangang Berlin. tuluyang nagkahiwalay si Ludwik at
Amelie loob ng 28 taon, at isang beses lamang nakapagpadala ng sulat si Ludwik na naglalaman ng
katagang “Hihintayin kita.”

at sa wakas, sa tuluyang pagwasak sa Berlin Wall ng mga tao, si Amelie ay limampung taong gulang
na ngunit sariwang sariwa parin sa kaniyang kaisipan na si Ludwik ang minamahal niya. Nagkita
muli sina Amelie at Ludwik at itinuloy ang natigil nilang planong pagpapakasal makalipas ang isang
buwan.
Mga katanungan

1. Kailan itinayo ang Berlin Wall?


2. Ilang taon si Amelie noong itinayo ang ang
Berlin Wall?
3. Ano ang linagay ni Ludwik sa kaniyang sulat
na pinadala niya kay Amelie?
ALTERNATIVE RESOURCES

You might also like