Mga Paalala: 1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap ang klase. 2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito kapag tinatanong ng guro. 3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi bago pa magsimula ang klase. 4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan. 5. Iwasan ang MULTI TASKING. MGA LAYUNIN Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula Balik-aral Ano-ano ang mga element ng dula? Ano ang tatlong bahagi ng dula? NATHANIEL HAWTHORNE Isinilang noong Hulyo 4, 1804 sa Salem, Massaschusetts. Noong 20 taong gulang, nadagdagan ng titik w ang kanyang apilyedo upang ang orihinal na Hathorne ay maging Hawthorne. Ginawa niya ito para hindi maiugnay sa mga kamag-anak na naging bahagi ng tinatawag na “Salem witch Trials” kung saan 20 tao ang naparusahan ng kamatayan dahil sa nagpagbintangang mg mangkukulam. Maikling kuwento: “Young Goodman Brown” at nobelang“The Scarlet Letter” Namatay noong Mayo 19, 1864 pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakasakit TULA Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay. Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN ni Nathaniel Hawthorne Pagpapaliwanag at Pagpapakahulugan ng Tula Sa unang talata ay ang pag-alis ng binata sa bukid ng kanyang ama. “Hudyat ng digmaan ang aking ligaya” , mula sa linyang ito ay nagpapakita na mahilig sa digmaan ang binata at gustong magsundalo paglaki.
Sa pangalawang talata naman ay sinasabi ng sundalo na
ang mga bayaning namatay ay hindi malilimutan at nang pagtingin niya sa ilaw ng kamatayan / “imortal na sinag” ay naalala niya ang mga bayaning ito. Pagdating ng pangatlong talata ay may nakita ang sundalo, ito ay isang maliwanag na bituin na nagturo ng daan sa mga katawan ng mga sundalong namatay na.
Mula sa pang-apat na talata ang linyang “Nagpiilit din
ako’t paa’y nananabik” ay ang pagtuloy ng sundalo sa gerang hinaharap niya. Sa talatang ito ay mababasa kung ano ang nakikita ng sundalo ang dugo ng kanyang kalaban habang nasa digmaan. Natapos ang kasalukuyang gera sa ika-limang talata na may linyang “Narating ko’ng rurok na mithiin” (nagawa niya ang layunin na tapusin ang gera) . Nang matapos ang gera ay naisip ng sundalo ang kanyang buhay noong siya’y bata pa at naninirahan ng masaya at tahimik.
Sa ika-anim na talata ay napagtanto na ng sundalo na huli
na ang lahat para talikuran ang pagiging sundalo at bumalik sa matahimik niyang buhay. Pamprosesong Tanong
1. Bakit sinasabing hudyat ng digmaan ang kanyang ligaya?
Anong bagay kaugnay ng digmaan ang nais niyang gawin? Mahalagang KAisipan Isa sa uri ng panitikan ay ang tula. Ito ay isang kaisipan na anglalarawan ng damdamin, karanasan, at hangarin. Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang tula, upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin. Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang-isip.