You are on page 1of 4

Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambez

Nyaminyami- Ang diyos ng Ilog Zambezi


Tonga o Ba Tonga- Ang mga naniniwala kay Nyaminyami
Ang mga Puti- Sila ang mga nagpatayo ng dam

Si nyaminyami ang dyos ng ilog ay tahimik na naninirahan sa lawa ng kariba, karugtong ng ilog zambezi kasama ang kanyang asawa,
payapa silang namuhay ngunit nung huling taon ng dekada ‘40 may ipapatayong dam sa kariba. Pinagsabihan ang mga puting
inhenyero ngunit hindi sila nakinig. Pebrero 15, 1950 isang napakalakas na bagyo ang dumating. Sa kabila ng pangyayaring ito ay tuloy
parin ang pagtayo ng dam. 1957 dumating ang malaking baha na dumadating lamang nang minsan sa isanlibong taon. Maraming
buhay ang nawala ngunit ang katawan ng puti ay hindi parin lumututang, sabi ng matanda na mag alay sila pagkapos nun ay lumutang
ang bangkay ng mga puti. May dumating nanaman na malaking baha at nasira ang coffee dam ito ay nangyayari lamang nang minsan
sa sampung libong taon. Subalit napatayo parin ang dam. 1960 ito natapos.

Kariva o Karinga – ibig sabihin ay “Ang bitag”


Pebrero 15 1950 – Isang malakas na bagyo
1957 – dumating ang pinakamalaking baha sa kasaysayan (dito na nawala ang mga katawan ng puting manggagawa at inalay
ang itim na baka)
1960 – natapos na ang Dam ng Kariba

MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Si Nelson Mandela ang kaunanhang pangulong itim ng South Africa. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mandela bago siya maging
pangulo, nariyan ang pagkakabilanggo niya ang dalawampu’t pitong taon at sa pagkakabilanggo niyang yun din ang naging daan para
magawaran siya ng isang NOBEL PEACE PRIZE noong 1993 para sa kanyang nagawa upang ipabagsak ang
sistemang apartheid para sa kanilang bansa nang walang karahasang nangyayari.

Sina John Carlin, Jessie Duarte, John Simpson, Matt Damon, at Rick Stengel ay isa sa mga maraming taong nakasaksi at nakakita
kung gaano kabait at mapagmahal si Mandela para sa kanyang bansa at sa lahat ng tao, puti ka man o itim

APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO

Gramatikal- Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop
na mga tuntuning panggramatika. Pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay, at maging sa pagbibigay-
kahulugan sa salita.
Sosyo-lingguwistik- Ang komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.

Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit natin ng pormal na wika ("Magandang araw po! Kamusta po kayo?") sa pakikipag-
ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika ("Uy! Kamusta ka naman?") sa ating
mga kaibigan at kapareho ng estado.

Diskorsal- Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa
makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
Halimbawa
Tula
Talumpati
Sanaysay
Lathalain

Strategic- Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang
mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
tinutukoy ng berbal na komunikasyon ang wikang pasalita o pasulat; samantalang ang hindi berbal ay hindi gumagamit ng wika

Ang Ibong Nakahawla

Ni Maya Angelou
Ang mensahe ng tulang “Ang Ibong Nakahawla” ay tungkol sa pagkakakulong ng isang ibon na nagnanais makaalpas mula sa
kulungan o hawla na kanyang kinalalagyan. Ang pagnanais niyang makalipad ng malaya katulad ng ibang ibon. Ang pagnanais na
matapos na ang deskriminasyon na nangyayari sa mga tulad nila na isang African-American.

Dakilang taong nanindigan upang mahinto ang diskriminasyon

Rosa Parks
African-american
Disyembre 1, 1995, nakaupo sya sa bus habang umaandar ang bus ay maraming puti ang sumakay at pinatayo sya
ng driver ngunit hindi sya tumayo at sya’y naaresto at pinamulta
Mathama Gandhi
24 yrs old
Pasahero sya noon sa first-class na bahagi ng tren nang may magreklamong isang puti at sinabi na dapat syang
lumipat sa third class. Hindi pumayag si Mathama kaya sa unang estasyong hinintuan ng tren ay sapilitan syang
pinababa ng konduktor
Enero 30 1937 binaril at napatay sya ng kapwa ng indian na si Nathuram Godse.
Oktubee 2, international day of nonviolence
Martin Luther King Jr.
Ministro at aktibistang nanguna sa civil rights movement na tumutol sa diskriminasyon laban sa african-american
noong 1950
Binaril at namatay sya noong 1968
Natigil ang racial segregation sa maraming bahagi ng amerika at nabuo ang rights act of 1964 and voting rights act
of 1965

MGA URI NG TULA

Isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami dahil ito'y maraming manunulat ang nagsusulat nito kaya't maituturing
na napakalawak ng larangang ito na panitikan

1.Tulang liriko padamdamin- itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay. Ito
ay ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig

a. Ang awit(dalitsuyo)- isang halimbaw nito ang kundiman o awit tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag
ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga. Halimbawa nito ang tulang “kay selya” ni Francisco Baltazar
b. Ang pastoral(dalitbukid)- ang tunay na layunin nito ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid
c. Ang oda (dalitpuri)- isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at istilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na
bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan
d. Ang dalit(dalitsamba)- maikling awit na pumupuri sa diyos
e. Ang soneto(daliwari)- tulang may labing apat na taludtod karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa isang malupang suliranin o pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan
f. Ang elehiya- may dalawang katangiang pagkakakilanlan una ito ay isang tula ng pananangis lalo na sa pag-aalala sa isang
yumao ikalawang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni

2. Tulang Pasalaysay- naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod

a. Ang epiko(tulabunyi)- pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang sanaysay na ang mga pangyayari at
kawilihan ay napipisan sa pagbubunya ng isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga
panganib at kagipitan
b. Metrical Romance(tulasinta)- tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko. Lumaganap sa europa sa
pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon. Wala ng kasaysayang walang gaanong banghay at binubuo ng mga kabanatang
tumutukoy sa mga pakikipagsapalarang puno ng mga hiwaga at kababalaghan
c. Rhymed or metrical tale(tulakanta)- kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta
d. Ballad(tulagunam)- isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit ng lumao'y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang sulat
sa mga taludtod na wawaluhin aanining pantig asa isang paraan payak at tapatan

3. Tulang dula- ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan

a. Tulang dulang mag-isang salaysay (dramatic monologue)- isang tao lamang nagsasalita mula sa simula hanggang sa
katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi kayo din sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga
natutukoy sa tula
b. Tulang dulang liriko-dramatiko- taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayang kilos at damdaming ipinahahayag sa
pamamagitan ng mga salitang taong kinauukulan. Ano ang dramatiko liriko ay nagbibigay naman ng tuon na mailantad ang
mga damdamin napakaloob sa mga pangyayari.
c. Tulang dulang katatawanan (dramatic comedy)- nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa may
mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang
d. Tulang-dulang kalunos-lunos (dramatic tragedy in poetry)- pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing
tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana
e. Tulang dulang madamdamin(melodrama in poetry)- dulang patulan na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at
nagtataglay ng nakasisindak na pangyayari higit sa karaniwang mga karanasan ng isang lumala tao
f. Walang katawa-tawang kalunos-lunos (dramatic tragic comedy in poetry)- naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa
at kalunos-lunos
g. Tulang dulang parsa (farce in poetry)- anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubang katuwa-tuwa
4. Tulang patnigan(justice poetry)- tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula
ito ay paligsahan ng mga katwiran at tag-iisa ng mga talino at tulain

a. Karagatan- paligsahan sa tula na kalimitan nilalaro ng mga luksang lamayan o pagtitipong parangal ng isang yumao
b. Duplo- ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Karaniwirang ginagamit dito ay karaniwang
hango sa mga salawikain
c. Balagtasan- sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata na instituto de murejes sumilang ang uring ito ng panulaang
tagalog
d. Batutian- mila nagpaparangal sa imahe Jose Corazon De Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang taong 1933 sa
mga dahon ng Magasing Batute sa panahon lahat at panukala ni Ginoong Fernando B Monleon

Si Rustam at Si Sohrab

Mula sa Epikong Shahnameh

Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging
paksa ng mga alamat. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang ama na si Zal. Bago lumisan ang
ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isinisilang ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede
na siyang magsanay bilang isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang ama
na kailangan niya ng espesyal na kabayo. Nakuha niya ang kabayong si Raksh.

Isang beses habang nangangaso si Rustam, nawala ang kanyang kabayo. Sa pagsunod niya sa mga bakas ng nawalang kabayo, siya
ay pumapasok sa kaharian ng Samangan kung saan siya ay buong-pusong tinanaggap ng hari.

Dito nakilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng hari ng Samangan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa,
at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila’y nagmamahalan.

Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni Rustam at kinailangan na niyang lisanin ang lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa
Tahmina. Lumipas ang ilang buwan na hindi nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y nagsilang si Prinsesa Tahmina ng isang batang
lalaki na nagngangalang Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng kanyang amang si Rustam.

Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-ama at sa umpisa ay hindi nila nakilala ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at
nasaksak ni Rustam si Sohrab hanggang sa siya’y namatay. Napatingin si Rustam sa pulseras na nakapulupot sa braso ng nag-aagaw
buhay na si Sohrab. Naalala niya na ito ang pulseras na kanyang binigay kay Prinsesa Tahmina at nalaman niya ang katotohanan na
anak niya si Sohrab.

Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit malupit
ang tadhana.

TAUHAN

RUSTAM- Pangunahing tauhan sa epiko. Anak ng mag-asawang sina Zal at Rudabeh. Siya ay isang magiting at makatarungan
na mandirigma, magalang na anak,
SOHRAB- Anak nina Rustam at Prinsesa Tahmina. Nang siya’y lumaki naging magiting na mandirigma rin siya tulad ni Rustam.
PRINSESA TAHMINA- Ang kasintahan ni Rustam sa epiko. Ang kaisa-isang anak na bababe ng hari ng Samangan. Nagbunga
ng isang batang lalaki na si Sohrab.
ZAL- Ang ama ni Rustam. Siya ay ipinatapon ng kanyang ama sa paanan ng bundok nang siya ay bata pa lamang. Ngunit siya
ay kinukupkop ng isang mapaghimalang ibon at naging magkaibigan ang dalawa. Isa siyang mabuti at mapagmahal na ama at
asawa.
RUDABEH- Ang ina ni Rustam, dumanas ng matinding sakit nang isinilang niya si Rustam. Isang mapag-unawa na ina at
asawa.
RAKHSH- Ang espesyal na kabayo ni Rustam, isa siyang matapang at tapat na kaibigan. Kung gaano siya kahalaga para kay
Rustam ganoon din ang pagtingin niya sa kanya.

Ang Mag-amang Haring Edipo at Haring Layo

Nagsimula ang lahat sa isang hula. Nagkaroon ng hula kay Haring Layo na ang sanggol na dinadala ng kanyang asawa ang siyang
papatay sa kanya. Nag-alala si Haring Layo at inutusan niya ang isang pastol na patayin ang sanggol nang manganak na si Reyna
Yokasta. Ngunit naawa ang pastol kaya hindi niya napatay ang sanggol. Iniwan na lamang niya ito sa bundok.

Isang pastol naman mula sa Corinto ang napadaan at nakakita sa umiiyak na sanggol. Kinuha niya ito at ipinagkaloob sa hari at reyna
ng Corinto na hindi pinalad na magkaanak. Tinuring ng hari at reyna bilang tunay na anak ang sanggol na nagngangalang Edipo.
Sa paglaki ni Edipo, marami siyang naririnig na hindi daw siya ang totoong anak ng hari at reyna. Dahil dito, nagpunta siya isang
manghuhula at itinanong ang katotohanan. Hindi nasagot ng manghuhula ang kanyang katanungan ngunit sinabi na siya ang papatay
sa sariling ama.

Sa pag-aakalang si Haring Polivio, ang hari ng Corinto, ang kanyang tunay na ama, lumisan siya sa patungong Tebes upang hindi
matupad ang hula. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya si Haring Layo. Napatay ni Edipo si Haring Layo na hindi nalalaman na
ang hari ang tunay niyang ama.

Hindi nagtagal at naging asawa ni Edipo si Reyna Yokasta. Lingid din sa kanyang kaalaman na ang reyna ang tunay niyang ina. Sila ay
nagkaroon ng dalawang anak na nagngangalang Eteocles at Polinice.

Dumating an panahon na nalaman na nila ang katotohanan. Hindi nila ito natanggap. Binulag ni Haring Edipo ang sarili at si Reyna
Yokasta naman ay nagpakamatay. Nagtapos ang storya na isang trahdeya.

PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN

1. Mga pangungusap na padamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon ginagamitin itong
ng tandang padamdam (!)

Halimbawa: naku po! Hindi ko maatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!

1. Maikling sambitla- ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahin pantig na nagpapayag ng matinding damdamin

Halimbawa: aray! aw! ngek!

1. Usap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao- mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi
nagsasaad ng matinding damdamin ngunit nagpapakita naman ng tiyak na damdamin ng emosyon

Halimbawa: kasiyahan: napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo

1. Pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan- mga pangungusap na gumagamit ng


matalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan

Halimbawa: kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak

You might also like