You are on page 1of 11

FM 116: Panunuring Pampanitikan

Pagsusuri ng
Tula
Pagsusuri ng Tula
I. SIPI NG AKDA
"Ang Guryon"
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparinang guryon


mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob
II. MAY-AKDA
• Si Ildefónso Páez Sántos Jr.
• Kilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura
noong 2006.
• Tinagurian siyáng “Ama ng Modernong Arkitekturang
Landscape sa Filipinas.”
• Nagmula sa bayan ng Malabon at isinilang noong Enero
23, 1897.
• Siya ay kilala sa pagsusulat
ng mga magagandang tula.
Pagsusuri ng Tula
III. SANGKAP NG TULA
Tugma Sukat Paksang Diwa o Tema
Ang tugmang ginamit sa Ang tulang “Ang Guryon” ay Ang paksang diwa ay
"Ang Guryon" ay katinig o may sukat na patungkol sa pangangaral
tugmang di ganap. lalabindalawahin sa bawat ng isang ama sa kanyang
Mapapansin na ang bawat taludtod. Ito ay may anim na anak. Inihalintulad ang
huling salita ng taludtod ay saknong at may apat na guryon sa buhay ng tao.
nagtatapos sa katinig. taludtod sa bawat saknong. Kung paano ang tamang
Walang tugmang patinig o Kahanga-hanga rin ang mga pagbalanse ng mga bagay sa
tugmang ganap na ginamit pananalitang ginamit ng buhay ng tao. Maraming
sa tula. may akda sa pagsulat ng maaaring kaharapin ang
tulang ito. bawat isa sa atin.
Pagsusuri ng Tula
III. SANGKAP NG TULA
Tayutay Simbolismo
Ang guryon ay isang halimbawa Ang Guryon ay sumisimbolo sa atin bilang
ng pagwawangis o metaphor mamamayan ng Pilipinas. Ito rin ay sumisimbolo na
dahil nabanggit sa hulihang dapat mayroong balanse ang ating buhay maaring
bahagi ng tula na "Ang buhay ay ang buhay ay malungkot at maari ring masaya,
guryon" kung saan makikita na nagbibigay lamang ito ng balanse upang maging
inihahalintulad ng ama ang makulay ang ating buhay. Ang guryon ay
buhay sa isang guryon. sumisimbolo sa buhay ng tao, sapagkat minsan ito
ay hindi matatag, ngunit kung ikaw ay mag- iibayo
at magsisikap na harapin ang lahat ng pagsubok na
walang pag iimbot at sa abot ng iyong makakaya.
IV. TONO AT DIKSYON
Mahinahon ang tono at gumamit ng
pormal na diksyon.

V. PERSONA
Ang may-akda ay gumamit ng
Ikalawang persona
VI. TEORYA
Teoryang Imahinismo- na naghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin
at iba pang nais na ibahagi ng may-akda
na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag
sa loob ng panitikan. Sa tula ay ginamit
ang guryon bilang imahe at
representasyon ng buhay ng tao.
VII. MENSAHE
Ang mensaheng nais ipabatid ng tula sa mga
mambabasa ay huwag sumuko dahil ang guryon ay
parang buhay lang yan sapagkat minsan ito ay
hindi matatag, ngunit kung ikaw ay mag-iibayo at
magsisikap na harapin ang lahat ng pagsubok na
walang pag limbot at sa abot ng iyong makakaya,
sigurado ay balang araw magiging katulad ka din
ng guryon na siyang titingalain at hahangaan sa
paglipad nito. At kahit malayo-layo na ang iyong
nilipad at sa tingin mong wala ng iba pang mas
hihigit sayo ay sisiguraduhin mo na ang puso mo ay
malapit parin sa ating poong maykapal.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!
Sanggunian
• Santos, Ildefonso P. Jr.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/santos-ildefonso-p-jr/
• Ang Guryon 1. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/doc/61789295/
•GABAY-SA-PAGSUSURI-NG-TULA-at-MAIKLING-KUWENTO.docx. (n.d.). Scribd.
https://www.scribd.com/document/441953998/
•Pagsusuri-ng-Tula. (n.d.). Scribd.
https://www.scribd.com/presentation/460244727/Pagsusuri-ng-Tula

You might also like