You are on page 1of 22

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay
sa pinagmulan nito (epitimolohiya)
• Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan
ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan
ng mga tauhan
• Naihahambing ang kultura ng bansang
pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa
daigdig
Balik-aral
• “MABUTI AT MASAMA”
• Panuto: Ang pagkakaroon ng mataas na ambisyon sa buhay ay
maaaring nakabuti o nakasama. Sa paanong paraan ito
makabubuti at sa anong paraan ito naman nakasasama?
Punan ang mga kahon sa ibaba ng iyong mga sagot.
Balik-aral
MAKABUBUTI ang pangkakaroon MAKASASAMA ang pangkakaroon
ng mataas na ambisyon kung… ng mataas na ambisyon kung…
   

   

   
Pagganyak:
• “AMBISYON”
• Panuto: Mag-isip ng mga salitang may kaugnayan at kinalaman sa salitang
AMBISYON. Isusulat ang sagot sa isang graphic organizer.
AMBISYON
Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan.
Ito ay ginagawa ng iba’t ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o
di kaya’y sa paraan ng pagiging isang pelikula. Mayroon
silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang
karakter. Ang mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring
mawala ay tema, tagpuan (setting), karakter, balangkas o plot, at
musika, Maaari rin itong tawaging stage play o role play sa wikang
Ingles.
MACBETH ni
William
Shakespeare
William Shakespeare
• Wala makapagpapatunay ng kanyang kaarawan
ngunit ang isang lumang tala mula sa Holy
Trinity Chruch ang nasasabing isinilang siya
noong Abril 26, 1564.
• Umibig si Shakespeare at ikinasal kay Anne
Hathaway noong siya ay 18 gulang pa lamang.
Si Hathaway ay sinasabing nasa 26 gulang noon.
• Noong Abril 23, 1616, sa edad na 51 ay
pumanaw si Shakespeare na isa pa ring misteryo
kung anong sanhi magpasahanggang ngayon.
Ito'y isang dulang naganap sa bansang Scotland. Ang dulang ito ay
nagpapakita ng pinsalang pisikal at pangkaisipan dahil sa hangaring politikal na
gusto makaMit ang kapangyarihan para lamang sa sariling kagustuhan.
Ang Macbeth ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na trahedya at isa rin sa
pinakapopular sa mga dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o
bilang ng pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin ang pinakamaikli sa mga dulang
sinulat niya na halos kalahati lang ang haba ng isa pa niyang dulang “Hamlet.”
May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro
bilang “The Curse of Macbeth."
Maraming kwento ng kababalaghan ang iniuugnay rito. Isa sa mga kwento
ang tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang
Lady Macbeth sa araw ng unang pagtatanghal ng dula.
Marami pang ibang kwento tulad ng pagkakagamit daw ng totoong patalim sa
halip na di totoong patalim na nagiging sanhi ng pagkamatay ng tauhan. may
mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula
sa mga pagtatanghal nito.
Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng dula kapag
sila'y nasa loob ng tanghalan maliban nalang sa aktuwal na pagsasadula. Sa
halip, tinatawag nila itong “The Scottish Play” o “That Play.”
Ang remedyo raw kapag aksidenteng nabanggit ang pamagat ng dula ay ang
paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng tatlong beses, pagdura, at
pagmumura ng malakas.
Gayunpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa
pagsasadula nito ay dahil sa napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa
Macbeth. Hindi tuloy maiwasang may masaktan at kapag ang mga kuwentong
ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao, nagiging bahagi ito ng “Curse of
Macbeth"
MACBETH ni
William
Shakespeare
Isang araw may dalawang matipuno at magigiting na sundalo na
nagngangalang Macbeth at Banquo. Sila ay nagmula sa kaharian ng Scotland na
matatagpuan sa kontinente ng Europa. Sila ay nakipagdigmaan laban sa mga
rebelde at nagwagi din sa huli. Pagkatapos ay nagtungo sila sa kanilang kaharian
at sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang tatlong mangkukulam at
binanggit nito ang kapalaran ng dalawang magigiting na sundalo. Ang kapalaran
ni Macbeth ayon sa mga mangkukulam ay ang maging hari siya balang araw at
ang kay Banquo naman ay sa kanyang lahi magmumula ang magiging
tagapagmana ng korona. Sila ay labis na nabigla sa mga nasambit at sinabi ng
mga mangkukulam.
Hindi nag-laon, dumating ang mga tauhan na ipinadala ni Haring Duncan upang
pasalamatan at bigyang-pugay ang kanilang pagka-panalo sa lumipas na digmaan.
Kaya naman hinirang na “Thane of Cawdor” si Macbeth na kanyang ikinatuwa.
Naging totoo ang sinabi ng mga mangkukulam. Pagkatapos nito ay sumulat si
Macbeth sa kanyang asawa na si Lady Macbeth para ipaalam ang kanyang nakuhang
posisyon at ang mga hula ng mga mangkukulam sa kanyang kapalaran. Nang makita
ni Lady Macbeth ang liham siya ay natuwa at naging sobrang sabik na makuha ang
kaharian ni Haring Duncan. Dito niya napag-tanto na ang tanging paraan lang upang
maging hari ang kanyang asawa ay kinakailangan mawala ni Haring Duncan o
kailangan nila siyang patayin. Subalit naguluhan ang isipan ni Macbeth kung dapat ba
niyang sundin ang kanyang asawa dahil alam niyang mabuting hari si Haring Duncan.
Pero sa huli ay nakumbinsi siya ni Lady Macbeth upang patayin si Haring Duncan.
Ang kanyang naging plano ay paiinumin ng alak ang dalawang bantay ng hari at
pagkatapos ay saksakin ang natutulog na Hari at ang dugo’y ipapahid sa dalawa para
sila ang sisihin sa pagpatay. Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff ang nangyari sa
hari. Napatay ni Macbeth ang dalawang kawal dahil sa sobrang galit nito sa pag-
paslang sa hari. Dahil siya ay kilala bilang mapagkaka-tiwalaang heneral, siya ang
hinirang na bagong hari. Samantala, ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm ay
nag-punta sa England at ang kapatid nito na si Donalbain patungo sa Ireland. Kahit na
si Macbeth ay isa ng hari, hindi parin nawala sa kanyang isipan ang mga nasabi ng
mangkukulam na sa lahi daw ni Banquo manggagaling ang susunod na uupo sa trono.
Kaya naman binalikan niya ang mga manghuhula at nag-bigay muli ng mga bagong
pangitain.
Inimbita ng mag-asawang Macbeth si Banquo sa pagtitipong gagawin sa
kanilang palasyo kinaganihan. Ang hindi alam ni Banquo ay kumausap na pala si
Macbeth ng dalwang mamamatay-tao upang ipapatay siya at ang anak niyang si
Fleance.Kinagabihan, may ikatlong mamamatay-tao ipinadala upang makatulong
sa dalawa. At nang patungo na sa palasyo ang mag-ama ay inabangan at sinugod
sila ng mga mamamtay tao subalit si Banquo lang ang napatay at nakatakas si
Fleance. Sa pagtitipong ihinanda ni Macbeth para sa lahat ng Maharlika sa
Scotland ay nagpakita sa kanya ang multo ni Banquo. Labis na natakot at
nataranta si Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga panauhin.
Muling binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at inilahad ang mga
sumusunod na mga hula sa kanya. Kailangang mag-ingat siya kay Macduff, isa
sa mga ito ay hindi siya kalianman mapapaslang ng sinumang iniluwal sa isang
babae; at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam
Wood na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane. Kaya naging maluwag ang
kanyang dibdib at naging kampante. Subalit hindi niya alam na tumakas na pala
si Macduff upang samahan si Malcolm. Nang malaman ni Macbeth ito,
ipinagutos niyang patayin ang asawa nitong si Lady Macduff at kanilang mga
anak. Nang magtagpo, agad silang bumalik sa kaharian upang labanan ang kawal
ni Macbeth. Bumalik sila dala ang sampung libong sundalong ipinahiram ni
Haring Edward.
Samantala, habang sila ay naglalakbay, hindi na kinaya ng konsensya ni
Lady Macbeth kaya napag-desisyonan niyang magpakamatay. Siya ay tumalon
sa bintana mula sa kanyang palasyo. Nang makita ni Macbeth na paparating na
sina Malcolm, Macduff at ang mga mandirigma nito, nagulat siya dahil sinabi ng
mga mangkukulam na hindi siya basta basta mapapaslang ng sinuman at sila ay
may dalang pinutol na mga sanga sa kagubatan ng Birnam Wood upang maikubli
ang tunay na bilang. Subalit ng magkaharap, nagulat siya ng umamin si Macduff
na hindi siya iniluwal ng kanyang ina datapwat siya ay isinilang na sa
pamamagitan ng CS o cesarean. Sa huli, nagwagi ang panig nina Malcolm at
Macduff. Napaslang nila si Macbeth at ang buong kawal nito. Dahil napatay si
Macbeth, hinirang na bagong hari ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm.
Pamprosesong Tanong

1. Anong karumal-dumal na krimen ang nagawa ni Macbeth kay


Haring Duncan, ang taong nagtiwala nang lubos sa kanya? Bakit
kaya niya nagawa ang ganitong kasamaan?
Mahalagang KAisipan
Mahalaga ang isang dula dahil nilalarawan nito ang mga
damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral
sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Gaya ng ibang panitikan,
karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.

You might also like