You are on page 1of 2

Macbeth ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na trahedya at isa rin sa pinakapopular sa mga

dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o bilang ng pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin
ang pinakamaikli sa mga dulang isinulat niya na haloskalahati lang ng haba ng isa pa niyang dulang
Hamlet. Sinasabing nabuo niya ito sa pagitan ngmga taong 1603 hanggang 1607. May mga pamahiing
iniuugnay sa dula na kilalá ng mga artistasa teatro bilang "curse of Macbeth Maraming kuwento ng
kababalaghan ang iniuugnay rit0. 15aSa mga kuwento ang tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang
lalaking gumaganap bilangLady Macbeth sa araw ng unang pagtatanghal ng dula. Marami pang ibang
kuwento ulad ng pagkakagamit daw ng totoong patalim sa halip na di totoong patalim na nagiging sanhi
ng pagkamatay ng tauhan. May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang daláraw
ng dula sa mga nagtatanghal nito. Isana rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng dula
kapag Sila y nasa loob ng tanghalan maliban na lang sa aktuwal na pagsasadula.Sa halip, tinatawag nila
itong "The Scottish Play" o That Play: Ang remedyo raw kapagaksidenteng nabanggit ang pamagat ng
dula ay ang paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng tatlong beses, pagdura, at pagmumura
nang malakas. Gayumpaman, ang 1Sang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito
ay dahil sa napakaramingeksenang may pisikal na labanan sa Macbeth. Hindi tuloy maiwasang may
masaktan at kapagang mga kuwentong to ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao, nagiging bahagi na
ito ng"curse of Macbeth."MACBETH (Buod ng Dula)ni William Shakespeare(Isang Malayang Salin)Isang
araw may dalawang matipuno at magigiting na sundalo na nagngangalang Macbethat Banquo. Sila ay
nagmula sa kaharian ng Scotland na matatagpuan sa kontinente ng Europa.Sila ay nakipagdigmaan laban
sa mga rebelde at nagwagi din sa huli. Pagkatapos ay nagtungosila sa kanilang kaharian at sa kanilang
paglalakbay ay may nakasalubong silang tatlongmangkukulam at binanggit nito ang kapalaran ng
dalawang magigiting na sundalo. Angkapalaran ni Macbeth ayon sa mga mangkukulam ay ang maging
hari balang araw at ang kayBanquo naman ay sa kanyang lahi magmumula ang magiging tagapagmana
ng korona, sila aylabis na nabigla sa mga nasambit ng mga mangkukulam.Hindi nag-laon, dumating ang
mga tauhan na ipinadala ni Haring Duncan upang pasalamatan at bigyan pugay ang kanilang pagka-
panalo sa lumipas na digmaan. Kaya namanhinirang na “Thane of Cawdor” si Macbeth na kanyang
ikinatuwa. Naging totoo ang sinabi ngmga mangkukulam. Pagkatapos nito ay sumulat si Macbeth sa
kanyang asawa na si LadyMacbeth para ipaalam ang kanyang nakuhang posisyon at ang mga hula ng
mga mangkukulamsa kanyang kapalaran. Nang makita ni Lady Macbeth ang liham siya ay natuwa at
nagingsobrang sabik na makuha ang kaharian ni Haring Duncan. Dito niya napag-tanto na ang tanging
paraan lang upang maging hari ang kanyang asawa ay kinakailangan mawala ni Haring Duncan
okailangan nila siyang patayin. Subalit naguluhan ang isipan ni Macbeth kung dapat ba niyangsundin ang
kanyang asawa dahil alam niyang mabuting hari si Haring Duncan.Pero sa huli ay nakumbinsi siya ni Lady
Macbeth upang patayin si Haring Duncan. Angkanyang naging plano ay lasunin ang dalawa niyang mga
bantay at pag-tapos ay saksakin ang Hari at isisi ang pagpatay sa kanyang dalawang bantay.
Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff angnangyari sa hari. Napatay ni Macbeth ang dalawang kawal dahil
sa sobrang galit nito sa pag- paslang sa hari. Dahil siya ay kilala bilang mapagkaka-tiwalaang heneral, siya
ang hinirang na bagong hari. Samantala, ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm ay nag-punta sa
England atang kapatid nito na si Donalbain patungo sa Ireland. Kahit na si Macbeth ay isa ng hari, hindi
parin nawala sa kanyang isipan ang mga nasabi ng mangkukulam na sa lahi daw ni Banquomanggagaling
ang susunod na uupo sa trono. Kaya naman binalikan niya ang mga manghuhulaat nag-bigay muli ng
mga bagong pangitain. Isa sa mga ito ay hindi siya kalianman mapapaslangng sinumang iniluwal sa isang
babae. Isa pa ay ang hanggat di niya nakikita ang gubat ng BirnamWood. Kaya naging maluwag ang
kanyang dibdib at naging kampante. Subalit hindi niya alamna tumakas na pala si Macduff upang
samahan si Malcolm. Nang mag-tagpo, agad silang bumalik sa kaharian upang labanan ang kawal ni
Macbeth. Samantala, habang sila aynaglalakbay, hindi na kinaya ng konsensya ni Lady Macbeth kaya
napag-desisyonan niyangmagpakamatay. Siya ay tumalon sa bintana mula sa kanyang palasyo. Nang
makita ni Macbethna paparating na sila Malcolm, Macduff at ang mga mandirigma nito, nagulat siya
dahil sinabing mga mangkukulam na hindi siya basta basta mapapaslang ng sinuman. Subalit ng magka-
harap, nagulat siya ng umamin ito na hindi siya iniluwal datapwat siya ay isinilang na sa pamamagitan ng
cesarean. Sa huli, nag-wagi ang panig nila Malcolm at Macduff. Napaslang nilasi Macbeth at ang buong
kawal nito. Dahil wala na si Macbeth, hinirang na hari ang anak niHaring Duncan na si Malcolm.

You might also like