You are on page 1of 11

PANGKAT

DALAWA
Macbeth (buod)
ni William Shakespeare
Ang trahedyang kuwento, Macbeth, ay nag nagumpisa nung may
dalawang heneral ng Scotland na kakagaling lang sa digmaan na si
Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay nag umpisa nung
makilala nila ang tatlong manghuhula. Sinabi ng tatlong manghuhula
na si Macbeth ang magiging hari, subalit nasa lahi ni Banquo ang
magiging tagapagmana ng korona.
Si Macbeth ay lubusang nagisip kung papaano sya magiging hari,
kaya siya at ang asawa niya na si Lady Macbeth ay nag-munakala na
patayin ang pinuno na si Haring Duncan. Nakitil ang hari, tapos ang
naging hari naman si Macbeth katulad ng sabi ng tatlong
manghuhula. Ang mga anak ng hari na si Malcom at si Donalbain ay
umalis ng kanilang kaharian sa takot. Si Malcom ay nagtungo sa
England at si Donalbain ay sa Ireland. Isa sa mga pinagkakatiwalaan
ng hari na si Macduff ay nagkakalat ng ditsong na si Macbeth at ang
kanyang asawa ay ang pinaghihinalaan na pumatay kay Haring
Nung malaman nito ni Macbeth ipinautos niya na patayin ang asawa
ni Macduff na si Lady Macduff at ang kanilang anak. Nung malaman
nito ni Macduff siya’y nagtungo sa England para sabihin kay Malcom
na si Macbeth ang pumatay sa ama niya. Si Malcom ay naghiram ng
sampung libong sandatahan para ipalugso ang pamumuno ni
Macbeth. Sa kabilang kamay, si Macbeth ay pinuntahan ang tatlong
manghuhula para malaman kung papaano nya iwasan ang
pagkabigo nya. Sinabi nila sa kanya na di sya mamatay pag ang
tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo niya at wala rin
makakapatay sa kanya pag di iniluwal galing sa sinapupunan ng
kanyang ina.
Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng sanga galing sa Birnam
Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay wala nang solusyon, winalat ng
hukbo ni Malcom ang kastilyo ni Macbeth. Si Macduff naman ay
linaban si Macbeth, subalit namatay si Macbeth dahil si Macduff ay
pinanganak gamit ang paraan na tawag Cesarean na kung saan
binubuka ang pinaka sinapupunan ng babae para kunin ang bata. Si
Malcom at ang kanyang hukbo ay nagwagi at siya na ang naging
Mga uri ng dulang
pantanghalan ayon sa anyo

■ Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggaya o


pagiimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakita nito ang realidad
sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip,kinikilos,
at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang
magsilbing salamin ng buhay ng naglalayong
makaaliw,makapagturo, o makapagbigay ng mensahe.
Narito ang Ilan sa mga uri ng
dula ayon sa anyo.
1. Komedya- Katawa-tawa,magaang ang mga paksa o tema, at ang
mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya- Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa
malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng
ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.
3. Melodrama- ito ay isang dulang na may malungkot na tema o
malungkot na pangyayari na nakakaantig sa damdamin ng
kanyang mga manonood. Ngunit ang isang melodrama ay
nagwawakas sa kasiya Siyang pangyayari ng mga mabubuting
tauhan ng dula.
4. Tragikomedya- Magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng
mga dula ni Shakespeare. Laging may mga tauhang katawa-tawa
tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y
nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o
ang mga bida.
5. Saynete- ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga tagapanood
sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan na malayong
mangyari.Kadalasang hindi maintindihan ang balangkas ng saynete ngunit ang
mga tagapanood ay hinihimok na huwag sundan ang balangkas upang hindi malito
o malipos. Gumagamit din ang saynete ng mga pagpapatawang pisikal, ang
paggamit ng sinadyang kalokohan, at malawak na di-makakatotohanang pagganap.
Sinusulat ang mga saynete para sa tanghalan at pelikula. At saka, kadalasang nasa
isang partikular na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan nangyayari ang
lahat ng mga kaganapan.
6. Parse- Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang mga
aksiyon ay slapstick na walang ibang ginagawa kundi magpaluan,maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan itong mapapanood sa mga comedy bar.
7. Parodya- Ang parodya ay isang bagay na nangaaliw sa mga tao. Ito ay ang
paggawa ng ibang bersiyon ng isang palabas, o kanta, sa nakakapang-aliw na
paraan. Halimbawa na lamang ng awitin na ‘DESPACITO’ ginawan ito ng parodya ni
Mikee Bustos, isang fil-am na kilala sa larangan ng paggawa ng mga awitin o
parodya.
8. Proberbyo- Kapag Ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig
sa salawikain, Ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng to.
Mga Elemento Ng Dulang
pantanghalan

■ Ang dulang pantanghalan, katulad Ng maikling kwento at


nobela ay nag tataglay rin ng mahahalagang sangkap o
elemento. Kung ang katawan ng tao ay may bahagi, ang
dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng mahahalagang
bahagi. Ito ay Simula,Gitna at Katapusan.
Simula

■ Sa SIMULA matatagpuan ang dalawang mahalagang


sangkap o elemento. Makikilala sa bahaging ito ang mga
tauhan at papel na gagampanan na maaaring bida at
kontrabida. Ipakikilala rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng mga eksenang naghahayag ng panahon,
kung tag-init o tag-ulan, ng oras, at lugar.
Gitna

■ Sa GITNA naman ay makikita ang banghay o ang maayos na


daloy o pagkakasunod-sunod ng mga tagpo eksena. Dito rin
nagkakaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula,
walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan
ng mga tauhan. Mahalagang maging natural at hindi
artipisyal ang diyalogo.
Katapusan

■ Sa KATAPUSAN o WAKAS naman ng dula, magtatagpuan


ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan unti-
unting bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan makikita
ang kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging
dapat kalagin. Sa pagwawakas naman nabatid ang
resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

You might also like