You are on page 1of 1

SinangMACO

Kapansing-pansin kay Sinang, pinsan ni Maria Clara, ang kaniyang pagiging masayahin. Bukod dito,
mababanaag din ang pagkatatas ng kaniyang dila at pagkapilya sa kaniyang mga pinagsasasabi. Ako ang
sumagot kay Tiya Isabel nang suwayin sila sa kanilang pagiging maingay habang naglalakad noong
madaling araw ng “hindi naman kayo gumigising ng maaga, tulad namin, at hindi naman ganiyang
matakaw matulog ang matatanda!” Ako ang walang habas na nagsabi kay Maria Clara na “huwag kang
tanga!” Ako ang napabulalas na nagsabing “hindi ko siya matiis!” ukol kay Padre Salvi at “Ang bruha! Ang
musa ng Guwardiya Sibil!” ukol kay Doña Consolacion. Ako din ang namumukod tanging nangahas na
sabihing nagseselos lamang si Padre Salvi kay Ibarra. Sa mga magkakaibigan, ako marahil ang
pinakawalang pakialam sa sasabihin ng iba sa lumalabas sa kaniyang bibig. Maaaring sabihing pinaka-
liberal subalit maaari ding taklesa lamang. Sa pamamasyal nila ni Maria Clara at Victoria, pilya niyang
iminungkahi na hanapan nilang tatlo ng pugad ng tagak si Padre Salvi. Nang sa gayo’y di na nila
kailangang mabalisa sa kaniya sa tuwing mapapansin nilang sinusundan nito si Maria Clara.

You might also like