Professional Documents
Culture Documents
199
“Hindi ka na ba nagtitiwala sa iyong inaama?” ang
tanong na may kahalong pagtatampo, “sige, umupo ka at sabihin
mo sa akin ang iyong mga sama ng loob, gaya ng ginagawa mo
sa akin noong ikaw ay bata pa kung nais mo ng kandila upang
gumawa ng mga manyikang gawa sa kandila. Alam mo namang
mahal ka sa akin… kailanman ay hindi kita kinagalitan…”
Ang boses ni Padre Damaso ay natanggalan ng tapang at
nahaluan ng suyo. Si Maria Clara ay umiyak.
“Umiiyak ka? Anak ko, bakit ka umiiyak? May pinag-
awayan ba kayo ni Linares?”
Si Maria Clara ay nagtakip ng tainga.
“Huwag sana ninyo siyang banggitin… ngayon!” ang sigaw
ng dalaga.
Tiningnang siya ni Padre Damaso ng puno ng pagtataka.
“Hindi mo ba gustong ipagtapat sa akin ang iyong mga
lihim? Hindi ba palagi kong sinunod maging ang lahat ng iyong
nais?”
Itiningin sa kanya ng binibini ang mga matang puno ng
luha, tinitigang sandali, at muling umiyak nang buong pait.
“Huwag kang umiyak nang ganyan, anak ko, ang luha mo
ay nagbibigay ng dusa sa akin! Sabihin mo sa akin ang iyong
mga dinaramdam; makikita mo kung gaano ka kamahal ng iyong
inaama!”
Dahan-dahan na lumapit sa kanya si Maria Clara,
lumuhod sa kanyang paanan, at matapos itaas ang mukha, na
basa ng luha, ay marahan, at bahagya nang madinig, na sinabi
sa kanyang:
“Minamahal pa ba ninyo ako?”
“Ineng!”
“Kung gayo’y… ipagtanggol ninyo ang aking ama at
sirain ninyo ang aking kasal!”
At isinalaysay sa kanya ng binibini ang huli nilang
pagkikita ni Ibarra, ngunit inilihim ang tungkol sa kanyang
pagsilang.
Bahagya nang mapaniwalaan ni Padre Damaso ang
naririnig.
“Noong siya ay buhay pa,” ang patuloy ng dalaga, “ay
binalak ko ang makipagtunggali, maghihintay
ako, mayroon ako ng tiwala! Ibig kong
mabuhay upang madinig ko man lamang na
siya ay nababanggit… ngunit ngayong siya ay
patay na, ngayo ay wala nang dahilan para ako ay mabuhay at
magtiis pa.” Sinabi niya itong madalang, marahan, mahinahon.
“Hangal, hindi ba makalilibong magaling si Linares kay…”
200
“Noong siya ay nabubuhay pa ay mangyayari akong
pakasal… iniisip kong magtanan pagkatapos…3 ang aking ama
ay walang hangad kundi ang pakikikamag-anak lamang!
Ngayong siya ay patay na ay wala nang tatawag sa akin ng
asawa… Noong siya ay nabubuhay ay maaring ako ay
magpakababa,4 nasa sa akin pa ang lunas na mabatid na siya ay
buhay at marahil ay inaalaala ako; ngayong patay na siya , ay…
alin sa dalawa: ang kumbento o ang libingan.”
Ang pananalita ng dalaga ay may katigasan, kaya
nawala ang masayang anyo ni Padre Damaso at nag-isip nang
malalim. “Ganyan ba kalaki ang pag-ibig mo sa kanya?” ang
tanong.
Si Maria Clara ay hindi sumagot. Iniyuko kay Padre
Damaso ang ulo sa dibdib at nanahimik.“ Anak ko!” ang bulalas,
na ang tinig ay basag, “ipatawad mo kung nagawa kong ikaw ay
naging sawing-palad nang hindi ko alam. Ang inalaala ko ay ang
iyong kinabukasan, hinangad ko ang iyong kaligayahan.
Papaano ko mapapayagan na maging asawa ka ng isang
ipinanganak dito, upang maging isa kang sawing-palad na asawa
at kahabag-habag na ina? Hindi ko maalis sa isipan mo ang
iyong pag-ibig, at tinutulan ko ng aking buong lakas, ginamit ko
ang lahat, nang dahil sa iyo, para lamang sa iyo. Kung maging
asawa ka niya ay luluha ka pagkatapos, dahil sa kalagayan ng
iyong asawa, na mapapalagay sa lahat ng pang-aabuso nang
hindi man lamang makapagtatanggol; kung maging ina ka ay
luluha ka nang dahil sa magiging kapalaran ng iyong mga anak;
kung papag-aralin mo sila ihahanda mo sila sa isang malungkot
na kinabukasan; magiging kalaban sila ng relihiyon at makikita
mo silang mabibitay o matatapon sa ibang lupain; kung
hahayaan mong maging ignorante ay makikita mo silang api at
walang kapurihan! Hindi ko mapapayagan ang gayon!5 Kaya
3
Binabalak ni Maria Clara na makipaglaban at maghintay para sa
kaniyang pag-ibig. Ipinapalagay na isa sa mga balak ay magpakasal
kay Linares, at kung magkakaroon ng pagkakataon ay magtatanan na
kasama ni Ibara.
Walang kabuluhan kay Maria Clara ang sasabihin ng tao - iiwanan niya
si Linares at magtatanan kasama ni Ibarra.
Walang kabuluhan kay Maria Clara ang sasabihin ng tao - iiwanan niya
si Linares at magtatanan kasama ni Ibarra.
5
Sa pagtatapat ni Padre Damaso ay lumilitaw na ginawa niya ang lahat
201
humahanap ako ng maari mong maging asawa, na maaari kang
gawin mapalad na ina, nang mga anak na makapag-uutos at
hindi sila ang mauutusan, na makapagpaparusa at hindi sila
mapaparusahan…Kilala ko ang kaibigan mo magmula sa
pagkabata ay mabuti, iniibig ko silang mag-ama, ngunit
kinamuhian ko sila mula nang makita kong magiging dahilan sila
ng iyong ipaghihirap, sapagkat minamahal kita, ikaw ay aking
ginigiliw, ikaw ay iniibig ko na gaya ng pag-ibig sa isang anak;
wala akong kaligayahan kundi ikaw; nakita kitang lumaki; walang
oras na lumilipas ng hindi kita inaalaala; ikaw ang napapangarap
ko; ikaw ang nag-iisa kong kasayahan…” At si Padre Damaso ay
humagulgol na parang bata.
“Kung ganoon, kung ako ay minamahal ninyo ay huwag
ninyo akong gawing sawing-palad habambuhay; siya ay patay
na, ibig kong magmongha?”
Ipinatong ng matanda ang noo sa palad. “Magmongha,
magmongha!” ang ulit, “hindi mo alam anak ko ang buhay, ang
mga hiwagang nakatago sa mga pader ng ng kumbento, hindi
mo alam! Nanaisin ko pang libong beses na makita kang sawing-
palad dito sa labas kaysa mapasok ka sa klaustro… Dito ay
maririnig ang iyong mga daing, doon ay walang makakarinig sa
iyo kundi pawang mga pader… Ikaw ay maganda, napakaganda,
at hindi ka ipinanganak upang mapasok doon, upang maging
asawa ni Cristo!6 Maniwala ka sa akin, anak ko, pinapawi ng
panahon ang lahat ng bagay; makaraan ang ilang panahon ay
makalilimot ka, ikaw ay iibig, at iibigin mo ang iyong asawa… si
Linares.”
“Ang kumbento…o ang kamatayan!” ang pag-uulit ni
Maria Clara.
“Ang kumbento, ang kumbento, o ang kamatayan!” ang
bulalas ni Padre Damaso. “Maria, ako ay matanda na, hindi na
maaring bantayan pa kita ng matagal pati na ang iyong
katiwasayan... Piliin mo ang ibang bagay, humanap ka ng ibang
pag-ibig, ibang binata, kahit na sino, huwag mo lamang piliin ang
kumbento.”
202
“Ang kumbento o ang kamatayan!”
“Diyos ko, Diyos ko!” ang sigaw ng pari na tinakpan ng
mga kamay ang ulo, “ako’y pinarurusahan mo; ikaw ang
magpasya! Ngunit ingatan mo ang aking anak…!”7
At humarap sa binibini. “Ibig mong magmongha?
Magiging mongha ka; ayokong mamatay ka.”
Hinawakan ni Maria Clara ang dalawa niyang kamay,
hinigpitan at hinagkang paluhod. “Padrino, padrino ko!” ang ulit
at ulit niya.
Makaraan iyon ay umalis si Padre Damaso na malungkot,
yuko ang ulo at nagbubuntonghininga. “Diyos, Diyos, tunay nga
ang iyong eksistensiya, sapagkat ikaw ay nagpaparusa! Ngunit
ako ang iyong paghigantihan at huwag mong salangin ang
walang sala, iligtas mo ang aking anak.”
203