You are on page 1of 19

UNFINISHED AND UNCORRECTED PROOF Kabanata 21 Tipo ng mga Taga-Maynila Nang gabing yaon ay may isang malaking palabas

sa tanghalang Variedades.1 Ang samahan ng operang Pranses ni Mr. Jouy ay magdaraos ng una niyang palabas, na ang itatanghal ay Les Cloches de Corneville2 (ang kampana sa Corneville) at ipamamalas sa madlang manonood ang kanyang mga piling troupe na inihayag na ilang araw ng mga pahayagan ang kanilang kabantugan. Sinasabing sa mga aktres ay mayroong may magandang tinig ngunit lalo pa manding maganda ang anyo, at kung paniniwaaan ang mga bulung-bulungan ay higit pa ang kanilang kabutihang loob kaysa sa kagandahan ng kanilang tinig at anyo.3 Ikapito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala nang mga ticket kahit na kailanganin pa ni Padre Salvi na noon ay naghihingalo,4 mahaba na ang pila
MGA PALIWANAG 1 Ang tanghalang Variadades ay napagkahala para kay Jose Rizal ito ang tanghalan kung saan siya ay pinarangalan ng Liceo Artistico y Literario para pagkakapanalo niya ng unang gantimpala noong 1880 para sa kaniyang likhang El Consejo de los Dioses. 2 Ang pagtatanghal na ito ay isang operreta sa tatlong yugto na nilikha ni Robert Planquette noong 1876 at naging pinakasikat na operreta na naitanghal sa kasaysayan ng tanghalang Pranses at itinanghal rin sa iba ibang lugar ng daigdig. Walang tala na makita ang nagsasaliksik na ang nasabing operreta ay itinanghal sa Maynila noong mga kapanahunang iyon. Maaring pinili lamang ni Rizal ang nasabing operreta sa piktisyosong pagtatanghal sa Maynila upang maging angkop sa plot ng kaniyang nobela. 3 Mula sa bulung-bulungan sa Maynila ay lumilitaw na ang mga babaeng artistang Pranses ay higit na mapagbigay sa tawag ng kamunduhan. 4 Grabe sa pagpapatawa si Rizal, kahit na si Padre Salvi na noon ay naghihingalo na ay hindi na mabibigyan ng ticket kung pipilitin nito na makapanood ng pagtatanghal ng mga artistang Pranses.

ng taong papasok sa entrada general. Sa takilya ay nagkaroon ng kaguluhan, awayan, tinukoy ang pagpipilibustero at ang lahi, ngunit gayunman ay hindi rin nakakuha ng ticket.5 Nang labinlimang minuto na lamang bago ang ikawalo ay malalaking halaga na ang iniaalok sa isang upan sa tanghalan.6 Ang dulaan, na naiilawang mabuti at may mga punot bulaklak sa mga pintuan, ay nakauulol sa mga nahuhuling napapahanga at napapasuntok. Isang makapal na tao ang nangagagalawan sa mga paligid at pinagmamasdang naiinggit ang mga pumapasok, ang mga maagang dumarating dahil sa natatakot na maunahan sa kanilang upuan: tawanan, alingawngaw, mga pagaantabay, nangagsisibati sa mga bagong dating na masama ang loob na nakikihalubilo sa mga nanonood, at, yamang hindi makapasok ay nakuntento na lamang sa pagtanaw sa mga pumapasok. Gayunmay may isang tao na wariy di kahalo sa mga pag-asam-asam at pagnanasang makapanood. Siyay isang mataas na lalaking payat, na kung lumakad ay marahan at kinakaladkad ang isang paang naninigas. Ang suot ay isang miserableng amerikana na kulay-kape at isang pantalong pari-parisukat ang guhit, marumi na at nakakapit sa kanyang katawang mabuto, at payat. Isang sumbrerong hongo na maarte na, dahil sa kasiraan, ang nakataklob sa kanyang malaking ulo at nagpapakawala sa buhok na ang kulay ay maruming abuhin, halos bughaw, mahahaba, kulot ang mga dulo na wariy buhok makata. Ang lalong katangi-tangi sa taong iyon ay hindi ang kanyang kasuotan, ni ang kanyang mukhang taga-Europa na walang balbas ni bigote, kundi ang kulay niyang saga, kulay na naging sanhi ng tawag na Camaroncocido (hipong luto), na siyang bansag sa kanya. Ang anyo niyay walang kapara; anak ng isang mabuting lipi, ngunit siyay nabubuhay sa pagbubulakbol, panghihingi ng limos; lahing Kastila ay hindi pinahahalagahan ang karangalang-lahi na inaalipusta sa pamamagitan ng kanyang gula-gulanit na kasuotan, ipinalalagay siya ng lahat na wariy tagapamalita sa mga pahayagan, at tunay nga namang ang kanyang matang malalakit abuhin, na malamlam at waring mapagnilay kung tumingin, ay naroon saan mat may bagay na maibabalita. Ang kanyang kabuhayan ay hindi batid ng marami; walang nakaaalam kung saan siya kumakain at natutulog: marahil ay mayroon siyang isang bariles saan mang pook.7
5 Nailarawan ni Rizal ang kaguluhan sa pagkuha ng ticket sa pagtatanghal at paraan ng pananakot ng ilan para makuha ito ang mga Pilipino ay magpi-filibustero (naghahamon ng rebolusyon) at ang mga Espanyol ay ginagamit ang adbantahe ng kanilang pagiging Espanyol. Makikita na ang panunudyo rito ni Rizal na sa kahit sa takilya ay maaring magsimula ang isang rebolusyon bunga ng hindi kasiyahang loob. 6 Uso na pala noong panahon na iyon ang mga ticket scalper. 7 Ipinakilala ni Rizal sa bahaging ito ang isa sa mga misteryosong tao sa El Filibusterismo.

Nang mga sandaling iyon ay hindi taglay ni Camaroncocido ang dati niyang anyong matigas at walang bahala: isang wariy masayang pagkaawa ang matatanaw sa kanyang paningin. Isang munting lalaki, isang mababang matanda ang masayang sumagupa sa kanya. Kaibigan! ang sabi, na paos ang boses na wariy sa palaka, at ipinakikita ang ilang pisong Mehikano. Nakita ni Camaroncocido ang mga mamiso, at ikinibit ang balikat. Ano ba sa kanya iyon?8 Ang matanday isang mainam na katumbalikan niya. Maliit, lubhang maliit, natatakluban ang ulo ng isang sumbrerong de copa na naging isang uod na may balahibo,9 at napapaloob sa isang maluwang na lebita, lubhang maluwang at napakahaba hanggang sa mapantay sa isang salawal na napakaikli na hindi lumalampas sa binti.10 Ang kanyang katawan ay waring siyang lolo at ang mga paay siyang apo,11 samantalang ang kanyang mga sapatos ay naglalayag mandin sa katihan.12 Iyon ay dalawang malalaking sapatos marinero na tumututol nang laban sa uod na may balahibo na nasa kanyang ulo,13 na gaya ng matinding tutol ng isang kumbento na nasa tabi ng isang Exposicion Universal!14 Kung si Camaroncocido ay mapula, ang matanda naman ay kayumanggi; kahit na lahing Kastila ay walang buhok sa mukha, ang Indio ay may balbas at bigoteng mapuputi, mahahabat madalang. Ang paningin ay malikot. Kung tawagin siyay Tio Kiko, at gaya ng kanyang kaibigan ay nabubuhay din siya sa publisidad: siya ang nagpapatawag ng mga palabas at nagdidikit ng mga poster ng mga dulaan. Siya marahil ang tanging Pilipino na kahit naka-chistera at lebita ay

8 Wala na siyang paki-alam sa pera. 9 Nagpapatawa si Rizal dahilan sa ang sumbrero ay hugis copa na matulis sa itaas at magtatapos sa ibaba na mukha ay mayroong makapal na bigote. 10 Isang nakakatawang anyo na ang coat ay kapantay lamang ng isang pantalon na hindi lumalampas sa binti. 11 Mas mahaba ang katawan kaysa sa hita at binti 12 Napakalaking sapatos kaya parang barko na naglalayag sa lupa. 13 Maliit ang sumbrero at napakalaki ng sapatos isang kaayusan na wala sa proporsiyon. 14 Ang tinutukoy ang maliit na ulo at ang malaking proyekto

nakapaglalakad nang hindi ginagambala,15 gaya rin naman ng kanyang kaibigan na siya ang tanging Kastila na nagtatawa sa karangalan ng lahi.16 Binayaran ako ng malaki ng Pranses, ang sabing nakangiti at ipinatanaw ang kanyang gilagid na wariy isang kalsada, matapos daanan ng isang sunog, napabuti ang kamay ko sa pagdidikit ng mga kartel! Muling ikinibit ni Camaroncocido ang kanyang mga balikat. Kiko, ang sagot na ang boses ay tulad ng sa kuweba, kung anim na piso ang ibibigay sa iyo dahil sa gawa mo, magkano kaya ang ibinayadsa mga prayle? Dahil sa kaliksihang likas ni Tio Kiko ay itinaas ang ulo. Sa mga prayle? Sapagkat dapat mong malaman, ang patuloy ni Camaroncocido, na ang pagkapunong itoy kagagawan ng mga kumbento! Sadya nga namang gayon: ang mga prayle na pinangunguluhan ni Padre Salvi at ilang hindi pari na pinamumunuan ni Don Custodio ay tutol sa pagtatanghal na iyon. Si Padre Camorra, na hindi makapanood, ay nanlilisik ang mata at naglalaway ang bibig;17 subalit nakikipagtalo kay BenZayb na malambot na nagtatanggol, sapagkat naiisip ang ticket na walang bayad na ipadadala sa kanya ng may palabas.18 Pinagsasalitaan siya ni Don Custodio tungkol sa maayos na hilig, sa pananampalataya, sa mabuting kaugalian, atbp.

15 Ok lang na magsuot ng kasuotang Espanyol ito ay dahilan sa katatawa niyang pananamit. 16 Si Caromancido naman ay isang Espanyol na walang paki-alam sa anyo at kalagayan ng kaniyang suot na damit. 17 Nakakatuwa ang na ilagay sa imahinasyon ang mukha ni Padre Camorra na nanlilisk ang mata sa pagtutol sa pagtatanghal at naglalaway naman ang bibig sa magagandang artista na magtatanghal. 18 Ipinakita ni Rizal ang mukha ng mga mamamahayag na mahigpit sa pagtunggali sa isang isyu na hindi pakikinabangan at malambot naman sa pag-atake sa mga isyu na maari siyang magka-pera. Tama po ba ako Kabayan?

Ngunit ang bulong ng manunulat, ang ating mga dulang sainete ay may mga paglalaro ng mga salita at mga pangungusap na dalawa ang kahulugan19 Ngunit nasa wikang Kastila naman, ang pasigaw na putol ng mabait na konsehal, na nag-aalab sa banal na pagkagalit - mga mahalay na salita sa wikang Pranses!20 Tao kayo, Ben-Zayb, maanong alang-alang sa Poong Diyos, sa wikang Pranses! Iyan ay hindi dapat mangyari magpakailan man! At binigkas ang hindi dapat mangyari magpakailan man ng kasintigas kung pagpipisanin ang tatlong Guzman na pinagbabalaang papatayin ng isang pulgas, kapag hindi isinuko ang dalawampung Tarifa.21 Gaya ng maasahan, si Padre Irene ay kasang-ayon ni Don Custodio at nagtutungayaw sa operetang Pranses. Puf! Siyay nakapunta sa Paris, ngunit hindi man lamang tumuntong sa bangketa ng isang dulaan, iniligtas siya ng Maykapal!22 Subalit ang operetang Pranses ay marami namang mga naging kakampi. Ang mga opisyal sa hukbo at mga pandigmang-dagat, na sa mga itoy kabilang ang ayudante ng Heneral, ang mga kawani at ilang matataas na tao ay nangagnanasang lumasap ng kainaman ng wikang Pranses sa mga bibig ng mga tunay na Parisien;23 kabilang nila ang mga nakasakay na ng M. M. at

19 Sainete isang pagtatanghal na farcical o patawa. Mapansin sana na ang El Filibusterismo kung itatanghal sa tanghalan ay hindi lamang isang seryosong nobela ang kabuuan nito ay isang malaking katatawanan. Kung hindi ka naniniwala ay isipin mo na lang ang paglalarawan na gagawin ng isang artista sa hitsura ng mukha ni Padre Camorra na nanlilisik ang mata sa pagtutol sa pagtatanghal at naglalaway naman ang bibig sa sarap ng makamundong pagnanasa sa kagandahan ng mga artista. Higit salahat ay ipinahalat na ni Rizal na ang kaniyang mga pananalita sa kaniyang dalawang nobela ay paglalaro ng mga salita at pangungusap. 20 Ok lang dahilan sa Espanyol, subalit kung wikang Pranses ay hindi OK 21 Tatlong malupit na obispo na titirisang ang isang pulgas kapag hindi nakabayad ng mga bayarin sa sakramento ng simbahan. 22 Magugulat kayo sa susunod na kabanata dahilan sa ipinagmamalaki ni Don Custodio na si Padre Irene , kahit na nakarating sa Paris ay hindi tumuntong kahit na sa bangketa ng dulaan. 23 Mapapansin na ang mga kalalakihan ay kasang-ayon sa pagtatanghal ng operetang Pranses ito ay dahilan sa pagnanais nilang lumasap ng kainaman ng wikang Pranses sa bibig ng mga tunay na Parisien. Kung hindi mo maiintindihan ang nakatagong kahulugan, hindi ka maliligayan. Naintindihan mo ba? Magmalaki ka dahil hindi ka pinagtampuhan ng IQ.

nakagamit ng kaunting Pranses sa paglalayag,24 ang mga nakadalaw sa Paris, at lahat niyong mga ibig na masabing silay bihasa. Ang lipunan nga sa Maynila ay nagkahati sa dalawang pangkat, ang mga operetista at mga antioperetista, na pinayuhan ng matatandang babae, mga asawang selosa at nanganganib sa pag-ibig ng kanilang mga kabiyak, at nang may mga katipan sa pag-aasawa,25 samantalang ang mga malayat ang mga magaganda ay nangagpakilalang na silay mga masugid na operetista.26 Nagsalimbayan ang mga sulatan, nagkakaroon ng mga paroot parito, sali-salitaan, mga pagpupulong, mga paglilipun-lipon, mga pagtatalo; natukoy na tuloy sampu ng paghihimagsik ng mga Indiyo, ang katamaran, ang mga liping mababat liping matataas, karangalan at iba pang kamulalaan, at matapos ang maraming hatid-hatirang usap at maraming bulung-bulungan ay ibinigay ang pahintulot,27 at si Padre Salvi ay naglathala ng isang pastoral na walang bumasa kundi ang taga-ayos lamang sa limbagan.28 Nabalitaang ang Heneral ay nakagalit ng Condesa; na itoy naninirahang madalas sa mga bahay-aliwan;29 na ang marangal na pinuno ay nabugnot; na ang consul ng mga Pranses ay gayon na nagkaroon ng mga handog, atbp.; at nalalahok sa usapan ang maraming pangalan, ang sa Insik na si Quiroga, ang sa kay Simoun at pati na ng sa maraming babaeng artista.30

24 Messageries Maritimes tumutukoy sa kompanya ng barko na naghahatid ng pasahero mula Asya patungo sa Europa. Maging si Rizal sa kaniyang unang paglalakbay noong 1882 ay sumakay ng bapor Djemnah na pag-aari ng nasabing kompanya. Sa nasabing paglalakbay na iyon ni Rizal ay sinubukan niya na magsalita ng wikang Pranses at natagpuan niya na ang napag-aralan niyang Pranses sa Maynila ay hindi sapat para sa isang maayos na pakikipag-usap. Ang pagbabalak na gamitin ni Rizal ang kaniyang Pranses sa bapor Djemnah ay dahilan sa kaniyang pagnanais na makausap ang dalawang dalagitang Dutch na kaniyang nakasakay sa nasabing bapor. 25 Ang isang pangkat ng mga tumutuol at hindi manonood ay ang mga lalaking takot sa nanay, asawa, o sa katipan. 26 Ang mga walang asawa ay ok lang na manood ng opereta at ang mga babaeng magaganda ay hindi tumutol sa pagtatanghal. 27 Makikita ang kontrabersiya na nilikha ng opereta. 28 Dahilan sa pinahintulutan ng Kapitan Heneral ang pagtatanghal ng opereta si Padre Salvi ay naglabas naman ng pastoral letter laban sa opereta. Ang huling sandata ng mga taong simbahan ay ang gamitin ang pag-blackmail sa konsensiya. 29 Ibig sabihin ay naging usap-usapan na ang dahialan sa pagpapahintulot ng Kapitan Heneral sa pagtatanghal ng operetta ay mayroong kapalit na halos patutunayan ng pakikipag-away ng First Lady sa kaniyang asawa. Tama po ba ako Doktora?

Salamat sa paunang eskandalong ito, ang pagkasabik ng taoy naragdagan, at mula pa sa araw na sinusundan ng palabas, araw na idinating ng mga artista, ay walang napaguusapan kundi ang pagpasok sa unang pagtatanghal. Sapul nang lumabas ang mapupulang poster na nagbabalita ng Les Cloches de Corneville, ang mga nanaloy humanda na sa pagdiriwang ng kanilang tagumpay. Sa ilang kawanihan ay hindi na pinalilipas ang panahon sa pagbabasa ng mga pahayagan at pagsasatsatan,af31 kundi dinudumog ng mga kasaysayang limbag ng palalabasin, nangagbabasa ng mga nobelang Pranses, at ang maramiy tumutungo sa palikuran, na nagpapakunwaring iniiti, upang makasangguni lamang nang palihim sa munting diksiyunaryong pambulsa.32 Ngunit gayunman ay hindi rin nalulutas ang mga expidiente; kundi bagkus pa ngang ang lahat ay pinababalik sa kinabukasan, datapwat hindi mangyayaring magalit ang kahit sino; ang nakakaharap ay mga kawaning lubhang magagalang, masuyo, na tumatanggap sa kanila at nagpapaalam sa pamamagitan ng malalaking yuko na ugaling Pranses:33 ang mga kawaniy nangagsasanay, nililinis ang kanilang Pranses na inaamag at sila-silay nagbabatian ng oui monsieur, sil bous plait, at pardon (opo, ginoo, kung pahintulot ninyo) sa bawat kilos, bagay na lubhang kaiga-igayang madinig at panoorin. Ngunit sa pasulatan ng mga pahayagan naroroon ang lalong galawan at ang kagipitan ay umaabot sa lalong malaki; si Ben-Zayb, na sinasabing siyang manunuligsa at nagsasalin sa wikang Kastila ng kasaysayan ng palalabasin ay nangangatal na wariy babaing nasuplong sa pangungulam: Nakikita niyang ang kanyang mga kalaban ay nagpupunyaging makahuli ng kanyang mga kamalian at ipinamumukha sa kanya ang di pagkabatid na mabuti ng Pranses. Nang panahon ng Opera Italiana ay kaunti na siyang mapasubo sa isang patayan dahil sa maling pagsasalin sa wikang Kastila ng
30 Lumaki ang balita at dumami pa ang nahandugan ng mga babaeng artistang Pranses. 31 Walang hiya talaga si Rizal, dinale pa ang sistema na makikita hanggang ngayon sa mga tanggapan este kawanihan ng pamahalaan. 32 Hindi na nga nagbasa ng dyaryo at nag-tsismisan, pero nagpalipas oras pa rin sa loob naman ng kasilyas. 33 Ipinakita ni Rizal ang kaniyang vision ng isang tanggapan este kawanihan na ang gagamiting ugali ay Pranses, subalit nanatili ring Espanyol sa pagiging inipesyente.

pangalan ng isang tenor; agad-agad naglathala ang isang mainggitin at inalagay siyang walang namumuwangan, siya, ang una-unang ulong nag-iisip sa Pilipinas! Gaanong hirap ang sinapit niya sa pagsasanggalang! Nangailangan siyang sumulat nang di lamang lalabimpitong palathala at sumangguni sa labinlimang diksiyunaryo. At dahil sa mabuting pagkakaalaalang iyon, ang kaawa-awang si Ben-Zayb ay lumalakad na lubhang maingat, na ang inilalakad ay kamay, hindi namin sinasabing paa, upang di gayahan si Padre Camorra na may masamang ugaling ipintas kay Ben-Zayb na paa ang ginagamit nito kung sumusulat.34 Nakita mo na, Kiko? ang sabi ni Camaroncocido, ang kalahati ng taong iyan ay naparito dahil sa sinabi ng mga prayle na huwag pumarito; ang gayon ay waring isang pahayag; at ang kalahati pa, sapagkat anila sa sarili ay: Ipinagbabawal ng mga prayle? Kung gayoy katututuhan marahil.35 Maniwala ka sa akin, Kiko, ang mga poster mo ay mabuti nga, ngunit lalo pang mabuti ang pastoral, at dapat mong mabatid na wala isa mang nakabasa!36 Kaibigan, inaakala mo baga, ang tanong ni Tio Kiko, na hindi mapalagay, na dahil sa kakumpitensiya ko na si Padre Salvi ay mawawala na kaya ang trabaho ko?37 Marahil, Kiko, marahil, ang sagot ng kausap na tumingin sa langit, ang salapiy unti-unti nang nawawala38
34 Ang insidente ay nagpakita ng kaniyang kahinaan at dahilan dito si Ben-Zayb ay naging maingat. Inilalakad ay kamay upang hindi matulad ang pintas ni Padre Camorra na ang gamit ng peryodista sa pagsulat ay paa. 35 Ang kalahati ng bilang ng mga manonood ay kontra sa mga prayle at ang kalahati naman ay nanood dahilan sa ipinagbawal ng mga prayle na manood. 36 Isang sakit ng lipunang Pilipino na kapag ipinagbabawal ay mas lalong nagnanais na makita ang isang bagay na ipinagbabawal. Maging ang Noli Me Tangere ay naging mabili sa Pilipinas noong ipalabas ng simbahan ang pahayag na nagbabawal na ito ay basahin. Nagpapaala-ala sa akin noong panahon ng aking kabinataan na ang mga malaswang pelikula ay hindi pinahihintulutan ng Board of Censor ay nagkakaroon ng mahigpitang pagtatalo sa mga pahayagan at pagkatapos na mabigyan ng pahintulot ay napakahaba ng pila ng mga taong nais na makapanood. 37 Nangamba si Kiko na mawalan ng trabaho, dahilan sa mas epektibo na umakit sa tanghalan ang mga pastoral letter na nagsasabi na huwag panoorin ang isang pagtatanghal. 38 Ibig sabihin, mawawalan na ng pagkakakitaan si Kiko dahilan sa ang mga prayle ay maari na ring kumita sa publisidad ng isang pagtatanghal.

Si Tio Kiko ay bumulong ng ilang salita at pangungusap na di malinawan; kung ang mga prayle ay manghihimasok sa publisidad ng mga palabas-dulaan ay papasok naman siyang prayle.39 At mataposs makapagpaalam sa kanyang kaibigan ay lumayong uubu-ubo at pinakakalansing ang kanyang mga mamiso. Si Camaroncocido, na taglay ang dati niyang pagwawalang-bahala, ay nagpatuloy sa pagyayaot dito na kaladkad ang paa at mapungay ang paningin. Napuna niya ang pagdating ng ilang mukhang hindi kilala, na ibat iba ang pinanggagalingan at nangaghuhudyatan sa pamamagitan ng kindat at pag-ubo. Noon lamang niya nakita sa mga gayong pagkakataon ang mga taong iyon, siya, na nakakakilala sa lahat ng anyo ng mga naninirahan sa siyudad at sa lahat ng pagmumukha. Mga lalaking madidilim ang mukha, mga hukot, mga di mapalagay at hindi mawasto at masama ang pagkakabalatkayo ng suot, na wariy noon lamang nagsuot ng amerikana. Hindi nangagsisilagay sa unang hanay upang makapanood na mabuti, nangagkakanlong sa dilim, na waring ayaw na silay makita.40 Mga sekreta ng pulisya o mga magnanakaw? ang tanong sa sarili ni Camaroncocido at dagling ikinibit ang balikat, at ano ba ang mayroon sa akin? Ang parol ng isang sasakyang dumarating ay tumanglaw, sa pagdaraan, sa isang pulutong ng apat o lima ng mga taong iyon na nakikipagusap sa isang wariy kawal sa hukbo. Pulisya sekreta, marahil ay isang bagong tatag na kawanihan! ang bulong niya. At kumilos ng isang anyong nagwawalang-bahala. Ngunit makaraan yaon ay nakita ang militar, matapos na makipag-alam sa dalawa o tatlong pulutong pa, na tumungo sa isang sasakyan at waring nakipag-usap nang mahigpitan sa isang nasa loob. Si Camaroncocido ay lumakad nang ilang hakbang at kahit hindi namangha ay waring nakilala niya si Simoun,

39 Mas malaki ang kikitain ni Kiko kapag siya ay naging prayle na ang magiging trabaho niya ay hindi na ang magdikit ng poster susulat na lang siya ng pastoral letter na nagsasabing huwag panoorin ang isang pagtatanghal. Isang biruan noong panahon ng aking kabataan na mayroong mga producer ng pelikula na nagsusuhol sa Board of Censor para ibalita na malaswa ang pelikulang kanilang ginawa at tutulan ang pagpapalabas nito. 40 Isang pangkat ng mga tao na may lihim na misyon sa loob ng tanghalan.Mga Tauhan ni Simoun.

samantalang ang matalas niyang pandinig ay nakaulinig ng ganitong maikling usapan: Ang palatandaan ay isang putok? Opo! Huwag kayong mag-alaala; ang Heneral ay siyang nag-uutos; ngunit pag-iingatan ninyong huwag masasabi. Kung susundin ninyo ang aking utos ay matataas kayo.41 Opo. Kung gayoyhumanda kayo! Ang boses ay tumigil at makaraan ang ilang sandaliy lumakad ang sasakyan. Kahit na mapagwalang-bahala si Camaroncocido ay hindi rin nakapigil sa pagbulong na: May binabalak Pakaingatan ang mga bulsa! At sa dahilang naramdamang walang laman ang kanyang mga bulsa ay muling ikinibit ang balikat. Ano ang mayroon sa kanya kung gumuho man ang langit? At nagpatuloy sa kanyang pakikimatyag. Nang magdaan sa harap ng dalawa kataong nag-uusap ay nadinig sa isa, na may sabit na mga kuwintas at kalmen sa leeg, na sinasabi sa wikang Tagalog, na: Ang mga prayle ay malakas pa kaysa Heneral, huwag kang mangmang; itoy aalis at ang prayley maiiwan. Magawa lamang nating mabuti ay yayaman tayo. Ang palatandaan ay isang putok!42 Aba, aba! ang bulong ni Camaroncocido na ipinipiksi ang mga daliri, doon ay ang Heneral, at dito ay si Padre Salvi Kahabag-habag na bayan! Ngunit ano mayroon sa akin?43
41 Ang mga kausap ni Simoun ay mga kawal sa hukbong Espanyol na mga tauhan ni Simoun. 42 Ang pangkat na ito ay mga lalaking mapanata sa simbahan, na ginamit rin ni Simoun na naniniwala na ang nagpapagawa sa kanila ng isang misyon ay ang mga prayle. 43 Naguguluhan si Camaronconcido dahilan sa iisang lugar ay waring nagtagpo ang tatlong paksiyon ng mga manggugulo. Ang mga probinsiyano na nasa loob ng

At matapos na maikibit ang balikat na sabay sa paglura at dalawang ngiwi, na sa ganang kanya ay siyang tanda ng lalong malaking pagwawalang-bahala ay ipinatuloy ang pakikimatyag.44 Samantala naman ay matutuling dumarating ang mga sasakyan, biglang hihinto sa tabi ng pintuan at iiwan ang kanilang sakay na pawang tao sa mataas na lipunan. Ang mga babae, kahit babahagya ang lamig ng gabi, ay may dalang maiinam na chal, mga pauelong sutla at mga panlaban sa ginaw; ang mga lalaki, ang mga naka-frac at kurbatang puti, ay gumagamit ng gaban; ang ibay bitbit na lamang at ipinatatanaw ang mga siping sutla.

tanghalan, ang mga opisyal na may binabalak na gawing kaguluhan, at ang mga mapanata ng simbahan na may gagawing kaguluhan. 44 Sa bahaging ito ng kabanata ay unti-unting mauunawaan unang pagtatangka ni Simoun na maghasik ng kaguluhan. Sa Noli Me Tangere ay gumawa ng isang gawagawang pag-aalsa si Padre Salvi na naganap sa San Diego upang isangkot si Ibarra, ito ay sa pamamagitan ng lihim niyang pag-upa ng mga armadong tauhan sa pamamagitan ni Lucas (pansinin na ang suot ni Lucas sa nobelang Noli ay ang kalmen na kagaya ng mga hindi pinangalanang mga tauhan sa kabanatang ito ng Fili) ng mga taong susugod sa kuwartel at palalabasin na ang pinuno ay si Ibarra. Pagkatapos na maorganisa ang armadong pangkat ay isinuplong naman ni Padre Salvi ang pag-aalsa sa alferes ng guardia civil (pansinin din na ang inaasahan naman nito ay ang promosyon), kaya sa gawa-gawang pag-aalsa sa San Diego ang totoong nagkasagupa ay ang mga armadong tauhan ni Padre Salvi at ang mga tauhan ng alferes. Sa bahaging ito ng kabanata ng Fili ay mauunawaan na ang nagmamanipula na ng magiging kaganapan ay si Simoun. Ang mga panatiko ng simbahan ay lihim niyang sinabihan na si Padre Salvi ang nasa likod ng isang pag-aalsa at ito ay isang anyo ng armadong pagtutol sa naging pagpabor ng Kapitan Heneral sa pagtatanghal ng opereta. Ang hudyat ng gagawing pagsalakay ng mga ito ay isang pagsabog. Ang mga opisyal ng hukbong Espanyol ay binigyan naman niya ng paunang inpormasyon sa magaganap na pag-atake ng mga panatiko ng simbahan sa kanilang kuwartel na ang magiging hudyat ay isang pagsabog. Ang pumasok sa loob ng tanghalan (na napansin ni Camaronconcido) na mga di kilalang tao na nakabalatkayo ay ang mga tulisan na tauhan ni Kabesang Tales at ito ay para tuparin ang kanilang lihim na misyon na pasabugin ang tanghalan sa panahon na nagkakaipon na ang lahat ng mga matataas na opisyal ng gobyerno sa loob ng tanghalan. Kung ang tanghalan ay sasabog magkakaroon isang malaking kalituhan dahilan sa magkakaroon ng power vacum sa itaas ng istraktura ng gobyerno kolonyal ng Espanya sa Pilipinas at ang mapagbibintingan ng mga militar ay mga taong simbahan. Magkakaroon ng malaking patayan sa pagitan ng kolonyal na hukbo at ng mga panatiko na magtatanggol sa simbahan. Kapag nagkaganoon, higit na magiging madali kay Simoun na gumawa ng ikatlong puwersa na bubuuin ng mga tulisan at ng mga aping taong bayan.

Sa pulutong ng mga nag-uusyoso, si Tadeo, ang nagkakasakit kung pumapanaog ang guro, ay kaakbay ng kanyang kababayang baguhan, na namalas nating nagtiis bunga ng masamang pagkakabasa sa katotohanang sinabi ni Descartes.45 Ang baguhan ay naging masyadong mausisa at mapagtanong, at sinamantala ni Tadeo ang kanyang kamangmangan at di kaalaman upang pagsalaysayan ng lalong malalaking kasinungalingan.46 Bawat Kastilang bumabati sa kanya, maging may mababang katungkulan o kawani sa mga tindahan, ay sinasabi sa kanyang kasama na iyon ay pinuno sa ibang kawanihan, markes, konde, atbp.,47 datapwat kapag ipinagpatuloy ang paglakad, psh! iyon ay isang bulakbol, isang oficial quinto, isang taong walang gaanong kabuluhan!48 At pag wala nang naglalakad na makapagpapahanga sa baguhan ay ang mga magagarang sasakyan namang dumaraan ang hinaharap; si Tadeo ay bumabati nang mainam na ayos, ikakaway nang malugod ang kamay, bibitiw ng isang adios! na pamilyar. Sino iyon? Bah! ang sagot na parang walang anuman, ang Gobernador Civil ang Segundo Cabo49 ang Mahistradong si gayon ang asawa ni na mga kaibigan ko! Ang baguhan ay nahahanga, nakatangang siyay pinakikinggan at nagiingat upang di mapalagay sa kanan ng kausap. Si Tadeo ay kaibigan ng mga mahistrado at mga gobernador!

45 Ang kasama ni Tadeo ay ang inilalarawan ni Rizal sa bahay ng mga estudyante na sinaktan ng pilay, dahilan sa maling pagbigkas sa pagbasa ng cogito ergo sum. 46 Ang mga salaysay ni Tadeo ay isa sa mga pinakakatawang bahagi ng nobelang ito. Makikita rito ang kahusayan ni Rizal na magawa niya sa pamamagitan ng mga mapagpatawang pahayag na ang mga malalaking Katotohanan ay maitago niya sa isang nakakatawang kasinungalingan. 47 Sa pagsasalaysay ni Tadeo sa kaniyang bagong saltang kababayan ay pinalaki niya ang katungkulan ng mga maliliit o karaniwang mga Espanyol. Subalit ang katotohanan, ang pagpapalaki na ginagawa ni Tadeo ay karaniwan na ginagawa ng mga Espanyol lalo na sa mga probinsiya na malayo sa Maynila at kakaunti ang mga Kastila, sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila na mayroong mataas na katungkulan. 48 Kawawa naman kay Tadeo ang mga Espanyol na hindi siya kinakawayan o binabati kahit na anong taas ng pusisyon sa gobyerno ay dine-demote niya sa tungkulin. 49 Ang katungkulang segundo cabo ay pumapangalawa sa Kapitan Heneral.

At sinabi sa kanya ni Tadeo ang pangalan ng lahat ng dumarating at pag hindi niya kilala, ay gumagawa ng mga bansag, mga kasaysayan at nagsasaysay ng mga sarisaring bagay.50 Nakikita mo ba iyong taong mataas, na may patilyang itim, duling nang kaunti, na itim ang suot? Iyon ang Mahistrado A, kaibigang matalik ng asawa ng Koronel B; isang araw ay kaunti nang mag-away ang dalawang iyan kung hindi ako namagitnaadios!51 Tingnan mo, hayan at dumarating pa naman ang Koronel, mag-away kaya ang dalawa? Pinigil ng baguhan ang paghinga, ngunit ang Koronel at ang mahistrado ay malugod na nangagkamayan, ang militar na isang matandang binata ay kinamusta kung ano ang lagay ng mga kaanak ng kaharap, atbp. Ah, salamat sa Diyos! ang hinga ni Tadeo, ako ang may kagagawan ng kanilang pagkakasundo. Kung hilingin kaya ninyo ng pabor na tayoy ipasok? ang tanong na may kaunting pangamba ng baguhan. Ah! Kailanmay hindi ako nangungutang ng loob! ang sabing nagmataas ni Tadeo, akoy gumagawa ng mabuti, ngunit hindi ako nagaantay na gantihan. Kinagat ng baguhan ang kanyang labi, lalo pang nangunti at naglagay ng magalang na layo sa pagitan niyat ng kanyang kababayan. Nagpatuloy si Tadeo. Iyan ang musikong si H Iyan ang abugadong si J, na bumigkas, na wariy kanya, ng isang talumpating nakatitik sa lahat ng aklat, at siyay pinuri at hinangaan ng mga nakinig52 Iyang bumababa sa isang hansomkab ay ang manggagamot na si K, na ang lalo niyang pinagsisikapan
50 Maaring gumagawa lamang ng kuwento si Tadeo sa kaniyang bagong saltang kababayan, upang magkaroon ng epektong katatawanan sa mga mambabasa, subalit ang mga kuwentong ito ay higit na na hinango ni Rizal sa mga tunay na kaganapan sa Maynila. 51 Pinindeho ng mahistrado ang asawa ng koronel. Pero binawi naman ni Rizal ang maaring galit ng mga tunay na pinatutungkulan ng isulat niya na ang koronel ay isang matandang binata. i SA bahaging ito ay wala na ang katatawanan higit na seryoso na ang ibinubunyag. 52 Nangongopya ang abogado sa iba. Tama po ba ako SC Justice?
i

ay ang sakit ng mga bata, kayat pinanganlan siyang Herodes53 Iyan ang mayamang si L, na walang nasasabi-sabi kundi ang kanyang mga kayamanan at mga itinatago ang makatang si M, na lagi nang tumutukoy sa mga bituin at sa mga bagay-bagay ng dako pa roon Hayan ang magandang asawa ni N, na palaging natatagpuang wala ang asawa kung dinadalaw ni Padre Q ang mangangalakal na Hudyong si P, na isang libong piso ang dala nang pumarito at ngayoy mayroon nang mga angaw-angaw iyong taong iyon na may mahabang balbas ay ang manggagamot na si R na yumaman dahil sa paggawa ng sakit at hindi sa pagpapagaling ng sakit Gumagawa ng maysakit? Oo, sa pagsisiyasat sa mga nagki-quintos54 huwag kayong kumilos! Iyang kagalang-galang na ginoo, na maayos ang pagkakabihis ay hindi mediko, ngunit isang manggagamot sui generis (sa kanyang uri o katutubo), taglay niyang buung-buo ang similia similibus (ang isang kagustuhan ay nagagamot ng isa ring kagustuhan) Ang Kapitan sa kawal na kabayuhan na kanyang kasama ay siya niyang pinakagigiliw sa mga nag-aaral sa kanya55 Iyang suot na putian at ang sumbreroy nakakiling ay ang empleyadong si S, na ang batayan ay ang kailan may huwag magpakita ng ugaling magalang at muhing-muhi kapag nakakita ng isang sumbrero na nakapatong sa ulo ng iba; sinasabing ginagawa niya ang gayon upang huwag mabili ang mga sumbrerong Aleman Iyang mangangalakal na si C, na kumikita ng mahigit sa isang daang libo ngunit ano ang wiwikain mo kung sabihin ko sa iyo na may utang pa sa aking apat na piso, limang sikapat at labing dalawang kuwalta? Ngunit sino ba naman ang sisingil sa isang mayamang gaya niyan? May utang sa inyo ang ginoong iyan? Mangyari! Isang araw ay iniligtas ko siya sa isang kagipitan; isang Biyernes, ikapitot kalahati ng umaga; naaalaala ko pa; hindi pa ako nakapagaagahan noon56 Ang babaing iyan na sinusundan ng isang matandang
53 Ang pinagsisikapang espesyalisasyon ay ang sakit ng mga bata at tinawag ang manggagamot na Herodes, mula sa pangalan ng hari ng Judea na nagpapatay ng napakaraming mga sanggol. Sa pamamagitan kaya ng pagpapatawang ito ay ipinararating ni Rizal ang pagkakaroon ng ganitong uri ng mga manggagamot sa Maynila. 54 Ang manggagamot ay yumaman dahilan sa pagbibigay ng katibayan na mayroong karamdaman ang isang lalaki upang hindi makapaglingkod sa serbisyo militar. 55 Ang manggagamot na ipinapakita rito ay isang bakla. 56 Ang mayayaman ay nagkakaroon rin ng utang sa mga karaniwang tao, na malimit ay hindi nababayaran. Sa Board ng MERALCO, tama po ba ang paliwanag ko.

babae rin ay si Pepay na mananayaw...ngayoy hindi na nagsasayaw sapul nangipagbawal sa kanya ng isang ginoong napakakatoliko at matalik kong kaibigan57 Nariyan ang bulugang si Z; matitiyak na sumusunod kay Pepay upang itoy pasayawing muli.58 Isang mabuting tao, na matalik kong kaibigan, wala kundi isang kapintasan: siyay mistisong Insik at nagpapanggap na taga-Espanya. Sst! Tingnan mo si Ben-Zayb, iyang mukhang prayle, na may dalang lapis sa kamay at isang balumbong papel, iyan ang dakilang manunulat na si Ben-Zayb, matalik kong kaibigan; may isang katalinuhan! Mawalang-galang sa inyo at iyang munting tao na may mga patilyang puti? Iyan ang naglagay sa kanyang tatlong anak na babae, iyang tatlong maliliit, na mga auxiliar de fomento upang makasingil ng sahod sa talaan ng pamahalaan Iyay isang ginoong matalas ang pag-iisip, ngunit napakatalas! Gagawa ng isang kaululan at ibibintang sa iba; bibili ng isang baro at ang nagbabayad ay ang kabang-bayan. Matalas, matalas na matalas, ngunit napakatalas! Si Tadeo ay napahinto. At iyang ginoong may astang mabangis at ang lahat ng taoy tinitingnan nang paalipusta? ang tanong ng baguhan na itinuro ang isang taong iginagalaw na mapalalo ang ulo. Ngunit si Tadeo ay hindi sumagot,59 inihaba ang leeg upang tanawin si Paulita Gomez na dumarating na kasama ang isang kaibigan, si Donya Victorina at si Juanito Pelaez. Binigyan sila ng binata ng isang palco at lalo pa manding kuba kaysa karaniwan.60 Dating at dating ang mga sasakyan, dumarating ang mga artista na sa ibang pintuan ang pasok at sinusundan ng mga kaibigan at mga ligaw.

57 Napakawalanghiya talaga ni Rizal sa pang-iinsulto, lumilitaw na iginarahe (sinarili) ni Don Custodio si Pepay para hindi na makapag-sayaw at ito ay atas ng kaniyang pagiging mabuting Katoliko. 58 Lumilitaw na si Z ay karibal ni Don Custodio at gustong pasayawing muli si Pepay. 59 Halimaw talaga ang kabangisan ni Rizal, nagawa niyang mag-expose ng isang nakakamuhing anyo ng tao sa Maynila, sa pamamagitan ng pagtatanong na ang ginamit niya ay isang tatanga-tangang bagong salta. 60 Palco isang lugar sa tanghalan na nasa itaas at nahahati sa mga dibisyon upang hindi makasalamuha ng mga karaniwang manonood.

Nang si Paulitay makapasok na ay nagpatuloy si Tadeo: Iyan ang mga pamangking babae ng mayamang si Kapitan D, iyang nangakasakay sa landoo; nakikita mong napakagandat napakainam ng pangangatawan? Sa loob ng ilang taon marahil ay pawang patay na o baliw ayaw si Kapitan D na silay mangag-asawa, at nahahalata na sa mga pamangkin ang pagkakahawa sa kabaliwan ng amain Iyan ang binibining E, ang magmamana ng isang malaking kayamanan, na pinag-aagawan ng mundo at ng mga kumbento Huwag kang kikibo! Iyan ay nakikilala ko! Si Padre Irene! Nakabalatkayo, may misay na huwad lamang! Nakikilala ko dahil sa kanyang ilong! At siya pa namang labang-laban!61 Gaulilat na tiningnan ng bagong salta at nakitang nakanlong ang isang lebita na mabuti ang tabas sa isang pulutong ng mga babae. Ang tatlong Parka (ang parka ay sina Cloto, Lagnesis at Atropos, na may mukhang matatandang babae; ang unay humahabi ng buhay, ang pangalaway nag-aandama ng sinulid na hinahabi, at ang pangatloy nilalagot ang habi ng buhay)! ang patuloy ni Tadeo nang makitang dumarating ang tatlong mga yayat, mabuto, nangangalumata, maluluwang ang bibig at masagwa ang bihis, ang mga pangalan niyan Atropos! ang mahinang sabi ng baguhan, na ibig magpakitang siyay may kaunting kaalaman, kahit sa mitolohiya man lamang. Hindi, tao ka, ang mga pangalan niyan ay mga binibini ni Balcon (dungawan, bintana mga binibining palaging nakadungaw), mga mapamintas, mga matatandang dalaga, mamumula Ang lahat ay kinamumuhian, ang mga lalake, ang mga babae, ang mga bata Ngunit tingnan mot sa piling ng kasamaan ay inilalagay ng Diyos ang kung minsan nga lamang ay nahuhuli.62 Sa likod ng mga Parka, na panakot sa bayan, ay dumarating ang tatlong iyan, na ipinagmamalaki ng kanilang mga kaibigang kinabibilangan ko. Iyang binatang payat na malalaki ang mata, hukot nang kaunti, na ang kilos ay madalas dahil sa hindi umabot ng ticket, iyan ay ang kimikong si S, sumulat ng maraming pagsusuri at mga gawain tungkol sa karunungan, na ang ilan ay nagtamo ng gantimpala at nabantog na

61 Sa susunod na kabanata ay malalaman ninyo ang kagulat-gulat na dahilan kung bakit tutol si Padre Irene sa pagtatanghal ng operetang Pranses. 62 Talagang grabe si Rizal sa pamimintas sa mga tao sa Maynila, pati ang mga matatandang dalaga ay hindi niya pinalampas. Ano ang dahilan ng pagparoon ng tatlong matandang dalaga ang tanghalan ay gagawin nilang isang balcon, para pintasan ang opereta.

lahat; ang sabi ng mga Kastila sa kanyay maaasahan, maaasahan63 Ang sumusunod sa kanya, na ang taway gaya ni Voltaire, ay ang makatang si T, batang matalino, matalik kong kaibigan, at dahil nga sa kanyang katalinuhan ay itinapon ang panitik.64 Ang isa na nagpalagay na silay makipasok sa mga artista sa isang pintuan ay ang binatang manggagamot na si M, na nakagawa na ng maraming mabubuting paggamot, siya man ay sinabi ring maaasahan hindi lubhang kuba na gaya ni Pelaez, ngunit higit dito sa katalasan at lalo pang palabiro. Inaakala kong maging si Kamatayan ay hinihilo at pinagsisinungalingan.65 At iyang ginoong kayumanggi na ang misay ay waring tutsang? A! Iyan ang mangangalakal na si F, na ang lahat ng bagay ay pinagdadayaan, sampu ng kanyang fe de bautismo pinagpipilitan niyang maging mistisong Kastila sa lahat ng paraan at inuubos ang buong kaya upang malimot ang sarili niyang wika.66 Datapwat napakapuputi ang kanyang mga anak na babae Oo! At iyan nga ang sanhi kung bakit mataas ang halaga ng bigas, gayong wala namang kinakain iyan kundi tinapay. Hindi maintindihan ng bagong salta ang relasyon ng presyo halaga ng bigas sa kaputian ng mga dalagang iyon.67 Nariyan ang nobyo, iyang binatang payat, kayumanggi, ang lakad ay mahina na sumusunod sa kanila at bumating anyong mapag-ampon sa tatlong magkakaibigang nagtatawa sa kanya iyan ay martir ng kaniyang akala, at ng maaring maging kalabasan.
63 Hanggang salita lamang 64 Ang matalinong makata ay iyong nagtatapon ng panulat. Ito ay dahilan sa kapag siya ay nagpatuloy ng pagsulat, maari siyang mabilanggo, bitayin, o kaya ay tawaging hangal. 65 Ang doktor ay nag-iisyu ng death certificate sa mga taong interesante na magkamal ng salapi na mapapatunayang patay na, kahit ito ay nabubuhay pa. 66 Dinaya ang katibayan ng pagkabinyag upang palabasin na siya ay mestisong Espanyol. 67 Mapuputi ang anak ng kayumangging nagnanais na maging mestisong Espanyol na siyang dahilan kung bakit mahal ang halaga ng bigas. Lumilitaw na hindi niya anak ang mga babaeng iyon, kundi anak ng kaniyang asawa sa isang maputing lalaki na maaring kasosyo nila sa rice retail business. Sana ay hindi ako nagkakamali sa aking palagay mga kaibigan sa NFA.

Ang bagong salta ay nagtaglay ng paghanga at paggalang sa binata.68 May kilos hangal, at hangal ngang sadya, ang patuloy ni Tadeo; ipinanganak sa San Pedro, Makati; at kusang itinatanggi sa sarili ang maraming bagay; Halos hindi naliligo o tumitikim ng baboy sapagkat sangayon sa sabi niyay hindi kumakain noon ang mga Kastila, at dahil din sa katwirang iyon ay hindi kumakain ng kanin, patis ni bagoong, kahit na siya mamatay sa gutom at magtulo ang kanyang laway Lahat ng galing sa Europa, bulok o maiimbak, ay masarap na masarap sa kanya, at may isang buwan pa lamang na iniligtas siya ni Basilio sa isang pamamaga ng sikmura; kumain ng isang garapong mustasa upang ipakilalang siyay Europeo!69 Nang mga sandaling iyon ay nagsimula ang orkestra sa pagtugtog ng isang balse. Nakikita mo ang ginoong iyan? Iyang payanggot na bibiling-biling ang ulo at naghihintay na siyay batiin? Iyan ang bantog na gobernador sa Pangasinan, isang taong hindi makakain kapag may isang Indiyo na hindi nagpugay sa kanya Kaunti nang mamatay kung di nalagda ang bando ng pagpupugay na siyang sanhi ng kanyang kabantugan.70 Kaawa-awang tao! May tatlong araw pa lamang na kagagaling niya sa lalawigan at gaano na ang ipinangayayat! Oh! Nariyan ang dakilang tao, ang di matingkala, ibukas mo ang iyong mga mata! Sino? Iyang nakakunot ang kilay? Oo, iyan ang si Don Custodio, ang liberal na si Don Custodio, nakakunot ang kilay sapagkat may iniisip na makabuluhang panukala Kung maisasagawa lamang ang laman ng kanyang utak ay iba sana ang lakad! Ah! Nariritot dumarating si Makaraig, ang iyong kasambahay! Tunay nga, dumarating si Makaraig na kasama si Pecson, si Sandoval at si Isagani. Nang makita sila ni Tadeo ay sumalubong at binati sila.
68 Ang binatang kayumanggi ay pinagtatawanan ng kasintahang maputi. Alam ng mga dalaga ang tunay nilang ama at ang pagiging ito ay dahilan sa maaring ang kapalaran ng kinikilala nilang ama ay iyon din ang magiging kapalaran ng nobyong kayumanggi. 69 Talaga ngang ang pagiging pindeho ang kauuwian ng binatang kayumanggi na nobyo ng maputing dalaga. 70 Tinikis ng mga indio at upang hindi mamatay sa gutom ay gumawa ng kautusan na naguutos sa lahat ng mga Indio sa Pangasinan na magpugay sa kaniya.

Hindi ba kayo papasok? ang tanong ni Makaraig. Wala na kaming inabot na ticket. Mabuting pagkakataon, mayroon kaming isang palko, ani Makaraig, si Basilio ay hindi makakaparitosumama na kayo sa amin. Hindi na naantay ni Tadeo na ulitin ang anyaya. Ang baging salta, sa pangingilag na makagambala, dala ng katakutang taglay ng sinumang provinciano, ay nagdahilan at hindi nagawang siyay mapapasok.

You might also like