You are on page 1of 19

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 10
KAYAMANAN AT KARALITAAN
 

            Kinabukasan, sa gitna ng pagkakamangha ng buong nayon, ay


nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales ang mag-aalahas na si Simoun na
may kasamang dalawang bataan na may pasang malalaking takba na
nababalutan ng lona.  Sa gitna ng kanyang pagdaralita ay hindi
nalilimutan ni Kabesang Tales ang magandang ugali ng tagarito, kaya’t
nagugulumihanan, sapagka’t wala siyang sukat maihandog sa dayuhang
iyon.  Datapwa’t may taglay nang lahat ng bagay si Simoun, mga alila at
kakanin, at wala siyang nais kundi ang manirahan ng isang gabi’t isang
araw sa bahay na iyon, sapagka’t siyang pinakamalaki sa nayon at sa
dahilang napapagitna sa San Diego at sa Tiyani, 1 mga bayang inaakala
niyang maraming mamimili.  Inusisa ni Simoun ang kalagayan ng mga
daan at itinanong kay Kabesang Tales kung sukat na ang kanyang
rebolber upang makapagtanggol sa mga tulisan.

            “May mga baril na malayo ang abot,” ang sagot ni Kabesang
Tales na natatanga.

            “Hindi na pahuhuli ang rebolber na ito,” ang sagot ni Simoun na


nagpaputok, na ang pinatamaan ay isang punong bunga na may
dalawang daang hakbang ang layo.2

            Namalas ni Kabesang Tales ang pagkahulog ng ilang bunga


nguni’t hindi umimik at nagpatuloy sa pag-iisip.
1
MGA PALIWANAG:

Makikita rito ang kalupitan ni Rizal ng pinaglagyang dako na kagaganapan ng


kabanatang ito; Sa pagitan ng SAN DIEGO at TIYANI. Sa pag-aaral sa Noli Me
Tangere: Deciphered (kabanata 2) ay nilinaw ng nagsasaliksik na hinango ni
Rizal ang pangalan ng san Diego sa isa sa bastion ng Intramuros na
nakaharap sa Luneta at naging saksi sa mga naganap na pagbitay sa mga
nakalaban ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas.
Ang pangalan ng Tiyani bilang isang bayan ay hinango ni Rizal sa isang
instrumento na ginagamit sa pagbunot ng balahino na nakatanim sa balat. Ang
katulad ni Kabesang Tales ay isang
2

Ang rebolber na ganitong kalayo na epektibong naabot ng punlo ay kailangan


na mayroong mahabang barrel at sa kapanahunang iyon, isa sa maaring
tumutugma ay ang Colt .38 SAA. Ang modelong ito ng Colt ay maaring nakikita
ni Rizal sa Europa sa panahon na siya ay nagsasanay sa pag-baril.
            Unti-unting dumarating ang mga taong akay ng kabantugan ng
mga hiyas na dala ng mag-aalahas.  Isa’t isa’y nagbabatian ng
maligayang pasko, nangag-uusap nang tungkol sa misa, mga santo,
masamang ani, nguni’t gayunman ay gugugulin ang kanilang naiipon sa
pagbili ng mga bato at mga bagay-bagay na galing sa Europa. 3  Balitang-
balita na ang mag-aalahas ay kaibigan ng Kapitan Heneral at hindi
magiging isang kalabisan ang pakikipagkilala sa kanya dahil sa mga
bagay na baka mangyari.4

            Si Kapitan Basilio ay dumating na kasama ang kanyang asawa,


ang kanyang anak na si Sinang at ang kanyang manugang na
nangahahandang gumugol ng hindi bababa sa tatlong libong piso.

            Naroroon si Hermana Penchang upang bumili ng isang singsing


na brilyante na ipinangako niya sa Birhen sa Antipolo;5 iniwan niya sa
bahay si Huli na isinasaulo ang isang munting aklat na nabili niya ng
dalawang kuwalta sa kura; ang arsobispo ay nagbibigay ng apatnapung
araw na indulgencia sa sino mang bumasa o makadinig ng pagbasa ng
aklat na iyon.

            “Jesus!” ang sabi ng mabait na mapanata kay Kapitana Tika,


“ang kaawa-awang batang iyon ay lumaki ritong na tulad ng kabuting
itinanim ng tikbalang…!  May makalimampung ipinabasa ko nang
malakas ang aklat nguni’t walang naisaulo ni bahagya;6 waring isang
buslo ang ulo, puno lamang samantalang nasa tubig.  Marahil ay hindi
dalawampung taong indulhensiya ang aming tinamong lahat, kasama ng
aso’t pusa sa pakikinig sa kanya.”7

3
Ipinapapansin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na nagrereklamo ng
kahirapan, subalit pilit na bumibili ng mga kagamitang pang-karangyaan.

4
Mapapansin din sa bahaging ito ang isa sa pangunahing konsiderasyon ng
ilang mga mayayaman sa pagbili ng mga mamahaling kalakal ay upang
magkaroon ng kaibigan o koneksiyon sa mga inpluwensiyal na tao.
5

Singsing para sa birhen ng Antipolo. Sana magkaroon ng inbentaryo kung


ilang singsing mayroon ang patron. Ito ay dahilan sa nagkaroon ng alegasyon
noon na may naging pari na tumakas kasama ang alahas at nag-asawa na sa
ibang bansa.
6

Ang mahalaga kay Hermana Penchang ay masaulo ang mga aral ng simbahan
bilang kaniyang pamantayan ng kabananalan. Subalit, ang pagdarasal o
panalangin ni Juli ay hindi ritualismo na katulad ni Penchang at kaniyang
pagdarasal sa Birhen ay higit na nakasalalay sa pagpapahayag ng kaniyang
sariling pananalig.
            Inihanda ni Simoun sa mesa ang dalawang takba na kanyang
dala:  ang isa’y malaki-laki kaysa isa.

            “Marahil ay ayaw kayo ng hiyas na double, ni batong huwad


lamang…8 Itong ali,” ang sabing tinukoy si Sinang, “ay brilyante marahil
ang ibig…”

            “Iyan nga po, mga brilyante at mga matatandang brilyante, mga
matatandang bato ha po?” ang sagot, “ang magbabayad ay si Tatay at
ibig niya ang mga matatandang bagay, mga bato sa una.”9

            Kung gaano ang pagbibiro ni Sinang sa kakaunti at masama


pang Latin na nalalaman ng kanyang asawa ay gayon din naman ang sa
maraming Latin na nalalaman ng kanyang ama.

            “Sadya nga pong mayroon akong mga hiyas na lubhang


matatanda,” ang sagot ni Simoun na inalis ang balot ng munting takba.

            Iyo’y isang sisidlang yari sa asero, na kininis, at maraming


palamuting bronse at mga matitibay at pasuut-suot na panagka.
           
“Mayroon po akong mga palamuti ng leeg ni Cleopatra, mga
sadyang tunay, na nakuha sa mga piramide, mga singsing ng mga
senador at mga ginoong Romano, na nakuha sa mga labing muog ng
Cartago…”10

          “Marahil ay ang mga ipinadala ni Anibal, nang matapos ang


labanan sa Cannes!” ang sabing walang kapingas-pingas na biro at lipos-
kagalakan ni Kapitan Basilio.11
7
Isa sa paraan ng pagpapatawa o pang-iinsulto ni Rizal sa mga munting aklat
pang-relihiyon na ipinagbibili ng mga alagad ng simbahan na may pangakong
inpluwensiya. Pansinin ang element ng blasphemy sa pagsasabi ni Hermana
Penchang na pati ang aso at pusa ay nakasama sa indulhensiya.
8
Ang alhajas de doublé ay nangangahulugan na alahas na may katulad o
imitasyon. Maaring ang katulad ay sa anyo ng tunay ha hiyas o kaya ay sa
huwad na tinatawag natin ngayon na fancy.

9
Ihanda ng mga mambabasa ang kanilang isipan ang mga sikreto ng alahas na
ipinagbibili ni Simoun.

10
Makikita rito ang ekwasyon ng kahalagahan at kabantugan ng alahas sa mga
taong nagmay-ari nito.
11

Ang tinutukoy rito ay ang Labanan ng Cannae (Italya) na naganap Agosto 2,


216 BC sa kapanahunan na nagaganap an gang Ikalawang Digmaang Punico.
Halos malipol ni Hannibal ang hukbong Romano sa nasabing labanan, ang mga
            Ang mabuting ginoo natin, kahi’t na nakabasa ng mararaming
kasulatan, na tungkol sa matatandang kapanahunan, ay hindi pa
nakakakita ng mga bagay-bagay ng panahong iyon dahil sa walang
museo rito sa Pilipinas…12

            “May dala rin ako ritong mga mahahalagang hikaw ng mga
marangal na babae sa Roma, na nakuha sa bahay-liwaliwan ni Annio
Mucio Papilino sa Pompeya…”13

kawal Romano na kabilang na mula sa mga marangal na ang ay natatangi


dahilan sa sila ay mayroong mga gintong singsing. Sinasabi na ipinag-utos ni
Hannibal sa kaniyang mga tauhan ang pagsamsam ng mga sinsing mula sa
daliri ng mga bangkay ng mga Romano na umabot sa 200 piraso at ipinadala ni
Hannibal sa Cathage bilang patunay ng kaniyang tagumpay sa labanan.
http://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Cannae#Aftermath

Subalit pansinin ang ginawa ni Rizal na paraan ng pagpapahayag ni


Kapitan Basilio – walang biro at lipos na ng kagalakan. Nakikita kaya ni Rizal
sa paraang ito ang maaring maging pagsamsam ng mga nagwagi sa bangkay ng
kanilang nasawing kalaban. Katulad ng malakihang pagsamsam ng mga
rebolusyonaryo ng Noveleta sa mga armas mula sa bangkay ng mga nasawing
Espanyol sa labanan ng Calero noong Nobyembre 1896.

12
Ipinakita rito ni Rizal ang kaniyang personal na pagkainis sa kawalan ng
museo sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan.

MALAMAN SANA NG MGA MAMBABASA NG ANOTASYON NA ITO, NA


ANG MALAKING PANAHON NA SINUSULAT NI RIZAL ANG EL
FILIBUSTERISMO AY SA MISMONG BULWAGANG AKLATAN NG BRITISH
MUSEUM SA LONDON, ENGLAND. Maaring ang isa sa lugar sulatan na
ginamit ni Rizal sa loob ng aklatan ay nagamit ni Karl Marx noong sinusulat
naman nito ang Das Kapital.

Sa panahon lamang ng mga Amerikano naitayo ang Museo ng Pilipinas


na unang nalagay sa 158 Calle Anlouague, Binondo, Maynila. (Kahilera ng
bahay bilang 148 na Tanggapan naman ng Rentas Internas na siyang bahay na
ginamit ni Rizal para kay Kapitan Tiyago sa Noli).

13
Sa pagkakataon na ito ay ipinakita naman ni Rizal ang bahagi ng mga alahas
na ipinagbibili ni Simoun ay mula sa nakakariwasang mamamayan Pompeii,
isang lunsod ng Roma sa na natabunan ng pagsabog ng bulkang Vesuvius
noong 79 AD. Ang Pompeii ay natabunan ng abo sa loob ng mahigit na isa at
kalahating libo taon. Noong matuklasan ang guho ng Pompeii ay natuklasan
ang isang lungsod na preserbado sa abo ang huling sandali ng pagkawasak,
magmula sa mga kaayusan ng mga nasawi, ang pamayanan, at ang mga
alahas.
            Iginalaw-galaw ni Kapitan Basilio ang kanyang ulo, na ang
ibig sabihin ay alam niya ang mga bagay na tinuran, at ninanasa
niyang mamalas kaagad ang mga mahalagang labing iyon. 14  Sinasabi
naman ng mga babae na ibig nilang magkaroon ng galing sa Roma, mga
kuwintas na binenditahan ng Papa, mga reliquias na nakapagpapatawad
ng mga kasalanan na hindi na kailangan ang mangumpisal, atbp.15

            Nang mabuksan ang takba at maalis ang bulak na panakip ay


namalas ang isang lalagyang puno ng singsing, agnos, guardapelo, krus,
panusok, atbp.  Ang brilyante na sinalitan ng mga batong may sari-
saring kulay ay kumikinang at nagniningning sa gitna ng mga bulaklak
na ginto, na iba’t iba ang kulay, may gisok na esmalte at may sari-saring
lilok at kudya.

            Inalis ni Simoun ang bandeha at lumitaw ang isa na puno ng


mga kahanga-hangang hiyas na dapat nang nakasisiya sa guniguni ng
pitong binibini sa pitong araw na sa kinabukasan ay magdaraos ng
sayawang parangal sa kanila.  Ang ayos ay sari-sari, mga pagkakasalit-
salit ng mga bato at perlas na anyong mga hayup-hayupang may mga
kulay bughaw at balok na nanganganinag; ang mga sapiro, esmeralda,
rubi, turkesa at brilyante ay magkakasamang anyong tutubi, paruparo,
panilan, pukyutan, uwang, ahas, himbubuli, isda, bulaklak, kumpol,
atbp.; may suklay na ayos diyadema, gargantilya, palamuti ng leeg na
perlas at brilyante, na dahil sa kagandahan ay hindi tuloy napigil ng
ilang dalaga ang isang pahangang “naku” at si Sinang ay napapalatak,
kaya’t kinurot siya ng kanyang inang si Kapitana Tika sapagka’t baka
lalong mahalan ng mag-aalahas ang dalang lako.  Patuloy pa rin si
Kapitana Tika sa pagkurot sa kanyang anak, kahi’t ito’y may asawa na.

Sa pagkakataon na ito ay makikita sa bahaging ito ng kabanata ni Rizal na ang


alahas na ipinagbibili ni Simoun ay nagmula sa pa rin sa kasawian ng mga
nakakariwasa sa buhay.
14

Pansinin sana na nalalaman ni Kapitan Basilio ang lihim sa likuran ng bawat


alahas na ipinagbibili ni Simoun.

15
Mapapansin ang pagkakaiba ni Kapitan Basilio ukol sa lungsod ng Roma na
higit na naka-pokus sa panahon ng antikwidad. Samantalang ang mga babae
ang kanilang kaalaman sa Roma ay naka-pokus lamang sa Vaticano.
            “Hayan po ang mga brilyante sa una,” ang sabi ng mag-aalahas,
“ang singsing na iyan ay inari ng prinsesa Lamballe, 16 at ang mga hikaw
na iyan ay sa isang dama ni Maria Antonieta.” 17

            Ang itinuro’y ilang magagandang brilyanteng solitaryo na


kasinlaki ng butil ng mais, ang kintab ay mangasul-ngasul, mainam, na
waring taglay pa nila ang mga pangingilabot noong kapanahunang
tinawag na mga araw ng hilakbot.18

            “Ang dalawang hikaw na iyan!” ang sabi ni Sinang na ang tingin
ay sa kanyang ama at ipinagsasanggalang ng kamay ang bisig na
nalalapit sa kanyang ina.19

            “Ilang lalo pang matatanda, ang mga Romano,” ang sagot ni
Kapitan Basilio na sabay ang kindat.20

16
Maria Luisa of Savoy (Maria Teresa Luisa; 8 September 1749 – 3 September
1792) was a member of the House of Savoy. She was married at the age of 16 to
Louis Alexandre de Bourbon, Prince de Lamballe, the heir to the greatest
fortune in France. After her marriage, which lasted a year, she went to court
and became the confidante of Queen Marie Antoinette. Her death in the
massacres of September 1792 during the French Revolution sparked a
movement of anti-revolutionary propaganda[citation needed], which ultimately
led to the development and implementation of the Reign of Terror. (Wikipedia)

17
Just before the execution, Marie Antoinette gave the ring to Princess
Lubomirska, one of her closest friends. At the Princess death, without a son as
her heir, her huge fortune and jewelry were passed on to her four daughters
(three of them were married to members of the Potocki's family). In 1955, the
diamond was shown in Versailles for the occasion of the exhibition called "Marie
Antoinette, Archduchess, Dauphine and Queen". Finally Christie's sold the ring
at Geneva on Maj 12th, 1983, but it remained unsold. (Information from Jan
Belfour, "Famous diamonds")
http://www.ladyreading.net/marieantoinette/det1-en.html

18
Ipinapansin na ang ilan sa mga alahas ni Simoun ay mula sa
makapangyarihang tao na nasawi sa himagsikan ng mga karaniwang tao laban
sa mapang-api at mapagsamantalang uri – ito ang Rebolusyong Pranses.
19

Isang pagbibiro ni Rizal sa kamangmangan ni Sinang, dahilan sa ginsuto ng


babae ang dalawang alahas na mula sa mga biktima ng bitayan.
20

Ang kindat ni Kapitan Basilio ay isang lihim na anyo ng pag-saway at


pagbabanta ni Rizal sa kaniyang mga mambabasang Espanyol na huwag nilang
kunin ang mga alahas na magtutulad sa kanila sa mga biktima ng Rebolusyong
Pranses.
            Inisip ng mapanatang si Hermana Penchang na kung iyon ay
ihandog niya sa Birhen sa Antipolo ay pahihinuhod at ipagkakaloob ang
kanyang pinakamasidhing hangad:21  malaon nang humihingi siya ng
isang kababalaghang bunyag na kahalo ang kanyang pangalan upang di
na mapawi ang pag-aalala sa kanya rito sa lupa, at pagkatapos ay
magtuloy sa langit, gaya ni Kapitana Ines ng mga kura, kaya’t itinanong
ang halaga.  Nguni’t tatlong libong piso ang turing ni Simoun.  Ang
matandang babai’y nag-antanda.  “Susmariosep!”22

            Inilahad ni Simoun ang pangatlong lalagyan.

            Punung-puno ng mga orasan, kalupi, lalagyan ng posporo at


mga agnos na pinalamutihan ng brilyante at maninipis na mumunting
larawang esmalte.

            Ang pang-apat ay siyang kinalalagyan ng mga lagas na bato, na


nang buksan ay isang paghanga ang kumalat sa bahay; napapalatak na
muli si Sinang, kaya’t kinurot siya ng kanyang ina, nguni’t ito man ay
nakabitiw din ng isang paghangang “Sus Maria!”

            Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pang nakakakita ng


gayong karaming kayamanan.  Sa kahong iyon, na may balot na
tersiyopelong bughaw na mangitim-ngitim, na may mga halang, ay
namamakas, ang katunayan ng mga pangarap sa “Isang libo’t isang
gabi,” ang pangarap ng mga salamisim sa kasilanganan.  Mga
brilyanteng kasinlaki ng mga garbansos na nagkikinangan, nagtatapon
ng kislap na nakasisira ng mata, na waring ibig na matunaw o mag-alab
sa kintab; mga esmeraldang galing sa Peru, na iba’t iba ang tapyas at

21

Sa bahaging ito ay nagbigay si Rizal ng isang blasphemous na pagbibiro, sa


pamamagitan ng pagpili ni Hermana Penchang ng mga alahas ng biktima ng
Himagsikang Pranses. Sa pagbibiro na ito ay halos nais patungkulan ni Rizal
ang larawan ng pag putol sa ulo ng Birhen ng Antipolo.
22

Ang mga sumunod na pananalita ay isang paraan ng pagtatago ni Rizal ng


kaniyang nais na ipahiwatig sa kaniyang lihim na pagbibiro ukol sa alahas ng
mga biktima ng himagsikan na nais na bilihin ni Hermana Penchang para sa
Birhen ng Antipolo.
ayos,23 mga rubi sa India na mapupulang wari’y patak ng dugo ,24 mga
sapiro sa Ceylon na bughaw at puti, mga turkesa sa Persia, perlas na
makinis ang balat, na ang ilan sa kanila’y namumula-mula, mangabu-
ngabo at maitim.  Ang makapagbubulay ng anyo ng sisidlang iyon ay
iyon lamang nakakita sa gabi ng isang kuwitis na nagsabog ng
mumunting liwanag na sari-saring kulay, na ang kinang ay
nakapagpapalamlam sa mga walang kupas na bituin.

            Waring upang lalong maragdagan ang pagkakamangha ng mga


kaharap ay hinalu-halo ni Simoun ng kanyang kayumanggi at
mahabang daliri ang mga bato at waring naigagaya sa taginting at sa
pagdudulasang wari’y patak ng tubig na nagbibigay-kulay sa bahaghari. 
Ang kinang ng gayong maraming tapyas at ang kahalagahan nila’y
nakaaakit sa mga mata.  Pumikit si Kabesang Tales, na lumapit dahil
sa nasang makakita naman, at lumayong bigla na wari’y upang
mapawi ang isang masamang akala.  Ang gayong karaming
kayamanan ay waring nakaalipusta sa kanyang kahirapan; naparoon
ang taong iyon na ipinagparangalan ang kanyang malaking yaman,
sa araw pa namang sinusundan ng araw na ang bahay na iyong
itinayo ng sariling kamay ay iiwan dahil sa kakulangan sa salapi at
sa sukat mag-ampon.25

            “Narito ang dalawang brilyanteng itim na pinakamalaki sa


lahat,” ang sabi ng mag-aalahas, “mahirap tapyasin sapagka’t
napakatitigas…ang batong ito na may kaunting kulay pula ay brilyante
rin, gayon din naman itong luntian na marami ang nag-aakalang
esmeralda raw.  Tinawaran na iyan sa akin ng anim na libong piso ng
Insik na si Quiroga upang ibigay sa isang señora na malakas ang

23

Bago pa man ang pananakop ng Espanya sa Peru, ito ay mayroon ng minahan


ng esmerald. Ilan sa mga batong esmeralda sa panahon ng pangingibabaw ng
Katolisismo sa Peru ay inihandog o ipinagkaloob sa ilang monastery sa
Timugang America na sinasabing ang ilan sa mga ito ay ipinagbili ng mga
monghe at pinalitan ng salamin o bubog na may kulay.
William Bingley. Useful Knowledge: Or a Familiar Account of the Various
Productions of Nature (2008)

24
Ang halagas ng hiyas na rubi ay umaayon sa kaniyang kulay na rito ang
pinakamataas ang halaga ay ang kulay dugo.
25

Sa bahaging ito ay makikita ang kalupitan ni Rizal ng pag-gawa ng sitwasyon


upang bihagin ang atensiyon ng kaniyang mga mambabasa. Pinagtagpo niya
ang laki ng kayamanan at ang labis na karalitaan sa ilalim ng bubungan ni
Kabesang Tales.
kapit…26 At hindi pa ang mga luntian ang pinakamahal sa lahat kundi
itong mga bughaw.”

            At ibinukod ang tatlong bato na hindi naman lubhang kalakihan


nguni’t lubhang makakapal at mabuti ang pagkakatapyas, na may
kaunting kulay-bughaw.

            “Kahit na mumunti iyan kaysa mga luntian,” ang patuloy, “ay
ibayo ang halaga.  Tingnan ninyo ito na pinakamaliit sa lahat, na ang
timbang ay hindi hihigit sa dalawang kilatis, nabili ko ng dalawampung
libong piso at ngayo’y hindi ko maibibigay nang kulang sa tatlumpung
libo.  Upang mabili ko lamang iyan ay nilakbay ko pang sadya.  Itong isa,
na nakuha sa mina sa Goloconda, 27 ay tatlong kilatis at kalahati ang
timbang at ang halaga’y higit sa anim na pung libo.  Tinatawaran sa akin
26

Ipinapakita ni Rizal na ang kerida ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan


ay nakikinabang sa pagpapakabit. Ang alahas ang pinakamahusay na regalo sa
mga babaeng katulad ng binabanggit ni Rizal.
27
Golkonda, a ruined city of south-central India and capital of ancient Kingdom
of Golkonda (c. 1364–1512), is situated 11 km west of Hyderabad.
The most important builder of Golkonda was Ibrahim Quli Qutub Shah
Wali, the fourth Qutub king. Ibrahim was following in the spirit of his
ancestors, the Qutub Shahi kings, a great family of builders who had ruled the
kingdom of Golkonda from 1512. Their first capital, the fortress citadel of
Golkonda, was rebuilt for defense from invading Mughals from the north. They
laid out Golkonda's splendid monuments, now in ruins, and designed a perfect
acoustical system by which a hand clap sounded at the fort's main gates, the
grand portico, was heard at the top of the citadel, situated on a 300-foot (91 m)-
high granite hill. This is one of the fascinating features of the fort.
Golkonda was once renowned for the diamonds found on the south-east
at Kollur Mine near Kollur (modern day Guntur district), Paritala (modern day
Krishna district) and cut in the city during the Kakatiya reign. India
Diamond#History, at that time, had the only known diamond mines in the
world.
The Mines of Golkonda themselves yielded diamonds of trifling quantity.
Europeans knew that diamonds were found only in these fabled mines.
Golkonda was, in fact, the market city of the diamond trade, and gems sold
there came from a number of mines. The fortress city within the walls was
famous for diamond trade.
Magnificent diamonds were taken from the mines in the region
surrounding Golkonda, including Darya-e Nur, meaning sea of light, at
185 carats (37 g), the largest and finest diamond of the crown jewels of Iran.
Its name has taken a generic meaning and has come to be associated
with great wealth. Gemologists use this classification to denote a diamond with
a complete (or almost-complete) lack of nitrogen; "Golconda" material is also
referred to as "2A".
Wikipedia
iyan ng labindalawang libong libras esterlinas ng Virrey sa India,28 sa
pamamagitan ng isang sulat na tinanggap ko kamakalawa.”

            Sa harap ng gayong karaming kayamanan na naipon sa kamay


ng taong iyon, na palagay kung mangusap, ay nagdaramdam nang wari’y
paggalang na may halong sindak ang mga naroroon… Makailang
pumalatak si Sinang at hindi siya kinurot ng kanyang ina sapagka’t
natutubigan marahil o kaya’y sa dahilang inaakala niya na ang isang
mag-aalahas na kagaya ni Simoun ay hindi magnanasang magtubo ng
limang piso pa, humigit-kumulang, sa isang bulalas na hindi napigil. 
Ang lahat ay nakatingin sa mga bato, walang nagpapamalas ng nasang
humipo, nangatatakot.  Natitigilan sila dahil sa pagkakamangha.  Si
Kabesang Tales ay sa kaparangan nakatanaw at iniisip ang isa lamang
sa mga brilyanteng iyon, ang pinakamunti marahil, ay sapat nang
maitubos sa kanyang anak, huwag maiwan ang bahay at marahil ay
maipagpagawa ng ibang bukid… Diyos!  Diyata’t ang isa lamang sa mga
batong iyon ay mahalaga pa kaysa tahanan ng isang tao, sa ikaliligtas sa
panganib ng isang dalaga, sa kapayapaan ng isang matanda sa kanyang
mga huling araw!

            At dahil sa waring nahuhulaan ni Simoun ang kanyang


iniisip ay sinabi sa mga kaharap na magkaka-anak na:29

            “At tingnan ninyo, tingnan ninyo, dahil lamang sa isa sa maliliit
na batong bughaw na ito, na wari’y walang kamalay-malay at di
makasasama sa kanginuman, malinis na wari’y buhanging natanggal sa
langit, sa isa lamang nito na ihandog sa ukol na panahon ay nagawa ng
isang tao ang ipatapon ang kanyang kagalit, isang magulang na may
inaampong mga kaanak, na wari’y nanggulo sa bayan…at dahil sa iisang
munting bato pang gaya nito, mapulang wari’y dugo, gaya ng nasang
paghihiganti, at kumikislap na gaya ng luha ng mga tahanan,
napagbalikan ng ama ang kanyang mga anak, ng asawa ang kanyang
kabiyak ng puso, at marahil ay nailigtas ang isang buong mag-aanak sa
isang maralitang sasapitin.”30

28
Viceroy ng India – tumutukoy sa pinakamataas na pinunong Ingles sa India
na kumakatawan sa hari ng Britanya sa panahon na ang India ay nasa ilalim
ng kolonyalismo ng Britanya.
29
Makikita rito ang husay ni Rizal na tukuyin para sa lahat ang kaniyang
pahayag at paratingan naman ng ispesyal na mensahe ang higit niyang
pinatutungkulan. Si Simoun ay nagsasalita sa lahatan, subalit ang pinaka-
pokus ng kaniyang mensahe ay si Cabesang Tales.
30
Sa pamamagitan ng pangungusap ni Simoun ay nagawa ni Rizal na ipakita
ang kinang ng kayamanan upang mabulag ng katiwalian ang mga namamahala
sa bayan.
            At samantalang tinatapik-tapik ang sisidlan, aniya ay:
           
“Mayroon ako rito, gaya ng nasa tataguan ng mga
manggagamot,” ang patuloy sa wikang Tagalog na hindi tumpak, “ang
buhay at ang kamatayan, ang lason at lunas, at sa isang dakot na ito
ay magagawa ko ang lunurin sa luha ang lahat ng naninirahan rito sa
Pilipinas!”31

            Ang lahat ay sindak na napatingin sa kanya sapagka’t nababatid


nilang tunay ang sinabi.  Sa boses ni Simoun ay napupuna ang isang
kakaibang tinig at matalas na tingin ang wari’y namumulas sa kanyang
salaming bughaw sa mata.32

            Waring upang maputol ang pagkakamangha ng mga taong iyon


sa pagkamalas sa mga batong nakita ay itinaas ni Simoun ang bandeha
at inilantad ang ilalim na pinagtataguan ng sancta sanctorum.  Mga
sisidlang balat sa Rusya, na hiwa-hiwalay dahil sa mga halang na bulak
ang siyang pumupuno sa kailalimang ang balot ay tersiyopelong
mangabu-ngabo ang kulay.  Lahat ay nag-aantay na makakita ng mga
kahanga-hanga.  Inantay ng asawa ni Sinang na makakita ng
karbungko,33 mga batong nag-aapoy at kumikinang sa gitna ng
kadiliman.  Si Kapitan Basilio ay nasa pinto ng kaluwalhatian;
makakakita ng bagay na may katuturan, bagay na katunayan, ang
katawan ng kanyang mga laging pinangarap.

            “Ang palamuting ito sa leeg ay kay Cleopatra,” ang sabi ni


Simoun at maingat na kinuha ang isang kahang lapad na ang ayos ay
kalahating buwan – isang hiyas na hindi mahahalagahan, isang bagay

31

Pansinin na ang mga alahas na ito ay itinulad ni Rizal sa mga gamut na nasa
taguan ng isang doctor. Magagawa nito na bigyan ng lason at lunas at lunurin
ng luha ang mga naninirahan (habitantes sa orihinal na tekstong Espanyol).
Mula sa mga Filipino hanggang sa mga dayuhan.
32
Ang aktwasyon na ito ni Simoun ay bunga ng kaniyang galit sa sistema, na
kaniyang lihim na ipinararating kay Cabesang Tales sa pamamagitan ng
pailalim na paraan. Sinuman na mahusay na babasa ng mga bahaging
naipaliwanag na ay makikita ang
33
A cabochon or cabachon, from the Middle French caboche (head), is a
gemstone which has been shaped and polished as opposed to faceted. The
resulting form is usually a convex top with a flat bottom. Cutting en cabochon is
usually applied to opaque gems, while facetting is usually applied to
transparent stones. (Wikipedia)
na nararapat lamang ilagay sa mga museo, sa mga pamahalaang
mayayaman lamang nauukol.34

            Iyon ay isang wari’y kolyar na binubuo ng iba’t ibang palawit na


ginto na mga ayos anitong uwang na kulay dahon at bughaw, at sa
gitna’y  may isang ulo ng buwitre na gawa sa bato, na ang kilabot ay
katangi-tangi, na napapagitna sa dalawang pakpak na nakabuka,
sagisag at hiyas ng mga haring babae sa Ehipto.35

            Nang makita ni Sinang ay ikinimbot ang ilong at ngumiwing


paalipusta na wari’y bata,36 at si Kapitan Basilio, kahi’t na may malaking
hilig sa mga lumang ari, ay hindi nakapagpigil ng isang “aba” na anak ng
hindi kasiyahang-loob dahil sa nakita.37

            “Isang mainam na hiyas na naingatang mabuti, kaya’t mayroon


nang dalawang libong taon ang tanda.”

            “Psh!” ang sabi agad ni Sinang upang di mahulog sa tukso ang
kanyang ama at nang di bilhin.38

            “Hangal!” ang sabi nito, na napigil ang kanyang hindi


kasiyahang-loob na una,39 “ano ang malay mo kung umalinsunod sa
kolyar na iyan ang kalagayan ngayon ng kabuhayan ng tao?40  Sa
pamamagitan niyan marahil ay nasilo ni Cleopatra si Cesar, si Marco
Antonio…41 iyan ay nakadinig ng mga panunumpa sa pag-ibig ng
dalawang lalong bantog na mandirigma sa kanilang kapanahuhan, iyan
34

Mapapansin sa bahaging ito ang inpluwensiya ng mga exhibit ng British


Museum sa pagsulat ni Rizal sa El Filibusterismo. Mga mayayamang bansa
lamang ang makapag-iingat ng ganitong kahalagang mga relikya sa kasaysayan
ng sangkatauhan.
35
Kailangan ng isang mahusay na imahinasyon upang mailagay sa isipan ang
tunay na nais na ilarawan ni Rizal sa kolyar ni Cleopatra.
36

Nabastusan si Sinang sa kaniyang pagkakita sa hugis ng kolyar.


37
Nabastusan din si Kapitan Basilio.
38

Ayaw ipabili ni Sinang sa kaniyang ama, dahilan sa nababastusan siya sa


hitsura.
39

Nagkakaroon na ng interest si Kapitan Basilio.


40

Alam ni Kapitan Basilio ang halaga ng sex sa pagtatamo ng kapangyarihan ng


mga babae.
41
ay nakadinig ng mga banggit na lubhang ayos at  malinis na wikang
Latin, at maanong magamit mo na lamang siya!”

            “Ako?  Ni hindi ko pa iyan tawaran ng tatlong piso!”

            “Kahit na dalawampu’y matatawaran, gonga (hangal),” ang


sabing animo’y may pagkabatid ni Kapitana Tika, “mabuti ang ginto at
maaaring gawing ibang hiyas kung tunawin.”42

            “Ito’y isang singsing marahil ni Sila,”43 ang patuloy ni Simoun.

            Ang singsing ay maluwang, buo ang ginto at may isang tatak.

            “Iyan marahil ang tatak na itinitik sa mga kahatulang pagpatay


noong siya ang nag-uutos,” ang sabing namumutla sa pagkatigagal ni
Kapitan Basilio.

            At tinangkang siyasatin at hulaan ang ibig sabihin ng tatak,


datapwa’t kahi’t nagpilit at pinihit-pihit ay wala siyang nabasa, sa
dahilang hindi siya  maalam ng paleografia (sining ng pagkilala at
pagbasa sa katitikan at mga tanda ng mga lumang aklat at kasulatan).

            “Napakalaki ng daliri ni Sila!” ang sabi tuloy, “masusuot na ang


dalawang daliri ng sino man sa atin; sinasabi ko na nga ba’t tayo’y
pumapaurong.”

            “Mayroon pa akong mga ibang hiyas dito…”

            “Kung ang lahat ay kagaya niyan, salamat na lamang!” ang sagot
ni Sinang, “ibig ko na ang mga bago.”44
Para kay Kapitan Basilio, ang kolyar ni Cleopatra ay isang hindi direktang
pang-akit o pagpapahiwatig ng babae sa dalawang makapangyarihang pinuno
ng Roma. Ang kasaysayan ni Cleopatra VII ay isang halimbawa ng isang babae
na ginamit ang kaniyang pang-akit upang maging makapangyarihan. Una ay
ang kaniyang relasyon kay Julius Caesar at sinundan naman ng relasyon kay
Mark Anthony.
42
Isang paraan ng pagpapatawa ni Rizal upang takasan o hindi mapansin ang
kaniyang seryosong pagtalakay ukol sa kolyar ni Cleopatra.
43
Ang tinutukoy ay si Lucius Cornelius Sulla (138-78 BC) Heneral na Romano
at sa panahon ng kaniyang pamumuno sa Roma bilang diktador ay
pinasimulan niya ang sistema ng pagpapatay sa lahat ng mga pinaghihinalaang
kalaban ng estado na tinantiya na umabot sa 1,500 hanggang 9,000 katao ang
kaniyang naipapatay.

Pansinin na ang higit na ipinaliwanag ni Rizal sa pamamagitan ng Simoun ay


44

ang mga lumang alahas na may mga lihim na pasaring sa kasaysayan at


kasalukuyan. Subalit isang bagong alahas ang magiging pokus ng pagtalakay
            Ang bawa’t isa’y pumili ng isang hiyas, may kumuha ng isang
singsing, may isang orasan, may isang agnos.  Ang binili ni Kapitana
Tika ay isang agnos na may kapiraso ng batong nadiinan ng ating Poong
Jesucristo sa ikatlong pagkaparapa;45 si Sinang ay isang hikaw at si
Kapitan Basilio ay ang tali ng orasang pabili ng alperes, ang mga hikaw
ng babae na pabili ng kura at iba pang bagay na panghandog;46 ang iba
namang magkaka-anak na taga-Tiyani ay bumili rin, hanggang may
ibibili, upang di mahuli sa mga taga-San Diego.

            Si Simoun ay namimili rin naman ng mga lumang hiyas,


nakikipagpalitan, kaya’t dinala roon ng mga mapag-impok na ina ang
mga hiyas na hindi na nila magamit.

            “At kayo, wala po ba kayong ipagbibili?” ang tanong ni Simoun


kay Kabesang Tales, dahil sa nakitang minamalas nitong may taglay na
inggit ang mga pagbibili at pagpapalitan.

            Sinabi ni Kabesang Tales na ang mga hiyas ng kanyang anak ay


naipagbili na at ang mga natitira ay mga walang halaga.

            “At ang agnos ni Maria Clara?” ang tanong ni Sinang.

            “Siya nga pala!” ang bulalas ng lalaki, at biglang kuminang ang
paningin.
           
“Iyon ay isang agnos na may brilyante at esmeralda,” ang sabi ni
Sinang sa mag-aalahas, “na ginamit ng aking kaibigan bago
magmongha.”

            Si Simoun ay hindi sumagot; sinundan ng tingin si Kabesang


Tales.47

ni Rizal mula sa bahaging ito.


45

Ipinapapansin ni Rizal na preperensiya ng mga mapanata sa panahong iyon sa


mga alahas na may mitolohiyang pang-relihiyon.
46

Marami sa binili ni Kapitan Basilio ay hindi para sa kaniya, kundi upang


iregalo sa mga makapangyarihan sa bayan. Ok lang ang gintong panali sa
orasan para sa alferes ng San Diego pero ang pagpapatawa ni Rizal ay ang
pabili ng kura paroko na mga hikaw na pambabae – siguro ibibigay ng kura sa
mga birhen!
47

Alam ni Simoun ang alahas na iyon, kasama niya bilang si Ibarra si Maria
Clara noong gabi ng kapistahan sa San Diego at ipagkaloob ng dalaga ang
agnos bilang limos sa ketongin.
            Matapos mabuklat ang ilang kahon ay natagpuan ang hiyas. 
Pinagmasdang mabuti ni Simoun, makailang binuksan at isinara; iyon
nga ang agnos na suot ni Maria Clara noong pista sa San Diego, na, sa
pagkahabag ay ibinigay sa isang ketongin.

            “Ibig ko ang pagkakaayos,” ang sabi ni Simoun, “sa magkano po


ninyo ipagbibili?”

            Kinamot ni Kabesang Tales ang kanyang ulo, na hindi malaman


kung ano ang gagawin, kinamot ang tainga at pagkatapos ay tumingin
sa mga babae.

            “Naiibigan ko ang agnos na iyan,” ani Simoun, “ibig baga


ninyong ibigay sa isang daan…limang daang piso?  Ibig ninyong ipagpalit
ng iba?  Pumili kayo ng inyong ibig.”48

            Si Kabesang Tales ay walang imik at nakamulalang


pinagmamasdan si Simoun na wari’y alinlangan sa kanyang nadidinig.

            “Limang daang piso?” ang bulong.

            “Limang daan,” ang ulit ng mag-aalahas na nabago ang boses. 49

            Kinuha ni Kabesang Tales ang agnos at pinihit-pihit; malakas na


tumitibok ang kanyang pilipisan, ang kanyang mga kamay ay
nanginginig.  Kung humingi pa kaya siya ng lalong malaki?50 

Makapagliligtas sa kanila ang agnos na iyon:  ang pagkakataong


iyon ay mainam at hindi na mangyayaring muli.

48
Mapansin sa pagkakasunod-sunod ng presyo na alok ni Simoun ay
mapapansin ang labis na pagnanais niya na mapasakanya ang agnos ng dati
niyang kasintahan.
49

Ang boses ay nagpapakita ng kataasan ng alok na presyo at pagnanais na


mapasakanya ang agnos. Mga huling presyo na katulad sa larong Kuwarta o
Kahon.
50

Pansinin ang pagkakatulad nito sa isang kalahok na nasa larong Kuwarta o


Kahon.
            Kinikindatan siya ng mga babae upang ipagbili na, 51 tangi
lamang si Penchang, na, sa pangangambang baka tubusin si Huli ay
nagwikang:

            “Kung ako’y pakakaingatan ko iyang wari’y relikyas…ang mga


nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing namalas nilang
payat na payat na hindi halos makapagsalita, kaya’t inaakalang
mamamatay na banal… Pinupuri siya ni Padre Salvi sapagka’t siya
niyang pinagkumpisalan.  Baka dahil doon kung kaya hindi iyan
ipinagbili ni Huli at pinili pa ang masangla siya.”

            Ang pahiwatig na ito’y nagkaroon ng kabuluhan.

            Nakapigil kay Kabesang Tales ang pagkaalaala sa kanyang anak.

            “Kung ipahihintulot ninyo,” aniya, “ay tutungo ako sa bayan at


isasangguni ko sa aking anak; babalik ako rito bago magtakipsilim.”

            Nagkasundo sila sa gayon at umalis noon din si Kabesang Tales.


           
Nguni’t nang nasa labas na siya ng nayon ay natanaw niya sa
malayo, sa isang landas na patungo sa kagubatan, ang prayleng
nangangasiwa sa hacienda at ang isang taong nakikilala niyang siyang
kumuha ng kanyang mga lupain.  Ang pagkagalit ng isang lalaking
nakakita sa kanyang asawa na pumapasok na kaakbay ng ibang lalaki
sa isang silid na lihim ay hindi papantay sa sulak ng galit ni Kabesang
Tales sa pagkakakita sa dalawang iyon na patungo sa kanyang mga
bukid, sa mga bukid na kanyang ginawa at inasahan niyang
maipamamana sa kanyang mga anak.52  Sa wari niya’y nagtawanan ang
dalawang iyon, nililibak siya sapagka’t walang magawa; pumasok sa
kanyang alaala ang sinabing:  hindi ko ibibigay ang mga iyon kundi sa
dumilig sa kanila ng sariling dugo at maglibing doon ng asawa’t anak…
           
Napahinto, hinaplos ng kamay ang noo at ipinikit ang mga mata;
nang muling dumilat ay nakitang namimilipit sa katatawa ang taong
iyon at sapol ng prayle ang kanyang tiyan upang di pumutok sa
katuwaan; at pagkatapos ay nakita niyang itinuro ang kanyang bahay
at muling nangagtawanan.53
51

Ito namamang mga babae ay parang mga tagapanood ng Kuwarta o Kahon na


nanunulsol na kunin na ang huling presyong alok.
52
Nagawang mailarawan ng buong katotohanan ni Rizal ang tindi ng galit ni
Kabesang Tales. Ito ay dahilan sa panahong iyon ay inaalisan na ang kaniyang
pamilya ng lupang sinasaka sa Calamba.
53
Sa pagpapa-alis sa pamilya ni Rizal sa Calamba ay kasama sa kanilang
lilisanin ay ang kanilang bahay na bato.
           
May humaging sa kanyang mga tainga, naramdaman sa kanyang
pilipisan ang lagutok ng isang hagupit, ang ulap na pula’y sumipot na
muli sa kanyang paningin, muling namalas ang katawang bangkay ng
kanyang asawa’t anak at sa piling ay ang lalaki at ang prayleng
nagtatawa na pigil ang tiyan.   
           
Nalimot niya ang lahat, lumiko at tinungo ang landas na
nilalakaran ng lalaki at ng prayle; yaon ang landas na patungo sa
kanyang bukirin.
           
Si Simoun ay nabagot sa kaaantay kay Kabesang Tales nang
gabing iyon.
           
Nang magising siya kinabukasan ay napunang ang supot na katad
na kinalalagyan ng kanyang rebolber ay walang laman; nang kanyang
buksan ay nakakuha sa loob ng kaputol na papel na kinababalutan ng
agnos na may esmeralda at brilyante54 at kinasusulatan ng ilang salita
sa wikang Tagalog, na ang sinasabi ay:
           
“Ipagpatawad po ninyo, ginoo, na kahi’t nasa aking
bahay ay pagnakawan ko kayo; nguni’t ang pangangailangan
ay siyang nag-udyok sa akin, datapwa’y iniwan kong kapalit
ng inyong rebolber ang agnos na pinakananasa ninyo. 
Kailangan ko ang armas at makikisama na ako sa mga
tulisan.  Ipinagbibilin ko sa inyong huwag ipagpatuloy ang
inyong lakad sapagka’t sa dahilang wala na kayo sa aking
bahay ay hihingan namin kayo ng malaking tubos pag kayo’y
aming nabihag.” – Telesforo Juan de Dios55
           
“Natagpuan ko rin ang taong aking hinahanap!” ang bulong ni
Simoun, “may kaunti pang balisa…nguni’t lalong mabuti; matutong
gumanap sa kanyang ipinangako.56
           

54
Sa pamamagitan ng bahaging ito ay nilagyan ni Rizal ng kasaysayan ang
isang alahas na napasakamay ni Simoun – ang agnos ni Maria Clara. Basahin
ang sanaysay ni Dolores Feria na Does Maria Clara's Locket Have Any
Significance? sa aklat ni pinatnugutan ni Petronino Bn. Daroy na ang may
pamagat na Rizal: Contrary Essays.
55
Basahin ang kahulugan ng pangalan ni Kabesang Tales (Kabanata 4).
56

Kung hindi lamang piksiyon ang nobelang ito ay maari nating maitanong kung
sinadya ba ni Simoun na gawin ang bilihan ng alahas sa bahay ni Kabesang
Tales.
Ipinag-utos sa kanyang alila na tumungo sa Los Baños, na, sa
dagat-dagatan magdaan, at dalhin ang malaking maleta, at doon siya
hintayin, sapagka’t siya’y sa katihan magdaraan na dala ang
kinalalagyan ng mga batong mahahalaga.
           
Ang pagdating ng apat na guwardiya sibil ay lalo pang nakagalak
sa kanya.57  Huhulihin ng mga sibil si Kabesang Tales, nguni’t sa
dahilang hindi nakita ay si Tandang Selo ang dinala.
           
Tatlong patayan ang nangyari nang gabing iyon.  Ang prayleng
nangangasiwa sa hacienda at ang bagong hahawak ng mga lupa ni
Kabesang Tales ay nangatagpuang patay, basag ang ulo at may sumpal
na lupa sa bibig, sa kalapit ng mga lupain nito; sa bayan, ang asawa ng
bagong mag-aari ng lupa na pinatay ay patay ding inumaga, na puno rin
ng lupa ang bibig at pugot ang ulo, at may kasiping na papel na
kinasusulatan ng pangalang “Tales” na ang ipinanulat ay daliring
isinawsaw sa dugo…
           
Manahimik kayo, mapayapang taga-Kalamba! 58  Sa inyo’y
walang nagngangalang Tales, sino man sa inyo’y hindi siyang nakagawa
ng kasalanan!  Ang mga pangalan ninyo’y Luis Habaña, Matias
Belarmino, Nicasio Eisagani, Cayetano de Jesus, Mateo Elejorde,
Leandro Lopez, Antonio Lopez, Silvestre Ubaldo, Manuel Hidalgo, Paciano
Mercado,59 kayo ang buong bayan ng Kalamba!  Nilinis ninyo ang inyong
mga bukirin, ginugol ninyo sa kanila ang buong buhay, ang mga
naimpok, mga pagpupuyat, pagtitipid, at pagkatapos ay inalis sa inyo,
pinalayas kayo sa inyong mga tahanan at ipinagbawal sa iba ang kayo’y
patuluyin!  Hindi pa nasiyahang lapastanganin ang katwiran kundi
niyurakan sampu ng mga banal na kaugalian ng inyong bayan…60
Naglingkod kayo sa Hari at sa Espanya, at nang sa ngalan nila’y pinag-
usig ninyo ang katwiran,61 ay itinapon kayo’t sukat nang hindi man
nilitis, inilayo kayo sa yakap ng inyong mga asawa at sa halik ng inyong

57
Sa mga kapanahon na sulat ni Rizal ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan
mabuti ang maraming hinuhuli para sa kapakanan ng bayan. (reminder: locate
and cite the letter)

58
Sa bahaging ito ay alam ni Rizal ang impact ng kabanatang ito, lalo na sa
kaniyang mga kababayan sa Calamba na dumadaan na sa magkatulad na
karanasan.
59
NOTA: Kailangang pag-aaralan ang mga taong binanggit na ito ni Rizal
60

Banal na kaugalian ng bayan – hospitalitidad.

61
Pinag-usig ang Katwiran – dumulog sa korte ang mga magsasaka ng
Calamba.
mga anak… Mahigit sa tiniis ni Kabesang Tales ang tiniis ng bawa’t
isa sa inyo, nguni’t gayon man, ay wala sa inyong naghiganti.  Hindi
nagkaroon sa inyo ng lingap ni kaawaan at pinag-usig pa kayo hanggang
sa kabilang buhay, gaya ng ginawa kay Mariano Herbosa…62 Lumuha
kayo o matuwa sa mga liblib na pulong inyong nilalagalag nang hindi
alam ang sasapitin!  Kinakandili kayo ng Espanya at sa malao’t madali
ay tatamuhin ninyo ang katwiran!63
 

62

ang bayaw ni Rizal na si Mariano Herbosa ay hindi pinayagan ng pari ng


Calamba na mailibing sa sementeryong Katoliko dahilan daw sa hindi
nangungumpisal. Sa sinulat na artikulo ni Rizal na may pamagat na
Profanacion na nalimbag sa La Solidaridad ay kaniyang sinabi na ang tunay na
dahilan kaya hindi pinayagang mailibing si Hermano Herbosa ay dahilan sa ito
ay kaniyang bayaw. Mula sa insidenteng ito ay hiniling ni Rizal na ang mga
sementeryo sa Pilipinas ay ilipat sa pangangasiwa ng pamahalaan at huwag
manatili sa kamay ng simbahan.
 
“Unfortunately the evil is not new, it dates back to the remote past. Rizal
had already denounced it in the first pages of  Noli me tangere. His
adversaries are only showing that he is right.” 

63
Propetikal ang sinabi ni Rizal sa bahaging ito ng El Filibusterismo, ang
Hacienda ng Calamba ay isa sa mga ipinagbili ng simbahan sa pamahalaang
Amerikano at napasakamay ng mga magsasaka ng Calamba.

You might also like