You are on page 1of 2

Ang Monologo Ni: PADRE SALVI

Magandang hapon buenos tardes! good afternoon naman sa ingles. Lubos bang

nakakapagtaka ang pagkakapirmi ko rito? Soy el padre Bernardo Salvi ang pumalit kay Padre

Damaso bilang kura paroko ng San Diego at namamahala sa kumbento ng sta clara. Batid

kong kilala niyo ako bilang tahimik at tila walang kibo sa maraming bagay. May mahinang

pangangatawan, sakitin at oo, palaging balisa, at lungkot ang bumabalot sa mukha.

Nararamdaman kong naglalaro na sainyong isipan kung anong mga sikreto ang bumabalot

sa aking pagkatao. Si Don Rafael ba? Wala akong alam. Hindi dapat ako ang tanungin

sapagkat si Damaso ang salarin. Crispin! Ilabas mo ang dalawang orsa, batang musmos na

mang-uumit. Oh Maria Clara! wagas ang iyong ganda. Ikaw ang bukod tanging nagpakislap

sa aking mga mata. Kaya hindi pwede! Hindi ka dapat makasal sa isang erehe.

Juan Crisostomo Ibarra, humanda ka pilibusterong hangal na walang respeto sa kura.

At dahil kaming mga pransiskano ay kinalaban mo, lubos kong kaligayahan ang pagtatapos

mo. At oo! Ako ang may pakana sa pagpapatayo ng estrakturang na nagbunsod sa

muntikang mong pagkamatay. Ngunit napakamalas! Ang erehe ay nakaligtas. Hindi iyon

maaari, kaylangan may mangyari! Ang buhay na walang kabuluhan, hanggat maaga ay dapat

ng wakasan. At sa wakas! patay na si Ibarra at elias, tila akoy nabuhayan. Ang aking madilim

na mithiin makakamit ko din. O maria clara maria clara, wala na ang kasintahang si Ibarra,

bumalik ka na kumbento, magmadre at makuntento. Salamat nga pala sa sulat mo Ibarra,

hindi ko maikakailang kinabahan ako ng husto ng nabasa ko ito. Nagkamali ako at marami ka

palang nalalaman sa mga sikreto ko. Espera un minuto! Tila marami na kayong nalalaman sa

aking pagkatao Adios! Hasta que otra vez

You might also like