You are on page 1of 2

Aila Arielle S.

Tolosa Ginoong Jonathan Magbitang


III- St. Gregory Filipino III

SISA

Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Sisa.


Ako’y nakapag-asawa ng isang lalaking iresponsable, palaboy at higit sa
lahat ay sugarol! Simula pa lamang ng aming pagsasama, nilustay niya ang
aking mga alahas at iilang kagamitan para sa kanyang bisyo ngunit nang
simulang wala na akong maibigay na pera para gamitin niya sa kanyang
bisyo ako’y pinagbubuhatan na niya ng kamay! Alam ko sa aking sarili na
ako’y isang mahina lamang pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil sa
aking mga anak na sila Crispin at Basilio. Sila ay mga sakristan sa simbahan
ng San Diego. Dumating ang panibagong araw at naalala ko na ngayon uuwi
ang aking mga anak kaya kailangan ko ito paghandaan. Nagluto ako ng
kanilang mga paboritong pagkain at nang matapos akong maghanda sa
sobra kong tuwa na makasama na ulit ang aking mga anak, ako’y masayang
naghintay sa kanilang pagdating. Hindi ko inaasahan na dumating ay ang
aking asawa. Inubos niya ang inihanda ko para sa aking mga anak pero
nalungkot ito lalo dahil walang pakialam ang asawa niya sa kanyang mga
anak at umalis na ang kanyang asawa. Naisipan ko nalang magluto ulit para
sa mga anak ko.

“Gaganahan silang mabuti sa layo ng pinanggalingan at walang pinipili ang


sikmurang gutom”.

Umawit ako ng kundiman habang hinihintay ko ang aking mga


anak nang marinig ko si Basilio sa pinto. Ako’y kinabahan. Sinabi sakin ni
Basilio na naiwan si Crispin sa simbahan dahil ito’y kinaladkad ng sakristan
mayor at ayaw sila pauwiin kundi ikasampu ng gabi na maaring mahuli na
sila ng guardiya sibil kung saan natamaan ang aking anak na si Basilio.
Kinabukasan ako’y tumungo sa simbahan at habang papanhik ako pataas
ako’y biglang nakaramdam ng kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko doon
natagpuan si Crispin at ako’y pinalayas nila sa simbahan. Paguwi ko ay
nakita kong may dalawang gurdiya sibil sa tapat ng aking bahay natakot ako
pero ako ay kanilang nakita. Ako’y pinasama nila sa kanila upang Makita ang
alperes. Ako’y kinulong sa kwartel ng halos 2 oras at pinalaya din ng alperes
pagkatapos. Ako’y pinagtulaktulakan nila. Ako’y walang kibong umuwi sa
aking bahay at may nakita akong punit na piraso ng damit ni Basilio na nasa
dulo ng sanga na malapit sa bangin. Ako’y nawala sa aking sarili.

“Crispin..Basilio! Crispin!!! Basilio!! Mga anak ko! Haha.. Mga…mga anak


ko!”.

You might also like