You are on page 1of 1

Maria Clara

*looks at mirror*

Ang nakikita ko ngayon sa salamin ay isang dalagang Pilipina na kilala sa lipunan, hinahangaan ng marami
dahil sa taglay ng n’yang kagandahan. Pero di lang nila alam na sa hinhin kong ito, ay may tinatago akong
mga sakripisyo at sekreto.

*as if Sinang arrives* O, Sinang, andiyan ka na pala?

Alam mo, lubos ang aking kasiyahan ng malaman kong babalik dito ang aking kasintahan na si Ibarra. Ngunit
mas mabuti pang sa sarili ko nalang ang aking kasiyahan na ito.

Kung sakaling hanapin man ako sa iyo ni Ibarra sabihin mo nalang na… gusto ko nang putulin ang relasyon
namin dahil sa matinding dahilan. *faint smile* Okey lang ako,Sinang. Sige na, paalam!

Nagimbal ang mundo ko nang nalaman kong ang totoong ama ko ay si Padre Damaso.
Ngunit may parting nawasak sa’kin nang nalaman kong ginahasa niya ang ina kong si Pia Alba.

*squints eyes, looks at far*


Parang may natatanaw akong anino ng dalawang lalaki sa dako roon.
‘Di kaya isa sa kanila ay si… si… *hand on mouth* Crisostomo!
Mahal, ikaw nga! Napakasaya kong makita kang muli! *looks down*
Patawarin mo ko sa aking pagpapakasal kay Linares. Pumayag lamang ako dahil mahal na mahal kita at gusto
kong ilayo ka sa kapahamakan.

*hugs* Sa unti-unti n’yang paglayo ay para bang unti-unti ring nadudurog ang aking puso. Kailan ko kaya siya
makikita o makakausap muli…

Ano itong nabasa ko sa dyaryo na patay na si Crisostomo?! Hindi ito maari! Hindi ito maari! Kagabi lamang ay
nakita at nakausap ko siya! Ngayon malalaman kong patay na siya at iiwan akong mag-isa?! Ngayong wala na
si Crisostomo ay wala na ring saysay ang aking buhay.

*blank face* Hindi ba? Pag nawalay ka sa taong mahal mo, gusto mo na ring humiwalay sa mundo?

Ang tanging nasa isip ko ngayon ay sumunod kay Crisostomo sa kamatayan o pumasok sa kumbento.

Pero naisip ko, upang maging makabuluhan ang aking buhay, papasok ako sa kumbento at gugugulin ko ang
natitirang buhay ko sa pagsisilbi sa Diyos kaysa magpakasal sa taong di ko mahal.
Kaya lang naman ginusto kong magpakasal kay Linares noon dahil naipit lang si Ibarra.

Sa kumbento, buong akala ko’y magiging malaya na ako – ngunit nagkamali pala ako. *smirks*
Inalipusta ni Padre Salvi ang pagkatao ko.
Naghalo ang aking poot at lungkot.
Tuluyan akong pinanghinaan at nagkasakit.
Binalak man akong iligtas ni Simoun ngunit huli na ang lahat. Nabalitaan na lamang niyang pumanaw na ang
pinakamamahal niyang Maria Clara.

You might also like