You are on page 1of 1

Mahal kong Crisostomo,

Labintatlong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita. Sariwa pa sa aking alaala ang
mga katagang binitawan mo bago ka lumisan, “babalik ako at magpapakasal tayo". Nagkatinginan tayo
at ngumiti, ang saya ng kinang ng iyong mga mata nakahuhumaling pagmasdan. Nakakikilig sapagkat
ang lalaking aking sinisinta’y pinangakuan akong pakakasalan. Hanggang ngayon... ako’y naghihintay.
Lagi akong nagbabakasakaling babalik ka, kung kaya’t parati akong naghihintay sa hardin na ating
pinagtatagpuan, kahit na napaka imposible na dahil hindi ka na babalik. Labis akong nagdalamhati ng
aking mabalitaang patay ka na, labis ang pighati na aking nadama sapagkat ang pangako mo ay hindi
na matutupad pa ngunit may kaunting pag-asa pa sa aking puso na babalik ka, na buhay ka mahal ko
kaya, nagpatuloy ang mga araw at gabi kong paghihintay at pangungulila sa iyo, ngunit humantong
ako sa puntong pinanghinaan ako ng loob. Ang tiwalang akala ko’y hindi matitibag ay tuluyan ng
gumuho. Akala ko’y sapat na ang pinagsaluhan nating sandali upang ako’y manatili. Napagod ako,
nawalan ng pag-asa na babalik ka ng buhay, sapagkat ilang taon na ang lumipas ngunit walang
Crisostomo na bumalik. Akalo ko ay sapat na ang ating pag-ibig upang ika’y bumalik ngunit naging
mali ang ating konsepto. Akala ko’y sapat na ang ating mga sumpaan sa ilalim ng milyong milyong
liwanag ng mga tala. Ngunit nagkamali ako, hindi pala sapat ang ginawa nating pundasyon ng ating
pag ibig, hindi pala sapat na puro pangako lang at walang gawa. Nagkamali ako dahil ang pag ibig ay
hindi para sa taong naghihintay at umaasa lang. Dapat pala’y dalawang pisikal na katauhan ang
palaging nagtatagpo hindi mag isa lang at naghihintay ng walang kasiguraduhan. Dapat pala’y
tinatrabaho ang pag ibig aking mahal, hindi umaasa sa abstraktong bagay. Dahil kung mahal mo pala
ang isang tao kailangang may pruweba sa bawat bibitawang salita dapat pala’y may produkto sa bawat
pangako, kailangan palang mayroong dahilan, may sagot sa bawat katanungan sa lahat ng hakbang.
Parehas tayong nagkulang. Ikaw sa gawa at ako naman ay sa tiwala. Sinulat ko ang liham na ito bago ko
tuluyang palayain ang pag ibig kong naluma na ng panahon. Sinulat ko ito, upang ipaalala ang
pagmamahal ko sa iyo na kahit sa huling sandali’y muli akong maghihintay. Mahal, sana ako ay iyong
mapatawad. Patawarin mo ako sapagkat hindi ko na kaya pang lumaban. Paniguradong kung
mababasa mo man ang liham na ito ay wala na ako. Siguro ay umiiyak ako sa mga oras na ito, dahil
masaya ako, dahil sa wakas ay tinupad na ng tadhana ang ating dalangin na magkasama tayong muli
kahit na sa kabilang buhay. Patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo kung naging
mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban. Mahal, sa wakas magkikita at magkakasama na tayong
muli. Mahal na mahal kita aking Crisostomo, muli ay patawarin mo ako.
Patuloy na nagmamahal,
Maria Clara

You might also like