You are on page 1of 1

Huling liham ni Maria Clara para kay Crisostomo Ibarra

Mahal kong Crisostomo,


Pitong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita.Sariwa pa sa aking alaala
ang mga katagang binitawan mo bago ka lumisan, “babalik ako at magpapakasal tayo".
Nagkatinginan tayo at ngumiti,ang saya ng kinang ng iyong mga mata nakahuhumaling
pagmasdan. Nakakikilig sapagkat ang lalaking aking sinisinta’y pinangakuan akong pakasasalan.
Hanggang ngayon... ako’y naghihintay. Lagi akong nagbabakasakaling babalik ka, kung kaya’t
parati akong naghihintay sa hardin na ating pinagtatagpuan. Sa mga araw at gabi kong
paghihintay at pangungulila, humantong ako sa puntong pinanghinaan ako ng loob. Ang tiwalang
akala ko’y hindi matitibag ay tuluyan ng gumuho.Akala ko’y sapat na ang pinagsaluhan nating
sandali upang ako’y manatili. Akala ko’y sapat na ang ating mga sumpaan sa ilalim ng milyong
milyong liwanag ng mga tala. Ngunit nagkamali ako,hindi pala sapat ang ginawa nating
pundasyon ng ating pag ibig. Hindi pala sapat na puro pangako lang at walang gawa. Dahil ang
pag ibig ay hindi para sa taong naghihintay at umaasa lang. Naging mali ang ating konsepto. Dapat
pala’y dalawang pisikal na katauhan ang palaging nagtatagpo hindi mag isa lang at naghihintay
ng walang kasiguraduhan.Dapat pala’y tinatrabaho ang pag ibig aking mahal,hindi umaasa sa
abstraktong bagay. Dahil kung mahal mo pala ang isang tao kailangang may pruweba sa bawat
bibitawang salita dapat pala’y may produkto sa bawat pangako,kailangan palang mayroong
dahilan,may sagot sa bawat katanungan sa lahat ng hakbang.Parehas tayong nagkulang. Ikaw sa
gawa at ako naman ay sa tiwala. Sinulat ko ang liham na ito bago ko tuluyang palayain ang pag
ibig kong naluma na ng panahon. Sinulat ko ito, upang ipaalala ang pagmamahal ko sa iyo na kahit
sa huling sandali’y muli akong maghihintay. Mahal,sana ako ay iyong mapatawad. Patawarin mo
ako sa pagsang-ayon sa desisyon ng aking ama. Paniguradong habang binabasa mo ang liham na
ito ay naglalakad na ako patungo sa altar ng simbahang minsan nating pinangarap na
magsumpaan. Siguro ay umiiyak ako sa mga oras na ito, hindi dahil masaya ako,ngunit dahil sa
wakas ay tinupad na ng tadhana ang ating dalangin ngunit tinupad ko ang pangako mo sa ibang
tao. Patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo kung naging mahina man ako.
Patawad sa hindi paglaban. Mahal, palayain mo sana ang iyong sarili sa pag ibig kong taksil. Mahal
na mahal kita aking Crisostomo,muli ay patawarin mo ako.

Patuloy na nagmamahal, Maria Clara

You might also like