You are on page 1of 33

BULACAN STATE UNIVERSITY

MODYUL IV

SI RIZAL AT ANG DAIGDIG


69 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

PAGPAPAKILALA:

Ang pangingibang bansa ni Rizal ay dulot ng mga mapapait na karanasan niya sa Unibersidad de
Santo Tomas. Ito ang unang dahilan kung bakit niya gustong umalis ng bansa. Pangalawa ay upang
maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral na malayo sa mga mata ng mga prayle ng Universidad.
Gusto rin niyang malaman o mapag-aralan ang mga kanser na lumalaganap sa iba-ibang larangan ng
buhay dito sa Filipinas at pagkatapos ay makahanap siya ng paraan kung paano maipapabatid sa
bansa at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Sa kanyang
palagay ito ang paraan upang makaahon sa hirap na dulot ng diskriminasyong panlahi na nararanasan
ng mga katutubong mamamayan sa bansa.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Nabibigyang puna ang mga Layunin ni Jose Rizal sa Europa sa unang


pagkakataon.

Naipapaliwanag ang mga kadahilanan ng muling Paglisan sa Bayan ni


Jose P. Rizal.

Napapahalagahan ang mga nagawa ni Dr. Rizal bilang Kasapi ng Kilusang


Propaganda

Naihahambing batay sa nilalaman at mensahe ang dalawang nobela ni


Jose Rizal

Natutunton ang mga mapanghamong pangyayari sa buhay ni Dr. Rizal sa


pananatili sa Europa.

Napapahalagahan ang mga ginawa at binalak gawin ni Jose Rizal para sa


Bayan habang malayo sa sariling Bayan.

Nailalarawan ang ibat- ibang lugar na narating ni Dr. Rizal sa Asya at


Europa.

Takdang Oras: Tatlong Oras

Subukin

Isulat sa isang papel ang mga bansang napuntahan ni Rizal sa kanyang unang paglalakbay.
UNANG PAGLALAKBAY SA IBANG BANSA

70 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Nailalarawan ang mga nagawa ng ilang kilusang kung saan naging


kaanib si Dr. Rizal sa kanyang pananatili sa Ibang Bayan.

Naiisa-isa ang mga magagandang ugaling Pilipino na naisabuhay ni Dr.


Rizal at iba pang Pilipino nagtungo din sa Europa upang maka-pagaral.

Nakapag-bibigay puna sa naging desisyon ni Dr. Rizal na pagbalik sa


Inang-Bayan sa kabila ng panganib sa kanyang buhay.

PAGLALAKBAY SA EUROPA

Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan,
nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay. Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila patungong
Singapore sakay ng Bapor Salvador. Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz. Mayo
11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan ang Point de
Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. Hunyo 7, 1882-dumaong sa Port
Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng sulat sa
bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal) Hunyo 13, 1882-
dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng
pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo). Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang
klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona.

BUHAY SA BARCELONA

Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan siya


ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat
ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang
kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay
Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong
Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim
ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at
Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar) Setyembre
(kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa
Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at
Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre).

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of


Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba't ibang partido
pulitikal ng Spain.Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan
Atayde na di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-bahala ng mga

71 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

kasapi.Sinulat ang Me Piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang


bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889) Nakapagtatag ng sariling
aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni
Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang
kaapihan. Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad
ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de
la Concorde, Simbahan ni Magdalena, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo
ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula't kababalaghan ng mga Valvis,
Medicis at Sorbon.Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence) Unang linggo ng
Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral Pormal na sumapi sa Lohiya
Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor
ng Medisina.Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina
Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to
the Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang
pangunahing mananalumpati Sinulat ang kalahating bahagi ng Noli Me Tangere. Humanga kay
Consuelo Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni
dela torre) ngunit pinigil sapagka’t alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kaya’t sinulat ang
tulang A La Señorita C.O. y R. Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko
na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa
pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa
masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at
Pebrero 15,1892-sumapi sa Le Grand Orient France) Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang
salapi mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si
Castaño sa halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa
Pilosopiya at Letras.

BUHAY SA PARIS

Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang


ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya.
Unang linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista
sa klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang
optalmologong Pranses. Kapag walang ginagawa,
dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing
modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni
Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna
sa Sanduguan. Naging abala sa pag-aaral ng
Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego.
Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli.
Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo
sa Heidelberg.
72 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

BUHAY SA HEIDELBERG

Pebrero 3, 1886-
dumating sa Heidelberg-isa sa
makasaysayang lungsod sa

Alemanya, sentro ng

karunungan dahil sa
pinakamatandang
pamantasang itinayo ng
Elector na si Ruperto I (1386)
at pangunahing pook ng
Repormasyong Protestante.
Lungsod din ng serbesa.

Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata. Naglingkod bilang
katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker.
(Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin). Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000,
biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na
bumalik sa Pilipinas. Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz. Mayo 13,
1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist
Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak. Mayo 17, 1887-nagtungo sa
Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague. Mayo 27,
1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at
nobelista ng Austria. Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-
Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg,
Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw
ang Rin waterfalls-pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen. Hunyo 4, 1887-nagtungo
ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas. Hunyo 23,
1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano.
Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre.

Aralin II

PAG BABALIK SA PILIPINAS

Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas.
Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila

Hulyo 3, 1887- Umuwi ng Pilipinas si Rizal sa kadahilanang:

titistisin ang mata ng ina

aalamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli


aalamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera

73 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

tutulungan ang mga kababayan

Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal.

Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba.

Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na
ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot

Ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa subersibong
kaisipan ng Noli

Itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrada. Nagpadala ng isang sipi ng Noli si P. Pedro
Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin. Bumuo ng komiteng
susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias. Hatol sa Noli: Heretiko,
lapastangan, isakandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pagkamakabayan, subersibo, laban sa
kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal.

Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni Padre Salvador Font (Agustino,
kura ng Tondo).Dahil sa resulta ng pagsusuri ng aklat naging delikado ang buhay ni Rizal, kaya
pinayuhan siya na mas magandang lisanin muna niya ulit ang Pilipinas para sa ikabubuti niya at
ikatatahimik ng bansa.

IKALAWANG PAGLALAKBAY

1888 - Si Jose Rizal ay 27 taong gulang at isa nang manggagamot at kilalang manunulat.
Dahilan kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas: tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway
kaya’t di mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa bansa.

SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO

Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro


patungo sa HongKong. Pebrero 7, 1888 nakarating sa Amoy,
China si Rizal dahil hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
malakas ang ulan narinig niyang marumi ang lungsod. Dito
ang unang lugar na pinuntahan ni Rizal sa kanyang
ikalawang paglalakbay. Sumapit siya sa Hongkong at buhat
sa bapor ay tumuloy siya sa Otel Victoria.
Sa Macau ay tumuloy si Rizal sa bahay ni G.
Lecaros, isang Pilipino na nakapagasawa ng babaing
Portuegesa. Pagkatapos ay pumunta si Rizal sa Hapon.

74 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

HAPON

Dumating siya sa Yokohama at tumuloy sa Otel Grande. Siya ay nagtagal sa Hapon dahil gusto
niyang mabatid ang kabuhayan, ang industriya, ang sining, ang kapaligiran at ang wikang Hapones. Dito
niya nakilala si Ose-San isang magandang Haponesa na muntik na niyang napakasalan. Naisip lamang
ni Rizal na mayroon siyang misyon na dapat gampanan kaya hindi sila nagkatuluyan.

AMERIKA

Nakarating si Rizal sa San Francisco, California,Estados Unidos noong Abril 28,1888.Nakita niya
sa panahon na iyon ang Amerika ay maunlad na bansa na. Maraming oportunidad ditto at mataas ang
antas ng pamumuhay ng mga Amerikano.Ngunit nalungkot si Rizal nang malaman niya na mayroong
tinatawag na diskriminasyon sa mga amerikanong Negro.Mas mababa ang tingin sa mga amerikanong
itim kaysa sa amerikanong puti.Hindi nagustuhan ni Rizal ang ganito dahil taliwas sa kanyang prinsipyo
na kailangan ay pantay-pantay ang karapatan ng mga tao sa isang bansa katulad ng inaasam niyang
mangyari sa Pilipinas.

Mula San Francisco ay tumawid si Rizal patungong Nueva York (New York). Dito ay sumakay
siya ng barko patungong Londres (London).
75 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

LONDON

Dito sa Londres ay natagpuan niya ang ilang


natitirang tomo ng Sucesos de las islas Filipinas (Mga
Pangyayari sa kapuluang Pilipinas) ni Antonio Morga.

Ginugol niya ang maraming araw sa pagbabasa,


pagsuri at pagsipi sa aklat ni Morga. Ninais niyang
mabatid kung bakit itinuturing ng mga Kastilla na ang
mga

Pilipino ay lahing may mababang uri. Binasa


niya rin ang ibang awtor na sumulat tungkol sa ating
bansa. Pinagpasiyahan niya na sipiin ang aklat ni
Morga upang makapaglathala ang ilang kamalian ng
aklat sa mga katutubong kultura ng ating bansa Dito rin
sa Londres ay marami siyang naisulat na bagay at isyu
sa larangan ng pulitika.

PARIS

Dito sa Paris ay patuloy niyang ginugol ang mahahalagang panahon niya sa Pambansang Aklatan sa
Pransiya. Ang Aklatan dito ay hindi kasing laki nang nasa Londres nguni’t ito ay hindi naging sagabal sa
hangarin maisulat niya ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere at tapusin ang Sucesos delas Islas
Filipinas ni Antonio de Morga. Itinayo niya ang Samahang Kidlat na binubuo ng Pilipinong sina Juan at
Antonio Luna, Felix R. Hidalgo, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga, Julio Llorente,
Guillermo Puatu at Bladomero Roxas.Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin
ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon. Sinulat ni Rizal ang La
Verdad Para Todos (Ang katotohanan para sa Lahat). Ang lathalang ito ay kauna-unahang artikulo ni Rizal
na lumabas noong Mayo1889.May hangarin si Rizal kung bakit siya bumalik ng Londres at iyon ay

upang makita ang ilang dokumento na pinatitityak sa kanya ni Dr. Adolf Meyer, at (3) nais niyang
dalawin ang pamilya ng mga Beckett na napakabuti sa kanya lalong-lalo na si Gertude. Kalagitnaan ng
Enero, 1890 ay bumalik si Rizal sa Paris. Sa mga panahong ito’y nilimbag ang mga paliwanag niya sa

Sucesos ni Morga sa Garnier.

BRUSSELS

Siya ay tumira sa pamilya ng mga Jacoby. Nilisan niya ang


Paris kasama ni Jose Albert, dahil napakamahal ng upahan ng
tirahan doon dahil sa Pandaigdig na Tanghalan noong 1889. Dito
sa Brussels ay walang tigil siya sa paggawa. Sinimulan niyang
isulat ang El Filibusterismo at pinagpatuloy rin ang pagpapadala ng
artikulo sa La Solidaridad. Dahil sa pag-uusig na nadarama ng
kanyang pamilya ay nagbalak siyang umuwi, sa dahilang hindi siya
maaring manatili na nagsusulat lamang habang “ang mga
magulang at mga kapatid ko ay nagdaranas ng lupit ng mga

76 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez- Jaena at ng kanyang
mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. Nagbago lamang ang isip ni Rizal nang
matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso na pagpapaalis sa mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng mga Dominko at ito ay kanilang iaapela sa Royal Audiencia sa Madrid at
dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.

MADRID

Sa unang araw ng Agosto, 1890 ay simula


ng mga kabiguan ni Rizal. Sa paghingi ni Rizal ng
katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si
Marcelo H. del Pilar bilang abogado at kanilang
idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang
katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano
Weyler at ng mga paring Dominikano. Natanggap
niya rin ang masamang balita na natanggap na
nila ang kautusan na pagpaalis sa mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng mga
dominiko.Habang bigo sa pagbibigay katarungan
sa kanyang magulang ay namatay ang kanyang
kaibigan na si Jose Maria Panganiban. Nagkaroon
din siya ng mga hamon. Lumisan siya sa Madrid
pero sumulat ng isang maikling sulat

ng pasasalamat sa mga kababayanan na naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. Lumisan siyang


papuntang Hongkong dahil sa mga suliraning bumabagabag sa kanya sa Europa, dahilan sa
magkasalungat na paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa, at upang mas higit
siyang maging malapit sa Pilipinas, at para kupkupin na rin ang kanyang pamilya na kasalukuyang
inuusig ng mga Kastila.

HONGKONG

Dumating siya sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan na
naninirahan dito. Bago magpasko ay dumating ang kanyang pamilya at dito ay ipinagdiwang nila ang
pasko. Dito rin niya ginamot ang kanyang ina at ang iba pang mga pasyente. Dito rin sa Hongkong ay
sinulat niya Konsepto at Saligang-batas ng La Liga Filipina. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na
sulat bago siya umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang ito kung siya ay
mamamatay: una ay,

sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid,


Sulat sa sambayanang Pilipino, at

Sulat kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol.


77 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Aralin IV

SI RIZAL AT ANG KANYANG PARTISIPASYON SA PROPAGANDA

Ang mga gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interest ng mga Espanyol ngunit
hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang repormang naipasa ng
pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas.

Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusang naging dahilan ng


paghinto ng LaSolidaridad noong 1895.

Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi
pagkakaunawaan.

Pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang


mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang
ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas.

Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at
doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong
1890 at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang
Propaganda, ang pinakamalaking dahilan ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga
prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista.

Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda:

Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa Pilipinas.

Ilan sa mga propagandista ay naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa


mismong kapuluan.

Kailangan ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan ito,
itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong 1892 upang pangunahanang pagoorganisa tungo
sa pagbabago at linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. Ang La Liga Filipina–kakaiba
ito sa mga naunang samahang panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay nagmula
sa masa. Pangunahing hangarin ng samahan ang pagtutulungan ng bawat miyembro at
paghahanda ng kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa lipunan.

Aralin V

PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga
isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
at nagbibigay tugon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat
ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol.
Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa Pilipinas
ngunit may mga ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal sa Pilipinas,
siya’y pinatawag ng Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol. Ipinagtanggol ni
Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa Europa, hindi siya

78 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

tumigil sa pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang pangalawang nobela na El
Filibusterismo. Ito ay ang pangalawang nobela na kanyang naisulat. Kanyang inialay ang nobelang El
Filibusterismo sa tatlong paring martir o “GOMBURZA”.

Nakilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay kilalang kilala,
sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato
nang mga Kastila sa mga Pilipino. Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang
ginagawa at tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila. Isa
ring dahilan kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa dami ng naging epekto nito
sa mamamayan at lipunan.

Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa
nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga librong ito ni Jose Rizal, maraming mga Pilipino
ang naging matapang at nahikayat na itigil ang mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga
Kastila sa mga kapwa Pilipino nila. Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang
gumising at nagbigay lakas sa ibang mga Pilipino at dahil din sa dalawang libro na ito ay naliwanagan
ang mga Pilipino sa mga pagbabago at reporma na kailangan at dapat gawin nang mga Kastila.
Naliwanagan din sila sa pagtatapos na dapat mangyari sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa
nang mga Kastila.

Aralin VI

MATIGAS NA HANGARING MAKABALIK SA PILIPINAS

Habang nasa Espanya si Rizal ay nagbalak na magtayo ng isang samahan sa Pilipinas upang
matulungan ang kanyang mga kababayan na mapalaya sa mga mapang-aping mga kastila.Sinulatan
niya ang Gobernador Heneral Despujol upang siya ay mabigyan ng proteksyon dahil alam niyang
delikado ang buhay niya sa kanyang balak na pag-uwi ng Pilipinas.Sa kabila ng pagpigil sa kanya ng
mga magulang at kaibigan ay nagpumilit pa ring siyang makabalik ng Pilipinas sa dahilang:

a). Maisakatupan ang proyekto niyang magtayo ng Kolonya sa Hilagang Borneo


at; b). Magtatag ng samahan ng mga Pilipino, ang La Liga PIlipina.

Hunyo 26,1892- umuwi si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Tumuloy sila sa Hotel
de Oriente upang doon manatili habang nagpaplano si Rizal sa kanyang samahan na itatag.

GAWAIN: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na pangungusap lamang.

Ano-anu ang mga layunin at karanasan ni Rizal sa unang paglalakbay niya sa daigig?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

79 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

___________________________________________________________________

Ipaliwanag ang dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Paano naganap ang partisipasyon ni Rizal sa Kilusang Propaganda?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Ipaliwanag kung paano naisulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterimo?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Anu-ano ang mga naranasan ni Rizal sa kanyang paglalakbay sa Europa?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Ipaliwanag paano siya nanirahan bilang isang Malay sa mga lungsod sa Europa.
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

80 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

REPLEKSYON:
Ang kabayanihan ni Rizal ay maaari din naman na mabigyang buhay ng
bawat isa sa atin sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal sa bayan, ang
pagsasakripisyo at pag-aalay ng talino, lakas at isipan para sa ikalalaya at ika-uunlad
ng ating Inang Bansa. Sa bawat kilos at isipan ni Rizal ay nasasalamin dito ang
walang kahulilip na pagmamahal sa ating bansa, ang pagtatangol niya sa atin laban
sa diskriminasyong panlipunan na nakasira sa ating malayang kaisipan. Ang kanser
na panlipunan na isiniwalat niya ay naging sanhi ng ating kawalan ng pagmamahal sa
ating Kultura,sa ating pinagmulan, sa ating mga minanang tradisyon na sadyang
nawala upang mapalitan ng Kulturang Kastila.Sa pananaw ni Rizal sa kanyang nobela
ay nasasalamin ditto ang Lipunang hanggang ngayon naman ay nakikita , ginagawa
at sinusundan ng ating mga kababayan. Sa repleksyon ng ating anino sa liwanag ay
makikita natin dito ang pagkukunwaring halos nailarawang maigi ni Rizal sa mg
atauhan ng kanyang mga nobela. Ano pa’t kahit na yata ilang Rizal ang barilin sa
Luneta ay hindi na mawawala ito sa ating Kultura at Lipunan. Nakalulungkot subalit
huli man daw at magaling ay naihahabol din, may panahon pa naman upang mawala
ang kanser ng Lipunan na naririto pa

rin sa atin.

PAGTATAPOS NA GAWAIN

Sagutan ang mga katanungang ito:

Gaano kahalaga sa iyong opinion ang makalawang ulit na paglayo sa Pilipinas ni Dr. Rizal para
sa kanyang sariling transpormasyon at sa kanyang kinayang gawin para sa ating Inang-
Bayan?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

81 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

____________________________________________________________________________

Paano kongkretong naipakita ni Dr. Rizal ang kanyang pagmamahal sa Bayan habang siya ay
namalagi sa ibang Bansa sa loob ng halos 9 na taon sa una at ikalwa niyang paglalakbay sa
Mundo)

Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Kung nabigo man ang Kilusang Propaganda na makamit ang mga nilayon nito, ano ang
maituturing na pinakamahalagang nagawa nito para sa Pilipinas na noo’y kolonya pa ng
Espanya.

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
82 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagsususlit:

Pangalan: _______________________________________

Taon at Kurso: _______________________________

PILIIN ANG TAMANG SAGOT:


1. Ang hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
a. La Paz c. Dela Pas
b. La Trinidad d. Dela Trinidad
2. Petsa ng pagalis si Rizal ng Calamba sa unang pagkakataon.
a. Mayo 2, 1882 c. Mayo 3, 1882
b. Mayo 1, 1882 d. Mayo 4, 1882

Ang pamagat sanaysay na sinulat ni Rizal bunga ng kanyang pangungulila sa Inang-Bayan na


nilisan.

a. Sa Aking Kababata c. El Amor Patrio


b. La Verdad Paratodos d. Mi Primera Inspiracion
4. Siya ang gumuhit ng Spolarium.
a. Pedro Paterno c. Felix Hildalgo
b. Amorsolo d. Juan Luna
5. Isa sa pinaka-magandang Talon sa Europa.
a. Baden Rainfall c. Salzburg
b. Lintz d. Ulm
6. Ang barkong sinakyan ni Rizal patungong Hongkong.
a. Salvador c. Djemnah
b. Zafiro d.Bohol
7. Ito ang bumubuo ng “Samahang Kidlat” maliban sa isa;
a. Juan Luna c. Julio Baldomero
b. Antinio Luna d. Gregorio Aguilera
8. Ang tumayong bilang abogado ni Rizal para sa kanyang
pamilya.
a. Antonio Luna c. Andrade
83 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Graciano Lopez Jaena d. Marcelo H. Del Pilar

Ito ang kilusang na ang layunin ay humingi ng mapayapang repormang pampolitika at

panglayunin. ( Isang Kilusang ang layunin ay humiling ng reporma sa Pamahalang kastila)

a. La Solidaridad c. La Liga Filipina


b. Kilusang propaganda d. Katipunan
10 Petsa ng itinatag ang Diaryong Tagalog.
.
a. August 29, 1850 c. August 30, 1851
b. August 30, 1850 d. August 29, 1849
11 Nakilala dahil sa husay na pagsulat at sa paggamit ng armas.
.
a. Juan luna c. Antonio Luna
b. Antonio Ricarte d. Pio Valenzuela
12 Lugar kung saan naglatha ng Noli Me Tangere.
.
a. Hong kong c. Espanya
b. France d. Berlin
13 Ito ang samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892;
.
a. La Liga Filipina c. Propaganda
b. La Solidaridad d. Katipunan
14 Ang katungkulan ni bonifacio sa samahag La Liga Filipina.
.
a. Pangulo c. Ingat Yaman
b. kagawad d. Ikalawang Pangulo

Ito ang nobela na nagpapahayag ng tungkol sa pagsakop ng Europa sa Pilipinas at nagbibigay


tuon din ito sa mga katolikong prayle

a. El Filibustirismo c. Noli Me Tangere

b. Molanism d. Sa mga katapatan ng mg tao


84 | P a g e

You might also like