You are on page 1of 44

e

BULACAN STATE UNIVERSITY

MODYUL V
ANG PAGHARAP SA PANGANIB AT
KADAKILAAN NI JOSE RIZAL
85 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Takdang Dami ng Oras: 6 oras (Dalawang linggo)

Panimula:

Matapos na muling malayo si Dr. Rizal sa Pilipinas, muling sumagi sa kanyang isipan ang muli nyang
pagbabalik sa bansa. Sa kabila ng maraming kaalamang natamo nya sa kanyang pangingibang-bayan,
tila may kung ano na lang ang humihila kay Dr. Rizal upang bumalik sa kanyang Inang bayan.

Sa yunit na ito ay iyong matututunan ang muling pagbabalik ni Dr. Rizal sa Pilipinas. Hindi
lamang ito simpleng pagbabalik sapagka’t naghihintay sa kaniya ang maraming panganib sa kaniyang
buhay. Inyong matutunghayan ang mga panggigipit na isinagawa ng mga Kastila laban kay Dr. Rizal na
siyang magpapakita rin naman ng kaniyang kadakilaan.

Mga Paksa:

a. Si Dr. Rizal at La liga Filipina

b. Buhay sa Dapitan, Mindanao sa loob ng apat na taon

c. Si Dr. Rizal at pagkakasangkot niya sa kilusang Katipunan

d. Ang paglilitis kay Dr. Rizal

e. Mga huling sandali ni Dr. Rizal

f. Ang labi ni Dr. Rizal makaraan ang pagbitay at ang kanyang bantayog

g. Mga naidulot na epekto ng kamatayan ni Dr. Rizal sa bansa at sa rebolusyon

pangkalayaan Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Nabibigyang puna ang mga kadahilanan sa muling pagbabalik ni Dr.

Rizal sa Pilipinas

2. Nailalarawan ang naging kabuluhan ng bawat oras na inilagi ni Dr.

Rizal sa Dapitan;

3. Naipapaliwanang ang kadahilanan ng pagkakasangkot ni Dr. Rizal sa

Kilusang Katipunan;

4. Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa ginawang paglilitis kay

Dr. Rizal; at

5. Nakapag-bibigay ng sariling hinuha sa naging epekto ng kamatayan ni

Dr. Rizal sa mga mamamayang Pilipino at sa mga pagkilos para sa
rebolusyong pangkalayaan.

Panimulang Pagtataya
Sa panimulang gawaing ito ay malalaman natin ang inyong pagkakaunawa patungkol sa mga
naging kalagayan ni Dr. Rizal sa kaniyang balaking umuwi muli sa Piipinas. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong at ilagay ang inyong mga sagot sa isang bukod na sagutang papel.

86 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

1. Anu-ano ng dahilan ni Dr. Rizal kung bakit niya ninasa na muling bumalik sa Pilipinas?

2. Sa anong mga kadahilanan nakabatay ang pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan?

3. Ilarawan ang naging pamumuhay ni Dr. Rizal sa Dapitan.

4. Ano ang mga mahahalagang kaganapan sa paglilitis kay Dr. Rizal?

5. Mayroon bang naging epekto ang kamatayan ni Dr. Rizal sa ating bansa? Ipaliwanag.

Si Dr. Rizal at ang La Liga Filipina

Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang mga kaganapan kay Dr. Rizal sa kanyang muling
pagbabalik sa bansa at ang kaniyang koneksyon sa La Liga Filipina.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang layunin ng pagkakatatag ni Dr. Rizal sa La Liga Filipina;

at

2. Nailalarawan ang mahahalagang kaganapan sa pagkakatatag ng La

Liga Filipina.

Sa kabila ng maraming banta sa buhay ni Dr. Rizal, hindi niya inalintana ang mga ito para lamang
makabalik muli sa kaniyang Inang bayan. Masidhi ang kaniyang pagnanasang muling makita ang
bansang kanyang nililiyag, maisakatuparan ang kanyang mga iniwan na balakin, at higit sa lahat ay
makausap si Hen. Despujol upang ilatag ang kanyang plano na pagtatayo ng kolonisasyon ng mga
Pilipino sa Hilagang Borneo.

Hunyo 26, 1892 - nang umuwi si Dr. Rizal sa Pilipinas kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia
at pansamantalang nanuluyan sa Hotel de Oriente. Sa kaparehong araw din nagtungo si Dr. Rizal sa
Palacio de Malacañan upang makausap si Hen. Despujol sa kabila

ng babala sa kanya ng kaniyang kaibigan na huwag basta

magtiwala kay Hen. Despujol. Nang makausap na ni Dr.
Rizal si Hen. Despujol, hindi sinang-ayunan ni Hen.
Despujol ang balakin ni Dr. Rizal na magtayo ng kolonya
ang mga Pilipino sa Hilagang Borneo.
Hunyo 27, 1892 - bumisita si Dr. Rizal sa kaniyang
mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando,
Pampanga; Tarlac, Tarlac; at sa Bacolor, Pampanga upang
hikayatin ang mga ito na maging kasapi ng isang smahang
itatatag niya na ang layon ay ang pagbabago.

87 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Hulyo 03, 1892 – nagsagawa si Dr. Rizal ng isang pagpupulong sa tahanan ng kaniyang kaibigan
na si Doroteo Ongjunco upang ipaliwanag ang layunin at mithiin ng isang samahang itatatag niya, ang
La Liga Filipina.

Ayon kay Dr. Rizal, ang mga sumusunod ay ang layunin ng La Liga Filipina:
1. Mapag-isa ang buong kapulungan ng may lakas;

2. Mapangalagaan ang bawat isa sa oras ng kagipitan;

3. Mapaunlad ang edukasyon at komersiyo; at

4. Maisulong ang marami pang mga pagbabago.

Bawat isang inidibidwal na nagnanais maging kasapi ng samahan ay kinakailangang magbayad

ng membership fee na nagkakahalagang diyes (.10) sentimos lamang piso na gagamitin sa mga
gawaing ilulunsad ng samahan.

Sa pulong na iyon ay nagkita sa unang pagkakataon si Dr. Jose Rizal at si Andres Bonifacio,
pormal na pumili din ng mga opisyales o kawani ang samahan:

Pangulo: Ambrosio Salvador

Kalihim: Deodato Arellano

Ingat-Yaman: Bonifacio Arevalo

Piskal: Agustin Dela Rosa

Ang opisyal na motto ng samahan ay Vnus (unus ang pagkabigkas) Instar Omnium o
“pagkakaisa ng lahat” (VIO).
Gawain 1

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung sakaling anyayahan ka ni Dr. Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina, pauunlakan mo ba
ang kaniyang paanyaya? Bakit?

88 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

___________________________________________________________________________________

2. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Dr. Rizal, pipiliin mo pa rin bang umuwi sa Pilipinas sa
kabila ng maraming banta na naghihintay sa iyo sa iyong pagbabalik? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Buhay sa Dapitan, Mindanao sa Loob ng Apat na Taon

Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa Dapitan sa kaniyang
pagkakatapon sa nasabing lugar. Bibigyang-pansin din ang kahalagahan ng kaniyang mga ginawa sa
Dapitan.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Nailarawan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan;

2. Natutukoy ang mga gawaing pinasimulan ni Dr. Rizal sa

kanyang pananatili sa Dapitan;

3. Naiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga makabuluhang ambag

na iniwan ni Dr. Rizal mula sa kanyang mga pagkakatuklas
(discoveries) sa Dapitan.
4. Napapahalagahan ang pagiging huwaran ni Dr. Rizal sa kanyang
pagpapasiyang gawing produktibo ang bawat araw na inilagi niya bilang
isang deportado sa Dapitan.

Ang Dapitan ay isang liblib na bayan na matatagpuan sa Kamindanawan. Bahagi ito ngayon ng
lalawigan ng Zamboanga del Norte at mayaman sa kasaysayan. Natuklasan ng mga Kastila ang Dapitan
noong 1629 sa pamumuno ng isang misyonerong Heswita na si Fray Pedro Guitierrez. Sa bisa ng Batas

89 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Republika Blg. 3811, naging lungsod ang bayan ng

Dapitan sa panahon ng administrasyon ni Pangulong
Diosdado Macapagal noong Mayo 12, 1963.

Makasaysayan ang lungsod ng Dapitan sapagkat dito

namalagi si Dr. Rizal mula noong Hulyo 17, 1892
hanggang Hulyo 31, 1896. Inyong matutunghayan sa
kabuuan ng araling ito ang naging buhay ng ating bayani
na si Dr. Rizal sa kaniyang pananatili sa lugar na ito.

Hulyo 17, 1892 – nang gabi na ang oras ay

dumating si Dr. Rizal sa Dapitan lulan ng barkong Cebu.
Siya ay nakatakdang manuluyan sa loob ng kumbento

Museo ni Jose Rizal, Dapitan – NHCP

kapalit ng ilang mga kondisyon na iniuutos na gawin sa kanya. Sa
halip, siya ay tumuloy sa tahanan ni Cap. Ricardo
Carcinero, pinuno ng pulitiko-militar ng Dapitan.

Ang mga kondisyong ipinagagawa kay Rizal ay nakasaad sa isang liham na ipinadala ni Fray
Pablo Pastells, superior ng ordeng Heswita noong panahon na iyon para kay Fray Antonio Obach, ang
misyonero sa Dapitan. Ito ang mga ss:

1. Pagsisisihan ni Dr. Rizal ang lahat ng kanyang ginawa at sinabi laban sa

relihiyong Katoliko at magpahayag siya na magiging tapat sa pagsunod sa
lahat ng kautusan ng pamahalaang España;

2. Siya ay gagawa ng santo ejercicio at confesion general sa kaniyang

dinaanang buhay; at

3. Maging ulirang mamamayan sa simbahang Katoliko at Espanya.

Mapayapa naman ang naging buhay ni Dr. Rizal

sa kaniyang pananatili sa Dapitan. Nagtayo siya ng
sariling bahay at tinawag itong Talisay. Sa kabila ng
mapayapang buhay ay hindi pa rin siya tinigilan ng
mga kaaway sa pamamagitan ng pagpapadala ng
isang bayarang mamamatay-tao at maniniktik na
nagpanggap na kaniyang pinsan upang bantayan ang
bawat kilos nya. Sa huli, hindi ito nagtagumpay dahil
natuklasan niyang isa palang impostor ang di umanong
nagpakilala na pinsan niya.
Sa Dapitan din niya naisulat ang tula na Mi Retiro na patungkol sa kaniyang buhay bilang bilanggo sa
Dapitan na kaniyang iniaalay sa kaniyang pinakamamahal na ina. Nilikha niya rin ang isang awitin na may
pamagat na Himno Al Talisai, awiting alay niya sa mga taumbayan ng Talisay, Zamboanga del Norte.

90 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Dito niya naisakatuparan ang kaniyang hiling na makapagtayo ng isang paaralan. Nagtayo siya
ng isang munting bahay na magsisilbing silid-aralan. Ang pagpapatayo niya ng maliit na eskwelahan sa
Dapitan ay ayon sa kanilang napag-usapan ni Blumentritt sa liham. Sa Dapitan niya lalo napaunlad ang
kaniyang kaalaman sa iba’t ibang disiplina tulad ng panggagamot, pag-aaral, gawaing kalakal,
pagsasaka at iba pa. Natuklasan niya rin ang ibang species ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa
kaniya: ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali (maliit na uwang), at ang Rhacophorus rizali
(isang ‘di pangkaraniwang palaka).

Sa aspeto ng pag-ibig, sa Dapitan niya nakilala ang isang babaeng dumating sa kaniyang buhay na
ang ngala’y Josephine Bracken. Sila ay nagsama bilang mag-asawa at nabiyayaan ng isang anak na lalaki
na agad din namang pumanaw ilang oras matapos itong ipanganak. Naging katulong niya si Josephine sa
pagtuturo sa mga bata sa paaralang kaniyang itinayo at maging sa panggagamot. Pinunan ni Dr. Rizal ng
pagmamahal ang asawa nyang ito dahil alam niyang ulilang lubos na si Josephine.

Sinamantala na rin ni Dr. Rizal ang pagkakataong makapagbukas na rin ng isang klinika na
tutulong para sa lahat ng mga taga Dapitan na nangangailangan ng atensyong medikal. Dahil dito,
dumating sa Dapitan ang kaniyang kapatid na si Maria at ang kanyang ina noong Agosto 1893.
Isinagawa ni Dr. Rizal ang pangatlong pagtitistis niya sa mata ng kaniyang ina na naging matagumpay
naman, nguni’t nagkaroon ng implikasyon nang alisin ang bendang nakatakip sa mata nito, isang bagay
na hindi nalalaman ni Dr. Rizal.

Bukod pa rito, sinimulan din ni Dr. Rizal ang pagsasagawa ng maayos na sistema ng patubig sa
Dapitan. Nais niyang ang mga taga-Dapitan ay makagamit ng malinis na tubig na magmumula sa
bundok, kaya sinimulan niya ang paggawa ng patubig sa pamamagitan ng paggamit ng mga kawayan.
Hindi lamang pansariling kapakanan ang inisip ni Dr. Rizal sa kaniyang pagkakabilanggo sa Dapitan,
binigyang halaga niya rin ang kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing lugar sa pamamagitan ng
kaniyang mga pinasimulang gawain sa bayan.

Ipinakita rin ni Dr. Rizal ang kaniyang kaalaman pagdating sa negosyo. Maging sa aspetong
pinansyal ay mayroon syang kaalaman kung papaano gugugulin ang perang mayroon siya. Ang
kasanayan sa pag-imbento ng isang makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang
makinang kahoy na ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisa sa isang araw. Si Ramon Carreon na
isang negosyanteng taga-Dapitan ang kaniyang naging kasosyo.

Sa kabuoan, apat na taon nanatili si Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan.

Gawain 1

Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.

__________1. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na naging asawa niya.

__________2. Sa kanyang tahanan tumuloy si Dr. Rizal nang siya’y makarating sa Dapitan.

__________3. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na alay niya sa mga taong nakatira sa nabanggit na

lugar.
__________4. Ito ang tulang nilikha ni Rizal na tungkol sa kaniyang buhay sa Dapitan.

91 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

__________5. Isang species ng butiki na natuklasan ni Dr. Rizal sa Dapitan.

Gawain 2

Batay sa inyong naunawaan sa aralin, isulat ang mahahalagang ambag ni Dr. Rizal sa Dapitan sa mga
sumusunod na larangan.

Agham

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Medisina

Panitikan

Edukasyon

92 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Si Dr. Rizal at ang Pagkakasangkot niya sa Kilusang Katipunan

Tatalakayin sa araling ito ang mga kaganapan na nagbigay daan sa pagkakasangkot ni Dr. Rizal
sa kilusang Katipunan o ang KKK ANB.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang layon ng pagkakatatag ng kilusang Katipunan ng 1892; at

2. Naiisa-isa ang mga kadahilanan ng pagkakasangkot ni Dr. Rizal

sa kilusang Katipunan.

Kung ating babalikan ang ating pinag-aralan sa Kasaysayan ng Pilipinas, matatandaang naitatag ang
Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 07, 1892. Ang samahan
ay naitatag sa tahanan ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Tondo, Maynila kung saan si Arellano ang
nahalal na lider ng samahan. Kabilang din sa mga nagtatag ng samahan sina Andres Bonifacio, Teodoro
Plata, at Ladislao Diwa, samantalang si Emilio Jacinto naman ang Utak ng Katipunan.

Apat na taon na pinaghandaan ng Katipunan ang binabalak nilang panghihimagsik. Sa loob ng

apat na taong paghahanda, pinagsumikapan ni Andres Bonifacio na lumawak ang samahan at dumami
ang maging kasapi ng Katipunan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas. Inatasan ni Andres
Bonifacio si Pio Valenzuela na magtungo sa Dapitan, Mindanao upang kanyang maging emisaryo o
kinatawan sa layuning isangguni kay Dr. Rizal ang balaking nilang paghihimagsik.

Agad pinuntahan ni Dr. Pio Valenzuela si Dr. Rizal sa Dapitan upang agad na ibalita ang
binabalak na panghihimagsik laban sa mga Kastila naging kasama niya ang isang kunwaring pasyente
na nais magpagamot kay Dr. Rizal.

Si Dr. Valenzuela ay mula sa Polo, Bulacan (Lungsod ng Valenzuela ngayon) na isinugo ni

Andres Bonifacio upang ibalita kay Rizal ang mga plano. Sinabi ni Dr. Rizal kay Valenzuela na tiyakin
lamang ng Katipunan na sila ay totoong handa at may sapat na armas upang labanan ang mga Kastila
nang sa gayo’y huwag silang mabigo sa kanilang hangarin.

Bukod pa rito, ipinabatid ni Dr. Valenzuela kay Dr. Rizal ang balak na itakas siya ng Katipunan
mula sa Dapitan bago sumiklab ang himagsikan, nguni’t hindi ito inayunan ni Dr. Rizal at sinabing
kawalang-galang at ‘di pagkamaginoo sa laban ang pagtakas. Sa halip, sinabi ni Dr. Rizal kay Dr.
Valenzuela ang balak nyang paglilingkod bilang isang manggagamot sa Cuba at upang malaman na rin
ang taktikang pandigma na ginamit ng Cuba laban sa Espanya.
93 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit itinatag ang Katipunan? Ano ang mga layunin nito?

_______________________________________________________________

2. Ano ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba? Bakit niya gustong pumunta sa
bansang iyon?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

Ang Paglilitis kay Dr. Rizal

Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang isinagawang paglilitis kay Dr. Jose Rizal. Ang
panggigipit ng mga Kastila kay Dr. Rizal na kailanma’y ‘di niya ninasang talikuran at kakitaan ng
karuwagan. At ang mga detalyeng may kinalaman sa nalalabing araw niya sa mundo.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakasakdal kay Dr. Rizal
sa hukuman;

2. Nailalarawan ang mahahalagang kaganapan sa naging paglilitis kay

Dr. Rizal; at

3. Nailalapat sa kasalukuyang mga isyu ang usapin patungkol sa ‘di

pantay na pagtingin at hatol ng batas sa bawat indibidwal.

94 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Maraming mga kasamahan si Dr. Rizal ang nakaranas din ng panggigipit ng mga Kastila upang
paaminin na may kinalaman si Dr. Rizal sa pagkakatatag ng Katipunan. Isa na ang kaniyang kapatid na
si Paciano na nakaranas ng matinding kagipitan nguni’t nanatiling matatag siya sa pagtatanggol sa
kapatid.

Nobyembre 29, 1896 nang simulan ang paunang imbestigasyon na tumagal ng limang araw sa
pangunguna ni Col. Francisco Olive. Ang resulta ng nasabing imbestigasyon ay nakarating kay Oidor
Rafael Dominguez, ang huwes-panghukom sa Fuerza Santiago.

Ang mga ebidensyang lumitaw na ginamit laban kay Dr. Rizal ay mga dokumentong tulad ng tula,
talumpati, nota, at mga liham. Kaagad na gumawa si Dominguez ng buod ng kaso na syang isusumite kay
Hen. Blanco at Huwes Nicolas dela Peña. Napagdesisyunan ng korte na isailalim si Dr. Rizal sa court
marshall, ito ang sistemang isinasailalim sa mga kasapi ng sandatahang lakas o mga taksil sa Espanya.
Nangyari ito kahit hindi naman nararapat sapagka’t si Dr. Rizal ay isa lamang ordinaryong mamamayan.

Ang resulta ng imbestigasyon ay ipinarating agad kay Dr. Rizal at siya ay pinapili ng isang
abogado na magtatanggol sa kaniya. Napili niya si Teniente Luis Taviel de Andrade. Sa loob ng
kanyang selda ay binasa ni Andrade na kanyang abogado ang kasong kinakaharap ni Dr. Rizal. Mga
kaso tulad ng sedisyon, at ilegal na pagtatatag ng isang samahan na di umano’y may balak pabagsakin
ang pamahalaang Kastila at Simbahang Katoliko.

Ang susunod na pagliiltis ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, alinsunod kay Hen. Camilo
Polavieja, ang pumalit kay Hen. Blanco. Si Sr. Enrique de Alcocer y de vaamonde ang itinakdang mag-
uusig at maghaharap kay Rizal sa lupon at syang babasa ng buod ng kaso at magiging sentensya nito.

Maayos na ipinahayag ni Ten. De Andrade ang kaniyang talumpati upang ipagtanggol ang
kaniyang kliyente na si Dr. Rizal. Sa abot ng kaniyang makakaya ay pinagsikapan niyang mapatunayan
na walang kasalanan si Dr. Rizal. Sa kasamaang palad, hindi nabigyan ng matuwid na paghatol si Dr.
Rizal, may sentensya na para sa kaniya bago pa maganap ang paglilitis. Sa madaling salita, isang
huwad na paghatol ang naganap, isang palabas lang ang paglilitis na nangyari. Hindi man lang siya
nabigyan ng pagkakataong maiharap ang testigo laban sa mga paratang sa kanya. Binigyan siya ng
pagkakataong mailahad ang kaniyang katuwiran ngunit nagbingi-bingihan lamang ang mga hukom.

Lumabas din agad ang hatol sa kaniya. Pinagtibay ni Gob. Hen. Polavieja ang hatol na parusang
kamatayan. Nakatakda ang pagbibitay sa Disyembre 30 na gaganapin sa Bagumbayan, Maynila kung
saan maraming tao ang makakasaksi sa pagbitay sapagkat maraming namamasyal sa pook na iyon.

Gawain 1

Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.

__________1. Siya ang nagsilbing manananggol o abogado ni Dr. Rizal

__________2. Pinagtibay niya ang hatol na parusang kamatayan kay Dr. Rizal
__________3. Sa lugar na ito gaganapin ang pagbitay kay Dr. Rizal
__________4. Ito ang bilang ng mga araw kung kailan tumagal ang imbestigasyon kay Dr. Rizal
95 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

__________5. Siya ang itinakdang mang-uusig at maghaharap ng mga buod ng kaso sa paglilitis kay Dr.

Rizal.

Gawain 2

Sagutin ng buong husay ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naging patas ba ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal sa kaniyang paglilitis? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

2. Sa kasalukuyang panahon, may alam ka bang isyu sa ating bansa na may kinalaman sa ‘di pantay na
pagtingin ng batas o inhustisya sa isang tao? Ano ito? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Mga huling Sandali ni Dr. Rizal

Sa araling ito tatalakayin ang mga kaganapan sa huling sandali ng Buhay ni Dr. Rizal bago ang
pagsasakatuparan ng itinakdang paarusang Kamatayan.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natatalakay ang mga huling sandali ni Dr. Rizal sa loob ng bilangguan;

2. Nailalarawan ang mga naging kaganapan sa pagpatay kay Dr. Rizal sa
Bagumbayan; at

3. Napahahalagahan ang mga isinakripisyo ni Dr. Rizal para sa Inang-Bayan.

Sa nalalabing sandali ni Dr. Rizal ay marami pa siyang tinapos na gawain. Mababanaag ang
kahinahunan sa mukha ni Dr. Rizal, tila ‘di siya nakakaramdam ng kaba at takot.

Sunud-sunod ang mga dumalaw kay Dr. Rizal sa bilangguan, mga kamag-anak at mga naging
guro. Inalayan siya ng panalangin ng mga naging guro niya sa Ateneo at hinikayat na magbalik-loob na

96 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

sa Simbahan (ipinakalat ng mga fraile ang balitang siya’y isang erehe at pilibustero). Dinalaw din siya ng
ilang mga mamamahayag upang kapanayamin. Hindi pa din nawawaglit sa mukha ni Dr. Rizal ang
kahinahunan.

Kaunting oras na lamang ang nalalabi sa buhay ni Dr. Rizal nguni’t nagawa pa niyang sumulat ng
mga liham para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sinulat niya ang kaniyang huling tula na
inumpisahan niya noong Disyembre 12, 1896 at tinapos na lamang nitong Disyembre 29, 1896.

Disyembre 29, 1896 nang dalawin si Dr. Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Humingi ng tawad
si Dr. Rizal sa ina dahil sa lahat ng pasakit, pag-aalala, at pagsuway sa utos at bilin ng ina. Sa kanilang
pagyayakapan ay agad silang pinaghiwalay ng isang guardia civil. Isa-isa namang pinapasok sa loob ng
kanyang selda ang mga kapatid niyang babae at ibinilin sa mga ito ang kaniyan mga gamit. Ang
kanyang silyang yantok ay kaniyang ibinilin kay Narcisa. Ang kaniyang panyolito naman ay para sa
kaniyang pamagngkin na si Angelika. Kay Josefa naman ang sapatos na may nakasilid sa loob nito. At
ang huli, kay Trinidad niya iniabot ang lutuang alcohol kung saan nakalagay sa loob nito ang isang
tulang walang pamagat at tungkol sa pamamaalam ang nilalaman. Kalaunan, ang walang pamagat na
tula na ito ay nakilala bilang Mi Ultimo Adios.

Ika-30 ng Disyembre, 1896

Alas 3:00 ng umaga – si Dr. Rizal ay nakinig ng misa, nangumunyon, at nangumpisal. Pagkatapos
nito’y sumulat siya ng liham para sa pamilya at kapatid na si Paciano pagkatapos niyang mag-agahan.

Bandang 5:00 ng umaga – dumating si Josephine Bracken kasama si Josefa. Ikinasal ni Fray
Balaguer si Dr. Rizal kay Josephine sa mga nalalabing oras ni Dr. Rizal at pinagkalooban ng regalo ang
asawa ng isang aklat.

Mag-iika 6:30 ng umaga – kailangan nang magtungo ni Dr. Rizal sa Bagumbayan kasama ang
iba pa. Apat na sundalo ang nasa harapan niya, napapagitnaan siya ng kanyang abogado na si Ten.
Andrade at nina Fray March at Fray Villaclara. Nakadamit siya ng itim mula ulo hanggang paa at may
hawak na rosaryo.

Sa kabila ng kanyang nalalapit na kamatayan, mababanaag pa din ang kahinahunan sa mukha ni

Dr. Rizal. Sinuri ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang kaniyang pulso at namangha na kalmado si Dr. Rizal
sapagkat normal ang pintig nito. Patunay lamang na hindi kinakabahan at hindi natatakot si Dr. Rizal.

Ayon sa tala ng kasaysayan at pananaliksik, may mga kahilingan si Dr. Rizal sa kaniyang pagbitay,
ito ay ang mga sumusunod:

1. Huwag siyang patatamaan sa mukha.

2. Huwag siyang lalagyan ng piring sa mata.

3. Huwag siyang babarilin ng nakatalikod.

4. Hangga’t maaari ay huwag mga Pilipinong voluntarios ang babaril sa kanya.

5. Kalagin ang pagkakatali ng kanyang mga braso.

6. Patatamaan siya sa puso at dibdib.

7. Ibigay ang kanyang bangkay sa mga mahal niya sa buhay.
Ipinuwesto si Dr. Rizal sa isang malawak na parisukat na naliligiran ng mga sundalo. Siya ay binasbasan ng
isang prayle na kung saan ay ipinahalik sa kanya ang isang krus. Tinutulan ng isang prayle na huwag syang
barilin ng nakatalikod, sapagkat traydor o taksil lamang ang binabaril ng nakatalikod.

97 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Handa na ang walong sundalong Pilipino na kikitil sa buhay ni Dr. Rizal, sa likod ng mga
Pilipinong sundalo na ito ay may walo namang sundalong Kastila na may dala ring baril kung sakaling di
magwang barilin ng mga sundalong Pilipino si Dr. Rizal.

Sa kabila ng isang paligid na tahimik, umalingawngaw ang tinig na nagsasabing:

“Peliton… Cargen… Apunten…”

Habang binabanggit ang mga katagang iyon ay binanggit naman ni Dr. Rizal ang mga katagang:

“Consummatum Est!”

Ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya ay “naganap na”. Umalingawngaw naman ang tinig
na:

“Ajunte… Fuego!”

Pagkatapos mabanggit ang mga salitang iyon ay binaril na ng tuluyan si Dr. Rizal. Bumagsak ang
kanyang katawan sa lupa na nakaharap ang mukha sa dakong sinisikatan ng araw. Lumapit ang isang
kapitan kay Dr. Rizal at binaril siya sa dibdib gamit ang isang revolver upang tiyaking patay na si Dr. Rizal.

Eksaktong 7:03 ng umaga – binawian na ng buhay si Dr. Rizal. Ang mga elite at kontra-rizal ay
nagsigawan ng katagang “Viva España! Muerte a los traidores! Viva!”

Gawain 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naging makatuwiran ba ang hatol kay Dr. Rizal? Oo o Hindi? Pangatwiranan

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

98 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Bigyang Puna ang naging paninindigan ng Kastilang tumayong manananggol ni Dr. Rizal: si Luis
Taviel de Andrade paano siya naiiba sa kanyang kapwa kastila na nasa likod ng di-patas na paglilitis na
isinagawa laban kay Dr. Rizal.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

3. Anu-ano ang mga pakiwari mong mga karapatan ng isang akusado o nasasakdal na hindi na ipinag-
kaloob kay Dr. Rizal?

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Ang Labi ni Dr. Rizal Makaraan ang Pagbitay at ang Kanyang Bantayog

Sa araling ito, tatalakayin ang iba pang mga kaganapan matapos mamatay si Dr. Rizal mula sa
hatol ng inhustisya. Mga kaganapang may kinalaman sa mga pangyayari sa kaniyang labi ang
pagtutuunan ng pansin.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang mga kaganapan matapos ang naging pagbitay kay

Dr. Rizal;

2. Natatalakay ang mga di makataong sinapit ng labi ni Dr. Rizal; at

3. Nasusuri ang kahalagahan ng kanyang bantayog sa iba’t ibang panig
ng mundo.

Isang bagay na ikinababahala ng mga Kastila ay ang pagiging bantog ni Dr. Rizal, kaya
minarapat nilang itago mula sa awtoridad ang kaniyang bangkay maging sa kaniyang pamilya. Inilibing
nila sa isang sementeryo sa Paco, Maynila ang kanyang bangkay. Itinago nila ang bangkay baka
sakaling nakawin ito ng mga Katipunero at gamiting propaganda sa paghihimagsik.

99 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nang nabubuhay pa ang bayani ay hiniling niya sa kanyang ina na hingin agad mula sa awtoridad
ang kaniyang bangkay, ngunit bigo ang kanyang ina. Ang kanyang kapatid na si Narcisa naman ang
gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagkasabwat sa isang guardia civil upang malaman ang lugar na
kinahihimlayan ng labi ni Dr. Rizal. Nalaman na lang nila ang bangkay ay nakalibing sa isag sementeryo sa
Paco, Maynila at may tanda na nakalagay na R. P. J. na baliktad na inisyal nga pangalan ni Dr. Rizal.

Agosto 17, 1898 – naipalibing ng pamilya Rizal ang bangkay ni Dr. Rizal sa disenteng
pamamaraan. Nang kukunin ang bangkay niya sa sementeryo sa Paco, napag-alamang inilibing si Dr.
Rizal ng walang kabaong at tila hinagis ang kanyang bangkay na pabaliktad. Natagpuan nila itong buto
na agad at inilagak sa tahanan ng kanyang ina.

Ang kaniyang pangalan ay isinama sa mga binitay noong Enero 11, 1897 kasama ang tatlo pang
miyembro ng La Liga Filipina. Hanggang sa kamatayan ay binalot nila sa kasinungalingan si Dr. Rizal.

Disyembre 30, 1912 – ang bangkay

ni Dr. Rizal ay inilipat sa Bagumbayan kung
saan sya binaril. Dito siya pormal na
inalayan ng bantayog dahil sa kaniyang
kabayanihan. Ang kaniyang buto ay nasa
loob ng monumento na idinisenyo ni Richard
Kissling. Ang disenyo ng monument ni
Kissling ang siyang nagwagi sa patimpalak
ng mga arkitekto na gagawa ng monumento
ni Dr. Rizal, ito rin ang naging opisyal na
disenyo ng mga matatayog na monumento
ni Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo.

100 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang Iniwang Bakas ni Dr. Rizal

Mula sa pagkamulat ni Dr. Rizal hanggang sa kaniyang kamatayan ay natikman niya ang bagsik
ng hustisya sa kaniyang bayan mula sa kamay ng mga mananakop.

Hindi batid ng mga Kastila na may kapalit ang kanilang ginawa. Sunod-sunod na mga pag-aalsa ang
naganap sa Pilipinas ilang taon matapos mamatay si Dr. Rizal. Dumagdag pa sa kaba ng mga Kastila
ang pag-aalsang nagaganap noong panahon na iyon sa Cuba at ang unti-unting paghina ng kanilang
pwersa laban sa mga Amerikano.

Si Dr. Rizal ay tunay na kamangha-mangha. Ang kaniyang iniwang bakas sa atin ay hanggang
ngayo’y nananalaytay sa ating diwa. Kilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming parte pa ng
daigdig. Dalubhasa rin na maituturing dahil sa mataas na antas ng kaalaman na taglay niya sa iba’t ibang
larangan. Higit sa lahat, naging tanglaw siya sa panahong ang Pilipinas ay nilulugmok ng kadiliman.

Gawain 1

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ipaliwanag bakit kinailangan pang ipagkait ng mga kastila sa pamilya ni Dr. Rizal ang kanyang labi?

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

2. Papaano hinarap ni Dr. Rizal ang lahat ng panggigipit na dinanas niya mula sa kamay ng
mga Kastila?

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, sapat na ba ang bantayog sa Maynila upang ihayag at alalahanin ang kaniyang
kadakilaan? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

101 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Gawain 2

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at isulat naman ang Mali kung ito’y
hindi wasto.

________1. Si Dr. Rizal ay binaril sa Bagumbayan bandang hapon na.

________2. Mga sundalong Espanyol ang bumaril kay Dr. Rizal.

________3. Disyembre 30, 1896 ang petsa ng kamatayan ni Dr. Rizal.

________4. Si Dr. Rizal ay namatay sa pamumuno ni Gob. Hen. Blanco.

________5. Iniabot ni Dr. Rizal ang lutuang alcohol na naglalaman ng tulang walang pamagat sa kaniyang

kapatid na si Narcisa.

HULING PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang
bago ang mga bilang.

____1. Ito ay isang bayan sa Mindanao kung saan nanatili si Dr. Rizal bilang isang bilanggo.

a. Basilan

b. Sulu

c. Dapitan

d. Butuan

____2. Siya ang gobernador-heneral na namumuno sa Pilipinas sa panahong binaril si Dr. Rizal sa

Bagumbayan.
a. Gob. Hen. Ramon Blanco

b. Gob. Hen. Narciso Claveria

c. Gob. Hen. Valeriano Weyler

d. Gob. Hen. Camilo Polavieja

102 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

____3. Siya ang unang nahalal na pangulo ng kilusang Katipunan o ang KKKANB.

a. Deodato Arellano

b. Roman Basa

c. Andres Bonifacio

d. Trinidad Pardo de Tavera

____4. Sa taong ito naganap ang himagsikan na pinangunahan ng kilusang Katipunan.

a. 1894

b. 1895

c. 1896

d. 1897

____5. Sino ang babaeng kapatid ni Dr. Rizal na kasama niyang bumalik muli sa Pilipinas noong 1892?

a. Narcisa

b. Lucia

c. Trinidad

d. Angelika

____6. Sa tahanan niya naganap ang pagpupulong na isinagawa ni Dr. Rizal para sa kanyang itatatag na

samahan.

a. Apolinario Mabini

b. Doroteo Ongjunco

c. Macario Sakay

d. Marcelo H. Del Pilar

____7. Bukod sa pagpapagamot sa bansang iyon, ano pa ang isang layon ni Dr. Rizal kung bakit nais

niyang tumungo sa bansang Cuba?

a. Nais niyang dalawin ang ilang mga kaibigan sa Cuba.

b. Nais niyang balikan ang kaniyang mga naiwang gamit.

c. Nais niyang mag-aral pa ng isa pang kurso

d. Nais niyang malaman ang paraan ng Cuba sa pakikipagdigma laban sa España.

____8. Sa kasaysayan ng bayan ng Dapitan, siya ang misyonerong namuno sa pagkakatuklas ng bayang

ito.

a. Padre Pedro de Valderrama

b. Padre Pedro Gutierrez

c. Padre Andres de Urdaneta

d. Padre Mariano Pilapil

____9. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na kalauna’y naging asawa niya.

a. Josephine Bracken

103 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Leonor Rivera

c. Gertrude Beckett

d. Seiko Usui

____10. Ito ang halaga ng buwanang bayad sa mga kasapi ng La Liga Filipina.

a. Limang (5) piso

b. Pitong (7) piso

c. Sampung (10) piso

d. Labinlimang (15) piso

____11. Sa pagpupulong ng mga kasapi ng La Liga, siya ang nahalal na Pangulo ng samahan.

a. Jose Rizal

b. Ambrosio Salvador

c. Deodato Arellano

d. Teodoro Plata

____12. Ito ang lugar sa Maynila kung saan unang inilibing si Dr. Rizal.

a. Paco, Maynila

b. Tondo, Maynila

c. Pandacan, Maynila

d. Sampaloc, Maynila

____13. Siya ang dumalaw kay Dr. Rizal sa Dapitan upang ihayag ang plano ng Katipunan at ipabatid

ang plano nyang pagtakas kay Dr. Rizal.

a. Ferdinand Blumentritt

b. Pio Valenzuela

c. Padre Mariano Gomez

d. Andres Bonifacio

____14. Ito ang petsa ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.

a. Disyembre 30, 1893

b. Disyembre 30, 1894

c. Disyembre 30, 1895

d. Disyembre 30, 1896

____15. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na kaniyang niletrahan sa Dpitan.

a. Doctrina Cristiana

b. Pasiong Mahal ni JesuKristo

c. Himno Al Talisai

d. Dasalan at Tocsohan

104 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

____16. Siya ang Gobernador-Heneral na namuno sa Pilipinas sa panahong muling bumalik sa bansa si

Dr. Rizal.

a. Gob. Hen. Narciso Claveria y Zaldua

b. Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre

c. Gob. Hen. Eulogio Despujol

d. Gob. Hen. Rafael Izquierdo

____17. Sa lugar na ito unang naitayo ang pinakaunang monumento ni Dr. Rizal.

a. Bagumbayan, Maynila

b. Madrid, Spain

c. Calamba, Laguna

d. Daet, Camarines Norte

____18. Ito ang bilang ng taon na inilagi ni Dr. Rizal sa Dapitan.

a. Tatlo

b. Apat

c. Lima

d. Anim

____19. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan maliban sa isa:

a. Naglathala si Rizal ng mga babasahin na naglalaman ng pagtutol sa Simbahan.

b. Ang El Fili niyang nobela na inialay sa GomBurZa ay nagpasama sa imahe ng Simbahan sa

Pilipinas.

c. Ang kaniyang personal na isyu laban kay Gob. Hen. Despujol.

d. Mga babasahing natuklasan sa kanyang mga dala-dalahan.

____20. Siya ang misyonero ng Dapitan sa panahon ng pagkakabilanggo ni Dr. Rizal sa bayan.

a. Padre Pablo Pastells

b. Padre Antonio Obach

c. Padre Rufino Pascual

d. Padre Andres de Urdaneta

105 | P a g e

You might also like