Professional Documents
Culture Documents
2. masusri ang mga tao at mga pangyayari t ang kanilang naging impluwensya sa panimulang buhay ni Jose
Rizal;
3. mailarawan ang naging landas ni Jose Rizal sa kanyang mataas na pag-aaral dito sa Pilipinas at ibang
bansa;
Pre-test:
TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tunay na naganap at Mali kung hindi.
Dumating si Rizal sa Madrid noong unang bahagi ng Agosto, 1890. Sinikap niyang gamitin ang lahat
ng legal na pamamaraan para makamtan ang katarungan para sa kanyang pamilya at magsasaka ng
Calamba, ngunit siya’y nabigo. Sunud-sunod ang kanyang kabiguan at kasawian hanggang sa naramdaman
niyang kay bigat na ng krus na kanyang pinapasan. Hinamon niya sina Antonio Luna at Wenceslao E.
Retana sa duelo ngunit hindi natuloy ang mga ito. Ikinasal si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles.
Ang pagtataksil ng dalagang minahal niya ng labing-isang taon ay nagwasak sa kanyang puso.
Ngunit dahil sa marunong makibagay sa mga sitwasyon, nalampasan ni Rizal ang mapapait na karanasang
dulot ng pag-ibig, at ipinagpatuloy niya ang misyong matubos ang mga inaaping kababayan.
Di Pagkakamit ng Hustisya para sa Pamilya. Pagdating sa Madrid, kaagad na humingi ng tulong si Rizal sa
mga grupo ng Pilipino roon, ang Asociacion Hispano-Filipina, at mga pahayagang liberal sa Espanya ( La
Justicia, El Globo, La Republica, El Resumen, atbp.)
Para makamtan ang katarungan ng mga inaaping taga Calamba, pati na ang kanyang pamilya.
Kasama si M.H del Pilar (na siyang abogado niya) at Dr. Dominador Gomez ( kalihim ng Asociacion Hispano-
Filipina), pinuntahan nila ang Ministro ng mga Kolonya (si Senor Fabie) para ipahayag ang kanyang
protesta tungkol sa mga kawalang katarungang ginawa ni Gobernor Heneral Valeriano Weyler at ng mga
Dominiko sa mga taga-Calamba.
Walang nangyari sa panayam ni Rizal kay Ministro Fabie. Gaya ng pahayag ng El Resumen,
pahayagang nakikisimpatya sa mga Pilipino: “Para magbingi-bingihan, buksan ang portamoneda at
maghalukipkip—iyan ang patakarang kolonyal ng Espanya”.
Marami pang masamang balita ang nakarating kay Rizal sa Madrid habang ipinaglalaban niya ang
hustisya. Balita ng kanyang bayaw na si Silvestre Ubaldo, nakatanggap siya ng kopya ng kasulatang
pagpatalsik na ipinag-utos ng mga Dominiko para kay Francisco Rizal at iba pang kasama. Balita naman ng
kanyang kapatid na si Saturnina na ipinatapon sina Paciano (Rizal), Antonino (Lopez), Silvestre (Ubaldo),
Teong (Mateo Elejorde), at Dandoy (kamag-anak ng mga Rizal) sa Mindoro; sila’y dinakip sa Calamba at
pinaalis ng Maynila noong Setyembre 6, 1890.
Nalaman pa niya mula sa liham ni Saturnina na ang kanilang mga magulang ay sapilitang pinaalis sa
kanilang tahanan at naninirahan na sa bahay ni Narcisa (asawa ni Antonio).
Sa kanyang kawalan ng pag-asa, humingi ng tulong si Rizal sa mga liberal na Espanyol na dating miyembro
ng Ministeryo, kasama na sina Becerra at Maura. Muli, nabigo siya dahil ang tanging maibibigay lamang
sa kanya ng mga ito ay kanilang simpatiya.
Nang malaman ni Blumentritt, na nasa Leitmeritz, ang suliranin ng kaibigan, pinayuhan niya ito na
makipagkita sa Reyna Rehente Maria Cristina (noo’y namumuno sa Espanya habang menor de edad pa si
Alfonso X111). Ngunit paano siya makikipagkita sa Reyna? Wala siyang makapangyarihang kaibigan ni
salaping maipanggagrasa sa mga maiimpluwensiyang tao sa korte.
Parangal ni Rizal kay Panganiban. Isa pang kalungkutan ang naranasan ni Rizal nang dumating siya
sa Madrid. Ang kanyang kaibigang si Jose Ma. Panganiban, na nakasama niya sa Kilusang Propaganda, ay
namatay sa Barcelona noong Agosto 19, 1890 dahil sa matagal nang sakit. Dinamdam niya nang malalim
ang pagpanaw ng bayaning Bikolano.
Naudlot na Duelo kay Antonio Luna. Sa pagtatapos ng Agosto 1890, dumalo si Rizal ng isang salu-
salo ng mga Pilipino sa Madrid. Gaya ng nakagawian, naginuman ang mga paisano. Pagkaraan ng
maraming nainom, naging matabil ang mga panauhin at kung anu-ano na ang pinagkukuwentuhan. Isa sa
mga nalasing ay si Antonio Luna.
Si Rizal ay hindi likas na mainitin ang ulo at palaaway. Ngunit kapag nasaling ang karangalan ng
kanyang kababayan, pamilya, kababaihan, o kabigan, hindi siya nangingiming makipag-away kahit buhay
niya ang itaya. Sa isang okasyon hinamon ni Rizal ang isa pang lalaki sa isang duelo—si Wenceslao E.
Retana, ang karibal niya sa panulat.
Si Retana, isang matalinong iskolar na Espanyol, ay isang ahente sa pahayagan ng mga prayle sa
Espanya. Noo’y tinutuligsa niya ang mga Pilipino, kasama na si Rizal, sa iba’t-ibang pahayagan sa Madrid
at iba pang lungsod sa Espanya. Isang araw, sumulat siya ng artikulo sa La Epoca, pahayagang laban sa
mga Pilipino. Isinulat niyang hindi nakababayad ng upa ang pamilya at mga kaibigan ni Rizal kaya sila
pinatalsik sa mga lupa ng mga Domiko sa Calamba.
Noong taglagas ng 1890, malungkot si Rizal sa kabiguan niya sa Madrid. Isang gabi, nanood silang
magkakaibigan ng isang dula sa Teatro Apolo, at nawala roon ang kanyang gintong relos na may laket na
kinalalagyan ng larawan ni Leonor Rivera, kanyang minamahal na kasintahan.
Noong pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan para sa pamumuno sina Rizal at M.H del Pilar. Walang
kaduda-duda ang pagiging pinuno ni Rizal ng mga Pilipino sa Europa dahil siya ang pinakatalentong Pilipino
ng kanyang panahon. Sa kabilang banda, si Del Pilar ay matapang na abogado at mamamahayag, at
nakikilala sa Madrid dahil sa kanyang matatapang na editoryal sa La Solidaridad, na naging pag-aari na
niya. Binili niya ang pahayagang ito mula kay Pablo Rianzares, ang unang may-ari, at pinalitan si Graciano
Lopez Jaena bilang patnugot.
Bilang pinuno, sinikap ni Rizal na mapuspos sa mga kababayan ang kanyang sariling idealismo dahil
naniniwala siyang para magkaroon ng prestihiyo ang Kilusang Propaganda at para makuha ang paggalang
ng mga Espanyol, kailangang maging mataas ang kanilang panuntunan sa moralidad, dignidad, at diwa ng
pagdurusa. Sa kasamaang palad, hindi sang-ayon ang ilang kababayan sa kanyang idealismo dahil ang
mahalaga sa kanila’y alak, babae at sugal. Kaya tinanggihan nila ang pamumuno ni Rizal. Ilan sa mga dating
tagapagtaguyod niya’y tinalikuran din siya dahil hindi rin sila sang-ayon sa panghihimasok ni Rizal sa
kanilang pribadong buhay. Sinuportahan nila si Del Pilar.
Ang patakarang editoryal ng La Solidaridad sa ilalim ng pangangasiwa ni Del Pilar ay lalong nagpalawak ng
hidwaan nina Rizal at Del Pilar. Hindi sinang-ayunan ni Rizal at ilang malapit niyang kaibigan ang
patakarang editoryal ng pahayagan dahil taliwas ito sa mga pananaw na politikal ni Rizal. Para maiwasan
ang pagkakasira nina Rizal at M.H del Pilar, ang mga Pilipino sa Madrid, na mga siyamnapu ang bilang, ay
ngtipon noong Enero 1, 1891, Araw ng Bagong Taon, para mapagkasundo sila nang sa gayo’y mapaigting
ang kanilang kampanya para sa reporma. Napagkasunduan nila sa pulong na ito na ang pinuno ay
tatawaging Responsable, na pipiliin para siyang mangasiwa ng mga kalakaran sa komunidad na Pilipino at
siya ring magsasaayos ng patakarang editoryal ng La Solidaridad.
Tinutulan ni Del Pilar ang proposisyon na ang pangangasiwa’y mapunta sa Responsable dahil ang
pahayagan ay isang pribadong gawain, gayunpaman, pumapayag siyang maglathala ng mga artikulong
nagpapahayag ng mga aspirasyon at kahilingan ng mga Pilipino. Dahil sa pagtutol ni Del Pilar, ang
proposisyon na ibinigay sa Responsable ang pangangasiwa ng La Solidaridad ay inabandona. Ang pulong
ay nagpatuloy sa paghalal ng Responsable. Napagkasunduan na ang Responsable ay ihahalal ng
dalawakatlong boto ng komunidad ng mga Pilipino.
Binitawan ni Rizal ang Pamumuno. Ang eleksiyon ay itinakda noong unang linggo ng Pebrero 1891. Ang
mga Pilipino ay nahati sa dalawang magkasalungat na pangkat—ang mga Rizalista at ang mga Pilarista.
Naging mainit ang eleksyon at hindi nagkasundo ang magkakababayan. Mula sa simula, noong unang araw
ng botohan, si Rizal ang nananalo, ngunit hindi niya makamit ang dalawa-katlong boto para maiproklama
siyang Responsable. Sa ikalawang araw ng botohan, ang resulta ay di na naman makapagbigay ng pasya—
nanalo si Rizal ngunit hindi pa rin niya makamit ang dalawa-katlong boto.
Ang sitwasyon ay naging mainit at kritikal . Noong ikatlong araw, buong pusong nakiusap si Mariano Ponce
sa mga kababayan na ihalal si Rizal. Ang ilang Pilarista ay pinakinggan ang kanyang panawagan. Kaya
nanalo si Rizal sa araw na iyon ng botohan. Dahil nakamit ang dalawa-katlong boto, siya ang naging
Responsable. Ngunit maginoong tinanggihan ni Rizal ang inaasam-asam na posisyon. Siya ay may
karangalan at dignidad at mataas ang kanyang delikadesa, isang bagay na wala ang maraming politiko ng
mga bayan sa lahat ng panahon. Kaya minabuti niyang hindi maging pinuno ng isang hating kababayan.
Batid niya na ilan sa mga kababayang suporta kay Del Pilar ay kinaiinisan siya. Kaya minabuti niyang
tanggihan ang pamumuno kaysa maging dahilan ng pagkakahiwalay-hiwalay at kapaitan sa mga
kababayan.
Adios, Madrid. Sumulat si Rizal ng maikling liham ng pasasalamat sa mga kababayang bumoto sa kanya
bilang Responsable. Malungkot siyang nag-empake, binayaran ang mga pagkakautang, at lumulan sa tren
patungong Biarritz. Habang papaalis ang tren, pinagmasdan niya mula sa kanyang bintana ang lungsod ng
Madrid, kung saan naging masaya siya noong una niyang bisita (1882-1885) ngunit naging malungkot sa
ikalawang pagpunta (1890-1891). Ito ang huling pagkakataong makikita niya ang Madrid. Nagdurugo ang
kanyang puso habang namamaalam sa metropolis, ang patungkol dito’y isinulat niya ilang taon nang
nakararaan.
Ang Madrid ay isa sa pinakamasayang lungsod sa buong mundo, lungsod na nagtataglay ng diwa ng Europa
at Silangan, na bumagay sa kaayusan, kaginhawaan, ng sibilisadong Europa nang walang pagkamuhi,
walang pagtanggi, sa makikinang na kulay, maiinit na pasyon, sinaunang kaugalian ng mga tribung
Aprikano, pagiging maginoo ng mga Arabe na ang mga bakas ay nakikita pa rin sa lahat ng lugar dito, sa
kaanyuhan, damdamin, at di-matuwid na palagay ng mga tao, at kahit na sa kanilang mga batas.
KABANATA 18
Para malaman ang sama ng loob na dulot ng kanyang mga kabiguan sa Madrid, nagpasyang magpunta si
Rizal sa Biarritz, isang baksyunang lungsod sa napakagandang French Riviera
Siya ay naging panauhin ng mayamang mag-anak na Boustead sa kanilang tahanan – ang Villa Eliada.
Naging kaibigan niya si Eduardo Boustead at maybahay nito at dalawang kaakit-akit na anak na babae
(Adelina at Nellie) sa Paris noong 1889-1890.
Dito sila nagkaroon ng pagkakaunawaan ni Nellie. Sa lugar ding ito niya natapos ang huling kabanata ng
pangalawa niyang nobela, ang El Filibusterismo.
Nang dumating si Rizal sa Biarritz noong pagpasok ng Pebrero, 1891, mainit siyang sinalubong ng mga
Boustead, lalung-lalo na ni G. Boustead na tunay na malaki ang paghanga sa kanya dahil sa mga angkin
niyang talino.
Bilang panauhin ng mag-anak, maayos siyang tinanggap nina Gng. Boustead, Adelina, Nellie at Tiya Isabel
(kapatid ni Gng. Boustead).
Maganda ang naidulot kay Rizal ng isang buwan niyang bakasyon sa Biarritz.
Aniya sa kanyang liham noong Pebrero 11, 1891 kay Mariano Ponce na noo’y nasa Madrid: “Naragdagan
ang aking timbang mula nang dumating ako rito sa Biarritz; hindi na humpak ang aking mga pisngi, gaya
ng dati dahil maaga na akong nkatutulog at wala na akong mga alalahanin.”
Romantikong lugar ang Biarritz – mga kaibig-ibig na hardin, kaayang ayang Villa, at kahali-halinang
kagandahan. Naghahanap ng lugod para sa pusong nasugatan – nabigo si Rizal
Sa pag-ibig niya kay Leonor – isinaalang-alang niya ang pagsinta para kay Nellie, ang mas maganda at
nakababatang anak na dalaga ng kanyang maybisita. Natuklasan niyang tunay na dalagang Pilipina si
Nellie, matalino, masayahin at matwid.
Sinulat niya sa matalik niyang kaibigan, liban kay Professor Blumentritt, ang kanyang pag-ibig para kay
Nellie, tinatawag ding Nelly, at ang intensyon niyang pakasalan ito.
Noo’y nagmahal ngunit nabigo si Antonio Luna sa kanyang pag-ibig kay Nelly. Gayunman sinulatan niya si
Rizal para hikayating ligawan, pagkaraa’y pakasalan ang dalaga. Ito ang bahagi ng liham ni Luna kay Rizal
mula Madrid.
Bunga ng pampalakas-loob mula sa malalapit na kaibigan, niligawan ni Rizal si Nelly na nagpakita rin ng
pagkagiliw sa kanya. Sa kasamaang-palad, hindi naging masaya ang wakas ng kanilang pag-iibigan. Hindi
tinanggap ang alok na kasal ni Rizal dahil sa dalawang bagay:
Dahil sa mabuting Protestante, nais talaga ni Nelly na maging Protestante si Rizal bago sila magpakasal. Si
Rizal na may matatag na paninindigan ay hindi naman sang-ayon dito. Oo nga’t naging Mason siya ngunit
nanatili pa rin siyang tapat sa Katolisismo, ang relihiyon ng kanyang angkan.
Hindi hangad ng ina ni Nelly, tulad din ng ina ni Leonor Rivera, naitaya ang kaligayahan ng anak sa isang
lalaking salat sa mga materyal na bagay, isang manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad, isang
manunulat na hindi naman kumikita sa kanyang panulat at isang repormistang tinutugis ng mga prayle at
opisyall ng pamahalaan ng sariling bayan.
Bagaman hindi sila ikinasal, nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at Nelly. Nang malaman
niyang lilisanin na ni Rizal ang Europa, nagpadala siya ng liham ng pamamaalam na nagsasabing: “Ngayong
lilisan ka na, hinahangad ko ang masaya mong paglalakbay, at nawa’y magtagmpay ka sa iyong mga
ginagwa, at higit salahat, nawa’y patnubayan ka ng Diyos at gabayan
Niya ang iyong daraanan ng mga biyaya, at nawa’y matuto kang magsaya sa buhay. Ang tanging pabaon
ko sa iyo ay aking mga dalangin.”
Bigo sa pag-ibig, pinagtuunan ni Rizal ang pagsulat. Bagaman nililigawan si Nellie, at napakaligaya “sa mga
gabing sinisilayan ng buwan,” patuloy ang kanyang pagsulat ng ikalawang nobela na sinimulan niya sa
Calamba noong 1887.
Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng paglisan niya sa Biarritz papuntang Paris, natapos niya ang
manuskrito ng El Filibusterismo.
Gaya ng isinulat niya kay Blumentritt, nagpaalam si Rizal sa mabubuting Boustead noong Marso
30, 1891 at nagtuloy siya sa Paris sakay ng tren. Tumuloy siya sa tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura
sa 4 Rue de Chateaudum.
Mula Paris, sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa sa Hong Kong noong Abril 4, at ipinahayag ang
knayang pagnanais na magpunta sa kolonyang ito ng Britanya para doon na magpatuloy ng panggagamot
sa mata (opthalmology) na siyang ikinabubuhay niya.
Sa sulat ding ito, hiniling niya kay Basa na padalhan siya ng pambili ng tiket sa barkong magmumulang
Europa papuntang Hong Kong.
Sa kalagitnaan ng Abril, 1891, nagbalik si Rizal sa Brussels, at malugod siyang tinanggap nina Mari at
Suzanne Jacoby mga may-ari ng tinutuluyan niya at higit sa lahat ni Petite Suzanne (ang dalagang Belga na
umibig sa kanya).
Mula nang magbitiw sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891, dahil na rin sa mga pang-iintriga
ng mga naiinggit na kababayan, nagbitiw na si Rizal sa Kilusang Propaganda, o krusada para sa mga
reporma.
Ninais na niyang ipalathala ang pangalwa niyang nobela, maging manggagamot at kalaunan, kapag
kumikita na siya, umaasa siyang maging masigasig sa pangangampanya para sa katubusan ng sariling
bayan
Mula Brussels noong Mayo 1, 1891, ipinaalam niya sa mga awtoridad ng Propaganda sa Maynila na
ikansela ang buwanan niyang panustos at ilaan ang salapi sa mas mainam na gawain, gaya ng pagpapaaral
ng estudyanteng Pilipino sa Europa.
Kasabay ng pagbibitiw sa Kilusang Propaganda, itinigil na rin ni Rizal ang pagsusulat ng mga
artikulo para sa La Solidaridad.
Batid ni M.H. del Pilar ang pangangailangan para sa pakikipagkolaborasyon ni Rizal sa Kilusang Propaganda
at pahayagang La Solidaridad dahil sa pananamlay ng krusada para sa mga reporma.
Noong Agosto 7, 1891, sinulatan niya si Rizal, humingi ng kapatawaran sa anumang ipinaghihinanakit sa
kanya ni Rizal, at hiniling na muli siyang sumulat para sa La Solidaridad.
Sa kanya namang sagot sa liham ni del Pilar, pinabulaanan ni Rizal ang anumang hinanakit niya, at
ipapaliwanag niya kung bakit tumigil sa pagsusulat sa La Solidaridad.
Sa araw na ito ay sinulatan niya si Jose Ma. Basa: “Malapit nang mailimbag ang aking aklat; ang unang
dalawampung kabanata ay naiwasto na, at maililimbag na, at ginagawan ko na lamang ng bagong kopya
ang iba.
Sakalaing makatanggap ako mula sa iyo ng kahit magkanong halaga, matatanggap mo ito sa Hulyo. Mas
masigasig ang pagsulat ko rito kaysa Noli at bagaman hindi kaaya-aya, mas malalim ang kaisipan nito at
mas tumpak….
Sakali namang wala akong matanggap na salapi, maaari bang ikaw na ang humingi sa kanila ng pera para
mailathala ang aking aklat? Kungdi ay lilisanin ko na ang pook na ito at diyan na sa inyo tutuloy.
Pagkaraan ng dalawang linggo, noong Hunyo 13, ipinaalam ni Rizal kay Baza: “Nakikipag-usap na ako
saisang imprenta at dahil hindi ko alam kung dito (Belhika) o sa Espanya maililimbag ang aklat ko, hindi ko
muna ito maipapdala sa iyo.
Sakaling hindi ko maililimbag, ipapadala ko ito sa iyo sa susunod kong pagsulat. Tatlo na lamang na
kabanata ang aayusin. Matatapos ito bago mag labing-anim ng buwang ito.”
KABANATA 19
Tulad ng lumilipad na palaso, mabilis na lumipas ang mga araw sa Brussels para kay Rizal. Araw
arw ay abala siya sa pagrerebisa at pagpapaganda sa manuskrito na El Filibusterismo para maihanda na
ito sa pagpapalimbag. Sinimulan niya ang pagsusulat nito noong Oktubre 1887 habang nagsasanay ng
medisina sa Calamba. Nang sumunod na taon (1888), sa London, gumawa siya ng ilang pagbabago sa
banghay (plot) at iniwasto ang ilang kabanatang naisulat na. Sumulat pa siya ng karagdagang kabanata sa
Paris at madrid, at tinapos ang manuskrito sa Briarritz noong Marso 29, 1891, sa kabuuan, inabot siya ng
tatlong taon sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela.
KASALATAN SA GHENT.
Nong Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal and Brussels para magtungo sa Ghent, isang kilalang siyudad
unibersidad sa Belhika.
Dahil na rin sa limitadong pondo, nanirahan si Rizal sa bahay na may mababang paupa, at si Jose Alejandro
and kasama niya sa kwarto. Nging matipid at masinop sila sa pamumuhay, yaon lamang mga pangunahing
pangangailangan ang natutugunan nila. Para lalo pang makatipid, sila na mismo ang naghahanda ng
kanilang agahan s loob ng kanilang kuwarto.
Pagkaraan ng ilang taon, isinama ni Alejandro na naging heneral noong digmaang Amerikano-Pilipino
noong 1899-1902 at isang inhenyero, sa kanyang talambuhay ang kanilang buhay sa Ghent.
Pagdating niya sa Ghent. Naghanap kaagad si Rizal ng isang imprentang makapagbibigay sa kanya ng
mababang halaga para sa pagpapalimbag ng kanyang nobela. Sa wakas, nakakita rin siya ng isang
tagapaglathala. F. Meyer-Van Loo Press, Blg.66 kalye Viaanderen, na payag na ilimbag ang kanyang aklat
nang patingitingi ang bayad. Isinanla niya ang kayang mga alahas ng sagayon ay maibigay niya ang mga
paunang bayad habang inililimbag ang kanyang nobela.
Naging disperado na si Rizal dahil sa papaubos na ang kanyang pondo at ang hinihintay niyang pera mula
sa mga kaibigan ay hindi pa dumarating. Nakatanggap na siya ng pera mula kay Basa at 200 mula kay
Rodriguez Arias mula sa mga sipi ng Sucesos ni Morgan na ibinenta sa Maynila. Ngunit naubos na rin ang
pondong ito, at kailangan pa niya ng malaki-laking halaga para may maipambayad sa limbagan.
Noong Agosto 6, itinigil ang paglilimbag, gaya ng pangamba ni Rizal, dahil wala na siyang maibayad sa
imprenta. Sumulat siya kay Basa sa Hong kong. Ang pagpapalimbag ng ikalawang bahagi (karugtong ng
Noli) ay mabilis naman, at ako ngayon ay nasa pahina 112. dahil walang perang dumarating at inutangan
ko na ang lahat at baon na ako sa utang. Ipinatigil ko na ang pagpapalimbag at hinayaang kalahati lamang
ng aklat ang natapos.
Ang kalbaryo ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli ay naulit sa pagpapalimbag ng Fili . Naubos ang kanyang
pondo sa Ghent, at ganitong-ganito ang naranasan niya sa Berlin noong taglamig ng 1886. Sa panahong
ng mapait na karanasang ito, muntik niyang ipalamon sa apoy ang manoskrito ng Fili, gaya ng muntik na
niyang gawin sa Noli noong nasa Berlin siya.
Nang mukang wala ng pag-asa ang lahat, dumating ang tulong mula sa isang di-inaasahan. Nalaman ni
Valentin Ventura ang suliranin ni Rizal at kaagad siyang nagpadala ng kinakailangan nitong pondo. Dahil
sa tulong na pinansyal na ito, naipagpatuloy ang pagpapalimbag ng Fili.
Noong Setyembre 18,1891, nailabas na sa imprenta ang El Filibusterismo. Si Rizal, na ngayo’y masayang
masaya, ay kaagad na nagpadala sa araw n ito ng dalawang kopya sa Hong Kong. Isa para kay Basa at ang
isa ay para kay Sixto Lopez.
Sa kanyang kaibigan sa Paris, kay Valentin Ventura, ibinigay niya ang orihinal na manuskrito at isang
kopyang nilagdaan niya, ipinadala niya ang ilang komplimentaryong kopya kina Bluementritt, Mariano
Ponce, G. Lopez Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, at ibang kaibigan.
Ang mga kasapi ng kolonyang Pilipino sa Barcelona ay naglathala pa ng isang papuri sa La Publicidad, isang
pahayagan sa Barcelona, na nagsasabing and estilo orihinal ng nobela ay “maitutulad lamang kay
Alexander Dumas” at maaaring maging “Modeloi at mahalagagn yaman sa mga kasalukuyang
dekadenteng literatura ng Espanya.
Isinerye naman ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid, ang nobela sa mga isyu nito noong
Oktubre, 1891.
Halos lahat ng sipi ng unang edisyon (edisyong Ghent) na El Filibusterismo ay inilulan sa malalaking kahong
dadalhin sa Hong Kong, ngunit halos lahat ng mga kahon ay nakompiska at nawala na ang mga aklat. Kaya
iilan na lamang ang ntira, at naging napakataas ng presyo ng mga siping Ghent, at umabot ito ng 400
pesetas bawat kopya.
Inihandog sa Gom-Bur-Za.
Malinaw na sa mahabang panahon ng pag-aaral, paglalakbay, at pgtatrabaho ni Rizal sa mga dayuhang
lupain ay hindi niya nalimutan ang kabayanihan nina Padre Gomez, Burgos, at Zamora, na naikuwento sa
kanya ni Paciano noong musmos pa lamang siya. Inihandog niya sa kanila ang El Filibusterismo. ito ang
nasa kanyang dedikasyon.
Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (85 taong gulang), Don Jose Burgos (30 taong
gulang), at Don Jacinto Zamora (35 taong gulang) Binitay sa Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero, 1872.
Gayunman, para maituwid ang mga pangkasaysayang ulat, kailangang maiwasto ang mga
pagkakamali ni Rizal sa kanyang dedikasyon. Unang-una, ang pagkamartir nina Gomez,Burgos, at Zamora
ay naganap noong Pebrero 17, 1872, hindi nong ika 28. Pangalawa, si Padre Gomez ay 73 taong gulang,
hindi 85, si Padre Burgos ay 35 taong gulang, hindi 30, at si padre Zamora ay 37 taong gulang , hindi 35.
Gaya ng sa Noli, ang tauhan sa El Filibusterismo ay hinango ni Rizal mula sa totoong buhay.
Halimbawa:
“Noli”
Isang romantikong nobela; gawa mula sa puso, isang aklat na may damdamin; may kasariwaan, kulay
katatawanan, kagaanan, at kislap ng talino. May roon lamang itong 64 kabanata.
“Fili”
Isang nobelang politikal; isang gawa mula sa isip; isang aklat ng kaisipan; ngtataglay ng kapaitan,
pagkakasuklam; sakit; karahasan at kalungkutan; may roong 38 kabanata.
Ang di-natapos na ikatlong nobela ay wala pang pamagat. Mayroong itong 44 pahina (33 sentimetro x21
sentimetro) na nasa sulat –kamay ni Rizal. Nasa manuskrito pa lamang ito, at ngayo’y pinag-iingatan ng
Aklatang pambansa sa Maynila.
Sinasabing si Rizal ay masuwerte’t di niya natapos ang nobelang ito dahil magiging sanhi ito ng malaking
iskandalo at paghihiganti ng mga Espanyol.
Ang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa Pili, isang bayan sa Laguna, ay hindi rin natapos. Ang
manuskrito ay binubuo ng 147 pahina, 8”x6.5”,at wala pang titulo.
Isa pang di natapos na nobela ni Rizal, wala ring pamagat, ay tungkol kay Cristobal, isan estudyanteng
Pilipino kababalik lamang mula Europa. Ang manuskrito ay binubuo ng 34 pahina, 81/2’’x61/4’’.
Ang simula ng isa pang nobela ay natagpuan sa dalawang kuwaderno- ang unang kuwaderno ay may 31
pahina, 35.5 sentimetro x 22 sentimetro, at ang ikalawang kuwaderno ay may 12 pahina, 22 sentimetro x
17 sentimetro. Sa pamamagitan ng paggamit sa pagkukuwento ng mga tauhang nasa langit, inilarawan ng
awtor ang kalumo-lumong kondisyon ng Pilipinas. Ang di-natapos na nobela ay nakasulat sa Espanyol, at
ang istilong ginamit ay ironiya.
Kabanata 20
1. Napakahirap na ng buhay sa Europa dahil sa pagkakaiba nila ng pananaw-politika nina M.H. Del
Pilar at iba pang Pilipino sa Espanya.
Bago siya pumunta sa Hongkong, ipinaalam niya kay Del Pilar na magreretiro na siya sa arenang politikal
sa Espanyol nang sa gayon ay mapangalagaan ang pagkakaisa ng mga kababayan, at kahit na
magkakahiwa-hiwalay sila ng landas, mataas pa rin ang kanyang pagtingin sa kanya.
PAMAMAALAM SA EUROPA
Oktubre 3, 1891- nilisan Rizal ang Ghent at nagtungo sa Paris, kung saan siya nanatili ng ilang araw para
makagpaalam sa mga Luna, Pardo de Tavera, Ventura at iba pang kaibigan.
Nasabi niya sa kanyang sulat kay Blumentritt noong Oktubre 22, 1891 “ Mula nang lumisan kami sa
Marseilles, nagkakaroon na kami ng napakagandang panahon.
Mayroong mahigit 80 pasaherong nasa primera klase – karamihan ay Europeo, kasama na ang
dalawang Espanyol na patungong Amoy. Si Rizal ang nag-iisang Asyano.
Pinahanga niya ang mga pasahero dahil sa kanyang kaalaman sa maraming wika at talino sa
pagguhit.
Padre Fuchs, isang Tyrolese, nakipaglaro sa kanya ng ahedres. At sinabi niya sa sulat kay Blumentritt na “
Mabuti siyang tao, isang Padre Damaso na walang pagyayabang at malisya.
Isang aksidente ang nangyari kay Rizal habang sakay siya ng Melbourne sa kanyang biyahe
patungong Hongkong.
Itinuring siya ng ilang dalagang Aleman na may paghanga at paggalang dahil kahit na kayumanggi
ang kanyang balat ay isa siyang may pinag-aralang maginoo.
PAGDATING SA HONGKONG
Jose Ma. Basa at mga Pilipinong residente- mga sumalubong sa kanyang pagdating.
Disyembre 1, 1891- sinulatan niya ang kanyang mga magulang para humingi ng permisong makauwi.
Sumulat din agad si Manuel T. Hidalgo at ibinalita sa kanya ang deportasyon ng 25 katao sa
Calamba, kasama na ang kanyang ama, si Neneng, Sisa, Lucia, Paciano at lahat kami.
Inihanda din ni Hidalgo ang liham niya para sa Reyna Rehente ng Espanya na nagpapaliwanag ng sitwasyon
sa Calamba para makahingi ng katarungan. Kapag hindi siya nakinig, si Reyna Victoria ng Inglatera ang
aking susulatan para makahingi ng proteksyon sa ngalan ng sangkatauhan.
Inilarawan ng liham ni Hidalgo ang kawalan ng pag-asa at kalungkutan ng pamilya ni Rizal. Si Rizal
na nasa Hongkong, napakalapit sa Maynila, ay lungkot na lungkot, dahil hindi niya matulungan ang
kanyang pamilya at mga kamag-anak.
Ang kanyang ina ay 65 na taong gulang na at halos hindi na makakita. Pinagmalupitan siya ng labis
at kawalan ng katarungan ng mga Espanyol.
1890- dinakip siya sa walang kakuwenta-kuwentang bintang at ang hindi paggamit ng kanyang apelyidong
“Realonda”.
Matanda at halos bulag na ang ina niya ay sapilitang pinalakad ng isang malupit na Espanyol na opisyal ng
Guardias Civiles mula Calamba hanggang Santa Cruz (Kabisera ng Laguna).
Pasko ng 1891 sa Hongkong- ay isa sa pinakamasayang pagdiriwang sa pasko sa buhay ni Rizal. Sa muling
pagkakataon ay masaya silang nagkasama-sama ng kanilang pamilya.
Enero 31, 1892- sinulatan niya si Blumentritt at binalita ang kanyang labis na kasiyahan kasama ang
pamilya na malayo sa pagdurusa at nasiyahan din siya sa pamahalaang Ingles.
Dr. Lorenzo P. Marques- isang Portuges na doktor, ang naging kaibigan at tagahanga ni Rizal, ang tumulong
sa kanya para magkaroon ng mga kliyente. Dahil sa pagkilala niya sa husay ni Rizal, kaya ibinigay niya rito
ang ilan niyang kaso sa mata.
1. Ingles 3. Tsino
2. Portuges 4. Amerikano
Matagumpay niyang naoperahan ang kaliwang mata ng kanyang ina kaya muli itong
nakapagbasa at nakapagsulat.
Enero 31, 1892- sumulat kay Blumentritt at sinabi na nanggagamot na siya rito ng maraming may sakit sa
trangkaso dahil sa epidemya at kabilang na din dito ang kanyang ina, bayaw, at isa sa mga kapatid na
babae. Nabatid din niya na isa rin itong epidemya sa Europa kaya pinaalalahan siya nito na mag ingat at
hindi mahawa.
Ilan sa mga Kaibigan ni Rizal na nasa Europa na nagbigay sa kanya ng suportang moral at materyal
sa kanyang panggagamot sa Hongkong.
1. G. Boustead- ama ni Nellie, mula sa Biarritz na sinulatan siya noong Marso 21, 1892 na pinupuri
siya sa kanyang propesyon sa medisina.
2. Dr. Ariston Bautista Lin- mula sa Paris, nagpadala ng pagbati at kalakip nito ang isang aklat, ang
Diagnostic Pathology ni Dr. H. Virchow, at isa pang aklat, ang Traite Diagnostique ni Mesnichock.
3. Don Antonio Vergel de Dios- mula din sa Paris, nag-alay din ng tulong sa pamamagitan sa pagbili
ng mga aklat sa medisina at instrumento sa panggagamot na maaaring kailanganin ni Rizal.
Dr. Geminiano de Ocampo- kilalang optalmolohistang Pilipino. Ang nagsabi na si Rizal ay maaari maging
isa sa mga kilalang optalmolohista sa Asya. Dahil sa mga katangian niya.
Naisip ni Rizal na magtatag ng isang kolonyang Pilipino sa North Borneo (Sabah). Balak niyang
patirahin sa mayamang kolonyang ito ng Britanya ang mga pamilyang Pilipinong malisan ng lupa. Dito sila
magbabagong buhay at magtatatag ng “Bagong Calamba”.
Marso 7, 1892- nagtungo siya sa Sandakan lulan ng barkong Menon para makipag-usap sa mga awtoridad
na Ingles hinggil sa pagtatatag ng isang kolonyang Pilipino.
Ang lupain sa Ilog Bengkoka sa lawa ng Marada- ang siyang inalok sa kanya ng British North Borneo
Company.
Pumayag ang mga awtoridad na Ingles sa Borneo na bigyan ang mga Pilipino ng 100,000 ektaryang lupa,
isang magandang daungan at mabuting pamahalaan sa loob ng 999 taon– lahat ng ito’y walang kapalit na
lupa.
Nagpadala si Rizal ng isang liham kay Despujol ng pagbati at ipinaalam niya rito ang kanyang
kooperasyon. Gunit hindi man lang pinaalam ng gobernador kay Rizal na natanggap niya ang liham.
Sa ikalawa niyang liham, hinihiling niya sa gobernador-heneral na payagan ang mga walang-
lupang Pilipino na maitatag ang kanilang pamumuhay sa Borneo.
PAGSUSULAT SA HONGKONG
Isinulat niya ang “Ang Mga Karapatan Nang Tao” na salin sa Tagalog ng “ The Rights of Man” na
ipiniroklama sa Rebolusyong Pranses noong 1789
1891- isinulat niya ang “ A la Nacion Española” (Para sa Nasyong Espanyol), na isang pagsamo sa Espanya
na iwasto ang kamaliang ginawa sa mga kasama ( nangungupahan ng lupa) sa Calamba.
Disyembre 1891- isinulat niya ang “Sa Mga Kababayan” na nagpapaliwanag ng kalagayang agraryo sa
Calamba.
Nagpadala rin si Rizal ng mga artikulo niya sa arawang pahayagang The Hongkong Telegraph, na
ang patnugot ay si G. Frazier Smith, na kanyang kaibigan.
Marso 2,1892- sinulat ni Rizal ang “ Una Visita a la Victoria Gaol” (Isang Pagbisita sa Kulungang Victoria),
isang paglalahad tungkol sa una niyang pagdalaw sa kolonyal na bilangguan ng Hongkong. Sa artikulong
ito, naipakita niya ang kalupitan ng sistemang pambilangguan ng Espanya sa makabago at makataong
sistema pambilangguan ng mga Ingles.
Dalawang Artikulo na Isinulat niya para maipaliwanag ang kanyang proyektong kolonisasyon sa
Borneo.
1. “Colonisation du British North Borneo, par de Familles de Iles Philippines” (Kolonisasyon ng British
North Borneo ng mga Pamilya mula sa Isla ng Pilipinas ) na artikulo niya sa Pranses.
2. “Proyecto de Colonizacion del British North Borneo por los Filipinos” (Proyekto ng Kolinisasyon ng
British North Borneo ng mga Pilipino) na artikulo niya sa Espanyol.
Hunyo 1892- sinulat niya ang “La Mano Roja” (Ang Pulang Kamay). Itinakwil niya rito ang madalas na
pagsasadya ng sunog sa Maynila.
Konstitusyon ng La Liga Filipina- nailathala sa Hongkong noong 1892, ito ang pinakamahalagang naisulat
ni Rizal sa Hongkong.
Itinatag ito para magkaroon ng isang asosasyon ng mga makabayang Pilipino para sa mga layuning
pansibiko, ay orihinal na konsepto ni Jose Ma. Basa, nunit si Rizal ang sumuat at nagtatag nito.
Ang mga sipi na nailathala saKonstitusyon ng La Liga Filipina ay ipinadala ni Rizal kay Domingo Franco,
ang kaibigan niya sa Maynila.
DESISYONG BUMALIK SA MAYNILA
Abril 15, 1892- inilathala ni Lete sa La Solidaridad na si Rizal ay isang duwag, makasarili, at oportunista –
isang makabayan lamang sa salita.
Mayo 23, 1892- sinabi niya kay Ponce ang naramdaman niya ng pinayagan ni Del Pilar si Lete na mailathala
ang artikulo dahil maaari maging dahilan ng pagkakaroon ng pakakahiwa-hiwalay ng marami sa atin.
Hindi sang-ayon ang mga kamag-anak at kaibigan niya sa pasyang pag-uwi dahil siya ay papatayin
lang dito.
Hunyo 19, 1892- idinaos niya ang kanyang ika-31 na kaarawan sa Hongkong.
Hunyo 20, sumulat siya ng dalawang liham at ibinilin niya na bubuksan lamang ito pagkaraan niyang
mamatay, ibinigay niya ang mga liham kay Dr. Marques para ingatan.
Ang unang liham para SA AKING MAGULANG, MGA KAPATID, AT MGA KAIBIGAN
Hunyo 21, 1892, sa Hongkong, sumulat siya nanf ikatlo niyang liham para kay Despujol, ipinaalam niya sa
Gobernador-heneral ang pagbalik niya sa Maynila pamahalaang Espanyol.
Pagkaraan ng paglisan niya sa Hongkong, sinabi sa kanya ng konsul heneral na bibigyan siya ng
garantiya ng pamahalaan ng kanyang kaligtasan, ay nagpadala ng kable kay Gobernador Despujol na ang
biktima ay “nasa bitag na”.
Laban sa relihiyon at laban sa bayan- ang lihim na kasong inihabla sa Maynila para laban kay Rizal at
kanyang mga kapanalig.
Luis de la Torre- kalihim ni Despujol, na inutusan niya na alamin kung si Rizal ay isa nang naturalisadong
mamamayang Aleman.
Mapayapang tinatawid ni Rizal at kapatid na si Lucia ang Dagat tsina. Wala silang kaalam alam sa
panlilinlang ng mga Espanyol.
Kabanata 21
Ang matapang na pagbabalik ni Rizal sa Maynila noong Hunyo 1892 ay ang pangalawa niyang pag-
uwi, ang una niyang pag-uwi mula sa pangingibang bayan ay noong Agosto 1887.
Matatag ang kanyang paniniwalang ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas ay pumasok
sa bagong antas; “Ang labanan ay nasa Pilipinas. Doon tayo dapat na magtagpo… doon tayo magtulungan,
doon tayo sama-samang magdurusa o magtatagumpay.” Pagkaraan ng dalawang buwan, noong sa isang
liham kay Blumentritt, “Ako’y naniniwalang ang La Solidaridad ay hindi na ang lugar na siyang labanan;
ngayon ay isa na itong bagong pakikipaglaban… ang labanan ay wala na sa Madrid.”
Noong tanghali ng Hunyo 26, 1892, dumating sa Maynila si Rizal, kasama ang kanyang balong
kapatid na si Lucia (maybahay ng yumaong Mariano Herbosa).
Noong hapong iyon, mga alas kuwatro, nagtungo siya sa Malacañang para kausapin ang Espanyol
na gobernador-heneral na si Euologio Despujol, Konde ng Caspe. Sinabihan siyang bumalik sa gabi ring
yaon, mga alas siyete. Sa ganap na alas siyete ng gabi ay nagbalik si Rizal sa Malacañang at nagkaroon siya
ng pagkakataong makausap si Gobernador Heneral Despujol, na pumayag patawarin ang kanyang ama
ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya, at sinabihan siyang magbalik sa Miyerkules (Hunyo
29). Pagkaraan nito ay binisita nya ang mga kapatid ng babaeng nasa lungsod una si Narcisa at pagkaraa’y
si Saturnina.
SA GITNANG LUZON
Alas sais ng gabi na araw (Hunyo 27), lumulan si Rizal sa isang tren sa Estasyon ng Tutuban at
binista niya ang mga kaibigan sa Malolos (Bulacan), San Fernando (Pampanga), Tarlac (Tarlac), at Bacolor
(Pampanga). Ang mga kaibigang ito ay mabubuting makabayan, na nakikiisa at nakikisimpatiya sa
krusadang repormista, at kinuha nya ang oportunidad na batiin sila ng personal at matalakay sa kanila ang
mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.
Sakay pa rin ng tren ay bumalik si Rizal sa Maynila nang sumunod na araw, Hunyo 28, alas singko
ng hapon.
Hulyo 3 (Linggo).Pinagusapan nila ang iba’t ibang bagay at pinasalamatan nya ito sa pag-aalis ng
kaparusahang pagpapatapon sa kanyang mga kapatid na babae. Sinabi niya rin na ang kanyang ama at
kapatid na lalaki ay darating lulan ng unang barko. Tinanong siya nito kung gusto raw nito na magpunta
sa Hong Kong, sinagot niya ito ng “oo”. Pinabalik siya ng Miyerkules.
Noong gabi ng Linggo, Hulyo 3, 1892, pagkaraan ng pakikipanayam niya noong umaga kay
Gobernador Heneral Despujol, dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan sa tahanan ng
mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.
• Ambrosio Salvador
• Deodato Arellano
• Agustin de la Rosa
• Luis Villareal
• Mariano Crisostomo
• Estinislao Legaspi
• Teodoro Plata
• Andres Bonifacio
• Juan Zulueta
Pamunuan ng Bagong Liga
Ang motto ng La Liga Filipina ay : Unus Instar Omnium (Bawat isa’y katulad ng lahat.)
Ang lupong tagapangasiwa ng liga ay ang Kataas-taasang Konseho na may kapangyarihan sa buong bansa.
Binubuo ito ng pangulo, kalihim, ingat-yaman, at piskal. Mayroong isang Konsehong Panlalawigan sa
bawat probinsiya at isang Konsehong Popular sa bawat bayan.
Mahigpit na itinanggi ito Rizal at kahit humiingi siya ng imbestigasyon ayon na rin naman sa batas, diankip
pa rin siya, dinala at sinamahan sa Fuerza Santiago ni Ramon Despujol, pamangkin at ayudante ni
Gebernador Heneral Despujol.
Nang sumunod na araw, Hulyo 7, inilathala ng Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal, na
nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng bagong tatag na La
Liga Filipina.
PAGPAPATAPON SA DAPITAN
• Ilang oras pagkaraang duamting sa Maynila, natagpuan sa isa sa mga bagahe … ang isang bulto ng
babasahing pinamagatang Pobres Frailes kung saan nilibak ang mapagtimpi at mapagkumbabang
pagbibigay ng mga Pilipino, at kung saan akusasyon laban sa kaugalian ng mga ordeng relihiyoso
ay nailathala.
• “Ang tunguhin ng kanyang mga pagsisikap at pagsusulat ay mawasak sa mga tapat na pilipino ang
mga yaman na ating banal na pananampalatayang Katoliko.”
Pagkaraang-pagkaraan ng hatinggabi ng Hulyo 14 (12:30 ng umaga ng Hulyo 15, 1892), dinala si Rizal, na
may mahihigpit ng tanos, sa barkong Cebu na papuntang Dapitan. Ang barkong ito, na nasa pamamahala
ni Kapitan Delgras, ay pumalaot noong ala –una ng umaga, Hulyo 15, pa-timog, dumaan ng Mindoro at
Panay, at dumating sa Dapitan ng Linggo, ika-17 ng Hulyo, ika-7 ng gabi.
Si Kapitan Delgras ay bumaba ng barko at inihabilin si Rizal kay Kapitan Ricardo Carnicero,
Espanyol na komandante ng Dapitan. Nang gabing iyon, sinimulan ni Rizal abg buhay-desterado sa
malungkot ng Dapitan na magtatagal hanggang Hulyo 30, 1896 sa haba na apat na taon.
1. Anu ang dalawang aklat na binigay ni Dr. Bautista Lin kay Rizal?
2. Kelan dumating si Rizal sa Hongkong?
3. Sino ang tumulong kay Rizal para magkaroon ng mga pasyente?
4. Sino ang pumalit kay Weyler na gobernador-heneral?
5. Ano ang lupain na inalok kay Rizal ng British North Borneo Company hinggil sa pagtatatag ng
kolonyang Pilipino?
6. Anu ang dalawang Artikulo na isinulat ni Rizal para maipaliwanag ang kanyang proyektong
kolonisasyon sa Borneo?
7. Bakit tinatag ang La Liga Filipina?
8. Sino ang kalihim ni Despujol, na inutusan niya na alamin kung si Rizal ay isa nang naturalisadong
mamamayang Aleman?
9. Kanino umibig si Rizal habang nasa Briarritz?
10. Anong libro ang natapos ni Rizal sa Biarritz?
1. Saan naipalimbag ang Fili at ano ang naging karanasan ni Rizal dito?
2. Ano ang nagging kaugnayan ni Ventura sa Fili ni Rizal?
3. Kanino inihandog ni Rizal ang Fili at bakit niya ito dito inihandog?
4. Ilarawan ng maiksi ang kwento ng Fili.
References:
A. Required Textbook/Manual
Ramos, G.D. (2019). Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng PILIPINAS. Intramuros, Manila:
Mindshapers Co,. Inc.
C. Reference Books
Almario, V. S. (2011). Rizal: Makata. Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc.
Araneta, G. C. (2014). Rizal’s true love. (2nd ed.) Makati: Cruz Publishing.
Coates, A. (1992). Rizal- Filipino nationalist and patriot. Manila: Solidaridad Publishing
House.
De los Santos, R. (2006). Patriots, masonry and the Filipino religious psyche. Manila:
National Historical Institute.
De Viana, A. V., Cabrera, H. F., Samala, E., De Vera, M. M., & J. C. Atutubo. (2018). Jose
Rizal: Social reformer and patriot. A study of his life and times. (Revised ed. )
Manila: Rex Book Store.
Francia, L. H. (2014). A history of the Philippines: From Indios bravos to Filipinos. New
York City: Peter Mayer Publishers, Inc.
Jaime-Francisco, V. (2015). Jose P. Rizal: A college textbook on Jose Rizal’s life and
writings. Manila: MindShapers Co. Inc.
Mallat, J. (2012). The Philippines. Manila: NHCP.
Morong, D. N., Cruz, C. B., & E. R. Astorga, Jr. (2005). Jose Rizal: Bayaning kayumanggi.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
National Historical Commission of the Philippines (2011). Jose Rizal: Events in the
Philippine islands. Manila: NHCP.
National Historical Commission of the Philippines (2011). Jose Rizal: Reminiscences &
travels. Manila: NHCP.
Pasigui, R. E. & D. H. Cabalu. Jose rizal: The man and the hero chronicles, legacies, and
controversies. (2nd ed.) Quezon City: C & E Publishing, Inc.
Romero, M. S., Sta. Romana, J. R. & L.Y. Santos. (2000). Rizal and the development of
national consciousness. Quezon City: JMC Press, Inc.
San Juan, Jr. E. (2011). Rizal in our time. (Revised ed.) Mandaluyong City: Anvil Publishing,
Inc.
Zaide, G. F. & S. M. Zaide. (2014). Rizal: Life, works, writings of a genius, writer, scientist,
and national hero. (2nd ed.) Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc.
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Mali
Sagot sa Post-test: