You are on page 1of 5

PAGBABALIK SA PILIPINAS AT LA LIGA FILIPINA Sa kanyang muling pag alis sa maynila ay naglakbay siyang muli hanggang siya ay mapadpad

sa hongkong A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong 1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa. 2. 3. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas. Para kupkupin ang kanyang pamilya. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 Inilit ng mga frayle ang haciendang inuupahan ng pamilya ni Rizal, sinunog ang kanilang bahay sa Calamba, at tuluyang pinalayas na. Bulag na ang ina ni Rizal. Tumakas ang mag-anak papuntang Hongkong Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.

ANG PROYEKTONG BORNEO Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa . sumulat siya kay Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na dalhin o i-resettle ang mga taga-Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal na Proyekto ng Kolonisasyon ng Borneo ) Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneongunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.

ANG PAGPAPASIYANG MAGBALIK SA PILIPINAS a. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.

Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo

b.

Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila

Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa ito ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.

Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.

ANG IKALAWANG PAGBABALIK Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng ika-7 ng gabi at nakausap si Despujol. Pumayag ang heneral na patawarin ang ama ni rizal ngunit hindi ang iba nitong mga kaanak Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren sa istasyon ng tutuban at bumisita sa ilang kaibigang nakikiisa at nakikisimpatya sa krusadabg repormista upang batiin sila ng personal at upang pag usapan ang mga suliranin ng ating bansa sa panahong iyon. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.

Ika-29 ng hunyo: ipinakiusap ni rizal kay gob. Despujol na alisin ang kaparusahan ng pagpapatapon sa kanyang mga kapatid na babae. Pinagbigyan siya ng gobernador at ibinalita na ang kapatid niyang lalaki at ama ay darating

ANG PAGTATAG NG LA LIGA FILIPINA Hulyo 3,1892 itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod: a. Pedro Serano Laktaw

b. c. d. e. f. g.

Domingo Franco Jose Ramos Ambrosio Salvador Bonifacio Arevalo Agustin de la Rosa Moises Salvador

h. Luis Villareal i. j. k. l. Faustino Villaruel Mariano Crisostomo Numeriano Adriatico Estanislao Legaspi

m. Teodoro Plata n. Andres Bonifacio o. Juan Zulueta mga

Ang La Liga filipina ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning magsulong ng reporma sa Pilipinas. Ang saligang-batas ng La Liga Filipina ay isinulat ni Rizal sa Hongkong. Ang inihalal na pamunuan ng bagong liga ay binubuo ng mga sumusunod: -Ambrosio Salvador (pangulo) -Deodato Arellano (kalihim) -Bonifacio Arevalo (ingat-yaman) -Agustin de la Rosa (piskal)

ANG MGA LAYUNIN NG LA LIGA FILIPINA 1. mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas at magkakauri 2. proteksyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa

3. pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan 4. pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at pangangalakal 5. pag- aaral at pagpapairal ng mga pagbabago Ang motto ng la liga filipina ay: unus instar omnium (bawat isa y katulad ng lahat) Ang lupong tagapangasiwa ng liga ay ang kataas taasang konseho n a may kapangyarihan sa buong bansa. Binubuo ito ng pangulo, kalihim, ingat yaman at piskal May konsehong panlalawigan sa bawat probinsya at isang konsehong popular sa bawat bayan Kahit sino ay maaaring maging miyembro na magbibigay ng paunang bayad na 2 piso at buwanang kontribusyon 10 sentimos

Tungkulin ng mga miyembro ng la liga filipina 1) 2) 3) 4) 5) 6) 7) Sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho. Tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro. Mahigpit na panatilihing lihim, ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga. Magkakaroon ng ngalang sagisag na di maaaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng konseho; Iulat sa piskal ang anumang maririnig na nakasasama sa Liga; Kumilos ng tama na siyang dapat dahil isa siyang mabuting Pilipino; at Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.

Ang La Liga Filipina Bilang Isang Samahang Sibiko 1) Pagtustos sa isang kasapi o kanyang anak, na walang magugol na salapi subalit may kakayahan; 2) Pagtustos sa mga mahihirap sa pakikipaglaban ng kanilang karapatan laban sa sinuman makapangyarihang tao; 3) Pagtulong sa kasaping inabot ng sakuna o kapahamakan. 4) Pagpapautang ng puhunan sa kasaping nangangailangan para sa industriya o agrikultura; 5) 6) Pagpapakilala ng mga bagong makina at industriyang kailangan sa bansa; at Pagbubukas ng mga tanggapang mapapasukan at higit na mapagkikitaan ng mga kasapi.

Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan. Sa panayam na ito ay nagpakita ng babasahin na di umano y natagpuan sa loob ng punda ng unan ni lucia Ang mga subersibong babasahin ay pinamagatang pobres frailes (mga kawawang prayle) na isinulat ni padre jacinto tungkol sa mayayamang preyleng dominikong kumakamkam ng yaman kabaligtaran ng kanilang panata ng kahirapan Mahigpit na itinanggi ni rizal na ang mga babasahing iyon ay nasa kanya o nasa bagahe ni lucia na tinignan naman ng mga awtoridad ng adwana nang dumating sila mula hongkong. Si rizal ay humingi ng imbestigasyon na siya namang naaayon sa batas subalit dinakip pa rin siya at sinamahan sa fort santiago ni ramon despujol, pamangkin at ayudante ni gobernador-heneral despujol Noong hulyo 7, 1892 inilathala sa graceta de manila ang pagdadakip kay rizal sa isyu ring ito ng graceta ay nagsulat ng dikreto si gob. Hen. Despujol na nagpapatapon kay rizal sa dapitan

> ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan, Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan: May nakuhang sipi ng Pobres Frailes sa unan ni Lucia (kapatid na kasama niya sa paglalakbay); ang babasahing ito y anti-prayle/ kontra sa Simbahan (malamang na inilagay lamang ito sa bagahe ng magkapatid) Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa Gomburza, kaya t ito y subersibo Naglathala si rizal sa ibang bansa ng mga babasahing anti prayle at anti katoliko

Hulyo 15, 1892, ika- 12:30 ng umaga dinala si rizal ng mahihigpit na kawal sa barkong cebu na pinamamahalaan ni kapitan delgras nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.

You might also like