You are on page 1of 4

Lea B.

De Galicia Macky Salvador


BSED FIL 3-1 Panunuring Pampanitikan

Nakaraos na Mapang-api at Lupaypay na Api: Opresyon sa Lakas Paggawa sa Lipunang


Pilipino

Sa pagmapa sa naging kasaysayan ng Pilipinas, noon pa man ay laganap na ang hindi


makataong pagtrato ng mga panginoong may-lupa sa kanilang trabahador buhat ng pag-uugaling
nakuha sa Kanluranin. Taong 1782 ay namayagpag ang Pilipinas sa pagmomonopolyo ng tabako
sa alin mang bansa sa Silangan (De Leon, 2016). Sa kabila nito, pinapatawan ng multa ang mga
magsasakang hindi natutupad ang dami ng aanihin at bumaba ang produksyon sa pagkain. Ito ang
naging simula ng pagiging arogante ng mga Kastila sapagkat sa pananaw nila ay utang ng mga
Pilipino sa panginoong may-lupa ang dahilan bakit sila nabubuhay sa araw-araw.

Hindi maitatangging lubos na malaya ang Pilipinas sa kamay ng mga may dugong bughaw
sapagkat magpahanggang ngayon ang mga naghaharing-uri tulad ng mayayamang angkan sa bansa
ay patuloy na nasa itaas at patuloy na pumapaimbulog sa pagkakasadlak ang nasa laylayan sa
tanikang dulot ng elitista. Isa itong atrasadong hakbang na nagbubunga sa patuloy na pagtatanggal
ng boses ng masa sa madugong paraan na hindi kailanman pumanig ang hustisya sa kanilang
bahagi. Ang suring kritikal na ito ay bunga ng kritikal na pag-aanalisa sa akda ni Ordonez na
naglalayong a.) bagtasin ang panitikan sa inhustisyang laganap sa mala-kolonyal at malapyudal na
bansa at b.) paglalapat sa lente ng marxismo sa tunggalian ng api at abusadong mapang-api.

Ang Mundo sa Paningin ng Kapitalista at Manggagawa

Makikita sa akda ni Ordonez na Ang Mundo sa Paningin ng Isang… ay pag-atake sa


miserableng pagtratong natatanggap ng manggagawa mula sa kamay ng mga kapitalistang
pansariling interes lamang ang tunguhin sa pagtatayo ng isang korporasyon. Sinasabing maraming
mukha ang mundo na naka depende sa paraan ng pamumuhay na tinatamasa ng isang tao. Sa
kasalukuyan, dalawa ang namamayaning mundo, mundo ng elitista at masa. Makikita sa akda ang
labis na agwat sa pamumuhay sa pagitan ng dalawang uri. Lumalaban araw-araw ang
manggagawang sumasagupa sa pagseserbisyong walang kasiguraduhan habang ang mga
panginoong may-lupa ang nagpapakasasa sa dugo’t pawis na inaalay ng itunuturing nilang
pasahuran lamang. Sa sistemang pang-ekonomiya, alokasyon ang solusyon kung saan, kanino at
paano ipamamahagi ang pangunahing yaman (Rey, 2020). Isa itong façade ng mga alta sosyedad
upang pagtakpan ang hindi pantay na distribusyon ng kanilang kinikita sa ilalim ng kapitalismo.
Noon pa man ay hindi mabura ang opresyon sa pangarap na patas na pamamalakad sapagkat
nilalapastangan ang maralitang pilit nagpapalago ng kanilang kaban.

Salamin ito ng mala-pyudal at mala-kolonyal na sistemang umiiral sa bansa kasabay ng


pagyurak sa karapatan ng bawat isa. Binigyang diin ni Soriano (2014), na ang simbolo ng pagiging
makapangyarihan sa lipunang pyudal ay ang pagmamay-ari sa lupa. Mala-pyudal na pagtrato dahil
habang buhay na naglilingkod sa may-ari na tinuturing na pesante tulad ng makikita sa akda at
katapatang kanilang hinihingi kesehodang mamatay sa gutom ang pamilyang uuwian. Mala-
kolonyal din na maituturing sapagkat kailangan nakinabang ang mga Pilipino sa sariling produkto?
Ang nagtatasama ng mga hilaw na produkto ay iaangkat sa Kanluraning nabili ng barat sa mga
lokal na manggawa at tripleng tubo sa dayuhang imperyalista.

Masakit isipin na hawig na hawig ng akda ang kasaysayan ng Luisita Massacre,


kumpanyang NutriAsia sa pagkakaroon ng dahas marinig lamang ang kanilang danas. Daan-daang
mga korporasyong tulad ng SM, Jollibee Corporation at iba pa na talamak ang
kontraktuwalisasyon, liberalisayon at pribatisasyon sa karapatan ng bumubuo sa lakas paggawa sa
bansa. Ninakaw ang integridad at demokrasya at sinuklian ng busabos at hindi makataong pagtrato
sa bawat isa.

Tunggalian sa Lente ng Marxismo sa Akda

Pinapakita sa lente ng Marxismo ang tunggalian sa pagitan ng dalawang uri sa lipunan.


Sang-ayon sa ekonomistang si Marx, kapitalismo ang pangunahing kalaban ng Marxismo. Dagdag
ni Barrientos (2013), usapin ito ng pang ekonomiyang kahirapan, suliraning panlipunan at
pampulitika. Sa patuloy na paglago ng produksyon, parating may naiiwan at nanatiling lugmok.
Ang puwersang humihila sa mga api upang magpatuloy ay dala ng kahirapan at kahit anong pag-
aalsa ang kanilang gawin, ang hustisya ay nabibili ng mayayaman.

Makikita sa akda na ang ari na kinakatawan ng isang manggagawa ay sumusuong sa


kahirapan buhat ng walang habas na pagtatrabahong hindi man lamang makatikim ng pahinga at
lupaypay sa buong araw na pagkayod. Ang ari ni Don Miguel ay simbolo ng manggagawang buong
buhay nanilbihan sa panginoong may-lupa ngunit ng magka-edad at magsimulang pumalya ang
pagseserbisyo ay nabansagan ng walang silbi. Sa ilang taong pagsuong ay hindi kailanman
nakatikim ng insentibo at seguridad sa kanilang kinabukasan. Maaaring ihalintulad ang magsasaka
sa pagtingin ni Don Miguel sa kaniyang mga manggagawa bilang mga makinang walang emosyon,
hindi nakararamdam ng pagod at papalitan kapag nagsisimula nang mangalawang at pumalya.

Sa kabilang banda, Si Don Miguel na walang humpay sa bahay aliwan at marangyang


pamumuhay sa Forbes park buhat ng labis na tubong nakukubra sa kaniyang negosyo ay hindi
kailanman tinignan ang kalagayan ng kaniyang nasasakupan sapagkat ang libog (uhaw sa
kapangyarihan) na kaniyang taglay ay sapat na upang maitawid ang kaniyang pang araw-araw na
pamumuhay.

Paralelismo ang ari at manggawa maging ang libog at kapitalista. Aring lupaypay sa
harabas na paninilbihan (manggagawa) at libog sa kayamanang aapakan ang lahat makapanlamang
lamang (kapitalista). Nasa iisang daan ang kanilang direksyon at mababago lamang kapag may
mga nangahas na gumawa ng isang interseksyong magkakapanabay ang lahat at makita ang
naiiwan. Interseksyong katok sa masa sapagkat walang mali sa pag-aalsa. Kayang-kaya
humulagpos sa tanikalang pumipigil sa kalayaang magkaroon ng masaganang buhay. Bakit
patuloy hinahayaan ang pagmamalabis na ginagawa at magsimulang mapagtanto kung kailan huli
na ang lahat? Ubos na ang katas sa paglaban, lata na ang katawan, at hindi na tumitigas ang kamao
sa pakikipagpambuno. Opresyong matagal na dapat nawakasan, kung ang nasa itaas ay nakikinig
at ang masa’y pinapakinggan.

“Inuubos ang kanilang lakas. Pinipilit na pinaduduwal ang katas na magpapadulas


papasok ng mga lapad mula sa maghapong walang palyang pagpapalabas… Para san pa ang
naglalang kung silang nasa taas ang nagbabasbas na gamitin ang wagas nilang lakas”. (Fronza,
2018).
Sanggunian

Barrientos, P. (2013, Agosto 13). teoryang Marxismo. Nakuha sa


https://prezi.com/79ju_eaalz5l/teoryang-marxismo/

De Leon, M. (2016, Marso 10). Pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol. Nakuha sa
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/pamumuhay-ng-mga-pilipino-sa-panahon-
ng-espanyol

Fronza, J. (2018, Hulyo 20). Nakuha sa https://medium.com/@sigfreidchps28/tanikalang-


gumagapos-ang-mga-kamay-ng-kapitalistang-kinakapos-ng-paghinga-habang-
yinayapos-ang-eac3f1922ddb

Rey, M. V. (2020, Pebrero 12). Ano ang alokasyon? Kahulugan at ang sistemang pang-ekonomiya.
Nakuha sa https://philnews.ph/2020/02/17/ano-ang-alokasyon-kahulugan-at-ang-
sistemang-pang-ekonomiya/

Soriano, C. J. (2014, Agosto 14). Ang sistemang Pyudalismo at Manoryalismo. Nakuha sa


https://www.slideshare.net/ichbincharliez/ang-sistemang-pyudalismo-at-manoryalismo

You might also like