You are on page 1of 1

Jose Rizal vs.

Andres Bonifacio
Marahil ay kilala niyo na ang dalawa sa pinakamagiting nating mga bayani, sila ay sina Jose Rizal
at Andres Bonifacio. Pero para sa inyo sino nga ba ang karapat-dapat na maging pambansang bayani ng
ating bayan? Si Jose Rizal ba o si Andres Bonifacio?

Kung tayo ay magbabalik-tanaw, si Jose Rizal ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya sa


Calamba. Ang kanyang ina ay isang guro at ang kanyang ama naman ay isang haciendero. Samantala, si
Andres Bonifacio ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya, ang kanyang ay isang butihing maybahay
at ang kanyang ama naman ay isang satre.

Kapwa sila nagtataglay ng pambihirang katalinuhan. Si Rizal ay nakapagtapos ng iba't-ibang


kursong tulad ng Pilosopiya at Panitikan, kursong Agham sa Pagsasaka at kursong Medisina at bihasa sa
iba't-ibang wika. Si Bonifacio naman na kahit nakapag-aral ay mahilig magbasa at sumulat. Magaling din
siya sa pagsasalita ng wikang kastila.

Pareho silang sumusulat ng mga akdang tungkol sa pagmamahal sa bayan. Isa sa pinakasikat na
tulang isinulat ni Bonifacio ay ang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa." Si Rizal naman ay kilala sa kanyang mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Pareho sila ng layunin at handang mamatay upang makalaya ang ating bayan sa pang-aapi mga
dayuhan. Si Rizal ay ginamit ang kanyang mga akda upang mamulat ang mga Pilipino sa mapang-aping
dayuhan. Si Bonifacio naman ay gumamit ng dahas kaya itinatag niya ang KKK o "Kataastaasang
Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" upang maghimagsik sa mga Kastila.

Si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta Park noong ika-30 Diyembre 1986.
Namatay siya sa kamay ng mga dayuhan. Ngunit nakakalungkot namang isipin na si Bonifacio ay
namatay sa kamay ng sarili nating mga Filipino nang ipapatay siya ni Emilio Aguinaldo sa salang
"Sedisyon at pagtataksil sa bagong pamahalaan" noong ika-10 ng Mayo, 1987, sa kabundukan ng
Maragondon, Cavite.

Para sa akin pareho silang dapat tanghaling pambansang bayani dahil pareho nilang
ipinagtanggol ang ating bayan sa mapang-aping dayuhan.

You might also like