You are on page 1of 17

Layunin ng pagpapahayag

Magbigay lugod o saya


• Ang pagpapahayag na itoy naglalayong makuha at
mapanatili ang atensyon ng mambabasa o nakikinig sa
esensya ng sinasabi ng manunulat o tagapagsalita. Ang
pagpapasaya o pagbibigay lugod sa awdiyens ay
kailangan magkaroon ng elemento ng pagpapatawa.
Halimbawa:
Mga "after dinner speech"
mga "roast" para sa isang taong nagdididriwang ng kaarawan
Magbigay ng informasyon
• Sa pagpapahayag na ito, ang awdiyens ay natuuto ng iba
o katulad na impormasyon na bago sa knilang pandinig
dahil sa mga bagong informasyon nakapagninilay-nilay
sila sa katotohanan, navavalideyt nila ang mga alam at
nakakapagdaragdag sa kanilang imbak na kaalaman.
• halimbawa:
lektyur sa klase
dokumentarying programa sa telebisyon
Manghihikayat
• Layunin ng gnitong pahayag na makapagpabago ng
atityud o beheybyor ng awdiyens. May kahirapang
idebelop ito sapakat kailangang makumbinsi ang
tagabasa o tagapakapakinig sa ipinahayag, partikular sa
mga kontrobersyal na isyu. Ang mga ekspresyon o salita
na sumasapol sa damdamin ang mahalagang
kasangkapan sa pagpapagitaw ng emosyon.
Halimbawa:
talumpati
salestalk
adbertisment
propaganda materyal
Nagbibigay larawan
• Ang mga ideya o kaisipang abstrakto ay nabibigyan ng
larawan s mga mambabasa o nakikinig. Sa paggamit ng
mga panguri o pandiwa gumagana ang emahinasyon o
pagiisip.
Nagbibigay ng ebidensya, rason, katwiran
• Tinutulungan nito ang tagapagsalita o manunulat na
maghanap, magtipon ng katibayan, dokumento, rekord, at
tala upang mapatotohanan ang sinasabi o sinusulat.
Ang Awdyens

Tagapakinig at tagabasa
Sumasangayon/ naniniwala
• Sapagkat silat sumasangayon, hindi na mahihirapang
silay hiyakatin, di na kailangan ang mahabang oras para
silay papaniwalain, hindu na kailangan ng mahabang
introdaksyon, hindi na rin kailangan ang mga bakgrawnd
na informasyon. Kailangan magkonsentreyt ng higit sa
pagbibigay ng afirmasyon sa mga pinaniniwalaan ng
awdyens at pagsasabing muli ng kanilang mga
pinaniniwalaan. Ang kailangang gawin ay lalo pang
patindihin ang kanilang paniniwala at magbigay ng
insipirasyon
Ang di sumasangayon/ di naniniwala
• Ano ang magagawa mo kung di naniniwala ang awdyens
at tumatanggi sa mga sinasabi o isinisiwalat mo? Sa
simula palang ay nagiging disadbentahe na ito para sa
iyo.Upang di mabahala, kailangang gumamit ng mga
estratehiya upang makakuha ng atensyon at simpatya ng
mga di naniniwala.
• Huwag gawing napakatas ng iyong gol. Baka di mo sila
mahikayat lahat o kaya ang mayorya sa kanila.
• Humanap ng mga bagay na maaaring pagkasunduan.
Tinatawag itong pagsasanib/pagtatayo ng common
ground.
• Kailangang maramdaman ng awdyens na ikaw ay sinsero
at tapat.
• ang mga ipapahayag aa awdyens ay kailangan suportado
ng mga ebidensya. Kapag hindi ito nagawa maaaring
makipagdebate ang awdyens sa iyo.
Walang pakialam na awdyens
• Ito yung may mga atityud na "i don't care" hindi siya
interesado sa sinasabi ng tagapagsalita o sa kanyang
binabasa. Para sa kanya, balewala ang ito o kung sa
balbal na salita dedma, kapag may ganitong awdyens ,
kailangan silang mainterteyn. Kailanganng magsabi ng
mga istorya na may malakas na impak sa kanila.
Mga dapat ikunsidera sa awdyens
Edad o gulang
• Magiging kapana-panabik sa awdyens ang artikulo o
komposisyon o panayam kung ang mga itoy nagbabagay
sa kanilang gulang sapagkat mahalagang ikunsidera ang
kanilang mental maturity sa pagtanggap ng mga salita,
mga ideya o mensahe na kayang intindihin ng kanilang
murang gulang
Kasarian
• Kailangan ikunsidera ang kasarian kung ang paksa ay
panlalaki o pambabae. Bagamat may mga paksang
"bukas" para sa parehong lalake at babae may mga
sensitibong paksa tulad ng seks.
• halimbawa:
women's right
Battered wife
Edukasyon
• Pagingatang huwag lumabas na minamaliit o ginagawang
ignorante ng ispiker o manunulat ang kanyang awdyens,
kapag nadama ng awdyens ang ganito maaaring
mawalan sila ng ganang makinig o kaya ay tignan nilang
mayabang ang ispiker o manunulat. Kailangang ibagay
ang lengwahe at,kontent ng pahayag. Kapag di sya
naintindihan dahil sa bigat ng salitang ginagamit,
balewala rin ang kanyang sinasabi.
Etniciti, kultura, pananampalataya at
politikal bakgrawnd
• May mga paksang nagiging kritikal o sensitibo para sa
awdyens. Ang mga paksa hinggil sa deborsyo o
paghihiwalay ng magasawa, giyera, pananampalataya,
minorya o tribu , tradisyon at iba pang maisaalang-alang.
Kailamgang makilala ang lengwahe, interes ng taong
uungkatin sa paksang upang maiwasang makasakit o
kaya makapagbigay ng galang.

You might also like