You are on page 1of 4

Module 4-6

III. Panimulang Gawain

1. Nakikinig
2. Intrapersonal
3. Encoding
4. Decoding
5. Salita
6. Daluyang Institusyonal
7. Tuwirang tugon
8. Pisikal na sagabal
9. Di – berbal na komunikasyon
10. Epektibong komunikasyon

V. Pagsasanay

A. Tatlong (3) proseso ng komunikasyon


1. Encoding – dito nag uumpisa ang komunikasyon kung saan ang taong nagpapadala ng mensahe
ay siyang nag-eencode nito papunta sa tagatatanggap. Sa prosesong ito ay kailangan ng
matalinong pagpili ng mga salitang ugnay at wasto bago ipadala ang mensahe sa kausap. Isipin
kung ito ay nasa wastong gamit at isaisip ang magiging reaksyon ng tagatanggap ng mensaheng
ipapadala.
2. Decoding- sa prosesong ito naman ay nagkakaroon na ng tinatawag napagdedecode sa
mensaheng natanggap mula sa nagpadala. Dito nagaganap ang pag iisip ng decoder sa kung ano
ba ang kahulugan ng mensahe na nagmula sa encoder. Nangyayari ang decoding sa
pamamagitan ng kanyang magiging reaksyon sa kahulugan ng mensaheng natanggap at kung
paano niya ito ipapadala sa kanyang kausap.
3. Feedback- ito ay tumutukoy sa kung ano ba ang tugon ng taong tumanggap ng mensahe na
nanggaling sa nagpadala. Sa prosesong ito ay nagkakaroon ng pagpigil sa mga sagabal sa
komunikasyon.

B. Tatlong (3) Uri ng Tugon o feedback


1. Tuwirang Tugon – ito ay tumutukoy sa sagot na kung saan ito ay pinadadala kaagad matapos
matanggap ang isang mensahe. Kagaya na lamang na kapag nagtanong ang isang tao sa kanyang
kausap ay sinagot na ito kaagad matapos matanggap ang tanong ng nagpadala.
2. Di-Tuwirang Tugon - sa kabilang banda naman, ito ang tugon na kung saan ito ay pagpapahayag
sa pamamagitan ng anyong di-berbal kagaya na lamang ng pagtango, pagngiti o pagyukod.
3. Naantalang Tugon – ito ay nangyayari kapag ang tugon ay nangangailangan ng panahon upang
maipadala ang mensahe sa kausap. Halimbawa ay ang pagtugon gamit ang pagsulat na kung
saan nangyayari ay nagpapalit ng tungkulin ang tagapagdala at tagatanggap ng mensahe dahil sa
antalang naganap.
C. Apat (4) na Potensyal na sagabal sa komunikasyon
1. Semantikang Sagabal – dahil nagkakaroon ng dalawa o higit pang kahulugan ang isang salita o
hindi tiyak ang pangungusap sa isang pahayag, kung kaya ito ay nagiging sagabal sa
komunikasyon.
2. Pisikal na Sagabal – ito naman ay ang mga sagabal na nanggagaling sa ingay ng paligid, suliraning
teknikal at distraksyong biswal.
3. Pisiolohikal na Sagabal – ito ay patungkol sa kapansanan ng isang tao sa pandinig, paningin,
pagsasalita at pagkakaroon ng sakit.
4. Sikolohikal na Sagabal – may kaugnay ito sa mga biases, prejudices at maging sa pagkakaiba-iba
ng mga nakasanayan at nakalakihang kultura.

VII. Panapos na Ebalwasyon


A. Halimbawa ng Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ayon kay Del Hymes.
1. Setting – Halimbawa: Malakas na boses sa pakikipag – usap sa loob ng pampublikong palengke.
Kinakailangang lakasan ang salita upang magkaintindihan ang magkausap dahil na rin magiging
sagabal ang ingay sa loob ng lugar.
2. Participants – Halimbawa: Sino po ang inyong hinahanap? Sa anong paraan po ako
makakatulong sa inyo? – Ang halimbawang ito ay tumutukoy sa participants na ginagamitan ng
angkop na mga salitang panggalang upang wasto ang paraan ng pakikipag komunikasyon sa
isang tao.
3. Ends – Halimbawa: Aling Berta, maaari po ba akong makigamit ng inyong bisikleta upang
magtungo sa palengke dahil ako po ay may bibilhing sangkap sa pagluluto ng aming ulam? –
Mapapansin dito na ang paghatid ng aking mensahe ay may wastong salita upang magpaalam.
Sa paraang ito, ako ay papayagan na humiram ng kaniyang bisikleta.
4. Act Sequence – Halimbawa: Ang magkapatid ay namamasyal at sila ang nagtatawan dahil sa
usapan nila. Lumipas ang ilang sandali, sila ay nagkapikunan dahi may nasabi ang kanyang
bunsong kapatid na hindi niya nagustuhan. – Mapapansin dito na sa unang parte ng daloy ng
kanilang usapan ay sila ay masaya ngunit ng may hindi inaasahang masambit ang isang kausap,
nag – iba ang tungo ng kanilang komunikasyon.
5. Keys – Halimbawa: Paggamit ng pormal na salita sa isang pormal na pagpupulong na
pupuntahan. Mahalagang isaalang – alang ang mga paraan ng pakikipag – usap na naaayong
gamitin.
6. Instrumentalities – Halimbawa: Pagsulat ng isang lihim upang maipabatid ang iyong gustong
sabihin sa kausap sa kadahilanang ito ay nasa malayong lugar. Ito ay tumutukoy sa midyum ng
usapan at ito ay sa paraang pasulat dahil na din malayo ang kausap, sa paraang ito ay
maipapahatid ang tugon sa kausap ng maayos.
7. Norms – Halimbawa: Mas mabuting itikom nalang ang bibig kung hindi rin naman alam ang
tungkol sa paksang tinatalakay. Mahalaga itong pakatandaan upang hindi magkaroon ng
hidwaan sa magkabilang panig.
8. Genre – Halimbawa: Pagpapahayag tungkol sa pangyayari na naganap sa bansang Israel sa
paraang pasalaysay. Tinutukoy nito kung anong uri ng pagpapahayag ang gagamitin upang mas
mabisang maipabatid sa tagatanggap ng mensahe ang nilalaman nito.
B. Magbigay ng Kahulugan o ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Ang pakikipagtalastasan ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang
paraan. Ito din ay tumutukoy sa salitang Latin na “communis na ibig sabihin ay karaniwan, panlahat o
para sa lahat na pakikipag – usap o isang pakikipagkaunawaan.
2.Bakit mahalaga ang Komunikasyon? Mahalaga ang komunikasyon dahil ito ay ating paraan ng
pagpapahayag ng ating nais sabihin sa ibang tao o maging sa ating sarili. Dahil dito, nagkakaroon ng pag
kakaunawaan ang magkausap sapagkat nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan ng dalwang panig.
Sa pamamagitan din ng pakikipag komunikasyon, nagkakaraoon ng interaksyon sa pagitan ng tagapakinig
at tagapagdala ng mensahe, naipaliliwanag ang mga bagay bagay at daan din ito upang maiwasan ang
alitan ng bawat isa.
3. Ano ang komunikasyong Di – Berbal? Ito ay uri ng komunikasyon na hindi ginagamitan ng salita na
kung saan ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng ekspresyon ng mukha, galaw ng mata,
kamay at maging paa, ito din ay nakikita sa kilos ng katawan.
4. Magbigay ng sariling halimbawa sa iba’t – ibang anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

a. Oras – Ang isang empleyado ay laging nahuhuli sa takdang oras ng kanyang pagpasok na
nangangahulugang ito ay hindi disiplinado pagdating sap ag oorganisa ng oras ng pagkilos.
b. Espasyo – Pakikipag –usap ng masinsinan sa mga kaibigan.
c. Katawan- Namumugto ang mga mata ng isang babae habang patuloy na nangingilid ang mga
luha nito. Pahiwatig na siya ay hindi masaya at may dinadalang problema.
d. Pandama – Ang pagpisil sa pisnge ni Ana sa isang malusog na bata ay nagpapakita na ito ay
nanggigigil dito.
e. Simbolo – May karatulang nakalagay na nakabilog ang sigarilyo sa loob ng simbahan.
Nagpapahiwatig na bawal manigarilyo sa loob ng lugar.
f. Kulay – Ang ilaw sa trapiko ay lumipat sa berde na kulay na nangangahulugang umandar na mula
sa pagkakahinto ng sasakyan.
g. Paralanguage – Paghikbi ng isang bata sa loob ng sasakyan.

VII. Takdang Aralin


C. May kaugnayan ang modelo ng komunikasyon at tungkulin ng wika dahil naglalaman ito ng mga
konsiderasyon at dapat isaalang –alang kapag nakikipag usap sa isang talakayan. Mapapansin na sa
modelo ng komunikasyon ni Hymes ay mayroong 8 kailangang bigyan ng konsiderasyon upang mas
lalong maayos at maging wasto ang pakikipag komunikasyon sa ibang tao. Gayun din naman ang
tungkulin ng wika ayon kay Halliday dahil ito ay nagbibigay ng mga konsepto na dapat tandaan ng isang
nakikipag – usap. Nagkakaugnay ang dalawa lalo na at mayroon ding konsepto ang tungkulin ng wika ni
Halliday na nahahalintulad sa modelo ng komunikasyon ni Hymes kagaya na lamang ng instrumental at
midyum na gagamitin sa pakikipagkomunikasyon. Makikita na tunay ngang mahalaga ang dalawang
paksang ito upang magkaroon ng wastong paggamit ng salita, isaalang alang ang mga paraan ng
pakikipag usap at kung paano ito makakapagbigyan ng epektibo at mpabisang komunikasyon sa
magkabilang panig.

D. Ang modyul na ito ay nagbigay sa akin ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kung ano baa ng
pakikipagtalastasan at kung ano baa ng mga bumubuo sa isang komunikasyon. Sa araling ito, aking
napagtanto na hindi lamang ibig sabihin na pakikipagkomunikasyon ay kinakailangang gamitan ng salita.
Nalinang nito ang aking kaisipan patungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng isang mensahe na
kahit hindi ginagamitan ng salita galling sa bibig. Napakahalagang malaman din na madami ang nagiging
sagabal sa isang komunikasyon kung kaya ay naaantala ang isang tugon na magmumula sa tumanggap
ng mensahe. Naipaliliwanag din ng paksang tinalakay dito ang mga rason kung bakit kailangang bigyang
pansin ang mga konsiderasyon upang magkaroon ng isang mabisang komunikasyon ang magkausap sa
isang talakayan.

Mga Sanggunian:
https://dokumen.tips/documents/mga-konsiderasyon-sa-mabisang-komunikasyon-567b0fbceb743.html
https://prezi.com/qs-td3gfcic4/uri-ng-di-berbal-na-komunikasyon/
https://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wika

You might also like