You are on page 1of 1

Mga Halimbawa ng Paglalahad: Pagpapangkat o

Paguuri
Bahay
Ayon sa diksyunaryong Ingles ang salitang "house" o "bahay" sa
Filipino ay isang gusali na kung saan nagsisilbing tirahan ng
isang tao o pamilya. Ang bahay din ay isang kailanganin ng tao
upang siya ay mamuhay ng maayos. Ang bahay ang magiging
tahana na kung saan ang mag-asawa ay bubuo ng pamilya at
magkakaroon ng mga anak at apo. Ang bahay din ang
nagsisilbing bubong ng bawat pamilya o kanila itong sisilungan
sa tuwing may ulan o sa tuwing malakas o matindi ang sikat ng
araw. Kung may mga sakuna gaya na lamang ng bagyo ang bahay
din ang siyang nagiging panangga upang tayo ay maging ligtas ay
nang hindi manginig sa lamig ng ulan o mabasa ngunit ang bahay
ay hindi lamang nauukol sa panangga o gusaling tinitirahan ng
usang pamilya maaari ring ang bahay ay isang gusali na kung
saan kinukompleto nito ang isang maaayos na pamilya at paano
nito nakukumpleto? Ang bahay ang sunasabing ang kukumpleto
dahil ang pamilyang watak watak o mga kapamilyang wala sa
bahay ay nagiging buo ulit,nagsasama sama sila sa bubong na
maaari nating matawag na "bahay". Gaya na lamang ng
pagkakaroon ng okasyon sa tuwing may gaganaping okasyon
halimabawa nalang ay kaarawan, sa tuwing may gaganaping
kaarawan lahat ng kapamilya ay naroon nagiging buo ito na
minsan din ay dinadaluhan pa ng mga kalapitang loob na mga
tao gaya ng kaibigan, kaklase, katrabaho at iba pa. Isa rin ang
pagdiriwang ng pasko dahil sa paskp nabubuo din ang pamilya
sa bahay at samasama nila itong ipinagdiriwang sa loob mismo
ng isang bahay . Kaya ang bahay ay di lamang patungkol sa gusali
ito din ay isang dahilan upang magkaroon ng maayos na buhay
at pamilya.

You might also like