You are on page 1of 2

TANDA, DANICA S.

BSED ENGLISH 1A
Filipino sa iba't-ibang disiplina

Wikang Filipino at Ugnayan ng pagbibigay prayoridad sa mga hinaing


at pangangailangan ng mga ordinaryong
mamamayan: Isang Sanaysay

"Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng bayan." Yan ang turan ng ating
ikalawang pangulo na si Manuel L. Quezon, na magbibigay patunay sa kahalagahan ng wikang
pambansa. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas magsisimula sa ating kalakaran at kaisipan upang
matungo natin ang kaunlaran na kung saan tayong mga Pilipino ang dapat mamayani. Ang awiting
mamamayan ang mamamayani ni Gary Granada ay sumasalamin sa ugnayan ng ating wikang pambansa
at pagbibigay prayoridad sa mga hinaing at pangangailangan ng mga ordinaryong mamamayan. Sa
pamamagitan ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa Pilipinas, magkakaroon ng kaunlaran at ito rin ang
mag-aangat sa bawat Pilipino kung ang mamamayan ang mamayani sa bansa.

Magkakaisa lamang ang ating bansa kung ating gagamitin ang sariling wika. Kung ang wika ay
nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng bayan, dapat nating tangkilikin ang mga sariling atin. Ang
dapat manaig at makinabang ay tayong mga Pilipino. Inilalahad sa kanta na ang ating bansa ay may
kakayahang umangat dahil may potensyal ang mga Filipino-mahusay sa iba't-ibang larangan at buhay
ang bayanihan sa iba't ibang sulok ng bansa. Nagpapakita ito ng paniniwala na buhay pa ang diwa ng
bawat isa, ang paggamit ng wikang Filipino ay dahilan ng pag-unlad ng ating bansa hindi lang sa wika
kundi sa kultura at identidad. Ang wikang pambansa ay wikang pagkakaisa kung saan ang mga
mamamayan ay may iisang tinig at boses para sa pag-angat ng Pilipinas at tulay sa komunikasyon tungo
sa iisang mithiin. Nagkalat na ngayon ang mga Pilipino na nag-aaral at gumagamit sa wikang Ingles o mga
wikang dayuhan na ginagamit nila sa iba't-ibang larangan lalo na sa edukasyon. Ang awiting ito ay
nagpapakita na dapat ang ating wika mismo ang huhubog ng ating sariling kakayahan at lilikha ng ating
kaisipan at kalakaran. Ang wikang Filipino ang tulay ng mga tao sa iba't ibang antas ng pamumuhay. Sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang pambansa hindi lang ang mga may mataas na karunungan ang
uunlad kundi matitiyak ang pambansang kaunlaran na magdudulot sa bansa ng magandang
kinabukasan.
Sabi nga ni Rizal "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Sa
iba't ibang larangan natatanggal na ang wikang Filipino lalo na sa larangan ng edukasyon. Samakatuwid,
Huwag sana natin hayaan na darating ang panahon na maglaho ang ating wikang pambansa, subalit
ating tangkilikin at gamitin. Magsisimula ito sa ating sarili kung saan ating patibayin ang kaisipan at
kalakaran sa lahat ng mga larangan sa pamamagitan ng paggamit ng ating sariling wika at tiyak na
magkakaroon ng magandang kinabukasan ang ating bansa.

You might also like