You are on page 1of 33

Ang Pormal na

Pakikipagsalitaan
 a. Isang Aksidenteng Naganap sa Eskuwelahan

 b. Isang Nakakatawang Karanasan sa Pag – ibig

 c. Isang Bagay Sa Buhay Na Hindi Maiintindihan


Pormal na pakikipag – usap ng isang kawani sa kanyang
manedyer sa opisina; ng isang mag – aaral sa kanilang guro sa oras ng
klase; ng isang tao sa bagong kakilala sa isang hapunang pagtitipon;
ng isang binate sa kanyang bagong nililigawan sa ilang una nilang
pagkikita; ng isang anak sa kanyang magulang sa oras na mahalaga
ang pag – uusapan; at iba pa. Samakatuwid, ang pakikipagsalitaang
pormal ay naaayon sa hinihingi ng pagkakataon o ng sitwasyon.
Ang Mga Dapat Isaalang – Alang sa
Pakikipagsalitaang – Pormal
1. Pamimitagan – Ayon kay E.E. Dodd, (1939) “Ang pamitagan ay ang langis na madulas na
nagpapatakbo sa buhay na makina.” (Salinwika) Sa bahay , sa paaralan, sa kalasada, sa sasakyan, sa
tindahan, sa madla, kinamulatan nang sa pagsasalita natin tayo ay magagalang. Nakapamihasnan
nang gamitin ang mga sumusunod:

hal.
“Salamat”, “Paki lang”, “Pakiulit na nga ng sinabi niyo.”, “Makikiraan na nga ho.”, “Puwede
kaya?”. “Kung inyong ipapahintulot."
2. Malumanay na Tinig – Tayong mga Pilipino ay madaling maakit sa unang
impresyon. Sa pananalita lamang ng bago nating kakilala ay agad na tayong
nabibighani ta gad tayong nagsasabing “mukhang mabait at maginoo.” Dahil
maamo marahil ang kanyang mukha habang malumanay ang kanyang
mukha habang malumanay ang kanyang boses at masuyo ang kanyang
pangungusap. Sa kabilang dako naman, kapag pabigla – bigla, may
kagaspangan at kaunting napakalakas ang tinig at pananalita, agad din
tayong nagsasabing “Ang suplado o ang suplada namn.” “Ang presko nito.”,
Wala yatang pinag aralan ang taong iyon.”, “Bastos!”, at agad tayong
nawawalan ng gana at sa halip na ating pakitunguhan at kausapin, hindi na
natin pinapansin, mapilitan man tayo’y malamig pa sa bahaw ang mukha at
damdamin natin. Kaya dapat tandaan:
a. Huwag magsalita nang napakalakas habang nasa kalsada.

b. Iwasang magpabigla – bigla oras na nasa grupo lalo’t hindi mga kilala, dahil
maaring maka – istorbo kung mapapataas nang kaunti ang boses.
c. Iwasan ang pasigaw na pagtawag sa isang kakilalang nasa malayo o nasa
kabilang kalsada, kung kaya pang abutan ang distansiya, lumapit agad;
at kung hindi naman ay hayaan na lamang.
d. Iwasan ang malakasang pag – uusap sa mga sasakyan at pook pampubliko.
3. Pananalitang malinaw – Ang wika ay pinag – aaralan nang
lubos na makasanayan. Makapagsasalita tayo nang malinaw at
mahusay kung di ipasasantabi ang sining ng pagsasalita tulad ng
pagtitimpi ng boses at maliwanag na pagbigkas ng mga salita.
May mga taong tinatakpan , kaya’y hindi ibuka – buka ang bibig
kapag nagsasalita, tuloy di mawatasan ang kanyang sinasabi.
Mas magaling, habang mga bata pa ay tulungan na ng mga
magulang ang kanilang mga anak ng wastong pagsasalitang
malinaw. Wika nga, “Sanayan lamang yan.”
4. Katumpakan ng salita at pag – iwas sa marahas na pananalita – Ang
dalawang ito ay itinuturing na tatak ng isang may pinag – aralang tao, hindi man,
isang matalino, maalalahanin at sensitibong tao. Ang una ay nakasalalay sa lawak ng
talasalitaang taglay. Nakukuha ito sa pamamagitanng pagbabasa, pakikinig at
pagsasanay. Natural, magiging tiyak at hindi Malabo ang pagsasalita. Ang ikalawa
naman ay maisasakatuparan sa pagiging mataktika sa pakikipag – usap at katalasan
ng pakiramdam. Sa pamamagitan ng kaalaman sa iba’t ibang pamamaraan ng
pagsasalita, bukod sa magiging makulay na ang ating sinasabi, ay hindi pa tayo
makasasaling dahil may mga taong mararamdamin na kahit sa biro ay nasasaktan,
kaya’y nahihiya. Hanggat maaari rin, iwasan ang mga bagay na masyadong personal
sa pakikipagsalitaang pormal.
Halimbawa:
Lucindo : Magandang hapon ho.
Hukom Pedreza : hapon Magandang hapon naman. Maupo ka.
Lucindo : Salamat po. Nariyan po ba si Apollo?
Hukom Pedreza : Nasa banyo raw, naliligo siguro. Ano kamo ang
pangalan mo?
Lucindo : Lucindo ho, Lucindo Madrigal.
Hukom Pedreza : Tagasaan ang inyong pamilya?
Lucindo : Tubo hong Negros ang aking mga magulang.
Hukom Pedreza : Hindi naman sa nanghihimasok ako, paano ka
nabubuhay. Ang ibig kong sabihin saan ka
nagtratrabaho?
Lucindo : Isa ho akong Detail Man”.
Hukom Pedreza : Mga gamut. Maraming gamot ngayong bawal. Saan kayo
nagkakilala ng aking pamangkin?

Lucindo : Sa isa hong pagtatanghal sa paaralan nila noong nag – aaral pa


ho kami. Hindi ho ninyo naitatanong lumalabas ho ako
paminsan – minsan kapag na aanyayahaan sa mga dula –
dulaang pagtatanghal sa mga paaralan dito sa kamaynilaan
at sa mga lalawigan. Ito ho ang tinatawag nilang mobile
theatre. Nagkataon hong may ippinalabas kami sa
pamantasan nina Apollo noon. At dahil sa may kahiligan din
ho sa dula at pag – aarte ang inyong pamangkin kaya
nagkaroon ho kami ng pagkakataong magkakilala at
magkausap.

Hukom Pedreza : Makasining ka pala. Mahilig din ako sa sining. Ang pangangalap
at pag iipon ng mga antigong bagay. Iyon bang nga napag –
iiwanan na ng panahon at magagandang bagay. Iyan ang
libingan ko kapag ako ay walang ginawa rito sa bahay.
Nakikita mo ang mga iyan? (Ituturo ang mga antique sa
mesa).

Lucindo : Kanina ko po nga ho napapansin.


Hukom Pedreza : Nakikita mo ang mga santong iyon? Iyan ay noong
kapanahunan pa ng aking mga ninuno. Ang lamparang ito,
dinayo ko pa sa Sorsogon, sa bahay ng isang kaibigang kastila.
Ang pinta sa likuran mo ay regalo pa ng Lolo ko sa aking
abuwela.

Lucindo : Napakaganda ho!

Hukom Pedreza : Ang mga lumang bagay bukod sa mahahalaga at matitibay ay


nagtataglay ng buhay, panahon, ng karanasan , ng alaala.
Pambayan man o personal, na may kaugnayan sa bawat tao.

Lucindo : Kapansin – pansin ho ang maliit na kuwadrong ito. Anyigo rin ho


ba ito?

Hukom Pedreza : A, eh…Iyan?...


Ang Pagpapatambis
• Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idiyomang bukambibig ng

madla sa pagsasalita. Itoy maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang


tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning pambararila,
maaaring pinagtambal na dalawang salitang may kanikaniyang tanging sariling
kahulugan ngunit medaling mapapalitan ng nililikhang panibago o ikatlong
kahulugan.Tulad sa pag – unawa sa kahulugan ng tula, ang sawikain upang lubos
na maintindihan ang isang isinasaad na kahulugan ay kailangang basahin o
pakinggan sa pagitan ng mga linya. Ang papatambis o pagsasawikain ay isang
paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita.
Halimbawa:

1. Pinagtaasan ng kilay - Pinagtaasaan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang


ipagtapat niyang umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata. Ang pinagtaasan ng
kilay ay nangangahulagan ng hindi pagpansin o pinagsupladahan o minaliit siya dahil
sa hindi matanggap ng kaibigan na iibig siya sa isang binatang mahirap.

2. Masama ang tama; tambakan ng isang kilong pulbos ang mukha – Masama
ang kanyang tama sa nakasasayaw niyang halos tambakan ng isang kilong pulbos
ang mukha. Ibig sabihin, may gusto siya sa babaing makapal mag make – up.

3. Bantay kannto; mababaw ang ligaya. – kaming mga bantay - kanto ay


kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw ang aming kaligayahan.
Ipinakakahulugan nito na ang mga istambay ay kinaiinisan o kinayayamutan daw dahil
sa isang kahit hindi gaanong katawa – tawang bagay ay natutuwa na.
Pagtatayutay
Ang Pagtatayutay o paggamit ng matalinghagang
pagpapahayag, mula’t sapul, ay napapansin lamang
kapag nag – aaral ng tula at retorika. Ang tayutay ay
nagmula sa isang inspiradong imahinasyon na sa tulong
ng malawak na karanasan sa buhay, mayamang
bokabularyo, at maunlad na kasanayan sa pagsasalita,
kahit di na isipin pa, kusa itong pumipilantik sa dila.
Ang Mga Uri ng Tayutay
1. Simile o Pagtutulad – Itoy paghahambing ng dalawang magkaiba o di
magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atb. Sa hayagang pamamaraan.

Halimbawa:

a. Kabagut – bagot maging tao lamang sa kahariang Babel tulad ng


isang anghel naghahangad na maging Diyos sa impiyerno itinakwil.

b. Balahibuhin parang labong ang mga braso niya’t binti.


2. Metapora o Pagwawangis – Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad, nagkakaiba
lamang sa hindi na nito paggamit ng mga salita o pariralang pantulad sapagkat direkta
nang ipinaaangkin ang katangian ng timutularan.

Halimbawa:

a. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.

b. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo.


3. Personipikasyon o Pagbibigay – katauhan – Ginagamit ito para bigyang – buhay,
pagtaglayin ng katangiang pantao – talino, gawi, kilos, ang mga bagay na likas na
walang buhay.

Halimbawa:

a. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi. Bumubulong ng libong


himutok.

b. Sa Paglalakad ng buwan magbabago nang lahat ang takbo ng panahon.

c. Magmaktol man ang pag – ibig kung hindi bibigyang pansin tiyak na
magtitigil din.
4. Apostrope o Pagtawag – Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa isang taong
hindi kaharap, nasa malayo o kaya’y patay na.

Halimbawa:

a. Ano ka ba, O kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang walang


kabuluhan,…. Lakas ng kaloobang lumalaban sa mga katutubong
damdamin? Iba’t – ibang Sinulat.

b. Bukas ay iiwan naming ang Mediterano at papasok sa kanal. Paalam,


Europa! Pagsusulatan nina Rizal at Blumentritt
5. Pagtatanong – Ayon kay Federico B. Sebastian, “ang paraang ito ay higit na mabisa at
makapangyarihan kaysa karaniwang pagpapahayag” dahil ayon naman kay Rufino Alejandro, “hindi
nilalaman ng nagsasalita ang kasagutan”. Sa pamamagitan ng pagtatanong nailalahad ang katangian at
kapamiliang kasagutan kung matatanggap o hindi ang isang bagay.

Halimbawa:

a. saan…? b. itinulad kita sa

saan nangaroon santa dinambana,

ang mga Al Perez sinamba…

kahapon at ano’t bumaba ka

di pinamayani sa altar ng aking

ang katahimikang tiwala?

nayon?
6.Pag – uulit – Dagliang makikita ito sa saanmang bahagi ng mga taludtod o pangungusap
kapag ang unang titik o unang pantig ng bawat salita o kung ang isang salita ay makailang
beses na ginamit. Lima (5) ang uri nito.

a.Aliterasyon – kung ang unang titik o pantig ng mga salita ay pare – pareho.

Halimbawa:

1. Gumising ka giliw sa gitnang gabi gupli’y gustuti’t garampot ‘tang gintong


gunita’y gunamin.

2. Pawid man ang pugad ng pagsinta’t pangarap, kung pagtutuwangan ng


pag – iirugan sa pawisang palad, pangako’y kakamti’t Panginoo’y
papaya.
b. Anapora – “Pag – uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang sugnay ayon kay Rufino
Alejandro.
Halimbawa:

1. Panahon na upang ang diwa’y lumipad.

Panahon na upang ang puso’y tumigas.

Panahon na upang ang naipong lakas ay pahilag pusin at sayo ibagsak.

c. Anadiplosis – Ayon pa rin kay Rufino Alejandro, ang parehong salita ay ginagamit sa
unahan at sa hulihan ng magkasunod na sugnay.

Halimbawa:

1. Sa kaluwagan mo sa ‘king kagipitan, kagipitang minsan ay pinagpulusan…

2. Kamukha ng isang sagang walang mukha, kabila ay pula’t itim ang kabila;…
d. Epipora – Pag – uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud – sunod na taludtod,
ayon parin kay Rufino Alejandro.

Halimbawa:

1. Huwag nating tulutang maibagsak ng kaaway ang pamahalaan ng bayan,


tatag ng bayan at ukol sa bayan.

2. Pag – ibig!

Ikaw ang ligaya’t lungkot ng puso,

Pag – asa at kabiguan ng puso,

Buhay at kamatayn ng puso.

e. Empanodos o Pabalik na Pag – uulit – Bagama’t ito’y hindi na isinama ni R. Alejandro,


dito’y isinasama na dahil ito’y sadyang pag – uulit din, nga lamang, binabaliktad ang ayos ng
pahayag..

Halimabawa:

1. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.

2. Ang Diyos ang simula ng wakas at ang wakas ng simula.


7. Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole – Ito’y isang lagpas – lagpasang
pagpapasidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin, at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

a. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.

b. Sa sobrang problema namuting lahat ang buhok niya.


8. Paghihimig o Onomatopeya – Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kaahulugan.

Halimbawa:

a. Nakailang kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin.

b. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod sa ginaw.

9. Pag – uyam o Ironya – Sa tila namumuring pananalita pinaloob o pinahihiwatig


ang paglibak, pagtudyo o pagkutya. Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa
diin ng pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi.

Halimbawa:

a. Mahusay talagang magpalaki ng anak iyang mga magulang mo!


Nakaka – absent ka na sa klase, na sasagot – sagot mo pa sila!

b. Bilib ako sa tibay nng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura nalunok
mo.
10. Pagsusukdol o klaymaks – Dito’y pataas na pinagsusunud – sunod ang
kahalagahan ng mga salita o kaisipan mulang pinakamababang antas hanggang
pinakamataas.
Halimbawa:
a. pasaan na sa pagkakabugbog ang mga ulap sa alapaapan,
dughan na sa pagkakabugbog ng mga alon ang dalampasigan,
sumambulat na sa pagpuputukan ang mga dahon sa lansangan.
11. Antiklaymaks – Kabaliktaran ito ng nauuna. Sa halip na pataas, dito namn ay
pababa ang pagsunud – sunod ng kaisipan, mulang panlahat
hanggang ispesipik.
Halimbawa:
a. Ikaw’y sisilang. Sapagkat alam mo nadarama mo, nasasalat mo…
b. Ngunit kailangan mo ng katambal: kailangan mo ang katulong,
kawaksi, kaisa.
12. Pagdaramdam – Nagsasaad iito ng matitinding damdamin: pagsisisi,
panghihnayang, pagkalungkot, pagkapoot,kawalan, kabiguan, panaghoy,atb. Hindi
iniiwasan ditto ang tandang padamdam.

Halimbawa:

a. Hay…! Handog na walang kasintarik! Lugod ng dilang nakalawit!

b. Ay! Gaanong pagpapasakit para sa isang kabutihang medaling mawala!

Talaarawan ng mga Alaala ni Jose Rizal.


13. Pagtatambis o Oksimoron – Pinagsasama o pinag – uugnay rito ang dalawang
bagay na magkasalungat nang mangibabaw lalo ang katangiang ipinahahayag.
Halimbawa:
a. Paroo’t parit, papanhik – panaog, lalakad – hihinto, tatayo – uupo. Ang
pagkainip ay walang kasimbalintino.
b. Ang bayan ko ay lakas sa hina ang humigit kumulang na laya.”
Salamat At Ako’y Pilipino ni Jose M. Buhian.

14. Pagsalungat o Antitesis o Epigram – Pinagsasama rito ang magkasalungat na


salita o kaisipan, nagkakaiba lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa halip na pinag
– uugnay.
Halimbawa:
a. Lagi mong tandaan hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo sa
tagumpay dahil may tagumpay rin sa kabiguan.
b. ‘Layo ay lapit ng bundhi’t isip.” Jose. M. Buhain.
15. Pagpapalit – saklaw o senekdoke
May dalawang paraan ng pagbuo ng tayutay na ito.
A. Pabahagi – bahagi lamang ang binabanggit ay na babatid na ang
isinasaad ng kabuuan.
Halimbawa:
1. Ayoko nang Makita ang mukha mo sa pamamahay na ito.
2. Ama ko sa Iyong kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa.
B. Patukoy – kinatawan lamang ang tinutukoy upang mabatid ang
kabuuan.
Halimbawa:
1. Wala nang ibang magkakanulo pa sa bayan kundi isang Makabebe
lamang.
2. Ang mga Herodes noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
pinakamayayaman sa buong Asya sa kasalukuyan at tila
magiging Paladin pa yata ng Pilipino.
16. Pagpapalit – Tawag o Metonimiya – sa paraang ito ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy ay
hinahalinhinan o pinapalitan ng ibang katawagan, pero ang pinapalit ay may kaugnayan sa pinalitan.

Halimbawa:

1. Malakas na dagok sa kanyang dibdib ang pagka – matay ng


kanyang asawa’t mga anak sa Ormoc Tidal Wave.

2. Nagiging pulahan na ang iba nating kababayan.

17. Paglilipat – wika o Transferred Epithets – Tulad sa pagbibigay – katauhan na pinasasabagay ang
mga katangiang pantao, ngunit, sa halip na pandiwa ang ginagamit ay mga pang – uri , mga pang –
uring tanging sa tao lamang ginagamit.

Halimbawa:

1. Kay hinhin ng tubig sa batis.

2. Mahihiyaing mata subukin mong mangusap sa akin.


18. Pagtanggi o Parelepsis o Litotes – Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa akda ay
isang pagsalungat, pagpipigil o di – pagsang – ayon, ngunit ito’y pakunwari lamang, isang
kabaliktaran, sapagkat ang paghindi ay sadyang nagpapahiwatig ng pagtulot.

Halimbawa:

1. Hindi sa pinangungunahan kita, pero Malaki ka na, sana naman ay


tigilan mo na ang pagbabarkada.

2. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya lamang ay


bihira na ang nagtatagumpay na hindi nakapag – aral.

19. Pagsasalaysay o Prosopapoeia o Vision – Ito’y isang nasa pangkasalukuyang (ngayon


lamang akalang nagaganap habang isinasalaysay) pagkukuwento ng mga nagdaan na o hindi pa
man dumarating na mga pangyayari. Natural, ang mga pandiwang ginagamit dito ay pawing nasa
panahunang pangkasalukuyan.
Halimbawa:

1. Ganito ang drama ni Kikay sa pagkakatanggap niya ng liham


buhat sa kanyang asawa sa Saudi: Habang binabasa niya ang
sulat ay umiiyak iyak siya. Kung titingnan mo’y talagang
nakakabagbag at masasabing minnamahal talaga ang asawa .
May pahikbi – hikbi pa. Paminsan – minsan. Idinidiit sa
dibdib ang nabubura na yatang mga letra ng luha.

2. Bukas ay Biyernes na namn pala. Nakikinita ko na si Kkikay sa


kanyang asul na bestida. Nag- aabang. Lumilinga – linga sa
kinatatayuan. Pinakapipihong may susundo sa kanya.

20. Pagbibigay – aral (Parabola, Pabula o Alegorya) – Isang makalumang anyo anyo ito ng
pagtatalinghaga. Isang uri ng paglalahad na hanggang ngayon ay mabisa pa rin naman. Di –
tuwiran itong nangangaral, masa – matatanda o masa – kabataan. Ang paraang ito noong
rehimeng Marcos ay mabisang – bisa sa mga pitak ni Ninez Cacho Olivares, sa pagbubunyag
ng mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaaan.
Halimbawa:
a. Sa parabola – Ang Manghahasik at Ang Sampung Birhen
b. Sa pabula – Ang Unggoy at Ang Matsing at Ang Palakang Nangarap
Maging Baka.
c. Sa alegorya – Ang Noli Me Tangere at El Filibustirismo ni Jose Rizal ay
batbat nito. Gayundin ang Florante at Laura at Divina
Comedia.
21. Paglumanay o Eupemismo – Paraan itong pawang mga piling – pili, mabubuti at
magagaang pananalita ang ginagamit sa mahinong pagsasaabi, sa gayon, maaya at
bukal sa kalooban itong matanggap ng pagsasabihan.
Halimbawa:
1. Masarap ang patis. Tamang – tama sa nilaga mo, Pacing (pangalan ng
katulong). Sa palagay ko mas masarap pa ito kung ang patis ay
malapit dito.
2. Napakamaalalahanin mo. Iyan ang dahilan kung bakit gusto kitang
kaibigan. Siguro kung madalas pa ang paglalaro ng mga ngiti sa
pisngi mo, marami pang kaibigang lalayaw sa iyo.
Sanggunian:
Retorika: Pagbasa at Pagsulat
( Aklat ni “ Arogante )

You might also like