You are on page 1of 4

Kabanata 51: Mga Palitan at Pagbabago

Implikasyon:

Ang pananakot sa kapwa gamit ang pera o kayamanan ay panlalamang. Tinakot ni Donya
Victorina si Linares na ibubuking niya ito sa mga kasinungalingan na ginawa nila. Dahil naman sa
takot ni Linares, hindi niya alam ang kanyang mga gagawin kaya’t naisip niya na dahil wala
siyang pera, si Donya Victorina at Don Tiburcio ang pwede lamang niya malapitan. Kung minsan,
may mga taong mahirap pagkatiwalaan. Akala mo ay totoo sila sa harapan ngunit ginagamit ka
lang pala para lamang sa kanilang pansariling kapakanan. Katulad ni Donya Victorina, si Linares
ay lumapit sa kanya na humihingi ng tulong at akala din naman ni Linares na siya ay tutulungan
ngunit mayroon itong kapalit. Kinakailangan na sundin niya ang lahat ng utos na ibinigay sa
kanya ni Donya Victorina kung hindi ipapahamak siya at ipapahiya sa maraming tao.
Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari at totoo itong nangyayari sa ating buhay.

Kabanata 52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino


Implikasyon:
Ang panloloko sa kapwa at pagsisinungaling ay hindi tamang gawain. Si Lucas ay nanloloko
ng kapwa at ginagamit niya ang kaunting perang nakuha niya upang makipaghiganti rin kay
Crisostomo Ibarra samantalang si Elias nagsinungaling din siya sa mga guwardiya sibil at si Lucas
ang naging biktima ng kanyang panloloko. Nais ni Lucas maghiganti at gumagamit pa siya ng
ibang tao. Huwag ilagay ang batas sa ating kamay. Kung may mga taong nagkasala sa atin,
ipagpasaDiyos na lamang atin ito at hayaan ang batas ang pumatol sa kanila ngunit huwag
tayong papatay at mananakit dahil lamang may nagawang masama sa atin ang ibang tao. At ang
isa pa ay mahalagang gamitin ang utak at diskarte kung ikaw ay nasa kapahamakan,huwag
mawalan ng pag-asa kung nasa gitna ng kagipitan. Kung ikaw ay madiskarte malalampasam mo
kung anumang balakid katulad nalang ng ginawa nina Lucas at Elias.

Kabanata 53: Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw


Implikasyon:
Ang pananalita ng mga nakakatanda ay isang gintong aral para sa mga nakakabata. Si Don
Filipino ay laging humihingi ng payo kay Pilosopo Tasyo, saanman sila mag-usap laging may mga
tanong si Don Filipo na sinasagot ng matanda. Ngunit sa pagkakataong ito si Pilosopo Tasyo ay
mahina na ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng payo at ng gintong kaisipan. Si Don Filipo
ay labis nag-aalala kay Pilosopo Tasyo kaya tinanong niya ito kung kailangan niya ng gamot
ngunit isang napakaganda at napakalalim na pahayag ang sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo na
ang nangangailangan ng gamot ay ang hindi taong mamamatay ngunit kundi ang mga maiiwan.
Makikita natin dito ang gintong aral at kaisipan na taglay ng mga nakakatanda kaya hindi natin
dapat binabalewala ang kanilang mga sinasabi. Ang taong makabayan ay nagmamahal
hanggang sa kamatayan. Si Pilosopo Tasyo ay may labis na pagmamahal sa bayan kaya naman
kahit sa kanyang paghihingalo ay nandoon pa rin ang kanyang mga paalala para sa mga
nakakabata sa kanya . Labis ang kanyang pag-ibig sa bayan at ito ang nais niyang matutunan din
ng mga kabataan at ng mga susunod pang henerasyon.

Kabanata 54: Pagbubunyag


Implikasyon:
Walang lihim na di nabubunyag. Iyan ang katotohanan ng buhay na mag-ingat sa mga lihim
na tinatago natin dahil darating din ang panahon na malalaman ito ng ibang tao. Higit sa lahat
ang nakakaalam ng mga sikreto at mga lihim natin ay ang Panginoon. Ang galit ay nananatili
kung hindi natin ibibigay ang pagpapatawad sa ating kapwa. Ang pinakaepektibong paraan
upang maalis ang galit sa ating dibdib ay ang pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa atin.
Hangga’t hindi tayo nagpapatawad , hindi natin magagawa na maalis ang galit sa ating dibdib.
Ang kapatawaran ay nagpapabuti sa ating sarili at nagbibigay sa atin ng kaligayahan. Kapag
hindi tayo nagpatawad, tayo ay nagdurusa pa rin, napupuno ng sama ng loob, at may galit na
higit na nakakasakit sa atin kaysa sa nagkasala sa atin. Ang pagpapatawad ay nagpapalaya sa
atin upang mabuhay sa kasalukuyan at hindi sa ating nakaraan. Ang pagpapatawad ay
nagpapahintulot sa atin na magpatuloy sa buhay nang walang galit o paghihiganti sa ating puso.

Kabanata 55: Malaking Sakuna


Implikasyon:
May mga taong napapahamak dahil sa maling pagbibintang . Si Crisostomo Ibarra ay isang
patunay na talagang may mga tao na napapahamak dahil sila ay pinagbibintangan lamang.
Nakita natin kung kung paano naging maingat si Crisostomo Ibarra sa kanyang pakikitungo sa
lahat ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga tao pa rin na gumagawa ng paraan upang siya ay
siraan at pagbintangan. Dahil dito siya ay hinuli ng mga guwardiya sibil. Kahanga-hanga ang
taong tumutulong at nagmamalasakit pa rin sa kanyang kaaway. Napakahirap makisama ng
maayos sa iyong kaaway at ayon sa bibliya mahalin mo ang iyong kaaway. Si Crisostomo Ibarra
at si Elias ay nagkaroon ng mabuting pagkakaibigan bagama’t maikling panahon pa lamang ang
kanilang pinagsasama ngunit maayos lagi ang kanilang pag-uusap. Makikita natin dito na
talagang inaalagaaan at iniingatan ni Elias ang kanyang kaibigang si Crisostomo Ibarra sapagkat
naniniwala siya na ang binatang ito ang maaaring makatulong sa kanila upang mas maging
maayos ang kalagayan ng bansa. Ngunit mula sa lihim na kanyang natuklasan na ang kasawian
ng kanyang pamilya ay mula sa pamilya nina Crisostomo Ibarra. Maaaring isipin natin na sila ay
naging magkaaway ngunit napakagandang halimbawa ang ipinakita sa atin ni Elias.

Kabanata 56: Sabi-sabi at Kuro-kuro


Implikasyon:
Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Iyan ay isang kasabihan na madalas natin
marinig sa mga matatanda. Ibig sabihin maraming mga iba’t-ibang kwento at pangyayari ang
sinasabi ng mga tao at hindi mo naman alam kung ano ang sa mga ito ang dapat mong
paniwalaan. Kaya ang isang matinong tao ay hindi agad-agad naniniwala. Hindi lahat ng balita
ay dapat paniwalaan. Kung ikaw ay isang taong nag-iisip, hindi mo kaagad dapat patulan ang
anumang balita na iyong maririnig sapagkat maaaring ang ibang balita ay totoo at ang ilan ay
hindi. Ngunit kung hindi naman tayo dapat makialam pa ay huwag na tayong makisali pa
sapagkat mas magulo pa ito sa tunay na sitwasyon. Ang pinakamaganda dito ay hindi tayo
dapat agad agad maniniwala sa anumang balita na ating naririnig lalo na sa mga “tsismis” na
kumakalat sa ating kapaligiran. Ang mga taong nanahimik, iyan ang mga taong napapalayo sa
mga kaguluhan.

Kabanata 57: Vae Victis! (Magdusa ang mga Nalupig!)


Implikasyon:
Ang pagpaparusa sa mga taong nahuli noong unang panahon ay pangkaraniwan na lamang.
Sinuman ang taong hulihin ng may kapangyarihan o mga taong namumuno sa pamahalaan ay
agad agad napaparusahan. Makikita natin dito na wala pang sapat na imbestigasyon na
nangyayari ay talagang napaparusahan na ng sobra ang mga nahuli. Ang labis na kalupitan ay
hindi makatwiran. Kung ating susuriin labis ang pahirap na dinanas ni Narsilo maging ng iba
pang mga nahuling biktima. Sinabi na sila ay nagkagulo at ito ay isang malaking kasalanan
sapagkat nagdala sila ng takot sa maraming tao at pangamba ngunit kung ating susuriin pwede
naman silang ikulong na lamang muna at hintayin ang tamang imbestigasyon. Ngunit ang
nangyari ilan na sa kanila ang patay at si Narsilo ay talagang unti unting pinatay. Napakalupit ng
parusang ibinigay sa kanila, maaari nating sabihin na sila ay nagkasala ngunit mayroon namang
tamang parusa na dapat sana ay ibinigay sa mga taong ito. Kaya kung minsan ang
pagmamalabis sa kapangyarihan ay talagang nagtutululak sa isang tao sa mas mahigit pang
kalupitan.
Kabanata 58: Isinumpa
Implikasyon:
Ang pamilya at kaibigan ay karamay natin sa anumang hamon ng buhay . Sa kabanatang ito,
ito ay kawalan para kay Crisostomo Ibarra sapagkat wala siyang pamilya at kaibigan na dapat
sana ay karamay niya sa ganitong sitwasyon. Kahanga-hanga ang taong mas inaalala pa ang
sitwasyon ng iba kaysa sa kalagayan niya. Iyan si Crisostomo Ibarra habang ang lahat ng tao ay
galit na galit sa kanya at sinasabihan ng hindi magagandang salita. Sa mga pagkakataong iyon,
ang iniisip pa rin niya ay hindi kanyang sarili, ang naiisip niya ay ang dinanas na problema o
mahirap na karanasan ng pamilya ni Elias. Makikita natin dito na si Crisostomo Ibarra ay hindi
talaga makasarili. Hindi sarili niya ang kanyang iniisip kundi ang sitwasyon o naging kalagayan
ng ibang tao kaya’t siya ay isang magandang halimbawa.
Kabanata 59: Pambayan at mga Pansariling Kapakanan
Implikasyon:
Hindi lahat ng balita ay dapat paniwalaan. Sa kabanatang ito ay maraming mga bali-balita
ang patuloy na kumakalat at ito ay nagdadala rin ng takot sa maraming tao. Ang pagkalat ng
balitang walang basehan ay hindi makakatulong sa paglabas ng katotohanan. Marami mga iba’t-
ibang palagay at balita na kumakalat sa paligid. Maaaring ang iba ay totoo at ilan ay hindi ngunit
wala sila tunay na basehan sa tunay na nangyari kaya’t ang katotohanan tungkol sa anong
nangyari kay Crisostomo Ibarra at sa iba pang mga pangyayari sa kapaligiran ay hindi mabigyan
ng lunas.

You might also like