You are on page 1of 3

Activity 11: Ang himagsikan /Rebolusyong Pilipino

Subject: Bonifacio and Katipunan Movement

1. Bakit hindi ginusto ni Jose Rizal na tumakas at sumali sa


katipunan para sa napipitong pag-aaklas? Ipaliwanag.
 Hindi ginusto ni Jose Rizal na tumakas at sumali sa
katipunan sapagkat alam niyang hindi pa handa ang mga
mamamayang Pilipino para sa isang digmaan o himagsikan
laban sa mga Kastila. Isa pa ay walang sapat na sandata o
armas upang tuluyang maillunsad ang isang himagsikan.

 Hindi niya nais na tumakas dahil nakapagbigay siya ng


pangako sa pamahalaan ng kastila at ito’y ayaw niiyang
sirain. Nagbigay lamang siya ng suhestiyon na hikayatin
ang mamamayang Pilipino na maglikom ng pondo para sa
mga sandata na maaaring gamitin para sa napipintong
himagsikan.

2. Ano ang sedula o cedula at ano ang gamit nito noong


araw at gamit nito ngayon? Paghambingin.
 Ang sedula ay isa sa mga uri ng dokumento na nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang mamamayan. Noong araw ang
sedula ay ginamit bilang pagtaliwas sa pamunuan ng
Espanya nang sabay-sabay itong pinunit ng mga
Katipunero. Sa panahon ngayon, ang sedula ay ginagamit
bilang isang ssertipiko sa buwis ng mga mamamayan o ng
isang korporasyon.

3. Ano ang dahilan at iminungkahi ni Rizal ang isang opisyal


ng sandatahan na si Antonio Luna? Isalaysay.
 Iminungkahi ni Jose Rizal si Antonio Luna bilang kalihim ng
digmaan ng Katipunan kung sakali man na pumutok ang

1|Page
isang himagsikan laban sa mga Kastila. Iminungkahi ni
Rizal dahil si Antonio Luna ay isang opisyales ng
sandatahan, alam niyang maaasahan niya ito sa panahon
na magkaroon nng digmaan at mabibigay nito ang
matinding suporta at tulong para sa mga Pilipino. Isa pa
alam ni Rizal na si Antonio Luna ay may sapat na
kaalaman at kakayahan sa mga digmaan.

4. Sa paanong paraan nabunyag ang lihim na himagsikan ng


mga Katipunero?
 Nabunyag ang lihim na himagsikan ng mga Katipunero
dahil sa alitan ukol sa sahod ng dalawang Katipunero na
sina Teodoro Patino na isang typesetter sa imprentahan ng
Diario sa Maynila at si Apolonio dela Cruz na siya namang
katiwala. Dahil sa galit at kagustuhan na makaganti ay
naibunyag ang lihim na lipunan sa kapatid ni Patino, na
ininuwento nito sa madre superior ng ampunan na si Sor
Teresa de Jesus. Nang malaman ang lihim ay agad
ipinatawag si Patino upang mangumpisal at sabihin ang
lahat ng nalalaman kay Padre Mariano Gil. Bunga ng
malaman lahat ni Padre Mariano Gil ang lahat, sila ay
nagtungo sa local na otoridad na kastila sa imprentahan ng
Diarrio at doon nga natagpuan ang mga ebidensya.

5. Sa tatlong bersyon ng pagkakatuklas na binasa niyo, sino


o kaninong bersyon ang sa palagay nyo ang tama?
Dipensahan ang sagot.
 Sa mga bersyon na aking nabasa, ang bersyon ni Teodoro
Patino dahil hindi na bago sa tao ang paninira mabunyag
man ang mga bagay na nararapat na manatiling lihim
lamang. Mas tama ang bersyon ni Teodoro dahil sabihin na
natin na ang galit ay maraming naidudulot hindi maganda
kasama na ditto ang paninira sa isang tao. Gamit ang
pangungumpisal ni Teodoro ay siya ngang tuluyang
pagkakatuklas ng samahan, sapagkat ang kumpisal ay

2|Page
isang sagradong Gawain na hindi dapat pagsinungalingan
kung kaya’t sa bersyon ni Teodoro ang mas angkop na
dahilan nang pagkakatuklas sa samahan.

3|Page

You might also like