Professional Documents
Culture Documents
Rizal: Taong 1886 nang mapagpasyahan kong sumulat ng isang obrang magmumulat at magbibigay
ng kaliwanagan sa mga pilipinong bulag sa pang-aalipin ng mga mapansamantalang kastila. Ang
mga kastilang walang ibang nais kundi ang alipinin,alipustahin at nakawin ang kayamanan ng aking
minamahal na bansa, ang Pilipinas.
Ibarra: Kumusta mga minamahal kong kababayan? Hayaan ninyong magpakilala ako , ako si Juan
crisostomo Ibarra Y magsalin , nag-aral ako sa europa ng pitong taon iniwan ko ang aking minamahal
na si Maria Clara dahil ang akala ko ay ang edukasyon na aking matatamo ay sapat na upang
matulungan ang aking bayan ngunit sa pagbalik ko sa aking inang bayan ay nasira ang lahat ng
aking mga pangarap.
Elias: Ako ang piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga suliranin nito. Ibinuwis ko ang aking sariling buhay para sa ikabubuti ng aking bayan, sa inyong
mga kabataan nakasalalay ang ikabubuti at ikauunlad ng hinaharap huwag niyo sanang lilimutan ang
aming pangarap.
Maria Clara: Sinasabi ng karamihan na bulaklak daw ang aking kagandahan ngunit ang hindi nila
alam ay may mahiwagang lihim na bumabalot sa aking katauhan , lumaki ako sa beateryo at ang
taong mapagkakatiwalaan ko lang ay si Crisostomo na aking kababata at kaisa isang lalaking
nagmamay-ari ng aking puso.
Pilosopo tasyo; Maaaring sa isang galaw lamang ng daliri ng inyong ginagalang na prayle ay
maubos ang inyong dakilang pagsisikap. Ako ang naging tagapayo ni ibarra sa mga desisyon niya.
ako ay isang edukado ngunit sa dami ng aking alam ako ay hindi pinaniniwalaan ng iba.
Tiya Isabel:Ako na ang nag-alaga kay maria clara noong naulila na siya sa kanyang ina. Pinalaki ko
siya na mapagmahal at may takot sa diyos. Minahal ko si maria clara na parang tunay kong anak.
Padre Salvi: Ako ang pumalit kay padre damaso sa San diego mortal na kaaway ng alperes , lingid
sa kaalaman ng lahat ay may lihim akong pagtatangi kay Maria Clara
Padre sybila: Ako si padre sybila isang paring dominiko , lihim kong sinusubaybayan ang mga kilos
ni Ibarra at inuulat sa reberendo , ito ang aking misyon. Nag aalala ako dahil unti unting natututo at
namumulat ang mga indio sa kalagayan ng kanilang bayan.
Crispin: Tulungan niyo ako, gusto ko ng umuwi kay ina , pinagbintangan nila akong magnanakaw
pero maniwala kayo hindi ako magnanakaw, wala akong ninanakaw! Kung nandito lang si Ina ay
hindi niya hahayaang saktan at pagbintangan ako, nandiyan na sila!
Basilio: Nakita niyo ba ang kapatid kong si Crispin? Ako ang kanyang nakatatandang kapatid, hindi
ko hahayaang may mangyaring masama kay crispin kaya kailangan ko siyang mahanap. Panigurado
ay nag-aalala na si Ina sa amin , ang aking ama? Wala siyang ibang ginawa kung hindi saktan si Ina
para saakin ay matagal na siyang patay.
Sisa: May asawa ako ang pangalan niya ay pedro , sinasaktan niya ako hahaha alam mo ba
mayroon din akong dalawang anak ang pangalan nila ay crispin at basilio , nawawala sila alam mo ba
kung nasaan sila? Narinig mo ba yun ? Itago mo ko kukunin nila ako
Linares: AkO ang malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan sa inaanak ni padre damaso ,
nakatapos ako ng abogasya sa universidad central. Ako ang napili ni padre damaso na para
mapangasawa ni Maria Clara.
Tiburcio: Ako si don tiburcio de espedana , asawa ni Victorina .. Sa kasamaang palad. Ako ay isang
doktor yan ang pagkakaalam ng lahat ngunit may sikreto ako na kaming dalawa ni Victorina ang
nakakaalam
Donya Victorina: Ola , mi ombre es elmundo victorina delos reyes de espedana mi esposo Don
Tiburcio de espedana. Sandali hindi niyo pala ako naiintindihan mga mangmang na indio hahaha ako
si donya victorina delosreyes de espedana ang asawa ni don tiburcio de espedana , magbigay
galang kayo mga hampaslupang indio , napakainit dito ! Ayoko dito!
Alperes: Ako ang Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa sandiego. Ang kurang iyon akala
mo kung sino siya samantalang ang alam lamang niyang gawin ay humawak sa kanyang rosaryo at
magnobena sa simbahan. Ang aking asawa na talaga namang aking pinagsisisihan , si Consolacion ,
kapag hindi talaga tumigil sa kakadada ang babaing yun siya ang ikukulong ko sa kwartel kasama
ang mga preso!
Donya Consolacion: Bakit hindi kayo nagbibigay galang? Hindi niyo ba ako nakikilala ang musa ng
gwardiya sibil ay hindi ninyo kilala? Aba mga hampaslupang indio hindi porket kasamahan ko kayo sa
labada ay pwede niyo na akong tratuhin tulad ng dati , ako na ang asawa ng alperes at isa na akong
donya , lumalantad sa katauhan ko ang kolonyal na pag-iisip ng mga pilipino tulad ng ibang
kababaihan ngayon akala nila ay karugtong sila ng prusisyon at kapangyarihan ng kanilang asawa
bilang resulta pakiramdam nila ay superior sila sa iba
PAGSASADULA
Unang senaryo
Kapitan Tiyago: Ikinagagalak kong makita kang muli Ibarra, marahil ay nasasabik kana na makita si
Maria Clara. Maya maya lamang ay narito na siya kasama ang tiyahin niya na si Isabel.
Maria Clara: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa
bansang pinuntahan mo.
Crisostomo Ibarra: Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip!
Maria Clara: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na
naglalaro tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita
makalimutan Crisostomo!
Maria Clara: ikaw lang ibarra ang nagmamay-ari sa aking puso at walang makakapalit sayo nino
man.
Crisostomo: at ikaw maria clara ang bulaklak na nagbibigay bango sa aking puso at liwanag sa
aking madilim na landas.
Padre Damaso: Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa
Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta! Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong
isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan….tama lamang na siya’y
pinarusahan na mamatay sa kulungan
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng
aking ama!
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si
Padre Damaso.
Pilosopo tasyo: Ibarra tandaan mo na sa panahon na ito ang karunungan ay kamatayan kailangan
mo ng lakas ng loob upang ikaw ay magtagumpay. Mabigo ka man at para ka paring nagtagumpay.
Ikalawang Senaryo
VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang
maganda!
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
Ikatlong Senaryo
(masayang papasok ang mag-inang sina sisa pagpunta sa harapan ay tataas ang kurtina sisigaw si
crispin kasabay nito ang pagtawag ni basilio sa Ina)
Sisa: Mga anak? Basilio, Crispin? Nasaan ang mga anak ko? Crispin, crispin hindi niya magagawa
ang magnakaw. hindi magnanakaw ang mga anak ko 2x (pabulong na palakas, tatawa bigla) ang
mga magnanakaw kong anak! Ako ang ina ng mga magnanakaw! (sasayaw papunta sa pwesto)
Rizal: Sa pagtatapos ng obrang ito, inaasahan kong ang mensahe nito ay patuloy na mabuhay at
mag-apoy sa puso at diwa ng mga bagong henerasyon ng pilipino. Nasa inyong mga kamay ang susi
sa pag-unlad at kalayaan ng ating bansang Pilipinas