You are on page 1of 6

Ang Angkan ni Elias

Tagapagsalaysay: Habang namamangka sa lawa, isinalaysay ni Elias kay Ibarra ang


kanyang buhay.
Elias: Anim na pung taon ang nakakaraan nang maglingkod ang aking nunong lalaki sa
bahay ng isang mangangalakal na kastila bilang isang tenedor de libros o accountant.
Siyay may asawa at isang anak na lalaki.
Tagapagsalaysay: (Nasusunog na bahay) Isang gabi, sa di malamang sanhi, nagliyab
ang bahay-kalakal, ang sunog ay kumalat at abo nalang ang natira.
Mamamayan 1: Tingnan ninyo lumiliyab ang bahay-kalakal!
Mamamayan 2 & 3: tumawag kayo ng guardia Civil!
Guardia Civil 1: Sino ang saksi sa sunog na naganap?
Mamamayan 3: Hindi po namin alam.
Guardia Civil 2: Kailangang mahanap ang may sala.
Mamamayan 2: May nakita po akong lalaki kanina na kagagaling sa loob ng bahaykalakal bago mangyari ang pagsunog. Marahil siya ang may sala.
Guardia Civil 3: Ituro mo sa amin ang bahay ng taong tinutukoy mo.
Elias: Ang sunog ay nakatupok ng malaking halaga. Hinanap ang may sala at ang aking
nunong lalaki ang siyang isinakdal.
(Dumating ang mga Guardia Civil sa bahay ng may sala)
Babaeng Nuno: Ano po ang kailangan ninyo mga Ginoo?
Guardia Civil 1: Nasaan ang asawa mo?
Babaeng Nuno: Nasa loob po. Ano po ba ang kailangan ninyo?
Guardia Civil 2: Siya ang may sala sa pagkasunog ng bahay-kalakal kagabi.
Guardia Civil 3: Kailangan naming siyang hulihin at managot sa kasalanang kanyang
ginawa.
(Pinasok ang bahay at kinaladkad ang lalaking nuno.)
Lalaking Nuno: Wala po akong kasalanan!
Babaeng Nuno: (Umiiyak). Hahanap tayo ng paraan asawa ko, huwag kang mag-alala.
Lalaking Nuno: (Hinawakan ang kamay ng asawa). Saan tayo kukuha ng pera? Mahirap
lamang tayo, walang maipambayad.

Babaeng Nuno: Ngunit


Lalaking Nuno: Wala na tayong magagawa asawa ko.
Tagapagsalaysay: At dahil silay maralita lamang, wala silang nakuhang abogado o
manananggol. Kaya nahatulan siyang paluin sa mga hayag na lansangan ng Maynila.
Habang ang kanyang asawang nagdadalangtao ay namalimos ngunit walang nahabag.
( Kinaladkad at pinalo ang lalaking nuno. Nahimatay ito at pinalaya.)
Guardia civil 1: Marahil ay patay na siguro ang isang ito.
Guardia Civil 2: Kalagan na iyan at palayain. Naipataw na rin naman ang dapat na
parusa para sa kanya.
( Ang asawa naman ng lalaking nuno ay nanlilimos.)
Babaeng Nuno: Maawa kayo. Tulungan niyo po ako.
Elias: Nang himatayin ang aking nuno sa sakit ng palo, kinalagan at pinalaya siya.
Nang gumaling ang mga sugat ng aking nuno ay namundok sila. Doon isinilang ng
asawa ang sanggol na namatay dahil naging sakitin ito.
Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang buwan sariwa pa rin sa isipan ng lalaking nuno
ang sinapit niya sa kamay ng mga Guardia Civil. Maging ang pagkamatay ng kanyang
anak.
Lalaking Nuno: (Umiiyak na parang mababaliw). Wala akong kasalanan! Hindi ako ang
may sala! Wala akong ginawa! (Tatawa na parang baliw) anak ko bakit mo kami iniwan?
Tagapagsalaysay: (Nagbigti ang Lalaking Nuno sa puno) At dahil sa trahedyang
nangyari at sa matinding kasawian na naranasan ng kanyang Nuno ito ay nagbigti.
Babaeng Nuno: (Humagulgol ng iyak!). Wala na ang asawa ko!
( Pumunta sa bahay ng babaeng nuno ang mga guardia civil)
Guardia Civil 1: Kailangan mong sumama sa amin!
Babaeng nuno: Bakit po? Wala po akong ginagawang masama.
Guardia Civil 2: Dahil sa hindi mo pagbibigay alam sa kinauukulan ang tungkol sa
pagpapakamatay ng iyong asawa ay kailangan mong managot at makulong.
Tagapagsalaysay: (Nakulong ang Babaeng Nuno). Nakulong at isinakdal ang kanyang
Nunong babae ng nagdadalangtao at naparusahan sa salang di pagbibigay alam sa
kinauukulan ang tungkul sa pagpapakamatay ng asawa. Pagkaraan ng dalawang
buwan nagsilang ang asawa ng isang malusog na lalaking sanggol, noong siyay
pinaparusahan. Ang Nuno niyang babae kasama ang dalawang anak ay lumipat sa
ibang lalawigan, doon sila namuhay na iniismiran ng mga tao.

Babaeng Nuno: Huwag niyo nang pansinin ang mga taong iyan mga anak, halina kayo,
pabayaan niyo sila!
Magkapatid: (Sinunod ang utos ng ina)
Elias: (Gumanti ang panganay). Nang magbinata ang magkapatid ang panganay, ay
nanulisan at gumanti sa lipunang umapi sa kanila. Nakilala siya sa tawag na Balat. Ang
nakababatang kapatid ay nakilala naman sa tawag na anak ng kanyang ina dahil sa
mabuting pag-uugali.
( nagnakaw si Balat. Tumakbo palabas ng bahay)
Mamamayan 1 2 3: magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw! Tulungan niyo po kami.
Guardia Civil 1 2 3: (Tumakbo at hinabol ang tulisan)
Guardia Civil: Tumigil ka! ( nagpaputok ng baril)
( tumigil si balat)
Guardia Civil 1: Itaas mo ang iyong kamay! ( nahuli si Balat. Ibinitay at iniligay sa isang
buslo ang ulo ni Balat sa kagubatan)
Tagapagsalaysay: Isang umaga ang ina nila ay naghahanap ng makakain sa gubat.
Habang kasalukuyan siyang naglalakad ay napatungo siya sa isang parte ng gubat
kung saan naroon ang ulo ng kanyang anak na nka lagay sa isang buslo na nakasabit
sa isang punong-kahoy.
Ina: ang anak ko! (umiiyak) ano ang ginawa nila sa iyo? ( inatake sa puso at namatay)
Tagapagsalaysay: Sa kabilang banda ang bunsong anak naman ay nagtungo sa
kagubatan upang hanapin ang kanyang ina. Bangkay na ang kanyang ina ng itoy
matagpuan niya. Samantalang ang duguang ulo naman ni Balat ay nakasabit sa
punong-kahoy.
Bunso: Inay! Manong! Sino ang may gawa nito sa inyo? Bakit ninyo ako iniwan?
(umiiyak)
Tagapagsalaysay: Matapos magluksa ng nakababatang kapatid ay naghanap siya ng
trabaho.
Nakababatang kapatid: (Naghahanap ng trabaho). Maari po ba akong mamasukan sa
inyo?
Mayaman sa Tayabas: Nakikita ko namang masipag at mabait ka kaya pwede k nang
magtrabaho ditto.
Elias: Naglagalag ang nakababatang kapatid at namasukan bilang isang manggawa sa
isang mayaman sa Tayabas. Sapagkat siya ay mabait, matipid at masipag at
kinagiliwan siya ng lahat.

Tagapagsalaysay: Umibig siya sa isang dalaga ngunit natakot siyang mamanhikan.


Nangibabaw ang pag-ibig. Upang maitayo ang karangalan ng dalaga napilitan siyang
hingin ang kamay ng minamahal. (Masamang tao ang kanyang kapatid) Humingi ng
katibayan ang ama ng dalaga kayat natuklasan ang kanyang lihim at ipinabilanggo
siya. Ngunit buntis na ang dalaga at hindi na muling nakita pa ang lalaki.
(nanganganak ang babae)
Elias: Ang babae naman ay nagsilang ng kambal; isang babae at isang lalaki. Palibhasa
mayaman ang mga Nuno (Pamilya ng Babae). Nang lumaki ang kambal ipinasok sa
paaralan ng Heswita ang lalaki at La Concordia naman ang babae. Nang magbinata at
magdalaga sila, umuwi na sila sa lalawigan. Doon nakagalit ng binate ang isang
malayong kamag-anak na siyang nagbunyag ng lihim ng kanilang buhay na ang kanila
palang utusan ay kanilang ama. Nilisan nila ang bayan at nanirahan sa ibang pook.
Hindi natuloy ang kasal ng kapatid niyang dalaga sa kasintahan nito.
Elisa: Kuya Elias Malapit na nga pala kaming ikasal ng aking kasintahan. Napakasaya
ko at magkakaroon na rin ako ng sariling pamilya.
Elias: Masaya ako para sayo mahal kong kapatid.
Elisa: Maraming salamat kuya.
(lumabas ng bahay si Elias at nakita ang isang malayong kamag-anak.)
Kamag-anak: Oh! Elias. Napakarangya na pala ng inyong buhay. Bakit naisipan pa
ninyong bumalik?
Elias: Hindi naman po masyadong marangya ang aming pamumuhay tiya, at kaya po
kami bumalik upang dito na rin makapamuhay ng maayos.
Kamag-anak: Talaga?! Napakayabang mo naman. Hindi porket nakapag-aral ka ay
ganyan ka na makitungo. Aba! Aba! Aba! Alam mo bang ang utusan niyo ay ang
mismong ama niyong matagal niyo ng hindi nakita?
Elias: (nagulat) Hindi maaari. (pumasok ang magkapatid sa bahay. Kinausap ang ama.)
Elias: Totoo ba na kayo ang aming ama?
Elisa: (nagulat din) Bakit hindi ninyo sinabi sa amin? Buong buhay namin ang akala
namin ay patay na kayo.
Itay: Oo, ako ang ama ninyo. Patawarin ninyo ako kung inilihim ko ang lahat sa inyo.
Elias: Gusto naming marinig ang inyong paliwanag.
Itay: Ako ay ipinabilanggo ng ama ng inyong ina dahil sa natuklasan niya na ang kapatid
ko ay isang tulisan. Himdi niya nagustuhan iyon kaya ng makulong ako ay naghiwalay
kami ng inyong ina at hindi na muling nagkita. Noon nakalaya na ako ay bumalik ako
dito upang balikan kayo ngunit kayo ay nag-aaral sa malayong lugar. Nagkita kami ng

inyong nuno at pinagsabihan ako na huwag na kayong gambalain pa. ngunit hindi ako
pumayag at nakipagsundo ako sa kanya. Namasukan ako bilang utusan ninyo upang
kayo ay makasama ngunit ang kapalit nito ay ang hindi pagsabi sa inyo na ako ang
inyong ama.
Elisa: Patawad at hindi naming alam iyon. Matagal naming inasam na magkaroon ng
isang ama. Napakasaya naming at saw akas ay buhay kayo at makakapiling na namin
kayo.
(nagyakapan silang tatlo)
Tagapagsalaysay: Nagkasakit ang kanilang minamahal na ama.
(Nakahiga ang ama ngunit patay na)
Elias: Itay bumangon nap o kayo ang kakain na.
(hindi sumagot ang ama)
Elias: Elisa tawagin mo na nga ang itay.
Elisa: (pumasok sa kwarto) Itay bangon nap o. ( habang niyuyugyog) Itay! Itay!
(umiiyak) Kuya si itay wala na!
Tagapagsalaysay: Iniluha ng kambal ang pagkamatay niya.
Tagapagsalaysay: Isang araw, nawala ang kapatid na babae. Pagkaraan ng anim na
buwan nakita siya ngunit bangkay na ito.
Elias: (umiiyak) Bakit? Bakit nangyari ito sa iyo? Sino ang may gawa nito sa iyo?!
Magbabayad ang sinumang may gawa nito. Pangako!
Tagapagsalaysay:Ang lalaki sa kambal ay walang iba kundi di si Elias. Matapos
isalaysay ni Elias ang kanyang buhay, muling inungkat nito ang hinihiling na
pagbabago.
Ibarra: May katwiran kayong ang pamahalaan ay dapat magbigay ng ganting pala sa
mabubuti at magturo naman sa mga nagkakasala. Subalit ang kagustuhan natin ay
mawawalan lamang ng saysay. Kailangang tayo ay maghintay.
Elias: Kung tayoy panigan ng bayan? Hindi mangyayari iyan. Alang-alang sa bayan,
akoy nagtatayo ng paaralan sapagkat nasa karunungan ang kaniyang pagsulong. Kung
walang liwanag ay walang landas. Kung walang pagtutunggali ay walang kalayaan.
Ibarra: Tutol ako sa ganyang kalayaan. Kung walang kalayaan ay walang liwanag.
Hindi ninyo nakikita ang nagbabantang dilim. Sa sandaling dumating ang unos sa lupa,
itoy magdaranak ng dugo. Ang sama ay di magagamot ng kapwa sama, ang kasawiang
dinaranas ng bayan ay kasalanan ng lahat.
Elias: Walang patutunguhan ang argumentong ito ginoo.

Tagapagsalaysay: Ang Bangka ay isinadsad ni Elias at nagpaalam kay Ibarra.


Elias: Salamat sa inyong pagpapaunlak. Alang-alang sa inyong kabutihan, ay limutin na
ninyo ako. At kung sa ibang kalagayan ay magkita tayo, huwag n asana ninyo akong
babatiin.
Tagapagsalaysay: Pagkasabi niyon, pinalakad nito ang Bangka at tinungo ang isang
malapit na baybaying makahoy.

Mga Tauhan (Kasalukuyan)


Elias: Escosura, Mary Beth
Ibarra: Mahinay, Dexter
Mga Tauhan (Nakaraan/Throwback)
Mamamayan 1: Daanoy, Agape Jane
Mamamayan 2: Britanico, Shara Mae
Mamamayan 3/Mayaman sa Tayabas: Paragoso, Nere Jane
Guardia civil 1: Gadiale, Devralyn
Guardia Civil 2: Saudo, Aileen
Guardia Civil 3: Escolano, Eunice
Lalaking Nuno/Elias: Gelogo, Judy An
Babaeng Nuno: Villa Juan, Jely
Balat/Elisa: Tampe, Devie Joy
Bunso na lalaki/Ama ng kambal: Ruelan, Michelle Claire
Ina ng kambal: Jallorina, Vanessa joy
Tagapagsalaysay: Alvarado, Elve

You might also like