You are on page 1of 13

Noli Me Tangere (script)

I. Unang tagpo – loob ng isang marangyang bahay (Kabanata 1-3)


*Nagkakasiyahang mga tao*
*CLASSICAL SONG*

PROLOGO: Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiyago- maliwanag ang mga ilaw at


sumasabay sa magagandang tugtugin ng orchestra ang kalansingan ng mga
kubyertos at pinggan.

Isang Malaki at nagaganyakang mesa ang nasa gitna ng bulwagan. May mga
antique na paintings sa dingding. Nagsisikip ang bulwagan sa bisita. Hiwalay ang
grupo ng mga babae at lalaki.

*Si Tiya Isabel ang sumasalubong sa mga bisita.

Narrator: Halos lahat ng tao ay nais makadalo sa inihandang hapunan ni Kapitan


Tiago para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra na papakasalan ng kanyang anak na
si Maria Clara. Sa handaang ito ay matatagpuan ang ilan sa mga pangunahing
panauhin na sina Tenyente Guevarra, Padre Damaso, Padre Sibyla, mag-asawang
Dona Victorina at Don Tiburcio at marami pang kilalang tao sa lipunan.

Kapitan Tiago: Magandang gabi sainyo mga padre (hahalik sa kamay ng mga pari),
gayundin sa inyo mga ginoo at binibini. Ikinararangal kong ipakilala sa inyo ang anak ng
namatay kong kaibigan at ang aking mamanuganging si Don Crisostomo Ibarra na
kakarating lamang galing Europa.

Ibarra: Ikinararangal kong Makita kayong lahat.

*Napansin ni Ibarra ang isa sa mga panauhin na si Padre Damaso kaya agad niya
itong nilapitan at binati.

Ibarra: A, siya ang kura ng aming bayan. Matalik na kaibigan ng aking ama si Padre
Damaso.

Padre Damaso: Hindi ka nagkakamali, ngunit…kailanma’y hindi ko naging kaibigan ang


iyong ama!

*sabay alok ng kamay ni Ibarra upang makipag-kamay*

*Halata sa mukha ni Ibarra ang pagkagalak ngunit kabaliktaran naman nito ang
reaksisyon ni Padre Damaso. Hindi man lang ito gumalaw sakanyang pagkakaupo at tila
wala itong narining. Sa huli ay nanatilingmahinahon si Ibarra at nanaig pa din ang
kanyang pagtitimpi.
Narrator: Nagpatuloy ang kasiyahan sa inihandang hapunan ni kapitan tiago at
patuloy ang pakikipagusap sa kanya (uupo na si Ibarra sa hapag) ng mga bisita
ukol sa kanyang mga karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang mga bansa.

Papasok sina Donya Victorina at Don Tiburcio at ang iba pang bisita.
Mayayapakan ni Tenyente Guevarra ang saya nito dahilan upang ito ay magalit.

-K U R T I N A -

II. Ikalawang tagpo – Labas ng bahay ni kapitan tiago


Narrator: Nang umalis si Ibarra sa kainang hinanda ni Kapitan Tiago ay patuloy
lang itong naglakad hanggang sa narating niya ang Liwasang Binondo na wala
paring pagbabago nang siya ay umalis.

*Dumating si Tenyente Guevarra*


*Hinawakan niya sa balikat ang binata*

Tenyente: Ginoo, nawa’y magiingat kayo upang hindi kayo matulad sa inyog ama.

Ibarra: Mukhang kilala niyo ang aking ama. Maaari mo bang ilahad ang totoong nangyari
sa aking ama?

Tenyente: Batid na ng lahat ang nangyari. Namatay siya sa billanguan.

Ibarra: Ang ama ko? Namatay sa billanguan? Nakulong siya? Paano? Bakit? Kilala niyo
ba talaga ang aking ama?

Tenyente: Opo ginoo. Ang inyong ama ay si Rafael Ibarra.

:Sa panahon ng iyong ama noon, ang mga mabubuting tao ay hindi nagtatagal
at nagkakaroon ng madaming kaaway kagay ng iyong ama.

: Nagkaroon din ng samaan ng loob ang iyong ama at si Padre Damaso kaya
lagging pinagbibintangan ni Padre Damaso ang iyong ama at lagi din nitong binabanggit
ang kasamaan ng ama mo sa misa upang siraan sa ibang tao.

: Nang mga panahong iyon ay may artilyero na tinanggal sa posisyon dahil sa


kamang managan nito.

*FLASHBACK*

Tenyente: Isang araw ay pinilit parin niyang basahin ang nakasulat sa papel ngunit
hindi niyo ito maintindihan. Nakita ito ng mga bata at nagsimulang tumawa.

Bata 1: tignan niyo ang taong iyon. Sinusubukan basahin ang nakabalitad na papel.

Bata 2: HAHAHA oonga. Napaka mangmang!


Tenyente: Ngunit nakita sila ng artilyero at sinubukang habulin at hulihin.

Artilyero: Hoy kayo! Anong tinatawa tawa niyo diyan?

Tenyente: Mabilis at maliksi ang mga bata kaya hindi niya ito naabutan at
napagpasyahang batuhin ng baston. Natamaan ang isa sa mga bata at pinagsisipa nya
ito. Nakita ito ng iyong ama kaya agad siyang lumapit .

Rafael Ibarra: Tama na! *sabay tulak*

Narrator: Naitulak ang artilyero ngunit nawalan ito ng panimbang at tumama ang ulo sa
isang bato.

: Nakulong ang iyong ama dahil dito at dinagdagan pa ng ibang taong may galit
sa kanya ang kanyang kaso.

: Iho, kailangan ko na bumalik sa kartel, salamat sa iyong pakikinig. Kung


gusto mo
pa ng karagdagang impormasyon ay lumapit ka kay Kapitan Tiago. Salamat sa
iyong pakikinig.

Ibarra: Maraming salamat po sa impormasyon tenyente.

-K U R T I N A -

III. Ikatlong Tagpo

*Bahay ni Kapitan Tiago*


Narration: Maagang nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel. Kay ganda ni Maria
ngunit makikita sa kanyang mukha ang pananabik at pagkabalisa. Napawi lamang
ito nang…

Kapitan Tiyago: A, si Don Crisostomo!

*mabibitawan ni Maria ang sinusulsing damit, ngingiti at mabilis na papasok sa


silid upang mag-ayos.

-K U R T I N A -

Ibarra: Mahal kong Maria ---

Maria Clara: *ngiti onti* Mabuti at naisipan mo akong dalawin. Akala ko’y nakalimutan
mo na ako.

Ibarra: Hinding-hindi mangyayari yoon Maria. Kung pwede lang ay araw-araw kitang
makasama ginawa ko na, ngunit alam kong malapit na ang araw ng pagsasama natin.

Maria: Oo crisotomo, hindi na ako makapaghintay --


Ibarra: *May ilalabas na dahon* natatandaan mo pa ba ito Maria?

Maria Clara: *tatawa* yan ang dahon na inilagay ko sa sumbrero mo dahil butas ito at
ayokong mainitan ka. Nasayo pa pala iyan?

Ibarra: simula nang ibigay mo ito sa'kin ay iningatan ko ito. Maria.

Maria : teka, heto, tanda mo pa ba ito? Ito ang sulat na ibinigay mo sakin bago ka umalis,
nakakatuwa na lagi mong nababanggit sa liham na ito ang iyong mahal na ama, hayaan
mong basahin ko ito sa iyo. Ngunit hindi ko babanggitin ang mga bahagi na puno ng
Pambibilog lamang sa ulo ko ang laman... Hahahaha.

Ibarra: ama? Teka, huwag mo nang basahin Maria, lilisan na rin ako, babalik ako sa
ibang araw. Todos los santos kasi ngayon at kailangan kong dalawin anf aking ama.
Paalam na. *halik sa kamay, aalis*

Maria: *habang paalis na si Ibarra* Maiingat ka Crisostomo!

-K U R T I N A -

Narration: Sa Sementeryo ng San Diego…

*Sa puntod, todos los santos*

Sepulturero 1: Nakakapagod ng maghukay ng maghukay

Sepulturero 2: Wag ka nalang magreklamo. Utos to ng nasa kura. Kailangan nating


sundin

Sepulturero 1: Oo alam ko naman iyon. Ngunit ambaho. Kakalibing lang ng taong ito.
Sariwang- sariwa pa.a

Sepulturero 2: Wag ka ngang maselan! Ako nga noon, inutusan ng kura na hukayin ang
isang bangkay na dalawanpung araw pa lamang nililibing!

Sepulturero 1: Talaga? Nakakakilabot naman yang sinasabi mo.

Sepulturero 2: At nang panahong iyon ay malakas pa ang ulan! Kaya basing basa ako at
ang kasamang kong bangkay.

Sepulturero 1: Talaga ba? Tapos anong ginawa mo sa bangkay? Ano ba ang iniutos sayo?

Sepulturero 2: Oonga! Tapos namatay pa ang dala kong ilaw. Napakamalas ng araw na
iyon. Ililibing ko dapat ang bangkay sa libingan ng mga intsik ngunit hindi ko ito
nagawa.

Sepulturero 1: Ha? Hindi mo ito nagawa?! Anong ginawa mo sa bangkay?

Sepulturero 2: Hay! Puro ka tanong! Maghukay nalang tayo ng matapos agad!

Sepulturero 1: Haha! Alam ko na kung ano ang ginawa mo!


Ibarra: *naghahanap ng puntod kasama ang matandang katiwala*

*nagtanong sa sepulturero*

Ibarra: Mga ginoo, maaari bang magtanong?

Ibarra: Maaari po bang magtanong?!

Sepulturero 1: Nagtatanong ka na.

Ibarra: Itatanong ko lamang sana kung alam niyo kung nasaan ang ountod ng aking ama.

Sepulturero 2: Sino ba ang iyong ama?

Ibarra: Si Don Rafael Ibarra ho mga ginoo.

Sepulturero 2: Si Don Ra-rafael?

Ibarra: Opo, nakita niyo po ba ako? Kanina pa kasi ako nagpapaikut-ikot , ngunit wala
man lang akong Makita.

Sepulturero 1: Yung may krus na malaki na may nakaukit na dibuho at natatalian ng


yantok? At ang libing ay natatamnam ng mga bulaklak?

Ibarra: opo, iyon nga po. Maaari niyo po bang ituro kung nasaan ang puntod ng aking
ama?

Sepulturero 1: Nako eh diba yun yung sinunog mo *tingin sa kapwa sepulturero*

Ibarro: Ano?! Bakit?!

Sepulturero 1: Pinahukay sakanya tapos pinapalipat sa libingan ng mga instik pero dahil
tamad siya nung araw na iyon naitapon niya sa ilog. *sinabi ng napakatamad na
walng pake sa kasama*

Sepulturero 2: *binatukan si sepulturero 1* Ano bang pinagsasabi mo!

Ibarra: *lalapitan si sepulturero 2 at hahawakan sa kwelyo sa may leeg* Bakit mo


ginawa iyon!?

Sepulturero 2: ehem, ka-s-si na-pa-g-u-tusan –la-lang a-ako.

Ibarra: *mas hinigpitan ang hawak* Sinong nagutos saiyo!? Sagutin mo ako!

Sepulturero 2: Da-dahi- hil i-ito ang sina-abi ng ku-rang ma-malaki!

Ibarra: *binitawan ang lalaki at bumagsak ang sepulturero sa sahig sabay hawak
sa leeg nito*

Ibarra: *umalis na tapos tinulungan ng isang sepulturero yung sepulturero*

-K U R T I N A -
Narrator: Galit na galit si Ibarra na umalis sa sementeryo. Sa kanyang paglisan ay
nakita niya si Padre Salvi kaya ito ang napagtuunan niya ng galit.

Ibarra: Sabihin mo! Bakit niyo ginawa sa aking ama iyon! Ipaliwanag mo ang sinabi ng
mga sepulturero!*sabay lapit at hawak sa padre*

Padre Salvi: Wala akong ginawa sa iyong ama! Baka ang kurang pinalitan ko na si Padre
damaso ang tinutukoy ng mga sepulturero na may ginawang masama sainyong ama.

Ibarra: *bitaw sa padre tapos tinulungan ng kasama ni Ibarra ang pari.

-K U R T I N A -

IV. Ikaapat na tagpo


Narrator: Bagama’t nakaranas ng kasawian sa buhay si Ibarra ay kinalimutan
niya ang laha ng ito at sa halip ay ipinagpatuloy ang magandang hangarin ng
kanyang ama at ito ang pagpapatayo ng paaralan.

*pasok si Pilosopo Tasyo

Narrator: Isang matandang lalaki ang malimit makitang nagpapalibo’t libo’t sa


mga lansanga na waring walang tiyak na patutunguhan. Tinatawag siyang Don
Anastasio, ngunit lalong kilala bilang Pilosopo Tasyo. Sa mga mangmang, siya ay
si Mang Tasyo o Baliw.

Pilosopo Tasyo: Magandang araw din iho. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?

Ibarra: Nais ko ho sanang humingi ng payo sainyo sa aking balak gawin.

Pilosopo Tasyo: At ano naman ba ang balak mong gawin?

Ibarra: Nais ko ho sanang ipagpatuloy ang adhikain ng aking ama na magpatayo ng


paaralan ditto sa San Diego.

Pilosopo Tasyo: Maganda ang iyong hangarin *sabay hawak sa balikat* Ngunit isa
lamang ang maipapayo ko saiyo…….

Ibarta: Ano poi yon?

Pilosopo Tasyo: Kailangan mo tumulad sa isang rosas na sumusunod sa direksyon ng


ihip ng hangin upang hindi maputol ang tangkay nito.

Ibarra: Ano ho ang ibig ninyong sabihin?

Pilosopo Tasyo:Kailangan mo ng mga taong makakapitan kaya. Tumungo ka sa taong


nakakataas sa lipunan. Ipaalam mo sakanila ang hangarin mo at buksan mo ang
kanilang mga mata na ito ang kailangan ng ating bayan.

Ibarra: Maraming salamat ho.

Pilosopo Tasyo: Wala ano man Don Crisostomo. Hanggang sa muli.

-K U R T I N A -
V. Ikalimang Tagpo
Sa simbahan-kampanaryo
*PINATUGTOG NG MAGKAPATD ANG KAMPANA*
Crispin: Kuya, hindi pa ba tayo pwdeng umuwi?

Basilio: Crispin, Narinig mo naman ang sabi ng Sakristan Mayor hindi ba? Hindi ka
makaaals ditto kung hindi mo ilalabas ang iyong kinuha,
Crispin: Pero kaka, hindi ko nga ninakaw, kung may kinuha man ako, edi sana’y matagal
ko nang inilabas nang makauwi na tayo kay Inay, pero wala eh. Kahit anong gawin nila sa
akin . . ….wala talaga

Basilio : *nagbuntong hininga*

Crsipin: Magkano ba ang iyong sasahurin sa buwang ito kaka?

Basilio: Dalawang piso lamang Crispin

Crspin: Bayaran mo nalang kaka ang sinasabi nilang ninakaw ko.

Basilio: Ngunit hindi koi to kayang mabayaran Crispin. Matagal pa bag ko maipon ang
ganung kalaking pera.

Crispin: Sana ay ninakaw ko na nga lang upang may mailabas ako pera dahil ag sabi ng
kura ay kapag hindi ko ito inilabas, papatayin niya ako sa palo.

Basilio: Kasalanan ito ni ama, sinasabi ng lahat na magnanakaw tayo sapagkat


manunugal ang ating ama.

*Dumating bigla ang sacristan Mayor*

Sakristan Mayor: Basilio, ikaw ay mumultahan ko sa hindi maayos na pagkatugtog ng


kampana. Ikaw Crispin, hindi ka makakaalis hangga’t hindi mo isinosoli ang perang
ninakaw mo!

Basilio: Ngunit pinayagn na po kami makauwi ng kura! Hinhintay po kami ng aming ina.
At kung ikasampu ako makakauwi ay siguadong papatayin nila ako!

Sakristan Mayor: Hindi! Hindi ka makakauwi hanggang hindi pa nagiikasampu!

Basilio: Pakisuap pauwi………….. *nasampal sa braso*

Crispin: Kaka! Tulungan mo ako!

Basilio *naiiyak* Crsipinnn…………….

*Mawawala ang hiyaw at iyak ni Crispin sa kalagitnaan ng gabi habang maiiwang


nakatulala si Basilio na iniisip na kung paano makakatakas.

-K U R T I N A –
*Sa bahay ni SISa*
Sisa: Sigurado ay gutom na gutom ang mga anak ko sakanilang pag-uwi. *habang
hinahanda ang masarap na ulam sa lamesa*

*Dumating si pedro, ang kanyang asawa*

Sisa: *umiiyak* Inihanda ko yan par asaiyong mga anak!

Pedro: Hinawakan sa mukha* Wala akong pakialam! Nagugutom ako! Tigilan mo ako!

*Wala nang nagawa pa si Sisa kundi ang umiyak. Pinag-ipunan niya ang puting
bigas na hinain at hingi lamang niya kay Mang tasyo ang hita ng patong bundok
para sa kanyang mga anak. Pagkatapos kumain ni Pedro ay umalis ulit ito. Ilang
minuto pa ang nakakalipas ay dumating na si Basilio na may sugat sa noo

Basilio: *nakatok sa pinto, mabilis, takot* Inang! Buksan mo ang pinto! Inang
pakiusap buksan mo ang pinto!

Sisa: Anak ko! *Sabay yakap*

:*hindi nakita si Crispin* Crispin? Asan si Crispin!?

Basilio: Ina, naiwan si Crispin sa kumbento sapagkat siya ay pinagbintangang


magnanakaw.

Sisa: *tumngn sa langit* Diyos ko! Salamat at iniligtas mo ang aking Basilio ngunit sana
ay gabayan mo ang bunso kong si Crsipin!

Basilio: kinaladlkad nila si Crispin papalayo sa akin in. Patawad at wala akong nagawa.

Sisa: Halika at kumain ka muna. Alam kong ayaw mo ng tuyo ngunit kinain ng ama mo
ang inihanda kong msarap na pagkain para sa inyo ng kapatid mo.

-K U R T I N A -

Narrator: Kinaumagahan, pagkatapos ng misa ni Padre Sibyla ay sibukan ni Sisa


kausapin ang prayle.

Sisa: Maaari po bang makausap ang pari?

Sakristan: May sakit *wala man lang gana kausap*

Sisa: Si crispin po ba ay nnasa sakristiya?

Sakristan: Si crispin? Iniutos po kagabi na ibigay siya sa guardiya sibil kaya doon niyo
sya hanapin at huwag dito.

Sisa:* Naghuhugulgol sa iyak, malakas*

-K U R T I N A -
VI. Ika anim na tagpo
Narrator: Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng
panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.

Alkalde: Don Crisostomo, nais niyo ho bang maglagay ng palitada sa itaas ng bato?

Ibarra: Ikinagagalak ko po ginoo.

*Habang papalapit si Ibarra ay nakatanaw sakanila si elias at ang taong madilaw.

Narrator: Kasabay ng kanyang pagbaba ang pagguho ng buong makinarya. Isang


malakas na ugong ang biglang narinig *sound effect*

*Dahil sa tulong ni Elias ang nasawi ang taong madilaw at hindi si Ibarra.

Kawani: Magsalita kayo Don Crisostomo?! Kayo ba ay buhay pa?

Ibarra: Oo ako’y buhay pa. ngunit tulungan niyo akong alisin ang bangkay sa ilalim ng
mga punong kawayan. Ano ba ang nangyari? *Habang tinatanggal ang kawayan na
nakapatong sa taong madilaw*

Alkalde: Muntik na kayong patayin ng taong iyan ngunit siya din ang nasawi sa masama
niyang binabalak.

Ibarra: Kung ganon ay ako na ang bahala sa tang ito. Akon a ang magpapalibingsakanya
sapagkat siya ay napatawag ko na.

Alkalde: Sadyang napakabait ninyo ginoo.

-K U R T I N A -

VII.Ikapitong Tagpo
Narrator: Nang matapos ang pagbabasbas sa paglalagay ng bato sa itinatayong
paaralan ay nagbigay ng isang marangyang pananghalian si Ibarra para sa mga
kilalang tao sa lipunan.

: Sa pagkakataong ito ay muli nanaman nagtapat ang landas ni Ibarra at


ni Padre Damaso .

Kapitan Tiyago: Andiyan na pala si Padre Damaso. *tumayo, ginreet

*Tumayo yung iba pang bisita para iwelcome si padre damaso*

*Bago pa man dumating si Padre Damaso ay pinaguusapan na nila ang


karunungan ni Ibarra ngunit kinontra ito ni Padre Damaso.

Padre Damaso: Ang mga kaalaman niya ay hindi importante kumpara sa mga nalalaman
ko bilang isang pari na kawangis ng Diyos.

*Napatingin sakanya ang lahat*


Padre Damaso: Kasing mangmang niya ang ideya ng ama niya. Ang pagtayo ng bahay-
paaralan? Para sa mga indiyo? Walang kwenta.
*Naalala muli ni Ibarra ang nalaman niya tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama
kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at sinungaban niya na si Padre
Damaso.

Ibarra: Insultuhin mo na ako, wag lang ang naiwang alaala ng aking ama! *sabay kuha ng
kutsiylo

Maria Clara: Crisostomo! Huwag!

Ibarra: *sabay bitiw sa kutsilyo* Kung hindi lamang kita mahala Maria Clara, napatay ko
na ang taong ito. *walk out*

-K U R T I N A -

VIII. Ikawalong Tagpo


Sa kwartel
Narrator: Nang magkaroon ng kaguluhan sa kwartel, si Ibarra ang itinuro na may
pakana niyo. Tinulungan siya ni Elias na makatakas.
Elias: *natakbo tas hihinto sa bahay ni Ibarra* *nakatok sa pinto* Senyor! Senyor!
Buksan niyo ang pinto!

Ibarra: Elias? Ano ang dahilan ng pagpunta mo?

Elias: Ginoo, kailangan niyo nang umalis dito ngayon! Kayo ang pinagbibintangan nila na
may pasimuno ng kaguluhan!

Ibarra: Elias, sabihin mo sakin. Ano ang dapat kong gawin?

Elias: Magtungo kayo kahit saan basta ang importante ay makaalis na kayo ditto.

Ibarra: Tatanawin ko itong utang na loob habang buhay. Salamat kaibigan.

Narrator: Nagtungo si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat ito ang payo ni
Elias ngunit nadakip pa din siya ng mga alagad ng batas.

Alagad ng batas: Sa ngalan ng nakatataas ay buksan niyo ang pinto o amin itong
gigibain.

Ibarra: Bakit *kasabay ng pagbukas ng pinto* Anong pakay ninyo?

ALagad ng batas: Crisostomo Ibarra, sa ngalan ng nakatatas ay padakip kayo.

Narrator: Sumama nang matiwasay si Ibarra

-K U R T I N A -

IX. Ikasiyam na tagpo


Narrator: Habang si Maria Clara ay nagmumuni-muni sa asotea ay biglang
dumating si Ibarra.

Maria Clara: Crisostomo? Tama ba ang nakikita ng aking mga mata?


Ibarra: Oo, ako nga ito Maria. Tinulungan ako ni Elias makatakas.

Maria Clara: Patawarin mo ako Crisostomo. Wala man lang akong nagawa upang
ipagtanggol ka.

Ibarra: Hindi ako kailanman magagalit saiyo Maria. Sa halip ay patawarin mo ako
sapagkat kakailanganin kong lumayo sa lugar na ito.

Maria Clara: Oo mahal ko, naiintindihan ko. Kung ito ang makapagliligtas sa iyo.

Maria Clara: Ngunit satingin ko ay may dapat kang malaman bago ka lumisan….. *iyak*

Ibarra: Ano iyon Maria?

Maria Clara: Ang taong kinasusuklaman mo, ay ang tunay kong ama Crisostomo *iyak*

Ibarra: Pa-paano nangyari iyon?

Maria Clara: Kung may sapat pang oras ay nanaisin kong ipaliwanag sayo ang lahat
ngunit sa sitwasyon ngayon ay satingin ko kailangan mo na lumisan.

Ibarra: Lagi mong tatandaan Maria, Mahal na mahal kita!

Maria: Mahal na mahal din kita Crisostomo. *yakap*

-K U R T I N A -

Narrator: Matapos ang madamdaming pag-uusap ng magkasintahan ay lumisan


na si Ibarra. Sakay sa isang Bangka kasama si Elias ay tuluyan na silang lumayo
kay Maria Clara. Tinugis ng mga guwardya sibil si Elias at Ibarra. Pinaulanan sila
ng bala.

Elias: Marunong ho ba kayong magsagwan?

Ibarra: Oo Elias.

Elias: Kung gayon ay tatalon ako upang iligaw sila. Nais kop o na makaligtas kayo.

Ibarra: Huwag! Labanan natin sila ng magkasama.

Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena sa libingan ng inyong nuno.


*Tumalon si Elias at sa bawat paglitaw niya ay nakakatanggap siya ng mga bala ng
baril. *maraming putok ng baril*

-K U R T I N A -

Narrator: Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang pagkamatay ng kaniyang


minamahal na si Ibarra.

Maria Clara: *nakatitig sa pahayagan* Hindi! Hindi ito mangyayari!

Damaso: Anaka? Anong nagyayari sa iyo?


Maria Clara: *masamang tumingin kay padre damaso* Ikaw! Masaya na ho ba kayo?
Namatay na ang minamahal ko! *iyak*

Damaso: Anong ibig mong sabihin anak ko?

Maria Clara: Namatay na si Crisostomo, ang tanging mahal ko. *iyakkkkk*

Maria Clara: Hindi ako magpapakasal sa iba! Mas nanaisin ko na amang magmongha
kaysa ikasal sa iba!

Damaso: Ngunit…..

Maria Clara: Kung ayaw mo ay magpapakamatay ako. *tumimgin ng masama*

Damaso: *lluhod* Wag kang magpapakamatay! Kung iyan ang iyong nais aking anak.

-K U R T I N A -

X. Ikasampung tagpo
Basilio: Inay? Inay ikaw ba yan?

Sisa: Sino ka? Ako inay mo? Hahahahhahaha. Di kita kilala. Lumayo ka. Wag mo akong
hawakan..

Basilio: Inay, ako po ito. Si basilio. Ang inyong anak!

Sisa: Anak? Wala akong anak! *tumakbo*

Basilio: *hinabol niya nanay nya* Inay!

Sisa: *nakita ulet si basilio* Ikaw? Sino ka?

Basilio: Ako ho si Basilio

Sisa: Anak! Anak ko! *nahimatay bigla*

Basilio: Ina!!!! * Biglang dumating si Elias na sugatan.

Elias: Ginoo, siya ba ang ina mo?

Basilio: Oho ginoo. *iyak*

Elias: Ano ang gusto mong gawin sa kanya?

Basilio: Ang nais ko lamang po ay ang ilibing siya ngunit wala akong pera.

Elias: Kumuha ka nalang ng panggatong iho. Malapit na din ang kamatayan ko. Kapag
ako’y natuluyan na ay sunugin mo an gaming katawan hanggang sa kami’y magig abo.
Pagkatapos ay maghukay ka at makakahanap ka ng kayamanan. Sana ay gamitin mo ito
sa kabutihan para sa iyong kinabukasan.

BAsilio: Opo, ginoo.


Elias: Mamamatay akong hindi man lang nakikita ang pagbubukang liway-way ng aking
bayan. *biglang nawlan na ng malay*

You might also like