You are on page 1of 2

Norhidayah M.

Tomindug

9-Einstein

INDIVIDUAL PORTRAYAL SCRIPT

Maria Clara

Ako si Maria Clara o Maria Clara de los Santos y Alba, ang kaisa-isang anak nina Don Santiago de los
Santos at Doña Pia Alba. Ang aking pangalan ay nabuo bilang pagbibigay unlak sa Birhen de Salambaw at
kay Santa Clara.Ako’y kilala sa lipunan, hinahangaan ng marami dahil sa taglay ng aking kagandahan at
isang simbolo ng tunay na Pilipino. Pinaniniwalaang nabuo ako dahil sa pagsayaw ng aking inang si Doña
Pia sa fiesta ng Obando ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang aking totoong ama ay si Padre Damaso.

Mukhang europeo daw ako ngunit ipinagpalagay ng lahat na dahil lamang ito sa paglilihi ng aking ina.
Simula noong akoy 14 taong gulang, nanirahan nanirahan na ako loob ng pitong taon sa beaterio upang
tumanggap ng mga turong banal.

Ako ang kasintahan niCrisostomo Ibarra. Sapagkat tutol ang aking amang si Padre Damaso kay Ibarra,
ako ay ipinagkasunduang magpakasal sa isang Kastilang si Linares. Lubhang nalungkot ako sa desisyong
ito kung kaya't pinili kong pumasok sa kumbento at magmongha.

Lubos ang aking kasiyahan ng malaman kong babalik dito ang aking kasintahan na si Ibarra. Ngunit
minabuti kong sa sarili ko nalang ang aking kasiyahan na ito. Paniguradong hahanapin agad ako ni Ibarra
sa kanyang pagbalik.

Sinang, aking kaibigan kung sakaling hanapin ako sa iyo ni Ibarra sabihin mo nalang na…. gusto ko nang
putulin ang relasyon namin dahil sa matinding dahilan.

Lapit na, malapit na ang araw ng aking pagpapakasal. Ngunit… bakit ganito ang aking

nararamadaman sa halip na kasiyahan ay kalungkutan ang aking nadarama. Parang may natatanaw
akong anino ng dalawang lalaki sa dako roon. ‘Di kaya isa sa kanila ay si… si… Crisostomo!! Aking sinta!
Napakasaya kong makita kang muli! Patawarin mo ko sa aking pagpapakasal kay Linares. Pumayag
lamang ako dahil gusto kong ilayo ka sa kapahamakan. Hindi ko alam kung kalian ko siya makikita o
makakausap o

maaring hindi na…

Kinabukasan ay nabasa ko sa dyayro, patay na si Crisostomo… hindi ito maari! Hindi ito maari!

Kagabi lamang ay nakita at nakausap ko siya! Ngayon malalaman kong patay na siya at iiwan akong mag-
isa?! Ngayon ay wala na si Crisostomo ay wala na ring saysay ang aking buhay.
Ako’y isang simbolo ng dalagang Pilipina at ipinapahiwatig ko sa inyo na ang isang tunay na

nagmamahal ay handing magsakripisyo para sa kanyang minamahal. Ang isang tunay na Pilipina

ay handang manindigan at siya’y handang ipaglaban ang kan

yang tunay na nararamdaman. Ako po si Maria Clara tunay na anak ni Padre Damaso.

You might also like