You are on page 1of 1

Ako si Maria Clara De Los Santos, Itinuturing ako bilang pinakamaganda sa buong bayan dahil sa angking

kulay bilog ang aking mga mata at may perpektong ilong. Inilalarawan din ako sa pagiging mahinhin,
masunurin mapagmahal at kilala bilang may kalinisang puri bilang isang babae. Ito na marahil ang naging
pamantayan ng Kagandahan sa Pilipinas. Kilala ako bilang nag iisang anak nina Dona Pia Alba at Kapitan
Tiago ngunit ako ay pilit inuugnay kay Padre Damaso na siya raw ang aking ama. Kalaunay nangumpisal
ang aking ina sa kura, marahil sa kabilang banda ay lubos ang aking pasasalamat sa aking tumayong ama
na si Kapitan Tiago sa pagbigay saakin na maganda at maayos na buhay. Sapagkat hindi maalis saaking
isipan ang pagtanggi ni Padre Damaso sa pag angkin niya saakin bilang kanyang tunay na isang anak.
Maging sa mga aming mga pribadong usapan ng aking kasintahan na si Crisostomo Ibarra ay siya’y
manghihimasok. Si Crisostomo Ibarra ay ang anak ni Don Rafael, na mula sa aking mapupula na labi at
matingkad na ngiti ay nabihag ko ang puso ng kanyang nagiisang taga pag mana ng Europa. Lingid sa
aming kaalaman ng aking kasintahan ay may binabalak na kami’y paghiwalayin ng aking amang si Padre
Damaso, at hindi pa rito ito nakuntento at siya’y nagpasya na ako’y ipakasal sa binatang si Alfonso
Linares. Ang pag-ibig ko ay para lamang kay Ibarra na sino man ay walang makakapalit, hindi ako
sumang-ayon sa desisyon ng aking ama at nanatili ako bilang isang dalaga. Kay hirap lubos isipin na ang
isang alagad ng simbahan ang lumapastangan sa aking minamahal na ina. At sa mundong madilim ay
may lihim na nabunyag na isa lamang akong bunga sa mundong pagnanasa ng aking tunay na ama na si
Padre Damaso. Sa aking labis na hinanakit sa aking ama at lubhang pagkalumbay sa pagkawala ng aking
Ibarra, napag pasyahan kong pumasok sa kumbento. Kung saan ang aking buong akala ay giginhawa ang
aking nararamdaman ay siya palang kalbaryo ang aking daratnan sa kamay ng mapusok na kura.
Halintulad sa naging karanasan ng aking ina sa ama kong pari ay siyang aking naranasan sa kamay ng
isang pari na si Padre Salvi. Dala dala ko ang hinagpis sa aking puso at patuloy ang pagpatay sa aking
pangungulila sa aking pinaka mamahal kong Ibarra.

You might also like