You are on page 1of 2

Mahal ko ang aking pamilya, ang aking mga ninuno at higit sa lahat sa

payak kong pamumuhay ay iniibig ko ang aking Inang bayang Pilipinas.

Sapagkat dito ako’y namulat, nagdaan sa dusa at nangarap na makalaya

mula sa mapanlupig na pang aalipusta ng mga dayuhang Kastila.

Ako ang inyong lingkod na si Elias, isang lalaking may angking

katapatan at matapang na paninindigan. Aking nasisiguro na sa kabila

ng daang tinatahak ko ay hinding hindi ito magugustuhan ng aking

pamilya subalit ito ang siklab ng aking puso na naglalagablab na

parang apoy sa ilang. Ang aking hangad ay hustisya para sa minamahal

kong pamilya at sa aking Inang bayan.

Sa ulirat ko’y laging bumabalik tanaw ang pangyayaring naging sanhi

kung bakit patuloy akong lumalaban para sa aking mithiin. Isang lalaki

ang siang sa akin a nagligas mla sa damhalang aa na sa akin a

maake.Kaibigan kong Crisostomo, ang aking katapatan ay mananatiling

matatag mula sa sandaling ito.

Sa aming pag uusap ay marami akong napag alaman ngunit isang bagay ang

siyang nagbalik sa aking sa hukay ng nakaraan na pinipilit kong umahon

sa tindi ng pait na aking dinadamdam.

“Kalolololohan mo si Don Pedro Eibarramendia?”

“Hindi mob a alam,”

“Si Pedro Eibarramedia ang nag-akusa sa aking lolo at nagpahirap sa

aking buong pamilya! Matagal kong hinanap ang pangalang ito at ngayo’y

natagpuan ko na! Ngayon ay makukuha ko na ang aking paghihinganti!”


“Tignan mo akong mabuti, akong nagdusa at ikaw namuhay sa kasaganaan!

Kasaganaan!

Nabuo ang galit sa aking puso sa aking nalaman subalit mas mahalaga sa

akin gang kinabukasan ng aking Inang Bayan.

“Inay, itay, patawarin ninyo ako kung hindi ko maibibigay an ghustisya

na para sa inyo.”

“Hindi ako ang hahatol sa taong ito sapagkat siya ang susi sa

kinabukasan ng ating bayan. Siya ang magsusulong ng aking mga pangarap

para sa aking Inang Bayan”

Lahat tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa

taong may muwang, mula sa pinakahamak hanggang sa pinakamariwasa at

pinkamakapangyarihan. Ang pakikipaglaban ay siyang batas ng buhay.

“Mamamatay akong hindi man lamang nasisilayan ang bukang-liwayway sa

aking bayan…Kayong makakakita, salubungin niyo siya at… Huwag ninyong

kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.” Paalam.

You might also like