You are on page 1of 2

(Yuyumuyuko si Maria Clara na may paggalang habang siya'y nakahawak sa kanyang palda at ang

kanyang pamaypay ay nakatakip sa kalahating parte kanyang ng mukha)

"Ako'y si Maria Clara, ako ang nagiisang anak ni Kapitan Tiyago na mas kilala ng marami dahil sa
kayamanang taglay nito. Ang aking kasintahan ay si G. Crisostomo Ibarra. Siya ay may malasakit sa
aming bayan ngunit sya'y napagbintangan sa bagay na hinde nya naman ginawa

Oh aking mahal , Ibarra. labis ang aking takot at ako'y nababahala para saiyo. Lalo na nang maging
ekskomunikado ka. Labis ang lungkot na naramdaman ko aking mahal, hindi mapakali ang aking isip na
kung ano ang maaaring mangyari saiyo. Dahil dito ay ang aking pangangatawan ay naghina -kaya ako
nagkasakit. Sa aking pagpapahinga ay walang tigil ako sa pagsabi ng pangalan ng aking ina na hindi ko
man lang nakilala. Mas lalong lumala ang lungkot ko, dala ng pangungulila sa aking ina at pati na rin
saiyo , ibarra.

Pagkalipas ng ilang araw , gumaling din ako. Nawala na rin ang aking lungkot nang malaman kong hindi
ka na isang ekskomunikado! Akala ko'y y maayos na ang lahat pagkatapos ng lahat na iyon , akala ko'y
magiging masaya na ulit ako dahil magkakasama na ulit tayo.

Ngunit ano ito? Sino itong bagong mukha ng binata ang nakikita ko ?

Ikaw si Linares? Ang pangalan mo'y Alfonso Linares De Espadana? At ano rin ito? Ano itong
nababalitaan ko?! Ako'y dapat ipakasal saiyo? Sa taong hindi ko naman mahal? H-hindi to maari, si
Crisostomo lamang ang aking iniibig . Wala ako balak magpakasal sa kahit kanino lalo na kung hindi ko
naman ito mahal at kilala , ang minamahal ko lang ay si ibarra .

Sa araw na iyon ay mas gumulo ang lahat , unti-unti nang nasisira ang mundo ko. Lalo na nang
makulong ang aking mahal na si ibbara at tuloy na tuloy na nga ang pagpapakasal ko kay linares .
Sumabay pa nang malaman kong ama ko pala si Padre Damaso na siyang gumahasa sa aking kawawang
ina.

Ibarra,sana ay ma intindihan mo sana ang mga nangyayari dahil para na rin sa ikabubuti mo at bilang
paggalang ko sa ina ko.

Akala ko'y gumuho na talaga ang mundo ko. Ngunit hindi ko alam na may mas malala pa palang
pangyayari ang paparating sa akin. Ano ito? Patay na ang mahal ko? Si ibbara? Bakit? Paano?
Bali wala narin palang silbi ang pagpapakasal ko kung wala ka na rin , Ayoko nang magpakasal! Mas
pipiliin ko nalang mamatay kesa mabuhay ng wala sya sa aking piling .

Ama! Pagbigyan mo na sana ako, mas gugustujim ko pang pumasok sa kumbento at maging madre,
pakiusap , ama!

Pagbigyan mo ako, dahil kung hindi, ako'y magpapakamatay .Mas pipiliin kong mamatay!

Kailan man ay hindi kita makalilimutan mahal ko, siguro nga mananatili ka nalang bilang ala-ala sa akin.

Paalam na mahal ko

You might also like