You are on page 1of 25

Renata story

Dear Kapuso, Itago niyo na lang po ako sa pangalang Renata. Isa po akong OFW at kasalukuyang nandito sa Malaysia. Labis kaming natuwa noong malaman naming mayroon na kayong on-line streaming. Agad ko ding ipinamalita sa mga kaibigan ko na nasa ibat-ibang mga bansa na rin at kapareho kong adik sa Love Story noong High School years namin diyan sa Cagayan. At kung linggo-linggo ay napapansin ninyong ang daming naka-on line sa ustream ninyo, asahan ninyong kami yun dahil madalang naming palipasan ang Linggo na hindi nakatutok sa programa mo. Actually, last year ko pa sinimulan ang pagsusulat ng kasaysayan ng buhay ko Papa Bono pero mas lalo akong na-excite tapusin ito ngayong alam kong mapapakinggan ko na kahit nandito ako sa ibang lugar. Sure din ako na mapapakinggan ito ni Mamerto kasi siya ang kauna-unahan kong pinagbalitahan ng tungkol sa online streaming niyo last year. Nasa Dammam, Saudi Arabia si Mamerto ngayon at isa din siyang adik noon sa inyong programa. Si Mamerto ay espesyal na tao sa buhay ko. Malaki ang naging bahagi niya sa aking pagkatao. Malaki ang nagawa niya upang maging ako, ang ako ngayon. Magaling ang utak ni Mamerto. Palibhasa ay mahilig siyang magbasa at dahil lagi ko siyang kasama noon ay marami din siyang naibabahagi sa akin. Gaya na lang ng qoute na ito ni Abraham Lincoln; Common looking people are the best in the world. This is the reason why the Lord makes so many of them Sa tagalog, ang mga taong ordinaryo lang ang itsura ang pinaka-best sa mundo. Ito raw ang dahilan kung bakit gumawa ang Diyos ng maraming taong ordinaryo lang ang itsura. Pero noong araw na matuwa ako sa narinig kong ito kay Mamerto ay kaagad din niya akong binara. Ang sabi niya; Hindi ka kasali sa mga ordinaryo ang itsura Renata. Hindi naman ordinaryo ang itsura mo eh. Exotic ka! Masakit ang naging dating ng salitang yun sa akin ni Mamerto kapuso, pero tumahimik na lang ako dahil ang totoo, may point siya. Hind nga ordinaryo ang itsura ko at alam kong hindi marami ang taong katulad ko. Kokonti lang kami. Kapag nasa mood si Mamerto, tinatawag niya akong dambuhalang duhat. Mataba kasi ako at maitim at mula noong matutong tumibok ang puso ko, pakiramdam koy lagi itong nagdurugo dahil puro na lang pasakit ang dinanas ko sa mundo ng pag-ibig. At akala ko, habang buhay na lang akong masasaktan at mabibigo. Pero nagkamali ako dahil ang tunay na pag-ibig ay

hindi madarama dahil sa panlabas na itsura, kundi sa kung anong klaseng puso meron ka. Misis na po ako ngayon at lalaking bigay ng Diyos sa akin at puwede kong ihambing sa suwerteng natatamo sa lotto, sweeptakes o slot machine sa Casino,..dahil ang pagkakaasawa ko sa mister ko ngayon ay maituturing kong isang jackpot! PLAY>S1 Lucky Britney Spears CLS-02 I find hope in the darkest of days, and focus in the brightest. I dont judge the universe ang quotation na ito ay nabasa ko lang sa isang lumang Readers Digest na natagpuan ko sa bodega nina Maam Elena. 4th year High School ako noon at tuwing Sabado at Linggo ay naglalaba ako ng mga damit nila para may baon ako pagsapit ng Lunes. Hindi naman kami mahirap, ang bahay namin ay isa sa pinakamaganda sa aming lugar pero iyon ay bahay ng step father ko, si Tito Romy at siya ay pangalawang asawa ng Mama ko. Sa kanila ako tumira mula pa noong Grade 3 ako, noon mamataya ng tunay kong ama. Pero ang pagkupkop sa akin ni Mama sa bahay ni Tito Romy ay isang masinsinang usapan sa pagitan nina Mama at Tito Romy; hindi ako kargo ni Tito Romy. Hindi siya gagastos sa akin liban sa pagkain. Maganda ang Mama ko pero ang tunay kong ama ay isang mistisong Bombay. Hindi ko siya kilala. Si Mama lang ang nagsabi sa akin na mukhang pangit na Bombay ang ama ko. Naalala ko tuloy si Aiam, yung nagpadala din ng story niya sa programa mo Papa Bono. Pareho kaming ina ay nagpa-buntis sa isang bombay. Pero guwapo si Aiam, siguro guwapo ang Tatay niya. Ako, base sa itsura komalamang hindi guwapo ang ama ko. Pero ayos lang sana kahit hindi guwapo ang ama ko, basta inalagaan niya ako ayos na sa akin. Hindi kasi naging masaya ang kabataan ko dahil lumaki akong maraming kulang sa buhay ko. Maganda ang trabaho ni Tito Romy at malakas din ang kita ng kaniyang negosyo kaya naman ang mga kapatid ko sa Ina na sina Melody at Clara, sunod ang mga layaw nila. Laging sila ang may bagong damit at mga laruan, ako wala. Wala namang magawa si Mama dahil nga sa usapan nila noon pa ni Tito Romy na hindi niya ako kargo. Kung nagkakaroon man ako ng mga bagong gamit noon ay dahil nagbibigay ang Lola ko, Nanay ni Mama. Hindi rin ako masyadong gusto ni Lola, naawa lang sa akin kasi mukha talaga akong basahan noon. Pangit na nga ako, luma at pangit pa ang gamit ko kayat basahan na talaga ang dating ko.

Si Lola ang bumibili ng damit ko pero siya rin ang nagsabi sa akin ng mga salitang; Kahit naman bago at maganda ang damit mo, hindi ka pa rin naman gaganda eh PLAY>S2 CLSBed:Fur Elise CLS-03 Pero sabi nila, kung may kulang sayo, meron din namang sobra. Kahit hindi ako maganda, malakas ang malusog ako. Malakas kasi akong kumain. Pero kahit masiba ako, masipag naman ako. First year High School pa lang ako noon ay naglalabada na ako kina Maam Elena. Siya ay isang bayani sa aking paningin dahil bukod sa mabait siya, mabait na mabait pa. Sinsobrahan niya lagi ang bayad niya sa akin dahil alam niya ang kuwento ng buhay ko at may galit siya kay Tito Romy. Ang kuwento sa akin ni Maam Elena, mag-syota daw sila noon ni Tito Romy pero ipinagpalit siya ni Tito Romy sa ibang babae. Nasaktan daw ng sobra si Maam Elena noon kaya siya pumatol sa iba, kay Sir Martin na siya niyang asawa ngayon. Agad naman daw nakarma si Tito Romy dahil ang babaeng ipinagpalit niya kay Maam Elena ay isa pa lang manloloko, tapos nakilala na ni Tito Romy si Mama na isang single mother at dahil sa ganda ng mukha at katawan ng mama ko, hindi na siya pinakawalan ni Tito Romy. At yun nga, kung bakit sinasadya pa ni Maam Elena na tulungan ako ay para insultuhin si Tito Romy. OK naman na sana ang buhay ko talaga kasi mabait talaga si Maam Elena sa akin kaso ang anak niyang si Katrina lang ang buwisit sa buhay ko. Mas matanda pa ako kay Katrina pero talagang alila kung akoy ituring niya. Kapag wala ang Mama niya, nanadya siyang pagurin ako sa dami ng utos niya. Pero nagtiis ako. Wala naman akong magagawa eh. Pakiramdam ko nga noon talagang number one na bahagi ng buhay ko ang magtiis at magdusa. Kasi noong 3rdyear na ako, nagsisimula na akong ma-inlove, una kay Richard na ka-klase ko, pero nagtiis lang ako sa katotohanang kahit pa siguro bumaliktad ang mundo ay hindi ako magugustuhan ni Richard at ako ang puwede ko lang gawin ay mangarap ng gising. Ewan ko ba kung bakit may isang araw noon na nakabuntot ako kay Richardson, uwian na noon ay may nahulog na picture mula sa notebook na dala niya. Pinulot ko. Picture niya. Ihahabol ko sana sa kaniya pero napakabilis niya at hindi ko naman puwedeng isigaw ang pangalan niya dahil hindi ako ganon. Mahiyain ako at hindi ko kayang maglakas ng boses sa public place. Kaya hindi ko sinoli. Inangkin ko na lang ang picture niya. At least diba, naangkin ko ang picture niya.

PLAY>S3 CLS-04

Larawan

Pero alam mo Kapuso, napahamak lang ako dahil sa picture na yun. Hindi ko alam kung paanong nakita ni Melody, ang step sister ko ang picture ni Richardson. Nagsisigaw siya isang gabi sa bahay at hawak niya ang picture ni Richard. Narinig siya ni Mama. Kinuha ni Mama ang picture, hinila niya ako at pinagalitan. Bakit daw may picture ako ng lalaki? Narinig kong sumabad si Tito Romy; Mana lang sayo yang anak mo! Alam kong nainis si Mama sa sinabi ni Tito Romy sa kaniya pero sa halip na si Tito Romy ang awayin niya ako at pinagbuntunan niya ng galit at sa harap ko mismo ay pinunit niya ang picture ni Richard. Umayos daw ako dahil kung hindi ay pahihintuin niya ako ng pag-aaral. Umuugong ang salitang yun ni Mama habang pinupulot ko ang pira-pirasong picture ni Richardson. Kumuha ako ng scotchtape saka ko sila pinagdikit-dikit ulit. Hindi man maayos pero at least nakikita ko pa rin ang guwapong mukha ni Richardson. Nagtaka ako noon kung bakit yun sinabi ni Mama. Kapag di ka umayos Renata, patitigilin kita ng pag-aaral Hindi naman siya ang nagpapaaral sa akin. Ako ang nagpapaaral sa sarili ko mula sa mga kinikita ko sa paglalaba kina Maam Elena. Nagbibigay man si Mama sa akin ng pera pero konti-konti lang kasi nga ang pera niya, galing din kay Tito Romy at si Tito Romy ay ayaw gumastos sa akin kasi nga, hindi naman niya ako anak. Masamang-masama ang loob ko noon. Noong maglaba ako kina Maam Elena maghapon ay hindi ako umuwi ng bahay. Natulog ako sa bodega nina Maam Elena na nasa tabi ng labahan. Hindi nila alam na nandoon ako pero nalaman niya kinabukasan dahil nasa likod siya noong gumising ako. Naaawa siya sa akin at sinabi pa niyang kung gusto ko raw ay sa kanila na lang ako tumira. Sinabi ko yun kay Mama pero ayaw niya. Ayaw din ni Tito Romy. Kahit masama ang loob ko sa kanila ay hindi ko pa rin naman sila kayang suwayin kayat sinunod ko na lang sila. Hanggang sa sumapit ang graduation ko sa High School pero alam mo Kapuso, si Manang Nimfa ang kasama ko. Si Manang Nimfa ang matandang katulong nina Maam Elena. Ayaw kasi akong samahan ni Mama. Ayaw din ni Lola. Hindi naman puwede si Maam Elena kasi graduation din noon si Paolo sa private schoolkaya yun, si Manang Nimfa ang nagsabit ng medal ko. 4 th honorable mentioned kasi ako noon. PLAY>S4 Because Of You Kelly Clarkson

CLS-05 Noong bakasyon na matapos ang 4th year High School ko, iyon ang pinakamasaklap na bahagi ng buhay ko. Nawala daw ang 5,000 pesos ni Tito Romy at ako kaagad ang pinagbintangan. Ang dumi ng isip ng step father ko kapuso ang sabi niya, kaya ko daw siguro ninakaw ang pera niya para may pang-enroll daw ako sa college. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisipang magnakaw ng kahit na ano pero idiniin niya ako. Pati si Mama, pinipilit niya akong ilabas ko daw ang pera. Ano namang ilalabas ko eh wala nga akong kinuha. Hinalughog nila ang gamit ko, ikinalat sa sahig ang mga damit ko. Hindi pa sila nakuntento, pinaghubad pa nila ako. Ayaw kong maghubad siyempre, babae ako at dalaga na ako. Pero sabi ni Tito Romy, kaya daw siguro ayaw kong maghubad dahil may itinatago ako. Ang kitid ng utak niya Kapuso. Natural may itinatago ako, ang katawan ko na ayaw kong makita ng kahit sino. Buti naman sana kung sexy ako, eh hindi naman dahil mataba na ako noon at maitim pa at iyon ang itinatago ko. Hindi pera kundi at katawan kong pati ako ay nahihiya kapag nakikita ko. Si Mama, galit na noon at siya kumilos upang hubarin ang damit ko sa harap nina Tito Romy. Sabi niya para matapos na raw ang usapan maghubad na ako. Hinayaan ko na lang si Mama. Hinaburan niya ako. Wala naman silang nakitang pera sa katawan ko at wala talaga silang makikita dahil wala akong ninakawan na pera dahil hindi ako magnanakaw. Lahat ng ito isinumbong ko kay Maam Elena habang umiiyak ako. Wala siyang mapaglagyan ng awa sa akin. Narinig ko kay Maam Elena ang mga salitang; Mabait pa rin sa akin ang Diyos dahil hindi si Romy ang nakatuluyan ko. Isa pa lang siyang hayup.. Parang nanggigil na sabi ni Maam Elena at pagkatapos non; Maglayas ka na Renata Sabi niya. Napatitig ako sa kaniya. Maglayas ka. Pumunta ka ng Maynila PLAY>S5 CLSBed:Shocks! CLS-06 Sinunod ko ang sinabi ni Maam Elena, pero sa terminal sa Sampaloc ay sinundo ako ni Paolo, ang anak ni Maam Elena na ka-batch ko. Nasa Maynila na noon si Paolo dahil nagpapa-enroll na siya. Nakatira si Paolo sa apartment at ka-share niya sa apartment ang pinsan niyang si Mamerto na taga-Apayao. Bakla si Mamerto pero guwapo sana kung naging tunay na lalaki lamang siya. Ako ang naging katulong nila at hati rin sila sa pasuweldo sa akin. Maliit lang ang apartment at madalas ay hindi sila umuuwi ng tanghalian

kayat talagang nakaramdam ako ng sobrang pagkainip noon kasi wala na naman na akong ginagawa kapag tapos ko na ang mga trabaho ko. Mahihiga na lang ako at pagmamasdan ko na lang ang punit-punit na litrato ni Richardson na parang mosaic na dahil nilagyan ko lang ng scotchtape sa harap at likod. Hanggang noon kapuso ay si Richardson pa rin ang lalaking mahal ng puso ko. Hanggang sa makatulog na akong inaasam na sana si Richardson ang mapanaginipan ko. PLAY>S6 Talaga Naman MYMP CLS-07 Buwan na ng Agosto noong dumating si Maam Elena upang dalawin si Paolo. Noon nagkuwento si Maam Elena na hindi man lang daw ako hinanap sa kaniya nina Mama o ni Tito Romy. Nasaktan ako noon kapuso dahil nalaman kong ni hindi man lang pala ako hinanap ng ina ko. Tumaba ka lalo ito pa ang narinig ko kay Maam Elena. Wala po kasi akong ginagawa dito kapag tapos ko na ang mga trabaho ko kaya natutulog na lang ako Eh kung mag-aral ka din kaya? narinig kong sabi niya. Alam kong nanlaki ang mga mata ko noon. Napangiti siya. Alam kong gusto mo ring mag-aral. At saka matalino ka Renata. Sayang kung hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral. Ganito na lang. Sagot ko na lang ang tuition fee mo, taposyung baon mo araw-araw kukunin mo na lang sa suweldo mo dito kina Paolo at Mamerto. Ano, OK ba yun? PLAY>S7 CLSBed:Somewhere My Love CLS-08 Nung sumunod na taon ako nakapag-enroll kapuso at si Maam Elena ang pumili ng school para sa akin, CEU o Centro Escolar University kasi yun ang pinakamalapit sa apartment namin sa Mendiola. Sina Mamerto at Paolo ay sa UE nag-aaral noon. Kumuha ako ng kursong BSIT kasi yun ang sabi ni Mamerto. Business Management ang kurso ni Mamerto at sabi niya ay bagay daw sa kaniya yun kasi maganda daw siya. Ako daw, dapat daw ang kurso ko ay yung kapag magta-trabaho na ako ay hindi kailangan ng pleaseing personality. Pranka ang mapanglait si Mamerto at parang ikinatutuwa niya lagi ang ipamukhang pangit ako. Dambuhalang Duhat ang madalas niyang itawag sa akin. Noong una, sa totoo lang ay nao-offend ako kay Mamerto pero nakasanayan ko rin. Mabait naman kasi siya sa ibang bagay at hindi siya madamot.

Siya pa nga ang nagluluto kapag gabi na nasa klase ko pa ako. Masaya ako noon kapuso noong nag-aaral na ako. Para sa akin noon, ang lahat ay challenge. Hindi lang upang mapagyaman ang aking talino kundi upang mapabuti rin sana ang aking personalidad. Hindi ako sumasakay, naglalakad ako lagi dahil gusto kong pumayat. Hindi rin ako nagmemeryenda kaya naman ang suweldo ko bilang katulong kina Paolo at Mamerto ay halos hindi nababawasan lalo na kapag wala namang bayarin sa school. Ang tuition fee ko naman ay dati nang nabayaran lahat ni Maam Elena. Kahit madalas akong mapuyat kasi gabi ako naglalaba ng mga damit namin OK lang. Masaya pa rin akong matutulog sa madaling araw dahil alam kong kinabukasan ay isa nanamang bagong umaga para sa akin ang haharap sa mga pagsubok sa buhay. Buhay ng isang pangit at mataba. Buhay ng isang dambuhalang duhat. PLAY>S8 CLSBed:Somewhere In Time Kenny G CLS-09 3RD year na ako sa BSIT noong makilala ko si Simon. Actually dati ko na siyang kilala pero hindi niya ako kilala. Ibang block kasi siya pero noong 3rd year kami ay tatlong subjects ang ka-klase ko siya. Bigla na lang siyang lumapit sa akin isang gabi habang naghihintay kami ng professor namin. Alam mo bang alam ko,..kung may gusto sa akin ang isang babae Ganito ang napakasimpatiko niyang sabi. Mabango siya at talagang guwapo, lalo na ang kaniyang mga mata na parang laging nakatawa. Im sure. Crush mo ako ganito ang sumunod niyang sinabi. Eh ano ngayon? ganito naman ang pasuplada kong sagot. Hindi naman talaga ako suplado pero talagang napreskuhan ako sa kaniya. Gusto lang kitang ihatid mamayang uwian Sabi niya. Bakit? Para malaman ko kung saan ka nakatira Katulong lang ako sagot ko. Kung saan ka nakatira ang gusto kong malaman, hindi ang trabaho mo Sagot niya. Bakit gusto mong malaman kung saan ako nakatira? Para alam ko kung saan kita susunduin kapag ititira na kita sa puso ko. Napangiti ako bigla sa tiradang yun ni Simon pero nung tingnan ko siyay ang tamis ng ngiti niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko noon naiwasan kapuso ang sobrang kiligin. At noong tapos na ang

klase, tinotoo niyang ihatid ako sa apartment pero hindi siya tumuloy. Sapat na raw ang malaman niya kung saan ako nakatira. Para akong lumulutang sa ulap noong pumasok ako sa pinto ng apartment at hindi ko pa naiwasang kantahin ang isang kanta ni Kuh Ledesma, ang I Think Im In Love PLAY>S9 I Think Im In Love Kuh Ledesma CLS-10 Sino yun? ito ang tanong na pumukaw sa pagkakalutang ko sandali sa alapaap. Kay Mamerto galing ang tanong na yun. Nakasuot siya ng kaniyang apron na kulay pink at may hawak sa sandok. Simon sagot ko. Ano mo siya? Classmate Bakit hinatid ka niya? Ehpara daw malaman niya kung saan niya ako susunduin kapag ititira na niya ako sa puso niya Wake up! Nananaginip ka DHD! sabi niya. Domestic Helper? tanong ko dahil noon ko lang narinig sa kaniya ang tawag niyang yun sa akin. DHD No. Dambuhalang Hinog na Duhat! inismiran ko na lang siya pero muli siyang nagsalita. Tao yun Renata. Hindi kayo bagay. Guwapo pa nga eh samantalang ikaw. Sabi niya saka niya ako hinila sa harap ng malaking salamin sa salas. Look at you. Sa itsura mong yan,..hindi ka man lang ba napaisip kung ano ang totoong hangarin sayo ng lalaking yun? Tinabig ko ang kamay ni Mamerto na noon ay nakahawak sa mga balikat ko. Tinungo ko ang kusina at naghugas na lang ako ng mga ginamit niya sa pagluluto. This is not fairytale Renata I know! sagot ko. Thats good! mabilis niyang sagot saka umakyat. Ako naman noon ay nakaramdam na ng lungkot dahil sa totoo lang, malaki ang point ni Mamerto. Naisip ko rin na nasa Maynila ako kung saan sandamukal ang mga manloloko at mapagsamantala at hindi malayong may ibang hangarin lang sa akin si Simon. Noon din naisip kong habang maaga, iwasan ko na siya. PLAY>S10 CLSBed:Ballade Pour Adeline CLS-11

May isang umaga ng Linggo sa Public Market sa Earn Shaw. Nakikipagtawaran ako sa bangus nang may kumalabit sa akin. Napanganga ako noong lingunin ko siya. Richardson?! Buti kilala mo pa ako nakangiting sabi niya. Alam kong nakanganga pa rin ako noon dahil lalong gumuwapo si Richardson. May bigote na at talagang hunk na hunk na. Akala ko hindi mo ulit ako papansinin sabi ulit niya. May hawak siyang supot na puno ng gulay. Ano kamo? Nakasalubong na kita minsan malapit sa CEU. Tinawag kita hindi mo ako pinansin sabi niya. Hindi lang siguro kita narinig. San ka ba nag-aaral? Arellano. Ikaw? CEU Sagot ko na noon ay medyo nakaka-recover na ako sa pagkagulalt pero nakakaramdam pa rin ako ng hiya ng hindi ko ma-explain. Eh Renata,..kunin ko na lang number mo kung puwede. Teksan na lang kita. Magluluto pa kasi ako eh Mabilis pa sa kidlat kong ibinigay ang CP number ko sa kaniya pero kung puwede ko lang hilain si Richardson noong aalis na siya. Nag-iwan siya sa akin ng napakatamis na ngiti na kay tagal bago nawala ang epektong kilig sa puso ko. At makalipas ng wala pang 3 minutes, nag-text siya. Isang love quote; Sa dinami-dami ng tao sa napakaluwang na mundo, bakit may dalawang tao ang nakalaang magtagpo? Nagkataon man o tadhanang tunay, ang mahalagay may landas na tatahaking sabay. PLAY>S11 Somewhere Along The Way Manilyn Reynes CLS-12 Somewhere Along The Way ni Manilyn Reynes ang paulit-ulit kong kinakanta habang nagluluto ako nung umagang yun bagay na ikinairita ni Mamerto pero nagustuhan naman ni Paolo. Pag tumitigil ako, sinasabihan ako ni Paolo na kumanta pa pero si Mamerto laging may panlait; Wala ba talagang maganda sayo Renata? Pati boses mo kasumpasumpa! Sorry, masaya lang ako! sagot ko. Ay hindi naman tama yun na porke masaya ka, maninira ka na ng mood ng iba Bakit naman masisira ang mood mo sa pagkanta ko?

Eh kasi naman pakiramdam ko nasa construction site ako at sabaysabay kong naririnig ang mga pukpok ng martilyo, mixer ng semento, lagare at higit sa lahat yerong niyuyupi. Masakit sa tenga Renata Masaya ako Mamerto dahil ang lalaking una kong minahal, muli kong nakatagpo at naniniwala ako na may patutunguhan ang muli naming pagkikita. Teka nga, diba may lalaki ka nung isang araw lang Yes, si Simon yun classmate ko Tapos, may isa pa ulit? Yes, si Richardsonfuture husband ko Ano itsura? tanong ni Mamerto. Alam kong hindi siya maniniwala kung sasabihin kong guwapo si Mamerto kayat mabilis akong pumasok sa tulugan ko at kinuha ko sa wallet ko ang punit-punit pero pinagdikit-dikit kong picture ni Richardson. Tapos, ipinakita ko sa kaniya; Ano ito mosaic? kumento ni Mamerto habang pinagmamasdan ang picture ni Richardson. Nakitanaw din si Paolo noon at si Paolo ang nagsalita; Taga sa atin to ah. Kilala ko to, nakalaro na namin to sa basketball nung 4thyear ako. Korek! Sagot ko. Guwapo yan Mamerto, matangkad pa dugtong ni Paolo. Hindi naman kaagad nagsalita si Mamerto pero isinoli niya sa akin ang picture ni Richardson. Noon pa lang siya nagsalita; Hulaan ko kung bakit punit-punit ang picture na yan. Nakipagagawan ko sa mga babaeng ka-level mo nung ipamigay ni Richardson ang picture niya Mali. Nahulog ito mula sa kaniya. Pinulot ko. Inangkin ko na parang akin pero nakita ng Mama ko. Nagalit ang Mama ko at pinunit niya ito sa harap ko mismo Aw! Ganon ka ka-bruha ang Mama mo? Baka naman hindi mo siya totoong ina. Kasi ang alam ko, ang mga Nanaymasaya sila kapag masaya ang anak nila. Sandali akong natulala sa sinabing ito ni Mamerto. Pagkatapos non ay pasimple akong lumabas sa kusina at nag-ayos kunwari sa laundry area. Tamado ako sa sinabi ni Mamerto tungkol sa Mama ko. Apat na taon na kasing hindi ko nakikita ang Mama ko at sa totoo lang, nami-miss ko na siya at ramdam ko sa puso ko ang katotohanang kahit na hindi siya naging patas sa akin ay sa kaniya pa rin ako nanggalingat wala sana ako sa mundo kung hindi niya ako iniluwal. Wala na akong galit sa Mama ko noon..at mas matindi ang damdamin noon ng pagkagustong muli ko siyang makita at masakama.

PLAY>S12 CLS-13

O Aking Inay

Teenhearts

May na-receive akong text isang gabi ng Sabado habang namamalantsa ako ng damit ng dalawa kong boss. Text mula kay Simon, ang classmate kong guwapo na pinagdesisyunan ko nang iwasan. Ang text niya; Puwede humingi ng favor? Nireplayan ko siya kasi likas sa akin ang mapagbigay at matulungin. Kung sana ang text niya ay; Puwede ba tayong mag-date? baka hindi ko siya rereplayan pero naramdaman ko kasing kailangan niya ng tulong kaya nag-reply ako ng Sure! Ang sumunod niyang ginawa ay nagpasa siya ng number sa akin. CP number daw ng kapatid niya at ang pabor ay samahan ko lang muna ang kapatid niya sa San Sebastian. May affair daw ang Elementary at kanina pa tapos pero hindi daw niya masusundo ang kapatid niya dahil nasa Makati pa lang siya. May nilakad lang daw. Agad ko namang tinext ang kapatid niyang Karline ang pangalan. Nag-reply naman ito at sinabi ngang nasa harap siya ng Elementary Building ng Baste. Nagmadali akong nagbihis dahil naisip kong walang namang masama sa pagtulong. Pagdating ko doon ay nakaramdam ako ng awa para sa kapatid ni Simon dahil mag-isa itong nakaupo sa isang concrete bench. Naka-suot pa siya ng kaniyang Ballet Costume. Na-curious tuloy ako kung anong klaseng pamilya meron si Simon at bakit ang kaniyang napaka-cute pa namang kapatid ay napapabayaan yata. Oo, naawa nga ako kay Karline noong palapit pa lang ako sa kaniya pero noong kaharap ko na siyay naamoy ko ang kasungitan niya. Masama ang titig niya sa akin at nakasimangot siya. OK ka lang?,..ako si Renata. Kaibigan ng Kuya mo Sabi ko pero mahina ang sagot niyang OK lang ako pero hindi na sa akin nakatingin na para bang ang tumingin sa akin ay makakabawas sa kagandahan niya. Noon ay umupo ako sa tabi niya at muli ko siyang tinanong; Ano bang inasikaso ng Kuya mo sa Makati? Hindi ko alam mahina ulit siyang sagot ng hindi nakatingin sa akin. Hindi na ulit ako nagtanong. Tinext ko si Simon at ang sabi niyay 15 minutes na lang at makakarating na siya upang sunduin ang kapatid niya. After 17 minutes, dumating nga siya at panay ang pasalamat niya sa akin. Noong lingunin ko si Karline, ni hindi man lang tumingin sa akin. Sumakay sila ng taxi paglabas namin ng school at iniwan nila ako doon. Napangiti na lang ako dahil pakiramdam koy saglit akong naging yaya ng 10 years old little sister ni Simon.

Kinabukasan sa school, ewan ko kung bakit excited akong makita si Simon sa school kasi classmate ko siya ng last period subject ko. Pero nadismaya ako noong hindi malaman kong wala siya sa klase. Hindi siya pumasok. Kaso noong palabas na ako ng school, nakita ko si Simon at makakasalubong ko pa siya,actually sila kasi may kasama siyang magandang babae. Ewan ko kung bakit ako nasaktan lalo nat pansin kong masyado silang close. Nagkunwari na lang ako na hindi ko sila nakita pero naasara ako nang magkasalubong kamit ni hindi rin ako binati ni Simon kahit na wala namang masyadong tao sa pasilyong yun. Halos umusok ako sa inis sa aking daan pauwi at kahit noong nasa apartment na akoy mainit pa rin ang ulo kot hindi ko naiwasang maisatinig kay Mamerto ang inis ko kay Simon; PLAY>S13 PCLS [Renata] CLS-14 Nilait ulit ako ni Mamerto nung gabing yun pero sandali lang akong nairita dahil kaagad nawala ang sama ng loob ko nang may magtext sa akin. Si Richardson at hindi ako makapaniwalang iniimbita niya ako sa party daw sa boardinghouse nila. Batulot ako noong una pero ang sabi ni Richardson ay susunduin daw niya ako. Nagpaalam naman ako kina Paolo at Mamerto at pinayagan naman nila ako. Para talaga akong nananaginip noong dumating nga si Richardson at talagang napakaguwapo niya. Inangkas niya ako sa scooter na dala niya at inutusan pa niya akong kumapit sa kaniya para daw hindi ako mahulog. Pagdating namin sa boardinghouse nila ay kaagad akong nakaramdam ng matinding hiya dahil wala akong nakitang pangit, mapababae o lalaki lahat sila may itsura. Parang gusto ko nang umatras noon pero bago ko pa magawa yun ay dalawang babae ang sumalubong sa akin. Nakipagkamay sila at humanga ako sa kabaitan nila. Noong ipakilala ako ni Richardson sa kanila ay masaya din nila akong binati at winelcome. Noon na ako nagsimulang maging kumportable sa kanila, lalo na kay Richardson na halos hindi umaalis sa tabi ko. Dalawang beses din akong isinayaw ni Richardson bagay na talagang halos hindi ko mapaniwalaang nangyari. At noong bago mag-alas dose ay nagpahatid na ako kay Richardson. Muli akong umangkas sa scooter niya pero alam kong hindi ang daang binagtas niya ang papunta sa Mendiola pero hindi ako umimik. Hanggang sa huminto kami sa parking lot ng Park. Doon ay naramdaman ko ang paggapang ng mataas na kuryente sa katawan ko nang hawakan ni

Richardson ang kamay ko. Inakay niya ako papunta sa isang konkretong upuan at ang sabi niya; Dito muna tayo. Nakaka-relax dito. Ang ingay sa party kanina. Hindi ako umimik. Renata, may boyfriend ka na ba? ito ang sumunod niyang tanon. Napangiti ako. Meron na? tanong ulit niya. Wala sagot ko. Noon ay tinitigan niya ako pero hindi ko kinayang salubungin ang mga mata niya. Aktong magsasalita pa siya pero nag-ring ang CP ko. Si Mamerto ang tumatawag. Sinagot ko naman kaagad; Oh Cinderella, mag-a-alas dose na. Hindi ka ba uuwi? Baka mamaya lumabas na ang totoong itsura mo at mapapahiya ka sa party Sabi niya. Oo, uuwi na ako. Sabi ko. Alam ko kasing hinihintay lang nila ako. Noon kahit na medyo bitin ang romantic na gabing yun ay nagpahatid na ako kay Richardson. Sa harap ng apartment ay nakatitig siya sa mukha ko. Malabis man sigurong hangarin kong hagkan niya ako kagaya ng mga napapanood kong American Romantic Movies,..pero hindi naman yun ginawa ni Richardson. Sa halip ay nagpasalamat siya at nag-good night. Sinundan ko pa siya ng tingin noong magmaneho na siyat umalis. Ako namay abot tenga ang ngiti ko dahil sa totoo lang, iyon ang pinakasamayang gabi sa buhay ko noong 20 years old ako PLAY>S14 I Love You Martina McBride CLS-15 Mula noong gabing yun ay araw-araw nang nagtetext si Richardson. Nakaugalian ko na ring hinatayin noon ang text niya pero isang araw ay text naman ni Simon ang natanggap ko. Humihingi ulit ng pabor. Nasa ospital daw ang kapatid niya at kailangan niya ng dugo dahil naDengue. Baka daw type B ako. Type B naman ako pero never pa akong nag-donate ng dugo before so may pagaalinlangan ako. Kaso, hindi ko rin naman sila natiis kayat nagpunta nga ako sa ospital at nagbigay ako ng aking dugo kay Karline. Pasensiya ka na ha. Takot kasi talaga ako sa mga ganiyan Sabi ni Simon noon. Takot saan? tanong ko. Medyo nanghihina pa ako noon dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Takot akong mag-turukan ng karayumtapos hihigupin ang dugo ko.

Teka nga,..you mean pareho kayo ng blood type ng kapatid mo,pero dahil takot ka ay hindi ka nagbigay ng dugo sa kaniya? Tanong ko. Tumango siya. Umiling-iling na lang ako saka ko sinikap lumabas ng ospital. Ni hindi niya ako inihatid. Sumakay akong mag-isa ako kahit na gutom at panghihina ang nararamdaman ko. May galit na ako kay Simon noon. Masyado nang maliwanag na pinagsasamantalahan na lang niya ang kabaitan ko. Sunod-sunod pa rin ang text niya sa akin noon, nagpapasalamat pero hindi ko na siya nire-replayan. Tama na ang pagpapakatanga sa kaniya. Kailangan ko nang tanggapin na masyado siyang guwapo para sa pangit na kagaya ko at wala akong maasahan sa kaniya kundi sama lang ng loob. Tama na! PLAY>S15 CLSBed:Fur Elise CLS016 Kay Richardson ako umasa dahil ramdam kong mas sincere siya at hindi siya mapagsamantala. Pero may isang hapon sa Lianas Supermarket, isang babae ang lumapit sa akin. Parang nakita ko na siya dati. Nakangiti siya. Renata right? Bati niya. Oo. Kilala kitasan na nga ba tayo nagkita? tanong ko. Party sa boardinghouse nina Richard. Sagot niya. Ah tama! sagot ko naman pero hinila niya ako sa part na walang masyadong tao. Kumusta kayo ni Richard. Hindi ka pa ba niya sinisimulang biktimahin? tanong niya. Napamaang ako sa narinig kong yun. What do you mean? tanong ko. Gagamitin ka lang ni Richard, kagaya ng ginawa niya sa pinsan ko. Anong ibig mong sabihin? parang nanghihinang tanong ko. Uutangan ka, gagawin kang yaya, katulong. Tagalaba ng damit niya and the like.in short pagsasamantalahan ka lang niya kapag napaibig ka na niya. Hindi naman siguro sabi ko. Ikaw ang bahala. Sagot niya at bago niya ako iniwanan ay nagwish pa siya; Good luck na lang sayo Renata. PLAY>S16 XCLSBed:Spooky Shocker 1 CLS-17

Hindi ako magdududa sa sinabi ng babaeng yung DHD ganito ang palatak ni Mamerto noong ikuwento ko sa kaniya ang tungkol sa sinabi ng babaeng kaibigan ni Richardson. Huwag ka kasing mag-ilusyon na iibigin ka ng ganon ka-guwapong lalaki. Huwag kang tatanga-tanga. Maloloko ka lang! Sumimangot na lang ako sa masakit na salitang yun ni Mamerto, lalo na ang salitang tatangatanga. Hindi naman talaga ako tanga. Nagta-top ako sa klase, lalo na sa mga major subjects ko sa IT. Kaya lang boss ko siya at hindi ko siya puwedeng awayin. Mahal ko na si Richardson at parang OK lang sa akin ang magpakatanga basta maging boyfriend ko lang siya. Kaya naman noong muli niya akong sinundo isang gabi upang kumain kami sa labas ay sumama ulit ako. Kaya lang, gusto kong magpasalamat dahil nagdala ako ng wallet. Wala akong cash pero may ATM card ako sa Savings Account ko. Noong nag-o-order kasi kami ay kinapa ni Richardson ang wallet niya pero nagulat siya noong mapansin niyang wala ang wallet niya. Noon ay nagmadali akong nagtungo sa pinakamalapit na ATM machine at nagwithdraw. Noong kumakain na kami ni Richardson ay tahimik siya at iilingiling, kakamot-kamot ng ulo. OK ka lang? tanong ko. Hindi nga eh. Problema ko yung wallet ko. Nandun ang perang pinadala ng Mama ko na pang-tuition ko Pano na ngayon yan? alalang tanong ko naman. Hindi ko nga alam eh. Baka paghintuin na nila ako dahil ilang beses na akong nakawala ng perang padala nila. Bakit naman kasi hindi ka nag-iingat Hindi ko naman sinasadya Renata. Exam na namin sa susunod na araw. Baka hindi makapag-exam Noon ay hindi na ako umimik. Hanggang sa siya ulit ang nagsalita at ang sabi niya; Renata, may pera ka pa ba? Baka puwedeng pahiramin mo muna ako kahit 3 thousand lang. PLAY>S17 XCLSBed2011:Forgive Me CLS-18 Pinahiram ko si Richardson. Noong matapos kaming kumain sa fastfood na yun ay dumaan kami sa ATM at muli akong nag-withdraw. Inihatid niya ako sa apartment at nabigla ako noong hinagkan niya ako sa aking pisngi. Muntik akong mapatili noon.

Pero pag-alis niyat nakapasok na ako sa apartment ay nakapamewang sa akin si Mamerto sa tabi ng dining table. Oh, bakit walang ngiti sa malalaki mong labi? Nakita ko, hinagkan ka ng prince charming mo Hindi ako umimik. Dumeretso ako sa lababo at naghugas ng pinagkainan nila pero noon ay parang tutulo ang mga luha ko. Naalala ko kasi ang mga sinabi ng babaeng kaibigan ni Richardson. Gagamitin lang niya ako at pagsasamantalahan. Oo, nagsimula na si Richardson sa paggamit sa akin. Masakit. Pero hindi ko sinisisi ang sarili ko. Naawa lang ako sa sarili ko dahil naging pangit ako. Kung naging maganda siguro ako, hindi ako pagsasamantalahan at gagamitin ng mga lalaki. Bakit kasi ako naging pangit? Tuloy, nahihirapan akong magkaroon ng karapatang lumigaya sa pag-ibig. Noong matutulog na ako, nagmiscall si Richardson. Pagkatapos non ay nagtext siya. Renata, lubos-lubusin ko na ang paghingi ng tulong sayo. Yung 3thousand kasi pang-tuition ko lang. Wala akong pang-allowance. Puwede bang magpadagdag. Babayarin ko rin next month. Noon ay nag-isip ako ng ire-replay kay Richardson. Ilang minuto din yun at noong makaisip akoy nireplayan ko siya; Magkano pa ang kailangan mo? tanong ko. Agad siyang nagreply. Kahit 2 thousand na lang. Noon kapuso ay huminga ako ng malalim dahil talagang hindi na ako OK. Ang sabi ko sa kaniya; Kung magpapalit tayo ng kalagayan Richard. Ikaw ang pangit at mataba, ikaw ang nagkakapera lang sa pagkakatulong tapos may lalaking guwapo na humingi sayo ng tulong. Bibigyan mo ba? Labag sa loob ko ang itext siya ng ganito pero tinapangan ko ang loob ko. Nagreply siya kaagad at ang sabi niya; Sabihin mo na lang ng diretsa Renata kung ayaw mo. OK lang naman sa akin eh! Nagngitngit ako sa reply na ito ni Richardson. Nireplayan ko naman kaagad. Oo Richard. Ayaw ko! PLAY>S18 CLSBed:Fur Elise CLS-19 Hindi na ulit nagtext si Richardson mula noon, as in mula noon. Nadenggoy niya ako sa 3thousand ko pero OK lang. Pera lang yun. Panay pa rin ang text ni Simon na hindi ko rin nirereplayan. Bakit? Kasi kapag nasa klase kami, hindi niya ako pinapansin. Kung talagang sincere siya sa

pakikipagkaibigan niya sa akin, dapat pati sa personal mabait siya. Kaso sa text lang siya mabait. Puwede ba? Kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko! ganito ang sigaw ko sa sarili ko noon pero masakit yun sa akin sabay tanong ng; Kaya ko nga ba? Sabay iyak dahil sa idea na, halos wala na nga akong pamilya, wala pang lalaking magmamahal sa akin? Paano pa ako mabubuhay? Well sinikap ko. Nagsipag ako sa pagsisilbi kina Paolo at Mamerto, sinikap ko ring pagbutihin lalo ang pag-aaral ko. Noong 4th year college na ako, limang subjects ko na ka-klase si Simon pero hindi ko pa rin siya pinapansin kahit nahihirapan ako. May mga pagkakataong nakatingin siya sa akin at napapatingin din ako sa kaniya pero ako ang unang bumabawi. Ayokong mahulog sa kaniya. Kailangan kong umiwas sa mga lalaking manloloko. Sapat na ang pagpapakatanga ko kay Richardson. Ang galing-galing niya. Muntikan talaga niya akong maloko ng tuluyan. Noong sumapit ang December, umuwi si Paolo diyan sa Cagayan at nainggit ako. Sumama ako sa kaniya pauwi pero pagdating ng bayan ay naghiwalay kami dahil kailangan naming palabasin na hindi kami magkasama. Dumeretso ako sa bahay nina Mama at Tito Romy pero nasa gate pa lang ako ay ipinagtabuyan na ako ng step sister kong si Melody. Noon ay lumabas na rin sina Mama at Tito Romy. Hinintay akong yakapin ako ni Mama at sabihing na-miss niya ako pero hindi niya yun nagawa. Nakatitig ako sa kaniya at naghihintay ng salita sa kaniya. Gusto kong matuwa noong sa wakas ay nakita kong ibubuka na ni Mama ang bibig niya,..pero nalungkot ako sa narinig kong salitang lumabas sa bibig niya; Kung saan ka mang lupalop galing, bumalik na lang doon. Pero Mamana-miss lang kita sabi ko sabay lapit sa kaniya upang kahit papaanoy makapagmano man lang ako pero hinarangan ako ni Melody saka niya ako itinulak sabay sabing; Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Mama ko? Kung saang impiyerno ka man galing, bumalik ka na doon! Hindi ko pinansin si Melody at kay Mama ako nakatingin, nagmamakaawang kausapin man lang niya ako, kumustahindahil anak din naman niya ako, pero sa halip na gawin niya yun ay hinayaan niya ang anak niyang si Melody na ipagtulakan ako palabas ng gate nila. Noong nasa labas na akoy ini-lock na niya ito at ang sabi pa; Huwag ka nang babalik. Hindi na kami mayaman at wala na kamingipapalamon sayo, baboy! PLAY>S19 CLSBed:Shocks!

CLS-20 Sinaktan mo lang ang sarili mo. Bakit ka pa kasi nagpunta dun? ganito ang sita sa akin ni Paolo noong umuwi ako sa bahay nilat halatang katatapos ko lang umiyak. Sinalubong ako ni Maam Elena ng yakap at tapik sa likod ko. Nanay niya yun Paolo at matagal na silang hindi nagkita Sabi ni Maam Elena. Sa kanila na ako nag-Pasko pero noong matapos ang pasko ay umuwi na ako sa Maynila. Pero noong araw na yun na kararating ko lang sa apartment mula diyan sa Cagayan ay nakita ko ang isang Christmas Card sa may pinto. Binuksan ko, galing yun kay Simon. Napangiti ako kasi kahit papaano, may hatid na saya sa akin ang bagay na yun pero hindi ko siya tinext. Ayaw ko nang magtiwala. Ang mga manloloko at manggagamit kagaya nila, lahat ng gimik ay gagawin para lang mahulog ka sa patibong nila. Kaya lang noong sumapit ang bagong taon, saktong alas dose ng hating-gabi at nagsimula na ang putukan ay may nagpaputok sa harap ng apartment. Napatanaw ako sa bintana at nakita ko si Simon, may dalang mga basket. Lumapit siya sa bintana noong makita niya ako; Puwede bang pumasok? tanong niya. Pinagbuksan ko siya. Ininabot niya sa akin ang basket na naglalaman ng mga pagkaing nakatupperware. Galing ako dito noong Pasko, gusto ko sanang sabay tayong magNoche Buena pero wala kayo, alam kong nandito ka nailang beses na akong sumilip dito mula pa kahaponna-miss kita Renata Sabi niya. Sa totoo lang, na-touch ako sa pagkakasabi ni Simon ng salitang na-miss kita. Gusto kong umiyak dahil yun ang salitang gusto kong marinig sa Mama ko,..pero sa ibang tao ko pa pala maririnig ang masarap malaman na may isang tao pang nakaka-miss sa akin PLAY>S20 In This Life Westlife CLS-21 OK na sana kapuso ang Media Noche naming dalalwa ni Simon kaso biglang may tumawag sa CP niya at noong sagutin niya; Hello Zaira Yun ang narinig ko. Kilala ko si Zaira, classmate namin siya at yun ang babaeng laging kasama ni Simon sa school. Hindi ko alam kung GF niya dahil ano bang paki-alam ko?

Nasa apartment daw si Zaira at kausap niya ang Mommy ko. Im sorry Renata but I have to go. Hindi sila dapat magkausap ng matagal Sabi niya saka siya nagmadaling umalis. Kumain ako ng mga pagkaing dala niya. Masasarap kaya. Sabi niya luto daw yun ng Mama niyang kararating lang galing ng New Zealand. Hindi raw nakauwi ang Papa nila na doon din nagta-trabaho. Tatlo silang magkakapatid. Babae ang panganay nila ay nasa New Zealand din. Sila lang ni Karline ang nandiyan sa Pilipinas. Si Karline, masama talaga ang ugali kaya wala silang katulong na nagtatagal ayon sa kuwento ni Simon. Pero habang nilalantakan ko ang mga pagkaing dali ni Simon noon ay may mga taong sa isip ko. Ano bang balak ni Simon sa akin? Hindi naman siya mahirap o nagkukulang sa pera gaya ni Richardson. May gusto ba siya sa akin? Wala! yun ang malakas na sagot ng isip ko at sumang-ayon ako kasi nga, umalis siya, iniwan ako dahil kay Zaira. Noon din kapuso ay tinigilan ko na ang mag-isip tungkol kay Simon. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko. Hindi niya ako gusto at normal lang yun. Guwapo siya at macho. Ako pangit at mataba. May kaya sila, ako katulong. Tama si Mamerto, Wake up Renata. Hindi pantasya ang buhay mo! PLAY>S21 Fantasy Mariah Carey CLS-22 Kung minsan, tinatawag din akong Barko ni Mamerto. Sobra kasi akong lumapad noong 4th year na ako sa college. Ito rin ang mga panahong madalas akong umiyak dahil sa tumitinding awa ko sa sarili ko. Naging napaka-kulit kasi si ni Simon. Iniiwasan ko na nga, nananadya pang magpapansin. Sobra niya akong ginugulo. Ginugulo niya ako in the sense na dahil sa pagpapansin niyay minahal na siya ng puso ko pero tahasan namang kumukontra ang isip ko. At kahit sa sinong tao, kapag nagtalo at ang isip at puso, ito ay nakakagulo. Ayaw kong maniwalang mahal ako ni Simon, imposible yun dahil nag-break sila ni Zaira noong huling semester namin sa college pero kung talagang gusto niya ako, ako sana ang niligawan niya dahil wala na sila ni Zaira pero hindi, dahil isang Nursing student ang sumunod niyang madalas na kasama. Hindi ko alam ang pangalan nung babaeng yun pero payat, maputi at maganda. Parang manhid pa nga si Simon dahil iniiwasan ko na nga, hindi ko na nirereplayan din ang mga text niya pero panay pa rin ang text na para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa kong pag-iwas. Kapag

nagkakasalubong kami, ako din ang gumigilid sa pasilyo para hindi kami magkabangga. Malapad nga kasi ako pero kahit na gumigilig na ako, nakakabangga ko pa rin siyahindi dahil sa malapad ang katawan ko kundi dahil alam kong sinasadya niyang isagi ang braso niya sa braso ko. Tama si Mamerto; para akong barko. Ako din ang kapitan sa aking barko. Sa karagatan ng buhay, pinilit kong isang direksiyon lang ang tahakin ko,..ang matapos lang sa pag-aaral na may maaayos na grades. Ito ay nagawa ko. Noong graduation ko, dumating si Maam Elena. Siya ang kasama ko sa aking pagtatapos sa kolehiyo. Iniiwasan kong maiyak noon dahil sa totoo lang, sobrang nakaka-touch ang graduation rites namin. Lalo na sa mga kagaya kong hindi lubos inakalang makakatuntong sa ganong estado ng buhay. Nagkatulong lang akopero nakatapos ako. Noong matapos ang graduation, nakahawak si Maam Elena sa malaki kong braso. Palabas na kami noon ng school nang may sumigaw tawag ang pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko si Simon. May hawak na regalo. Happy Graduation humihingal nyang sabi sabay abot sa regalo. Nahihiya man akoy tinanggap ko at nagpasalamat. Mother mo? tanong niya sabay tingin kay Maam Elena. Boss ko. Siya ang nagbayad ng mga tuition fees ko Hindi nakarating ang Mommy mo? tanong ulit ni Simon. Hindi Ah. Sige,..text-text na lang tayo ah. Amm graduate na tayo Renata. Hindi na tayo masyadong busykaya siguro may time ka nang mag-reply sa akin Sabi niya saka nagpaalam. Natigilan ako sa ideang inisip pala niyang masyado lang akong busykaya hindi ko siya nirereplayan. Talaga palang wala sa isipan niyang iniiwasan ko siya. PLAY>S22 I Did It For You Westlife CLS-23 3 weeks pa akong naglingkod kina Paolo at Mamerto bilang katulong nila kahit graduate na ako. Pareho na silang nagta-trabaho noon kasi nauna naman silang nag-graduate sa akin. Pero after 3 weeks since naggraduate ako, isang text message mula sa isang recruitment agency ang nareceive ko. Isa daw ako sa Top 10 ng aming batch sa BSIT. May chance daw akong makapag-trabaho sa Australia, Malaysia, Taiwan, Thailand o Singapore. Nagpunta nga ako sa agency na yun at nakita kong napakaraming Fresh Graduates ang naroon. Seminar pala para sa mga IT graduates na

gustong magtrabaho sa ibang Asian countries. Napakarami namin. Mga graduates ng ibat-ibang schools. Nag-attend ako ng seminar, tatlong araw yun. Tiniis ko ang tanawing hindi ko gusto, ang tanawing hatid nina Zaira at Simon. Oon Kapuso, kasama sila sa mga nag-seminar. Magaling magsalita si Zaira kayay nakapag-pasikat siya sa seminar at si Simon ang unang pumapalakpak pagkatapos magsalita ni Zaira. After 3 days, commencement ng seminar at announcement ng mga pumasa. Kasama ako sa isang daang pumasa. Gabi na noong noong matapos yun at nagtapos yun sa pag-a-annouce kung saang country kami mapupunta. Hong Kong ang unang in-announce. Inasam kong sana doon ako mapunta pero hindi natawag ang pangalan ko. Sumunod ay Australia, natawag ang pangalan nina Zaira at Simon. Sa Australia sila. Sa huling grupo ako natawag, Malaysia. OK lang. Sabi ko, OK lang. Mas maganda na siguro kung maghiwalay na kami ng tuluyan ni Simon. Ay mali! Hindi pala kami kailangang maghiwalay dahil hindi naman naging kami. Magkalayo. Yun ang tamang salita. Dapat talagang tuluyan na kaming magkalayo. Sa Australia sila, sa Malaysia ako. Sumunod non, inayos ko na ang papers ko. Kinulang ng sobra ang savings ko para sa placement fee at iba pang expenses, nangutang ako kina Mamerto at Paolo. Tatlong araw bago ako mag-flight, dumating si Maam Elena na may kasama nang bagong katulong. Sa pinto pa lang noong pagbuksan ni Paolo ang Mama niya, naghuhuhas ako noon ng pinggan, pagkakita ko kina Maam Elena at dala niyang bagong katulong,..natigilan ako at nangilid ang luha ko. Parang nakita ko ang sarili ko limang taon na ang nakararaan. Noong bagong salta ako ng Maynila, noong unang araw ko bilan katulong nina Paolo at Mamerto. Sumunod na pagkakataong nakapag-emote ako, nasa eroplano na ako. Lumuha talag akodahil nasa ere na ako. Parang kailan langnoong pilit akong hinubaran nina Mama at Tito Romy ko dahil pinagbintagan nila akong nagnakaw,..parang kailan lang noong ipagtabuyan ako ni Melody noong gusto ko lang namang makausap at mahawakan ang Ina ko.kasi pasko naman. Ngayonnasa ere na ako, ka-level ko na ang mga ulap. Kasunod non ay ang mga mukha nina Paolo at Mamerto ang lumutang sa imahinasyon ko,..nakangiti sila at higit sa lahat ang naluluhang mga mata ni Maam Elena noong ihatid nila ako sa airport. Ang kaniyang mahigpit na yakap at bilin na magingat ako lagi

Salamat sa kanila,..at sa Salamat sa Diyos dahil alam kong sinadya niyang makilala ko sila. Minahal nila akot pinahalagahan kahit hindi ko sila kadugo.. PLAY>S24 XCLSBed:A Song From A Secret Garden CLS-25 Kaya lang noong makababa na kami ng ereplano sa airport ng Malaysia at kami ay naglalakad na patungong immigration, bigla na lang may umakbay sa akin. Nagulat ako noong makita ko siya; si Simon at nakangiti sa akin. suwerte natin diba? Isang buwan lang after graduation, trabaho agad sabi niya. Diba Australia ka? tanong ko. Nakipagpalit ako. Ayaw ko dun eh bakit? tanong ko pero noon ay nasa immigration na kami at ininterview na kami. Naunang natapos si Simon. Tapos isang babae pa, then ako. Sa labas ay inipon na kami ng taong sumalubong sa amin papunta sa aming tirahan sa Kuala Lumpur. Pagdating namin doon ay bisi-bisihan kami sa pag-aayos ng mga gamit namin. Isang apat na palapag na building yun na pero overseas workers ang nakatira. Si Laarni ang naka-tokang ka-room mate ko. Dalawang tao kasi sa bawat kuwarto. FEU graduate si Laarni, sexy pero hindi maganda. Noong unang gabi namin sa Kuala Lumpur, may kumatok sa pinto ng kuwarto namin ni Laarni. Ako ang nagbukas; si Simon. Bakit? tanong ko. Ang sagot niya; Yan din ang huling tanong mo kanina sa airporthindi ko lang nasagot dahil sa interview sa immigration Bakit nga ba hindi ka tumuloy sa Australia. Yun ang pinaka-the best ng optionat isa pa, doon si Zaira Nandito ka Renata, kaya ako nakipagpalit. Ikaw ang gusto kong makasamamahal kita.. Tigilan mo ako Simon. Huwag naman.hanggang dito guguluhin mo ako. Yun lang at isinara ko na ang pinto. Kabastusan yun pero talagang muli akong naguluhan. Parang sasabog ako noon sa inis,bakit ayaw niya akong tigilan? Are you OK? tanong sa akin ni Laarni. No Im not. Nakita mo yung lalaki sa pinto diba? Yes Guwapo diba?

Yes! Guwapo siya Sa Australia yun naka-grupo, pero nakipagpalit daw siya dahil gusto daw niya akong makasama,..dahil mahal daw niya ako. Tingnan mo nga ako Laarni. Look at me,..now maniniwala ka bang ang ganitong itsura ay mamahalin ng kagaya niya. Tell me honestly Laarni Renata,walang mata ang puso Natigilan ako sa sinabing ito ni Laarni. Mas naniniwala ako sa pag-ibig na hindi basehan ang itsura. Yung pagmamahal niya sayo,..yun ang tunay because he loves you not for what you are.but because of who you are. PLAY>S25 Have You Ever Been In Love Westlife CLS-26 Masarap pakinggan ang mga sinabi ni Laarni. Masarap damdhin at isiping sana ay totoo nga. Pero ilang linggo pa lang namin sa Kuala Lumpur ay may mga love teams na tirahan namin. Nasa 4th floor kami, sina Simon ay nasa 2nd floor pero si Anna na nali-link kay Simon ayon sa chismis ay taga3rd floor. Lalo akong nasasaktan noon at ayaw ko ng ganon. Ang ginawa koy nag-focus ako sa trabaho. Sa Marketing Department ako napunta, sa Promotions Division at nakatoka ako sa Webpage Development ng kumpaniya. Kulang kami sa division namin at maraming trabaho lagi kaya ako ang laging nagpe-presentang mag-overtime. Kadalasan, alas dos na madaling araw ako umuuwi. Paraan ko rin yun upang maka-iwas sa hindi magandang tanawin at kuwentuhan sa tirahan namin. Ayaw kong makita si Simon, ayaw kong makarinig ng kahit ano tungkol sa kaniya. Gusto ko, pag-uwi ko, tulog na ang lahat. Pero hindi ko alam na inaabuso ko ang katawan ko sa madalas na pag-o-over time. Dumalas ang pagkahilo ko hanggang sa isang hapon sa opisina ay nilagnat ako, gininaw ng sobra at bigla na lang nagdilim ang paningin ko, naghina at nawalan na malay. Pag-gising ko, nasa ospital na ako at ang unang taong nakita ko noong imulat ko ang mga mata ko ay si Simon. Nakangiti siya noon pero hindi ko narinig ang sinabi niya. Napansin kong may bulak at plaster ang braso niya. Anong nangyari sayo? tanong ko. Talagang ako pa ang nag-alala dahil sa plaster at bulak sa braso niya. Wala. Nag-donate lang ako ng dugo para sayo. Kulang na pala ang dugo sa katawan mo eh Sabi niya. Napakunot-noon ako sa sinabi niyang yun.

Ikaw, nag-donate ng dugo? tanong ko. Tandang-tanda ko pa kasi noong mag-Dengue ang kapatid niya at ako ang ipinasubong niyang magdonate ng dugo dahil sa natatakot siya sa karayum at nanghihina daw siya sa idea na hinihugup ng hose ang dugo niya. Diba takot ka sa karayum? tanong ko. Hindi naman masyado. Na-overcome ko na yun. Yun lang paghigop ng hose sa dugo ko ang hindi ko kayapero kinaya ko na para sayo Salamat. Sabi ko. Nakatitig siya mukha ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, pero narinig ko siyang nagsalita; Hinihintay ko ang epekto ng pagdaloy ng dugo ko papunta sa puso mo Renata. Galing sa puso ko ang dugo ko,at kapag nakarating na sa puso mo.iniisip kobaka mahalin mo na rin ako. Hindi ko napigilan ang biglaang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na rin pinigil ang sarili kong magsalita; Hindi na kailangan yun Simondahil tatlong taon na kitang mahal Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Kung totoo yan Renata,..bakit panay ang iwas mo sa akin? Dahil hindi ako naniniwalang ang isang kagaya mo ay magkakagusto sa isang kagaya ko. Ganon kasimple yun Simon Patunayan mo yan Renata. Pagkatapos ng kontrata natin dito, uuwi tayo sa Pilipinas at pakasalan mo ako Pano si Anna? tanong ko. Sinong Anna? Yung taga-3rd floor Renata,..walang Anna sa buhay ko. Huwag kang makinig sa tsimis,..para lang yun sa mga taong walang bait sa sarili. Dito ka makinig sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko saka niya idinikit sa dibdib niya. Dito ka makinig,..dahil isang pangalan ang sinisigaw nito; Renata, Renata, Renata. PLAY>S26 Heart Of Mine Boz Scaggs CLS-27 Hindi ko pinansin ang hiya ko sa sarili ko noong hagkan ako ni Simon habang nakahiga pa ako sa kamang yun sa ospital. Iyon ang naging simula ng aming relasyon bilang boyfriends at girlfriends.pero nagtagal lamang ang relasyong yun ng dalawang taon. Oo, 2 years ko lang siyang naging boyfriend. Ganon sigurado talaga ang buhay,..hindi ko siya puwedeng maging boyfriend forever dahilasawa ko na siya ngayon.

Tinupad niya ang pangako niyang pakasalan ako pag-uwi namin diyan sa Pilipinas. Simpleng kasalan lang yun na ginanap sa Simbahan, Recepcion sa Hotel at si Maam Elena at Sir Martin ang tumayong mga magulang ko. Umuwi ako diyan noon upang kausapin sana ang Mama ko pero iba na pala ang may-ari ng bahay nilang maganda. Umalis na raw diyan sa Cagayan sina Mama at Tito Romy matapos bumagsak ang kabuhayan nila. Ang balita ay nagpunta daw sila ng Ilocos Sur pero wala namang nakakaalam kung saang banda. Masakit sa akin ang nangyari kina Mama, kahit inagrabyado nila ako ay hindi ko pa rin puwedeng talikuran ang katotohanang siya ang nagluwal sa akin, siya ang aking Ina. 2 months lang ang naging bakasyon namin ni Simon noong ikasal kami. After the wedding, nag-honey moon kami sa Palawan with Mama Elena, Sir Martin at ang parents ni Simon. Bilib ako sa magulang ng asawa ko, magaganda sila at guwapo perohindi sila tumitingin sa itsura, puso at pagkatao ang mahalaga sa kanila kaya naman mahal na mahal nila ako. Sa ngayon ay 4 months pregnant na ako pero nagta-trabaho pa rin ako dito sa QNAP-Kuala Lumpur. Pati si Simon na-recontract din. Pero halos araw-araw niya akong kinukulit na mag-file na ng maternal leave. Hindi na kasi kami nakatira sa quarters, may sarili na kaming apartment dito at kashare namin si Laarni na siya ngayong super bestfriend ko. Masaya ako kapuso dahil every single day ay hindi ako makapaniwalang ang bibigyan ako ni Lord ng isang kagaya ni Simon upang maging asawa ko. Every single day ay ipinadarama sa akin ni Simon na mahal niya ako kahit na ako ay isang DHD, Dambuhalang Hinog na Duhat. Hanggang dito na lang Kapuso at sanay naibigan niyo rin ang kuwentong ito ngbuhay at pag-ibig ko. Lubos na nagpapasalamat, Renata PLAY>S27 Lucky Jason Mraz & Colbie Cailla

You might also like