You are on page 1of 3

ROAD TO FOREVER: MAHAL KO O MAHAL AKO?

Prologue

Ang sabi ng ilan, mahirap daw makahanap ng love life kaya dapat i-grab ko na ang opportunity if ever na
may mahanap akong lalaki na magpapatibok sa puso ko.

Pero paano nga ba natin malalaman kung para sa 'yo talaga ang isang tao?

Malalaman ba 'yon sa kanyang kilos, salita, lengguwahe, mga karanasan, o pag-uugali?

Para sa akin, hindi na importante ang mga iyan. Hindi ko kailangan mag-set ng standards para malaman
ko kung para talaga sa akin ang isang tao. Dahil ang tangi ko lang basehan... ay ang pagtingin sa mga
mata niya at makita ang sarili kong tunay ang ngiti at pinapakita ang pagmamahal ko sa kanya.

His eyes would reflect my true feelings for him.

Kapag nagmahal ako, ipinapakita ko kaagad. Wala nang kung ano pang mga pagpapakipot o kahit
anumang isisingit. Who knows, baka oras ko na pala ngayon, tapos hindi ko g-in-rab ang opportunity na
maging happy ako by means of falling in love.

Nakangiti ako sa salamin habang iniisip ko ang mga iyon.

Sinipat ko ang cellphone ko upang malaman kung nag-text na ba siya o hindi, pero wala pa rin akong
mare-receive. Mas lalo tuloy akong na-excite. Siguro pinaghahandaan niya talaga ang date namin
ngayon.

Labis ang pamimilipit ng mga paru-paro sa aking tiyan. Being in love is really the happiest thing that
could ever happen to a person. Masaktan ka man o sumaya, basta magmahal ka, may contentment kang
mararamdaman kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka katulad ng iba na binabalewala ang sariling
damdamin nang dahil sa napakaraming dahilan.

No holds barred naman ang pagmamahal. Kung matututo lang ang tao na kontrolin ang sariling emosyon
at manimbang ng mga sitwasyon, magiging malaya ang pag-ibig.

Tumigil lang ako sa aking ginagawa nang may maalala ako. Hindi ko na nga pala tiyak kung mahal ko pa
siya o hindi na. Lalo pa't may isang napakagandang extra ang dumating sa buhay namin. Isang lalaking sa
tingin ko, karapat-dapat mahalin at tingin ko rin, may nararamdaman na ako sa kanya.

Naupo ako sa aking kama. Bigla akong nanlumo. I didn't imagine na masisira ang araw ko nang dahil dito.
Lumitaw na lang din nang biglaan sa isip ko ang mga katagang binitawan sa akin ng dalawang lalaki sa
buhay ko:

"Hindi pa man sapat 'to para maniwala kang mahal kita pero gusto kong manatili ka sa tabi ko, Mira.
Ayokong makita kang may kasamang iba. Nagseselos ako. Ikaw lang ang gusto kong makasama... kahit
pang habang-buhay pa. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, patutunayan ko ang sarili ko sa 'yo." -Byron

"Ako na lang, Mira. Kahit hindi mo na 'ko mahalin basta rito ka lang sa tabi ko. Mahal na mahal kita at
alam mo 'yon. Unang beses ko pa lang 'tong nararamdaman pero todo na ang pagkatama ko sa 'yo. Kaya
pakiusap, sa 'kin ka na lang. Ako na lang ang piliin mo." -Timo

Napaluha ako. Halos wala na 'kong makita sa tindi ng pag-agos ng mga luha ko. Parehas silang
importante sa 'kin pero kahit ayaw ko... kailangan ko pa ring pumili.

Sino nga ba'ng pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?

Characters:

Mirasol Rizalia Taracatac- Isang simpleng babae, morena (nagpapa-tan siya dahil ayaw niyang mahalata
na may lahi siyang iba), petite, may salamin, blue green ang mata na nakuha sa ama (ngunit may contact
lense na black), matangos ang ilong, makapal ang kilay, pink lipstick ang laging gamit, manipis ang labi,
litaw ang cheekbone (lalo 'pag ngumingiti), allergic sa fried chicken.

Homer Timothy Rodriguez- Anak sa labas ng may-ari ng company (ngunit tunay at nag-iisang anak),
moreno, masungit, mahilig sa bata, matangkad, itim na itim ang mga mata, kasamahan sa trabaho ni
Mira, nakabili ng kotse dahil sa ipon noong kolehiyo, nanay na lang niya ang kasama (na mahal na mahal
pa rin ni Mr. CEO ng kompanya), matangos ang ilong, pulang-pula ang labi, may dimple at kakulay ng
mata ang buhok.

Scian Byron Pasqual- Coffee shop owner, artist, mayaman, matangos ang ilong, matangkad, mestizo,
chinito at medyo pink ang medyo makapal na labi, blue ang mata, mahilig sa kulay pink, happy go lucky,
at laging confused sa feelings, at light brown ang buhok.

1st Encounter w/ Timo: Dala-dala ni Mira ang sandamakmak na papeles nang mabangga siya ni Timothy.
Nagmamadali ito dahil mahuhuli na sa interview kaya naman hindi na siya nalingon at natulungan nito
sa pagpululot ng papeles. Nainis nang husto sa binata kaya isinumpa niya ito sa isip. At higit pa roon,
napagalitan din siya ng boss niyang si Mrs. Jovelyn Becbec na parang si Ms. Minchin kung siya'y ituring.

2nd Encounter: Nang sumugod sa opisina ang ex-girlfriend ni By na ang akala'y siya ang dahilan ng break
up nila ni By, tumakas siya sa opisina kahit pa tapos na ang lunch break. Sakto naman na papauwi na si
Timo kung kaya't ang kotse nito ang una niyang nabuksan dahil nasa harapan naman ito ng company
building. Nagulat siya nang makita ito.

Ending: Mas pinili niya si Timo dahil alam niyang tunay siyang minamahal nito. Nakasama niya man nang
matagal si Byron at mahal niya pa rin ito, alam niyang confused pa rin ito sa nararamdaman para sa
kanya. Naisip niya na ito'y mas matututong kumilatis ng sariling emosyon kung wala siya sa tabi nito.
Samantala, nasa moving on stage pa siya pero alam niyang gusto na niya si Timo kung kaya't sinugod
niya ito sa opisina at inamin ang nararamdaman. Tinanggap naman nito ang kanyang damdamin at
naghihintay lang daw naman itong bumalik siya sa piling nito.

You might also like