Professional Documents
Culture Documents
Piyesa
Piyesa
Scene 1 Bahay
Ate: “Hoy Gising na diyan!!!”
Maria: Hindi niya na kailangang sumigaw dahil kagabi pa gising na gising ang
diwa ko. Kagabi pa ko nagmumukmok at sinisingil ang sarili kong luha dahil
sa aking katangahan. Kung alam ko lang sanang ganito ang kahihinatnan ng
lahat ay hindi na ko sumugal.
Kuya:“Oh anong nangyari sa mata mo?”
Maria: “Wala.”
Maria( sa isip): Ayaw kong magsalita. Ayaw kong makakita ng tao. Siguro
ganito talaga ang pakiramdam kapag nasa kalagayan ka na nung mga
artistang nakikita mo sa pelikula. Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag
nasaktan ka. Minsan ang corny dahil masyado ng gasgas yung ibang kwento
sa mga teleserye, pero sa totoo lang ganun na ganun ang drama natin sa
totoong buhay. Hindi lang natin minsan maamin dahil sa dalawang dahilan:
Una, hindi pa nangyayari satin. Pangalawa, nangyari na at masyadong masakt
para balikan.
Narrator 1: Nagtungo siya sa banyo para matingnan ang sarili sa kung ano
nga ba nangyari. Bahagya rin siyang nagulat... Magang maga nga na parang
pinagtulungan siyang bugbugin ng limang tao.
Maria: Pero masakit pa rin. Hindi yung magang-maga kong mga mata. Kundi
yung nasa kaliwang dibdib ko.
Narrator 1: Sunod siyang pumunta sa mesa kung saan nakahain ang pagkain,
Maria: Hindi yata maiibsan ng pagkain na to ang nararamdaman ko. Ayaw
kong kumilos. Gusto ko lang nakahiga lang ako.
Ate:“Wag kang iiyak iiyak diyan Maria ah... pag ako nairita sa iyo.. ako mismo
maglalagay ng pasa diyan sa mata mo”
Maria:“Hindi ako pupunta ate.. ayoko... sa totoo lang ayaw kong kumilos...
ayokong kumain.. ayaw kong lumabas.. ayaw kong kausapin mo ko.... ayaw
kong mabuhay!!!!”
(Hindi ko namalayan na sumisigaw na ako sa mesa. Napansin kong nakatulala
lang si ate habang pinagmamasdan niya akong umiiyak sa harapan niya.
Ngayon lang nangyari to. Dahil na rin sa katigasan ng ulo ko).
(Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi ko to inaasahan. Buong akala
ko eh makakatikim ako ng litanya mula sa kanya.)
Ate:“Shhhhhshhhh.. tahan na... lilipas din yan. Hay puppy love nga naman..”
Ate:“Hindi yan ang magpapatumba sa iyo ah? Nandito ako.. nandito ang ate...
darating ang araw na darating din yung lalaking mamahalin ka at tutumbasan
ang pagmamahal mo”
Kuya: Pumunta ka sa paaralan para ituloy ang pagsali sa patimpalak ng
masining na pagkukwento. Maraming mga tao. Maraming mga nagaabang.
Maraming kalahok at marami ring nanonood. Huwag mong itigil ang mundo
mo dahil lang sa iniwan ka ng taong akala mong dahilan ng pag ikot nito.
Maria: Opo Kuya.
Scene 2 Satge
Maria:Nakasuot ako ng kulay puti. Parang isang lalaking takas sa mental.
Bigyan pa siguro ako ng ilang araw ay talagang pwede na kong bumagsak dun.
Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko ang bilis ng mga pangyayari.
Masining na Pagkikuwento
Narrator 2: “Naranasan mo na ba yung magmahal ng walang kasiguruhan?
Yung tipong sigurado ka sa nararamdamn mo pero hindi ka sigurado sa
nararamdaman niya? Yun bang ang tanging pinanghahawakan mo lang ay
yaong mga salitang alam mong nagpatibok sa puso mo, gumising sa natutulog
mong diwa at nagbigay kulay sa buhay mo.”
Maria: Nakilala ko siya sa facebook. Arman ang pangalan niya. . Ang bait-bait
niya. Nagsimula lang sa isang simpleng chat hanggang sa araw-araw naguusap
na kami. Sa mga oras na iyon sobrang saya ko, kasi may nakakausap akong
taong mas matanda sa akin.
Maria:Medyo malayo-layo tinitirahan niya. Pero ayos lang dahil ang facebook
ang nagsisilbing tulay para paglapitin kami.
Narrator 4:“Naranasan mo na bang ibigay ang lahat sa isang taong alam mong
kailanman ay hindi magiging sa iyo habang buhay, yun bang ang alam mo
lang eh mula sa araw na nagkakilala kayo ay sa kaniya na lang umiikot ang
buhay mo? Wala ka ng itinira sa sarili mo kahit respeto, kahit indikasyon na
isa ka pa ring tao naghahanapp din ng pagmamahal mula sa taong mahal
niya.”
Maria :Isang araw habang nakadikit sa tainga ko ang telepono, bigla kong
natanong kung OK lang ba na magkita kami, sa isang lugar na kami lang. Sa
isang lugar kung saan aaminin ko sa kanya na masaya ako nakilala ko siya.
Na masaya ako na lagi ko siyang nakaka-chat sa facebook. Na masaya ako na
sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na mahal na
mahal ko siya.
Maria: Nasa isang restaurant ako.. Im patiently waiting habang hindi pa siya
dumarating. Kabadong kabado ako. Hindi ko alam ie-expect. Hindi ko alam
kung paano siya magre-react pag sinabi ko sa kanyang mahal ko na siya dahil
alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pero sa loob ko, umaasa ako
na he will feel the same.
Maria: Nang dumating siya.. just what I expected.. Gwapong gwapo pa rin. Ang
saya niyang kausap, may sense kumbaga. Naikwento ko sa kanya na may
sasalihan akong patimpalak, isang masining na pagkukuwento. Tinanong ko
siya kung sa tingin niya mananalo ako Ang sabi niya, kaya ko daw iyon dahil
inspired daw ako. Tinanong ko naman siya paano niya nalaman na inspired
ako, sabi niya, halata naman daw pag naguusap kami sabay kindat sakin.
Maria: Niyaya niya ko sa isang pribadong lugar. Yung kaming dalawa lang.
Doon ko inamin sa kanya na mahal ko siya. Hindi siya nagsalita. Hinalikan
niya lang ako. At iyon na ang pinaka masaya kong gabi. Hanggang sa…..
Maria: Nagising ako ng umagang iyon ng wala na siya sa tabi ko. Tinawagan
ko siya pero hindi siya sumasagot. Tinext dko rin siya pero wala siyang reply.
Hanggang sa may nakita akong note sa side table... Sabi niya, dont
misunderstood everything
Maria: Umuwi ako sa bahay na hindi alam ang gagawin. God knows ilang
beses akong nag-attempt na tawagn ka pero nakapatay na ang linya mo.
Hinintay ko pang sumakit ang daliri ko para sumuko akong magtext sa iyo.
Maria: “Hindi ako tanga... hindi ako baliw... hindi ako nawalan ng
ulirat...nagmahal lang ako”
Maria (sa isip): Nakita ko uli siya sa ikalawang pagkakataon. Lumapit siya sa
akin at ibinigay ang premyo. Kinamayan niya ako at narinig ko siyang
nagsalita.
WAKAS