You are on page 1of 4

Sampung Palatandaan Na Di Ka Pa Nakaka-Move On

Ni: Reygie Fabriga

1. Pinapakinggan mo pa rin ang mga love songs na kinakanta at pinapakinggan n’yo


noon. Kapag ginagawa mo ito, ilang sandal kang sasaya pero sa huli, sa #SentiMode
pa rin ang bagsak mo.
2. Pilit mo pa ring iniisip kung saan ka nagkulang. Hindi ka agad makatulog dahil pilit
mong binabalikan ang mga nakaraan n’yo. Yung panahong pinagtagpo kayo ng
tadhanang s’ya ring naglayo sa inyo. Laging may #BakitGanun ka sa utak mon a
nagsusumigaw ng kasagutan.
3. Nagpapatanong ka pa rin sa sarili mo kung bakit ninyo biglang kinamuhian ang isa’t
isa. Datinaman malambing kayo sa isa’t isa pero bakit bigla na lang bumaliktaad ang
mundo at naging enemies kayong dalawa? Mula sa #Mayforever, naging
#WalangForever tuloy ang iyong motto sa buhay.
4. Lagi mo pa ring tsini-check ang Facebook at social media accounts n’ya. #Abangers
ka pa rin at #Stalker na umaasang may Part 2 ang naudlot na love story ninyong
dalawa. Umaasa kang makakakita ng post na nagpapahiwatig na name-miss ka rin
n’ya, pero kapag nakitang meron na syang iba, bubuhos na naman ang iyang
#IsangBakdengLuha.
5. Lagi kang naghahanap ng masisisi sa hiwalayan ninyong dalawa. Sinisisi mo ang
trabaho mo, trabaho nya, religion, pananaw sa buhay, paboritong teleserye, global
warming, climate change at Clash of Clans. Wala lang. Trip mo lang na ipahid ang
mga kasalanan mo sa iba.
6. Ginusto mong gumanti at saktan s’ya. Hindi pwedeng ikaw lang nasasaktan at
nahihirapan. Dapat, pati s’ya! Mula sa dating bida ng love story nyo, bigla bigla
paarang ikaw na ang nagiging kontrabida. Para ka tuloy sinsapian ng espiritu ni Gian
Carlo de Luca. #LintikLangAngWalangGantiMode ang peg mo na sa huli ay huli ay
ikaaw din lang ang kawawa.
7. Lagi mo parin s’yang bukambibig kapag kausap moa ng iyong mga kaibigan. May
sepanx (separation anxiety) ka paa rin sa kanya. Kahit ‘di sinasadya, nagiging
aautomatic ang pagkakasali n’ya sa usapan n’yo kahit tungkol pa ito sa corruption,
same-sex marriage at tanim bala. Sa dami ng memories ninyong dalawa, naaalala
mo sya sa alcohol, sa headset, sa dahoon ng saluyot, sa inidoro, maging sa tae ng
butiki at nagiging malungkot ka na lang bigla kapag may nakita kang umiinom ng
hot chocolate gamit ang straw kasi habit yun ng ex. mo. #AngLala
8. Dinadasal mo na sana una kang maka-move on sa inyong dalawa. Hiniling mo kay
Lord na sana una kang makahanap ng kapalit n’ya. Na sana pagsisihan n’ya na
hiniwalayan ka n’ya. Na sana ikaw na lang. Ikaw na lang ulit ang mahalin n’ya.
#BashaMode
9. Kinukumpara moa ng sarili mo sa bag nya at kinukumbinsi moa ng sarili mo na mas
higit ka sa bago n’ya. Kahit agrabyado, pilit mop aa ring sinasabi sa sarili mo na mas
maganda ka, mas matalino ka, mas maputi ka, Na-realize mo tuloy na kaya pala
ayaw na n’ya sa’yo kasi ang taba taba mo na!
10. Siya pa rin ang dahilan tuwing naiiyak ka na lang digla. Wala na tuloy pumapasok
sa CR ninyo para umihi at tumae dahil natakot sa multong umiiyak doon. Yun pala,
ikaw lang – umiiyak, ngumangawa, nagda-drama. Ikaw na ang bagong kahulugan
ng salitang #TANGA sa Filipino-Filipino dictionary.

Sampung Paraan Para Maka-Move On


Ni: Reygie Fabriga

1. Huwag kang bitter! Ang ampalaya, inuulam. Hindi inuugali. Wag kang makialam sa
relasyon at lablayp ng iba. Wag mong sabihing magkakahiwalay din sila dahil lang
sa nagkahiwalay rin kayong dalawa. Kung niloko ka, iniwan aat ipinagpalit sa iba,
isipin mo na lang na naghanap lang siya ng mas bagay sa kanya dahil hindi n’ya
deserve ang tulad mo. Kung ikaw naman ang nakipaghiwalay, anak ng kalbong
gorilya, wag kang maghabol! Ikaw ang kumalas kaya wag kang umasta na para lang
s’yang grocery na iniwan mo sa baggage counter at binabalikan mo dahil kailangan
mon a. Panindigan mo ang desisyon mong hiwalayan s’ya dahil kung totoong mahal
ka n’ya, gagawa s’ya ng paraan bumalik ka lang sa kanya. Wag na wag kang
magmakaawa na bumalik s’ya sa’yo kung ikaw naman ang bumitaw. Ano ka, sira?
2. Burahin moa ng lahat ng mga bagay na nakakapagpaalala sa’yo sa kanya. Yung
pictures nyo sa Facebook, photo album at cellphone mo, burahin mo na. Yung mga
text messages n’ya na 300 years na sa inbox mo, burahin mo na. Yung mga love
letters n’ya tuwing monthsary, Valentines, Pasko, New Year. Halloween at Labor
Day, itapon mon a. Lahat ng mga bagay na niregalo n’ya sa’yo tulad nung pakete ng
Rinbee na kinain n’yo nung first date n’yo, itapon mon a. Kung gusto mo, ilibing mo
lahat at palagyan ng lapida na may nakasulat sa “R.I.P. Forever”. Hangga’t maaari,
ilayo moa ng mga bagay na nagpapaalala sa’yo sa kanya kaasi magiging balakid lang
ito para makalimutan mo s’ya. Baka ito pa ang maging dahilan ng pagiging bulag mo
sa reyalidad na wala ng kayo dahil maroon na syang iba.
3. Baguhin ang sarili into someone better, not bitter. Ayusin moa ng sarili mo. Mag-
ipon ka. Mag-aral ka ng mabuti para matupad moa ng mga pangarap mo sa buhay.
Gamiting mong inspirasyon ang heartbreak mo para makapag-arak ng mabuti at
tuluyan s’yang makalimutan. Kapag naging upgraded version ka na ng dati mong
sarili, baka ma-realize pa n’ya na nagkamali s’ya na hiniwalayan ka n’ya. Yun. Sweet
revenge kumbaga.
4. Bigyan ng mas mahabang oras ang pamilya, mga kaibigan at sarili. Ituon moa ng
atensyon mo sa ibang tao na pinapahalagahan at minamahal ka. May pamilya at mga
kaibigan ka naman. Humana ka ng taong mapagsasabihan ng lahat ng hinanakit mo
paara hindi sumikip ang dibdib mo at sumabog kalaunan. Mag-open up ka sa kanila.
Wag kang magra-rant post sa Facebook dahil pagtatawanan ka lang ng iba at ikaw
ang magmumukhang kawawa.
5. Humanap ka ng ibang pagkakaabaalahan. Maraming interesanteng bagay sa mundo
ang pwede mong subukan paara malibang ka at malimutan ang sakit na dinulot ng
pag-ibig mong expired na. Mamasyal ka o magbakasyon, pero siguraduhin mong
may baon kang sapat na pera para may pamasahe ka pag-uwi. Pwede ka ring
magsimula ng bagong hobby tulad ng paglalaro ng mobile games gaya ng Candy
Crush, Criminal Case at Duterte games; pagbabasa ng libro nina Marcelo Santos III,
Rick Riordan at J.K. Rowling; at pag-aalaga ng aso, pusa, kambing, buwaya o
dinasaur. Mas makabubuti kung ibigay mo na lang ang 100% mo sap ag-aaral paara
matuwa naman ang nanay mo sa’yo. Kapag natuon na ang pansin mo sa mga bagay
na ito, hindi mon a mamamalayan na nag-en-enjoy ka na pala at tuluyan na s’yang
nawal sa isip mo.
6. Huwag mo s’yang kamuhina. Walang magandang maidudulot kung magtatanim ka
ng sama ng loob sa kanya. Kung gusto mo rin lang magtanim, gulay at prutas na
lang, magtanim, gulay at prutas na lang, nakakain mo pa! Maaaring nagmarka at
nag-iwan ng peklat sa puso moa ng naging hiwalayan ninyo pero hindi ibig sabihin
nun ay s’ya lang ang dapat na umangkin ng lahat ng sisi, sinuman ang tunay na may
pagkakamali at pagkukulang. Magpatawad ka dahil dun ka lang lubusang lalaya at
liligaya.
7. Ituring mo na lang s’ya na isang alaala. Kahit pa natapos na nag lahat sa inyo, hindi
mo rin naman pwedeng itapon na lang ang mga magagandang alaala na
pinagsaluhan ninyo noon at lalong hindi mo maipagkakaila na minsan sa buhay mo
ay napangiti ka nya, napasaya, at minsan s’yang naging krayola na nagbigay kulay sa
buhay mo.
8. Huwag ka nang umasa na magkakabalikan pa kayo. Isipin mo na lang na’di talaga
s’ya ang taong inilaan ng tadhana para sa’yo. Wag mong hayaang gawing apartment
ng inis, pagkamuhi at galit yang puso. Isipin mo na lang kung ano ang mga nawala
sa kanya nang iniwan n’ya ang puso mo na may stitches at bukol.
9. Tanggapin mong tapos na kayong dalawa. May mga bagay sa mundo na kapag
nagtapos na ay kailangan mo na lang tanggapin para makapaghanda ka sa pagdating
ng panibagong papalit. Ibig sabihin nun, wag mo ng isipin pa na sa bandang huli ay
baka kayo pa rin dahil baka hindi na ito dumating at tuluyan ka ng mawalan ng
tiwala sap ag-ibig. Buksan moa ng puso mo para sa panibagong kabanata ng love
story mo at baaka ito na ang panahon mong lumigiya.
10. Isipin mong may inilaan aang Diyos para sa’yo at magtatagpo kayo sa tamang
panahon. Sabi nga nila, lahat tayo ay nilikha ng Diyos na may kapares sa mundo.
Malay mo, baka natagalan lang sa pagdating ang soulmate mo. Baka naa-traffic, nasa
Malacañang, o di kaya’y nasa tabi-tabi mo lang at ‘di mo lang napapansin. Lahat tayo
ay meron daw ka-red string kaya #HintayaHintayDinPagMayTime ka na lang muna.
Darating din ang happy ending mo.
Maaaring makatulong ito sa’yo, maaari ring hindi. Pero anu’t anuman ang mangyari,
pakatandaan mong hindi ka nag-iisa sa mundo. Kapos ka man sap ag-ibig na mula
sa taong pinapangarap mo, kailanman ay hindi ka mauubusan ng pagmamahal dahil
nandiyan ang mga totoong nagmamahal sa’yo – ang mga kaibigan mo, ang pamilya
mo, at higit sa lahat, ang Panginoon.

You might also like