You are on page 1of 1

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga.

" Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa


pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para
inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising
ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo
at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal
nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang
eh "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro
ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, masyadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang
tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din
sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa
mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga
iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon
tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang
yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa
Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "happy b-day".
"Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic
novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby.
Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng
emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya eh
magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng away. Di ba mas logical un?
Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-i love you, i miss
you, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan.
Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga yun sa iba. Women
are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At
para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae
ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga
lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's
the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng mundo sa
paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang yung masasaktan. Eh sila? Isipin mo,
nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9
months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at
walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing
"scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do
everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga
statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-
chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng
iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang
papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad
niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng nagtataasang
pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa
nag-iisang tsinelas ng buhay mo.

You might also like