You are on page 1of 5

ANG ISTORYA SA LIKOD NG SINGKO

"Ano ito singko sentimo," pabulyaw na sabi ni Ginang Mariano.

"Ayaw ko nang ganito, ibalik mo na lamang ang pera ko at isasauli ko ang mga binili
ko," sabay mura ng kanyang bibig.

Walang nagawa ang tindera kundi isauli ito sa galit na Ginang.

-------------

Sa gilid ng mga rumaragasang sasakyan; sa tapat ng umaalingasaw na araw; nakatirik ang


isang konkretong bahay. Bahay na tinitirhan ng isang pamilyang may konting karangyahan sa
buhay. May dalawang supling ang naglalaro sa isang maliit at berdeng bakuran na kung saan
naaaninag ang mga sasakyang nagdaraan.

Makalipas ang ilang oras na paglalaro, kumalam ang sikmura ng dalawang bata. Tinungo
ng isa ang kusina at ang isa nama'y pumunta sa kanyang ama. Humihingi ang batang paslit ng
singko sentimo para siya'y makabili ng tinapay, ngunit hindi siya pinagbigyan nito. Nagmakaawa
ang bata, ngunit hindi pa rin dinidinig ng ama pagsusumamo nito. Tumangis ang mga
namumuong luha ng bata. Tumakbo siyang parang asong hindi nakasuso sa kanyang ina.

Narinig ng bata ang huning kilalang-kilala ng kanyang pandinig. Naaninag niya ang
inang dumarating. Tumakbo ang bata sa ina at hiningian ito ng singko sentimo. Tinutulan ito ng
ama na huwag muna nitong bibigyan dahil sabay-sabay na lamang silang magmemeryenda
mamaya. Ngunit hindi nakapagtimpi ang mga nagmamakaawang mga mata, parang may sipong
humuhuni sa kanyang mukha.

Pilit na sinasabi ng ama na "huwag muna, mamaya na," ngunit hindi nakatiis ang ina sa
pagmamakaawa ng anak. Ilang sandali pa'y, inilabas na ng ina ang singko sa kanyang maliit na
bulsa. Kinuha ng bata ito at agad na tinungo ang tindahan na nasa kabilang dulo ng daan.

Masayang binabagtas ng bata ang daan patungo sa tindahan. Bumili siya ng pagkaing
nais niya. Nang ito'y magbabayad, hindi tinanggap ng tindera ang bayad ng paslit. Libre na
lamang daw at namuong muli ang mga ngiti sa labi ng bata.

Tinawid muli ng bata ang maingay na kalye. Labis ang kasiyahan at halata ito sa kanyang
mga hakbang. Hanggang sa umalingawngaw ang mga huning nagsisigawan.

Napabalikwas ang mata ng ina sa daang binabaha na ng mga tao. Tinungo na niya ang
daan papunta roon. Nakita niya ang isang batang nakahandusay at mukhang wala ng buhay.
Ayaw niyang maniwala sa kanyang nakita, hanggang sa nakita niya ang singko sa palad ng
batang pantay na ang paa. Doon humagulgol at tumangis na ang ina at naniwalang anak niya ang
nabangga at ngayo'y patay na.
BAKAT NG SIGWA

Amoy ng mga dahong nalagas na ‘di lanta.


Simoy ng hanging dumadampi sa mukha,
kadiliman ng buwan at bituin lamang ang ilaw sa tuwina.
Mga lamok na humuhuni malapit sa tainga.
Naisip ang gabing puno ng pangamba't ingay,
inihahagis mga dingding, yero't kahoy na walang tibay.
Sinisira ang lahat, pinto, puno't mga bahay.
Kabog ng dibdib at nginig sa tuhod ay walang humpay.

Walang ibang naririnig kundi hanging puno ng ngitngit.


Ulang nagpapaapaw sa mga ilog, sapa't mga batis;
punong sandaang taon na'y nagsisibuwal na't nagtitibain.
Ang daluyong na mas nagpapadaga sa isip at dibdib.

Pagdaan ng mga oras, hinahangad sana'y matapos kana;


sa pagsalanta mo sa aming mahal na probinsiya,
Sana'y dulot mo, hindi maging kasingbagsik ni Yolanda,
umalis kang taglamig at tagsibol ang sasapit sa bagong umaga.

Hashtag Walang Forever, Ibagsak ang mga Naniniwala

Sa panahon ng mga bagong silang na bulaklak, uso na ang syota, nobyo, nobya,
girlfriend, boyfriend; uso na rin ang asawa ko, mahal ko, baby ko, bebe ko, babe ko, akin ko,
wifi ko at mayroon na ring forever ko.

Naging hitik sa mga madla ang salitang "forever" noong namayagpag ang mga karakter
nina Xander at Agnes. Sumabay rin ang pagsikat ng La Fresa bilang tourist attraction. Ngunit,
ayon sa "Definite Filipino; The Blog for Online Filipinos," naging sikat ang salitang "forever"
bago pa sumikat sina Xander, Agnes at ang La Fresa. Kilala na ito sa mga akronim na TFF o
True Friends Forever, GFF o Good Friends Forever at BFF na Best Friends Forever. Ngunit,
hindi nagtagal dahil marami ang naging plastik na kaibigan kaya hindi humakot sa takilya ang
mga salitang ito.

Nang sumikat muli ang salitang ito, maraming ng umaalma at tumututol na "walang
forever". Kulang na lamang na magrally sila sa Mendiola at nakahawak ng poster na
"#WALANG FOREVER, IBAGSAK ANG MGA NANINIWALA." Siyempre karamihan sa
mga magmamartsa ay mga sawi, walang pag-ibig, mga kulang sa pansin ng kanilang crush, mga
iniwan ng boyfriend o girlfriend, mga nagamit ng maling akala, mga umiyak at nasaktan, mga
nagmamahal na alam naman nilang walang pag-asa at higit sa lahat mga umaasang may iibig pa
sa kanila. Sila ang tinatawag na BOC o Bitter Organization and Company. Mga BOCkya sa Pag-
ibig.

Sa rami ng mga kumakalaban sa "forever, mayroon rin ang mga nagtatangggol rito. Sila
ang mga may asawa na patuloy na minamahal ang isa't isa, mga may boyfriend at girlfriend na
kahit nag-aaway hindi pa rin inisip ang hiwalayan, mga masaya at komportable sa kanilang mga
minanamahal, mga loyal sa kasintahan, mga stick to one, mga pumasa sa Licensure Exam ng
Pag-big at ang mga 360 degree kung magmahal.

Ayon kay Camile Adolfo na isang manunulat ng Wattpad, ang "forever" ay ang panahon
na kasama niya ang mga taong mahal niya for the rest of her life. Till do you as part. Ibig sabihin
ang forever ay isang uri ng panahon, minsan mainit, minsan malamig. Mainit sa paraan na kahit
maraming kayong problema, palaging nag-aaway at umabot sa punto na "away-bati, away-bati,
away-bati." Ngunit sa kabila ng tagtuyot at katigang ng lupang inyong tinutuntungan nagagawa
pa rin ninyong ayusin ang inyong pagmamahalan. Malamig sa punto na nagyeyelo na ang inyong
mga puso dahil sa pag-ihip ng hanging amihan na mula sa hilagang silangan na sumisira sa
inyong samahan. Nagagawa pa rin ninyong magkabati at makapatawaran upang maibalik muli
ang inyong pinagsamahan. Tandaan na ang sinabi ay "ang mga" hindi "ang lang", ang forever ay
hindi lang pangmagkasintahan kundi pangmaramihan; ang inyong mga magulang, kapatid, mga
kamag-anak at higit sa lahat ang Panginoon.

Sinabi rin ng isang manunulat ng wattpad na si aeunyy ay from the word itself
"habambuhay". Ang forever ay yun yung hanggang mamatay ka andyan siya (so sasamahan ka
niya sa hukay ganoon ba?, joke lang po) o di kaya kahit na nasa kabilang mundo (ahh yun naman
pala, mamahalin kahit nasa kabilang buhay na, loyal, sweet mo!!!!) andyan pa rin siya, ngunit
siya'y nagbabala.

"Bago ka mag-ilusyon ng forever, siguraduhin mo munang handa ka sa lahat; handang


masaktan, handang maloko, handang umiyak kasi sa buhay, mangyayari at mangyayari sa inyo
iyan," payo niya.

Para sa akin na may karelasyon at sa tingin ko'y komportable at masaya na ako sa piling
niya. Maihahanay ko ang sarili ko sa mga taong naniniwala sa "forever", hindi lamang sa
kadahilanang may kasintahan ako kundi dahil naniniwala akong ang "forever" ay nasa puso ng
bawat tao sa mundong ito. Hindi lamang natin ito napapansin o nararamdaman dahil pilit nating
hinahangad ang wala sa atin at kulang sa ating buhay. Para sa akin ibig sabihin ng "forever" ay
"hope o pag-asa" dahil sabi nga ng Panginoon sa Psalm 100: 5, "For the Lord is good and His
love endures forever; His faithfulness continues through all generations." Alam nating lahat na
ang Kanyang pagmamahal at kabutihan ay namumutawi sa ating puso't isipan, at ito ang
nagbibigay "pag-asa" sa ating buhay. Hinding hindi ito mawawala, ito ay magpapatuloy sa bawat
henerasyong darating. Tandaan, tayo ay nabubuhay sa pag-asa. Ito ang tinatawag na "forever."

Kung sawi ka, walang forever agad? Bitter ka, walang forever agad? Wala lang
magkagusto sayo, walang forever agad? Hindi ka lang gusto ng crush mo, walang forever agad?
May mahal lang na iba ang mahal mo, walang forever agad? Higit sa lahat pinaasa ka lang, wala
ng forever (OA mo naman)? Tandaan mo walang kinalaman ang forever sa pagkasawi mo,
pagkabitter mo, pagmamahal ng iba ng mahal mo at ang walang magkagusto sa iyo. Sandyang
hindi mo pa mahanap ang para sa iyo, maaring hindi pa siya ipinanganak (tandaan, may age
doesn't matter), o sadyang nasa paligid na pero hindi mo pa siya napapansin. Umasa ka lang na
darating siya, umasa ka huwag sa tao kundi sa Diyos. Oo, masakit umasa pero ang taong
naghihintay at hindi nawawalan ng pag-asa, sila ang pinagpapala ng Panginoon.

Nasa iyo na ang desisyon kung ako'y iyong paniniwalaan; TOTOONG MAY
FOREVER!! Manalig kalang, darating at darating yan.

You might also like