You are on page 1of 11

Tesktong Desriptibo

ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA


Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na
makikita natin mula sa mukha ng isang tao. Mga mapupulang
labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap
kami at mga matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at
masasayang karanasan na tila nag-uutos sa akingmga labi na
gantihan rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng
nakahahawang ngiting ito ay may kumukubling kalungkutan at
kahirapan na nadarama ang aking ina.

Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan


ng putting pinta ng aming tahanan ay masisilayan na rito ang
aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking
telebisyon napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang
lugar sa loob ng aming bahay kung saan kami ay sama-samang
nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin
sa buong araw. Dito rin naming paulit-ulit na pinakikinggan ang
kwento ng aking ina. Musmos pa lamang ako nang simulang
marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito, simula pa lamang nang
malaman niyang dinadala niya ang panganayna anak nila ni Papa
ay labis na kagalakan na ang kanilang nadama, at labis pa itong
nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga anak ay
ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga mata nito na
tunay ang bawat salitang kaniyang sinasambit. Hindi lamang iyon
kundi marami pang ibang masasayang pangyayari ang
ikinikwento sa amin na hindi ko na lubos matandaan sapagkat
ako’y napakabata pa nang mga panahong iyon.
Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa
sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi ko naramdaman na
nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay sa
kadahilanang sa bawat pag-uwi naming magkakapatid mula sa
aming pribadong paaralan ay sinasalubong kami ng isang
babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama
lang na tangkad, medyo matabang katawan, maikling mga buhok
na nagbibigay hugis sakanyang mukha na nakatayo sa tapat ng
aming trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang mga labi.
Sapagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw
siyang lalapit upang halikan kami isa-isa sa aming mga noo at
matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa aming
tahanan. Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta
sa buong araw na paglilinis ng bahay.

Akala ko maayos anglahat, akala ko walang problema, akala ko


kami na ang pinakaperpektong pamilya, ngunit ang lahat ng ito
ay isang maling akala lang pala. Isang beses nang mapaaga ang
aking pag-uwi, hindi ko inaasahan ang aking madadatnan.
Papalapit pa lang ako ng pinto, narinig ko na ang hagulgol ng
aking ina. Nabalot ng tanong ang aking isipan. Hindi ko alam ang
aking gagawin. Binuksan ko ang kahoy na humahadlang upang
makita ko ang hinagpis na nadarama ng aking ina. Bawat hikbi,
bawat patak ng mga luhang sumisimbolo ng kalungkutan na
dumadaloy sa maputing pisngi nito ay siya rin ang bawat kirot na
nadarama ng aking puso. Halata sa kaniyang mukha ang
pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-dali niyang pinunasan ang
likido sa kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon
na naman ng hugis ang kanyang mga labi. Muli itong ngumiti na
tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit hindi maitatago ng
kanyang bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko
nalaman ang balita na nagpabago ng amingbuhay. Ilang taon na
pala nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang nagdudusa
dahil dito. Ni isang beses hindi pumasok sa aking isipan ang
ganitong pangyayari sa aming buhay dahil sa bawat ngiting
ibinibigay saamin ng aming ina. Labis akong nasasaktan ng mga
oras na iyon kaya’t siya’y aking hinagkan.

Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na


hindi lahat ng ngiti ay saya, hindi lahat ng tawa ay tuwa at hindi
lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, sapagkat may
pagkakataon na puso lamang ang makakadama nito. Simula noon
ay hindi na ako muling nagpalinlang pa sa mga ngiting ipinapakita
ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya pa rin ang
lungkot sa kanyang mga ngiti ngunit bago ako maniwalang muli
ay tinititigan ko muna ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay
kaniya lamang paraan upang patuloy na maging matatag, ang
makita kamingmasaya. Kaya’t para sakaniya, kami ay
magpapakatatag rin.

Isinulat ni:
JOVELYN OBIAS
Tekstong Naratibo
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may


isang uri ng hampas ng alonang nagbibigay ngtakot at pangamba
sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil
sanaglalakihang hampas ng alon nito. SiMaria ay isang anak ng
isang mangingisda na namatay sagitna ng pasipiko dahil sa
hampas ng mga alon, simulanoon ay lagi na siyang pumupunta
sadalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay
kumakanta ay tilatumatahimik angpaligid at nawawala ang mga
hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig
sakanya.Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang
ginintuang tinig ni Maria. Nagalitang Haring Alon sa
kaniyangpagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig
ni Maria.Sakatahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking
hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sahaloskalahating
bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento
angHaring Alon muli ay naghampas siyang napakalaking alon,
nagmadaling tinawag ng isangmatanda si Maria sinabi nitong
kailangan ng buongmamamayan ng buong isla ang
kanyangmakapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring
Alon.Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sahampas ng
malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon
nabumubugbog sa kaniyangkatawan, nang naglaon ay huminto
rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi
namulinghumampas ang alon sa dalampasigan ng isla at
namuhay ang mga tao ng walang takot atpangamba sakanilang
puso.
Tekstong Impormatibo
Sa Facebook
Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon
na kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata
man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala
ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila
magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat
na Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala
sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-
aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang
sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para
lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito
sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng
unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong mundo.
Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang institusyon, sa
mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang
pagsali. Isa itong social networking website na pinapatakbo at pag-aari ng
Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Ditto, maaaring
madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post
tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang
nasa aklat na papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi
nito.
Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-
post ng kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na
mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may
#No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong
barkada na may #friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari
pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng
#Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything,
#walang forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga
ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon.
Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende
kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account
dito. Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay
kung hindi facebook ang unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin
itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.
Tekstong Impormatibo

Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso


Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora
Alonso at Francisco Mercado. Ipinanganak siya noong June 19,
1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika- 30 ng
Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami
siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina. Isa rin siyang
pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019 ang ika-
isangdaan at dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng kanyang
pagkamatay.
Tekstong Naratibo
TEKSTONG NARATIV: Pinaglaro ng kapalaran
MARCH 15, 2017 / JAEANNETABILE
Mahirap palang mabuhay ng walang wala Ka. Ang hirap pala kapag mag-isa ka na lang sa
buhay. Yung wala ka nang matatawag na nanay, tatay, o ate. Yung sarili mo nalang ang
kakapitan mo. Yung isang beses ka nalang kumain sa isang araw. Yung sapilitan nalang ang mga
ngiti mo. Yung ang hirap pala kapag pinag-aaral mo yung sarili mo. Yung twenty- four hours
may ginagawa ka. Ang hirap hirap pala talaga.
Hello! Si Christina Ford nga pala. Siya ay lumaki sa marangyang pamilya. May negosyo ang
kanilang magulang. Sumunod siya sa ate niya. Nagaaral ngayon sa isang publikong paaralan.
Siya ay nagiisa na lamang. Sa pagkakatanda nya noong Febrero 14, 2013, pagkatapos nilang
kumain sa isang resturan. Sa pagdiriwang ng ika- sampong anibersaryo ng kaniyang magulang
bilang kasal. Masaya silang nagkakasiyahan, nagkakatuwaan, nagkukwentuhan at makikita mo
ang ngiti sa kanilang mga labi at ningning sa kanilang mga mata ang namumutawi. Subalit sa
isang pangyayari…
Sa hindi inaasahang pangyayari. Nakabanga ang magulang ni tina, at hanggang doon nalang ang
naalala nya. Si Tina ay nagkaamnisya, tanging ayun lamang ang naala nya. Pag kagising nya ay
wala na ang kaniyang magulang. Nalibing na daw. Kay bilis ng oras at ngayon magisa na lamang
siya. Walang kasama sa buhay. Tila ba ang mundo niya ay parang anino, walang pumapansin,
walang nagmamahal, walang kaibigan. Sa pagkabagsak ng pamilya at pag panaw ng mga ito ay
kasabay ng pagbagsak ng buhay ni Tina. Sobrang galing ng pagkakataon no! Iniwan sya ng
pamilya nya. Iniwan sya ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kay hirap isipin na wala na sila.
Bakit kaya naiwan si Tina. Bakit di nalang nila siya sinama. Ang gulo ng istorya ni Christina
Ford. Bakit siya yung napiling mapaglaruan ng pesteng tadhana nayun. Bakit sya pa ang
ginawang kasangkapan sa buhay na ito. Sa dami-daming tao sa mundo bakit si tina pa. Bakit sya
pa?? Bakit??
Bakit ang mahal ko pa. Bakit ako iniwan ng iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.
Anong gagawin ko. Ano! Ako nga pala ang matalik na kaibigan ni Tina at may lihim na
pagtingin sa kanya, Mark Lee. Ano ang magagawa ko mabalik ko lang sya? Susunod ba ako at
magpapakamatay din o gagawin ko nanaman ang kaytagal ko nang hindi ito ginagamit. Mahirap
kasing makipagusap at gawing totoo ang multo sa paningin ko. Oo, tama ang nasa isip mo, patay
na din si Tina. Namatay siya kasama ang pamilya nya. Namatay din sya noong araw na iyon.
Tatlong taon na siyang patay, Miss na miss ko na ang totoong best friend ko.
Ngunit ang alam niya ay buhay pa sya. Ang alam niya ay nakaligtas sya. Ang alam niya ay
totoong tao siya. Ang alam niya ay may nakakakita sa kanya. Sa kadahilanang, ginawa kong
buhayin ang kaluluwa nya sa mga paningin ko lamang at ako lang ang nakakakita sa kanya.
Subalit sa panahong malaman nya ito, Mamamatay ako at maglalaho ang kanyang kaluluwa.
Hoyyy Mark! Tinig ng isang magandang babae at napangiti ako, si Tina. Nakita nya nanaman
akong tulala at waring may malalim na iniisip. Tulala ka nanaman Mark, ikaw na nga lang ang
taong nagtitiyagang pansinin ako, buti nga di pa kayo ni lahat ng pesteng kapalaran to. Hayy
mark, wika ng minamahal ko. Ang suwerte ko kay Tina, kahit na di nya mabalik ang
pagmamahal na binibigay ko sa kanya ay okay lang Paano na lamang kapag nalaman nya na?
Paano na ako? Haaayyyy.

Kalungkutan sa mga ni Tina ang araw araw na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Ang presensya
na makita ko sya, subalit alam ko namam na nalulungkot at sawa na siya sa buhay na to. Kaya ko
na ba? Kaya ko na bang aminin sa kanya? Kaya ko na bang sabihin sa kanya na wala na sya?
Kaya ko bang mamatay na? Kaya ko bang maging malungkot? Kaya ko na bang sabihin kay
Tina? Wika ni Mark. Mark? Ano yung dapat mong sabihin? Ano yung dapat kong malaman?
Wala yun, wika ni Mark habang lumuluha. Mark? Ano yun sabi eh? Ano yun, kasabay ng luha
na pumatak sa mata ni Tina. Tina? Hindi mo na dapat malaman, tinig ni Mark. Mark, hindi ko
naman gustong malaman kung hindi yung tungkol sakin eh, tinig ng umiiyak na babae. Mark?
Sasabihin mo na o lalayo ako sayo, dagdag pa nito.

Christina, gusto mo talagang malaman? Tina, masasaktan ka lang. Pero mark, karapatan ko,
sambit nya. Tina, patay kana. Tina, kaluluwa ka nalang. Tina, di ka na tao. O ano masakit diba,
masakit ba yung katotohanan? Tina, sorry sa ginawa ko, nang dahil sakin, buhay ka bilang
kaluluwa, di ka nila nakikita, isa kana lang multo. Cristina, sana maiintindihan mo ako. Tina,
mahal kita kayo ko ito nagawa. Christina Ford, sorry, sorry, sorry. Sana mapatawad mo ko. Alam
kong hindi ito sapat, pero Patawad Mahal ko. Mark? Ano to! Anong kalokohan yang bumabalot
sayo. Mahal mo ko, pero ginago mo pagkatao ko. Ang klaseng pag-ibig yan. Nakakaiyak. Siguro
nga mahal mo ako, pero sana inisip mo kung gusto ko ba itong pesteng nangyari sakin, wika ng
parang nagagalit na bata. Mark, ano kaba! Nilinlang mo ako sa kasinungalingan. Mark, I hate
you much, dadag pa niya. Kasabay nito ang pagkalabas ng liwanag…

Maaaarrrkkk, binabalot ka ng liwanag. Wika ni Tina. Ito na yun bes, ito na yung Parusa ko.
Sorry Christina, Mahal na mahal na mahal kita. Patawad. Ayun yung huling katagang binanggit
nya. At sa di ko inaasahan, unti-unti na syang nawawala. Kasabay niyon ang Unti unting kong
pagiging anino.

Katulad ni mark, si tina ay nawala na at linamon na ng liwana


Tekstong Deskriptibo
Ang Ginto sa ating Kapaligiran
May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay
at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at
pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto
saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring
ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay
makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng
hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan.
Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng
iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na
ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain.
Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw,
at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na
walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na
malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang
tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul
na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian
nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay,
at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan
sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng
liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay
saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
“FOG” I Look At Him
The fog comes on little cat feet. It sits
lookingover harbor and cityon silent
I look at him and I see beauty.
haunches and then moves on.
I look at his body and I see desire.
“RISK”
I look at his hands and I see want.
And then the day came, when the risk
to remain tight in a bud was more I look at his face and I see a wish.
painful than the risk it took to I look in his eyes and I see love.
blossom.
All I need is his touch.
A look is all I need to melt my heart.

You might also like