You are on page 1of 16

Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High

School

“EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS SA AKADEMIKONG

PERFORMANS NG PILING MAG-AARAL NG IKALABING-ISANG BAITANG

SA SANCHEZ MIRA SCHOOL OF ARTS AND TRADES”

_______________________________

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa

Kaguruan ng Senior High School

Sanchez Mira School of Arts and Trades

Sanchez Mira, Cagayan

________________________________

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik

_________________________________

Michael Angelo I. Cardenas

Ystig Earl R. Fuertes

Karl M. Perero

Krista Mae P. Tangonan

Jozz Patrick M. Udaundo


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School

Kabanata I

Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Ang edukasyon ay napakahalagang pamana ng ating mga magulang na kailanman

ay hindi mananakaw kahit sinuman, ngunit tila nawalan ng saysay ang katagang ito sa

mga kabataan ngayon dahil sa pagkahumaling sa mga online games gaya ng paglalaro ng

“ Mobile Legends” na siyang pinagtutuunan ng pansin ng mga karamihan. Halos

nakatutok sila sa kanilang mga cellphone na siyang umaaagaw sa atensiyon ng ating mga

kabataan ngayon para sa kanilang pag-aaral. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng

teknolohiya madali silang nakagagamit ng internet at doon natutunan nila ang mga iba’t

ibang uri ng online games gaya ng “Mobile Legends” na kanilang nilalaro kasama ang

iba’t ibang kabataan sa iba’t ibang lugar. Dahil sa online games na ito, hindi lang pag-

aaral ang naapektuhan kundi pati na rin ang pakikihalubilo ng personal sa mga kapwa

kabataan dahil hindi naman nila personal na kilala ang kanilang mga kalaro sa online.

Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at paggamit ng internet ay napakahalaga dahil

nakatutulong din sa mga mag-aaral gaya ng pananaliksik ng kanilang mga aralin at

asignatura kaya naman ang mga magulang ay kailangan gabayan ang mga anak sa
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
paggamit nito upang hindi sila mapariwara sa kanilang pag-aaral dahil sa mga online

games na ito.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mabigyan ng sapat at tamang impormasyon

ang mga kabataan sa epekto ng paglalaro ng online games sa kanilang pag-aaral,

kalusugan at pag-uugali at pati na rin sa mga magulang upang magabayan ng tama ang

kanilang mga anak para hindi mahumaling sa paglalaro ng online games at hindi

mapabayaan ang kanilang pag-aaral at sarili. Nais ding maipaliwanag at maituro dito ang

tamang paraan ng paglalaro ng mga online games kailangan malaman nila na ang

pagmamalabis sa pagkahumaling sa paglalaro ng online games ay may epekto sa kanilang

pag-aaral, kalusugan at pag-uugali.

Ayon kay (Agosto, 2011) ang online games ay isang laro na gumagamit ng iba’t

ibang uri ng computer network dahil ang larong ito ay nakadepende sa internet. Ito din ay

kadalasang ginagamit ng mga estudyante bilang libangan. Ang larong ito ay ang kanilang

kasiyahan at dito nila ginugugol ang kanilang oras kung sila ay walang ginagawa para

sila’y malibang. Minsan ito din ang nagiging bonding ng mga estudyante o

magbabarkada.

Isang sikat na online game na tinatawag na ‘’Mobile Legends’’isang larong bidyo

na nagsimula sa isang modipikasyon para sa larong DOTA. Ang larong ito ay inilunsad

noong July 11, 2016. Ayon sa www.scribd.com ang Mobile Legends o ML sa madaling

salita ‘’online games’’ na kinagigiliwan at kinahuhumalingan ng bawat kabataan, ito ay

napakasikat na kadalasang pinaglalaruan ng maraming kabataan man o matatanda.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Ayon kay (Anderson at Dill,2000) ang paglalaro ng online games ay nagbubunga

ng pagbaba ng kanilang grado dahil sa oras na iginugugol dito at minsan at ang

pagbagsak sa isa o higit pang asignatura. Ang paglalaro ng Mobile Legends ay

nakakaadik dahil sa maganda ang grapika at gusto mong makikompetensiya sa iba’t

ibang manlalaro. Sa sobrang kahibangan sa paglalaro nito napapabayaan mo na ang iyong

mga tungkulin bilang isang mag- aaral. Minsan di ka na din pumapasok o nagcucutting

class kana para lang makalaro at tumaas ang iyong ranggo sa laro. ( https://prezi.com )

Sa makatuwid ang paglalaro ng Mobile Legends ay may mabuti rin na naidudulot

katulad na ng nakakakilala ng mga bagong kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito

mo rin matutunan ang pakikipag-isa sa iyong mga kakampi. Nahahasa mo din ang iyong

isipan at istratehiya sa paglalaro. Dapat nating balansehin ang paglalaro nito para hindi

mapabayaan ang mga tungkulin at gawain bilang isang mag-aaral. Dapat lang natin

gawing libangan kung wala tayong ginawa para di mapabayaan ang pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu- ano ang epekto ng larong mobile legends sa akademikong performans ng

mga mag-aaral na nasa ikalabing- isang baitang?

2. Ano ang mga kadahilanang nag-uudyok sa mga mag-aaral para maglaro ng

mobile legends?
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
3. Anu-ano ang paraan na naisasagawa ng mga mag-aaral upang malimitahan

ang paglalaro?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga epekto ng mga paglalaro ng

Mobile Legends sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang

baitang.

Ang papananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Guro. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay nakatutulong para malaman ang mga epekto

ng paglalaro ng Mobile Legends sa kanilang akademikong performans ng kanilang

estudyante.

Mag-aaral. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral para

maiayos ang kanilang atensiyon sa kanilang pag-aaral.

Magulang. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakatutulong para maimulat sa kanila ang

mga epekto tungkol sa paglalaro ng Mobile Legends at para magabayan ang kanilang

anak sa kanilang pag-aaral.

Sa mga susunod pang-mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakatutulong sa

mga iba pang mananaliksik para mapalawak ang kanilang kaalaman at magsisislbing

batayan sa kanilang pananaliksik na kaugnay dito.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa

akademikong performans ng piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa Sanchez Mira

School of Arts and Trades.

Ang bilang ng aming respondente sa gagawing pakikipanayam ay lumilimita

lamang sa limang (5) mag-aaral dito sa Sanchez Mira School of Arts and Trades sa mga

nahuhumaling na mag-aaral sa paglalaro ng mobile legends sa ikalabing-isang baitang.

Ang kabuuang bilang ng bibigyan ng survey questionaire ay tatlumpu (30). sampu

(10) sa grade 11 Batino, sampu(10) sa grade 11 Dungon, lima (5) sa grade 11 Lamio at

lima (5) sa grade 11 Bitaog.

Ito ay tumutukoy sa mga kadahilanang nag-uudyok sa mga mag-aaral para

maglaro ng Mobile Legends. Ito rin ay tumutukoy sa mga paraan na naisasagawa ng mga

mag-aaral upang malimitahan nila ang paglalaro.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Mobile Legends – isang larong online.

Akademikong performans – ay mga gawain na ibinibigay ng iyong mga guro.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Kabanata ll

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito ay nasusuri ang katotohanan sa Mobile Legends at ang mga

epekto nito sa mga mag-aaral. Naglalayon ito sa mga kadahilanang nag-uudyok sa mga

mag-aaral na maglaro ng Mobile Legends. Sa pag-aaral na ito ay ipapakita rin ang mga

naisasagawa ng mga mag-aaral upang malimitahan ang paglalaro.

Ang Mobile Legends ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid

lamang. Masaya at nakalilibang ang paglalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo n gating

mga alalahanin. Gayunpaman, ito rin ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad

ng adiksyon. Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga

gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang paglalaro ng Mobile Legends ay

nakakaadik at nakakasira sa ating akademikong performans. ( www.academia.edu )

Ayon sa web ng Wikipedia (2019), ng Mobile Legends:Bang Bang ay isang

Multiplayer Online Battle Arena na dinesenyo para sa mga mobile phones. Mayroong

dalawang magkasalungat na pangkat na naglalaban para maabot at was akin ang base ng

kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang base upang kontrolin ang kanilang

daanan, mayroong tatlong landas (lanes) at kilala bilang ‘’top’’,’’middle’’ at ‘’bottom’’,

na kumokunekta sa magkabilang base. Bawat pangkat, mayroong limang manlalaro na

kumokontrol sa isang abatar, kilala bilang hero , sa kanilang mga sariling kagamitan.

Mga mahihinang karakter na kompyuter ang kumokontrol ay tinatawag na ‘’minions’’,


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
naka spawn sa base ng magkabilang grupo at pumupunta sa tatlong lane sa base ng

magkasalungat na grupo, mga kalaban at tore. Marami ang mga mag-aaral na naadik ditto

dahil sa simpleng kalidad ng laro na kung saan pwede kang makapaglaro kahit saang

sulok ng mundo na mayroong data na kadalasang nagging pangunahing ginagamit na

katumbas ng WIFI.

Ayon kay Anderson at Dill (2000) ang paglalaro ng computer games ay

nagbubunga ng pagbaba ng kanilang grado dahil sa oras na iginugugol dito at minsan ay

ang pagbagsak sa isa o higit pang asignatura. ( https://prezi.com )

Ayon kay Caplan ( 2005) ang paggamit ng mga kabataan sa internet ay

nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang pag-aaral pati na rin sa kanilang

kasanayang pangsosyal.

Sa akda ni De Castro (2012) na pinamagatang ‘’ Computer Games’’:

Nakatutulong ba o nakasisira sa pag-aaral?, tinutukoy na ang computer games ay

nagdudulot ng pagkasugapa o adiksyon sa mga bata. Dahil sa sobrang pagkasugapa ng

mga bata sa computer games nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na iyon

at nasasayang lang ang kanilang oras sa paggugol doon imbes na bigyang pansin ang mga

makabuluhang bagay katulad na lang ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba. Ang pag-

aaral na mga mananaliksik ay maihahalintulad sa pag-aaral na ginawa ng awtor sapagkat

magkaiba ang pinatutunguhan nito. ( www.wattpad.com )


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Sa artikulo ni Silin (2004) na pinamagatang ‘’ Online Gaming Addictions’’ itinala

ng awtor dito ang iba’t ibang sintomas ng adiksyon sa online games pati na rin ang

mismong epekto nito sa mga kabataan. (www.scribd.com )

Kima (2012) ang pag-aaral ay pinamagatang ‘’ Online Games Advantages and

Disadvantages ‘’ tinutukoy ditto ang iba’t ibang epekto sa atin ng online games lalo na

kung nakakasama na ito, ngunit may dala ring naming magandang dulot ang gaming sa

atin. Nakakalibang at nakakapagbibigay-saya ang paglalaro ng online games .

Marami ang mga epekto ng larong Mobile Legends sa akademikong performans

ng mag-aaral. Ayon kay Edmund Kam (2011), ang sobrang paglalaro ng Mobile

Legends ay maaring magdulot ng adiksyon at mahirap na itong pigilan.

Ayon sa brainly.ph , ito ang mga epekto :

 Kulang ang tulog dahil inaabot ng hatinggabi o umaga sa paglalaro.

 Hindi nagagawa ang mga nakatalagang assignments, projects o iba pang gawain

sa paaralan.

 Bumabagsak ang kanilang performances sa academics at extra-curricular

activities.

 Nagiging marahas, mainitin ang ulo at mahilig na sa kompetisyon.

 Hindi na nauutusan sa mga gawaing-bahay.

 Nagka-cutting classes na din para lamang maglaro.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
 Nagsusugal na sa laro. May ilan na ang kompetisyon at level ng laro ay nabebenta

o di kaya ay tinatayaan.

Ayon kay Zacarias (2013) mas magandang naidudulot ang paglalaro ng video

games sa mga kabataan. Napapaunlad din ng mga video games ang analitic skills ng mga

kabataan lalo na sa mga larong ginagamitan ng strategy.

Ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa Computer Online Games ay isang uri

ng sobra-sobrang paggamit ng computer sa dahilang maglalaan ng maraming oras sa

paglalaro nito na sigurado naming nakakasagabal sa pang ara-araw na buhay ng mga

mag-aaral (Berkeley Parents Network, ‘’ Game Addiction ‘’ June 2007) Karamihan sa

mga nagiging adik sa computer online games ay mas nagiging interesado sa online world

kaysa sa totoong buhay. Ang mga manlalaro ay naglalaan ng maraming oras sa paglalaro

ng computer games napabayaan na ang kalinisan sa sariling katawan, nababawsan o

nadadagdan ang timbang dahil sa paglalaro,nadadamay ang maayos na pagtulog at

humahantong sa palaging napupuyat, naglalaro maging oras ng trabaho o pagaaral,

iniiwasan ang mga tawag sa telepono ng mga kapamilya at kaibigan dahil ayaw

padistorbo sa paglalaro,at nag sisinungaling tungkol sa oras na paglalaro ( Moral, Bersabe

2002).

Marami ang nagsasabi na ang paglalaro ng online games at pagka-adik ay isang

problema sa kaisipan at ang mga manlalaro na nakitaan ng sintomas o palatandaan ng


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
pagiging adik ay kadalasang humihina ang performans sa paaralan, lipunan, pamilya,

trabaho at iba pang aspeto ng buhay.

Ayon sa Wikipedia may iba’t ibang dahilan ang paglalaro ng online games,

lumalabas din na kadalasang naglalaro ng computer games particular na ang online

games ay mga mag-aaral na ang karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu

hanggang dalawampung (10-20) oras na paglalaro sa isang linggo.( www.academia.com )

Sa panahon ngayon,marami sa mga kabataan ang nahihilig sa paglalaro ng online

games. Kadalasan ang labis na paglalaro nito ay humahantong sa adiksyon na kung saan

hindi na natin nagagawa ang mga importanteng bagay dahil mas inuuna pa natin ang

paglalaro.Samantala karamihan sa mga estudyante ngayon ay nagiging adik sa paglalaro

ng Mobile Legends may iilang estudyante rin pumapasok nga sa paaralan pero ang

pinagtutuunan nga pansin ay ang paglalaro ng Mobile Legends. Hindi na nakikinig ng

maayos sa diskusyon ng guro sa madaling salita hindi na nakakapagaral ng maayos. Alam

nating lahat na umiiral na ang makabagong teknolohiya, marami ng mga online games

ang naiimbento at marami na ring mga kabataan ang naadik dito.

Ayon sa Online Gaming Addiction , narito ang mga paraan na naisasagawa ng

mga mag-aaral upang malimitahan ang paglalaro :

 Maghanap ng ibang mapaglilibangan katulad ng iba’t ibang uri ng sports. Ang

adiksyon sa computer ay maaring maging dahilan ng iba’t ibang problema sa

kalusugan dahil sa kawalan ng ehersisyo.


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
 Mag set lamang ng oras sa paglalaro, sa ganitong paraan ay maari nang ma-

monitor ang oras ng pag-oonline at hindi na ito makakaapekto sa ibang pang mga

gawain.

 Ang pagbibigay ng oras sa iba pang Gawain ay makatutulong upang maiwasan

ang atensyon ng isang tao sa kanyang kinaaadikan.

Sa pananaliksik ni Cover (2004) na pinamagatang ‘’Gaming Addiction:

Discourse , Identity, Time and Play in the Production of the Gamer Addiction Myth’’,

tinutukoy na ang mga taong adik sa online games ay pwedeng maihahalintulad sa taong

nakadroga dahil makikita rito ang kapabayaan ng tao sa sarili. Halos ipinangkain nalang

sa ang perang ipupusta sa laro. Nagkakasakit, pumapayat at nag-iiba ang ugali at itsura

dahil sa pagkasugapa sa online games.

Ayon kay Ferrer (2012) ay nakalilikha ng hindi magandang resulta sa atin katulad

na lamang sa ating kalusugan. Ang labis na paglalaro ng online games ng mga kabataan

ay dahilan ng pag-labo ng kanilang mga mata dahil sa radiation na inilalabas sa monitor

ng kompyuter at isa ito sa pinakamalaking sanhi kung bakit napapabayaan ng mga

estudyante ang kanilang pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Catayco, hinihikayat miya ang mga bata na maglaro ng mga

puzzle, maze , o kaya adventuregames para maiwasan ang maraming patayan, sakitan, at

pagkasira. Ayon sa pag-aaral ay nagsuwestyon na ang online games ay mas nagiging


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
agresibo sa kanilang pag-uugali kaysa sa kanilang nakikita o napapanood sa telebisyon

dahil ang mga bata ay nagiging aktibo sa pagsali sa mga pagkawasak, pero hindi lang sila

tagamasid.

Ayon kay Tibon (2011), sa panahon ngayon maraming tao ang ginugugol ang

kanilang oras sa birtwal na mundo, kung saa sila ay nalulong at sa kasamaang palad ito

ay nagbibigay ng negatibong resulta sa kanila. Karamihan sa mga gumagamit at naglalaro

ng computer games ay ang mga kabataan. Nakakalimutan na nilang gawin ang kanilang

mga gawaing pampaaralan. Mas mahabang oras pa ang kanilang ginugugol sa paglalaro

ng mga computer games kaysa sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay Demonteverde (2011) upang maging mas mabisa ang pagsugpo ng isyu

ng labis na pagkalulong sa computer games : nirerekomenda rin ang pagiging sensitibo sa

emosyonal na pangangailangan ng mga manlalaro na nakukuha nila sa paglalaro ng

computer games . Kailangan paring respeto ng mga magulang at guro ang desisyon ng

mga estudyante sa kanyang paglalaro dahil lumalala ang emosyonal na pangangailanbgan

ng mga ito kung hahadalangan ang kanilang kagustuhan. Tamang paggabay ang

inirerekomenda ng mananaliksik.
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Kabanata lll

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga hakbang na isasagawa sa pananaliksik

na ito. Makikita rin dito ang Disenyo ng Pananaliksik, Respondente at Instrumento ng

Pananaliksik.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa paraang pinagsamang kwalitatibo at

kwantitatibo ayon sa disenyo ng pamamaraang Descriptive Quantitative Research. Ayon

kay Asuncion ang kwalitatibong pananaliksik ay nakatuon sa pagsukat sa mga gawi, asal,

at persepsyon at maaring gamitan ng pakikipanayam at survey upang matamo ang

hinihingi ng pag-aaral. Ang kwantitatibong pananaliksik naman ay tumutukoy sa

sistematiko at empirical na embestigasyon ng iba’t-ibang paksa at penomenong

panlipunan sa pamamagitan ng matematekal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan

na gumagamit ng komputasyon.

Sa pananaliksik na ito ay gagamit ng survey questionnaire upang malaman ang

mga epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa akademikong performans ng mga mag-

aaral at mga kadahilanang nag-uudyok sa mga mag-aaral upang maglaro. Sa paraan

naman na mga naisasagawa upang malimitahan ang paglalaro ay gagamit naman ng

interview o pakikipanayam.
Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
Respondente

Ang mga piling respondente sa pananaliksik na ito ay mga nahuhumaling sa

paglalaro ng Mobile Legends. Isasagawa ito sa Sanchez Mira School of Arts ang Trades

at ang paaralan na ito ay isang Technical-Vocational School.

Ang kabuuang bilang ng respondente na bibigyan ng survey questionnaire ay

tatlumpu (30) , sampu (10) sa grade 11 Batino, sampu (10) sa grade 11 Dungon , lima (5)

sa grade 11 Lamio at lima (5) sa grade 11 Bitaog.

Ang respondent naman sa isasagawa naming pakikipanayam ay lumilimita ng

lima(5). Sila ang napili ng mga mananaliksik dahil sila ang mga nahumaling at madami

ng karanasan sa paglalaro ng Mobile Legends.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng survey

questionaire. Personal na ipapamigay at papasagutan ng mga mananaliksik ang

questionaire sa mga napiling respondente upang malaman ang epekto ng paglalaro ng

Mobile Legends sa akademikong performans ng mga mag-aaral at mga kadahilanang nag-

uudyok sa mga mag-aaral na maglaro.

Gagamitan din ng pakikipanayam o interview ang pananaliksik na ito upang

makalikom ng mga impormasyon upang makumpleto ang pananaliksik na ito.

Ang mga katanungan ay nakatuon sa propayl ng respondente, mga epekto ng

paglalaro ng Mobile Legends sa kanilang akademikong performans, mga kadahilanan na


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
nag-uudyok sa mga mag-aaral para maglaro at mga paaran na maisasagawa ng mga mag-

aaral upang malimitahan ang paglalaro.

Ang mga katanungan ay nakasaad sa Filipino pero habang nakikipanayam, ang

mga katanungan ay isasalin sa Ilocano upang lubos na maintindihan ng respondente.

You might also like